You are on page 1of 15

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Modyul 17: Talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lorna S. Mansanido at Karen S. Caranzo
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikalawang Markahan
Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto
Talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff
Manunulat: Lorna S. Mansanido at Karen S. Caranzo
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul para sa
araling Talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol Talumpati ni


Pangulong Dilma Rousseff

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba‟t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naipapahayag ang sariling kaalaman at opinyon sa isang paksa ng isang


talumpati.
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan sa
tulong ng word association.
3. Nasusuri ang nabasang balita batay sa:
- Paksa
- Paraan ng pagbabalita at iba pa

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

A. Natutukoy ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa talumpati o


editoryal.
B. Nakabubuo ng sariling argumento, balita, batay sa mga kaisipang
nakuha sa nabasang mga artikulo,pahayagan,magasin at iba.pa
C. Nailalapat nang maayos ang gamit ng mga salitang karaniwang
nakikita sa social media. PALITAN

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin ang mga katanungan sa ibaba at bilugan ang letra ng


tamang sagot.

1. Nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil matapos Manalo


sa eleksiyon noong __________, 2010.
A. Enero 1 B. Hulyo 22 C. Agosto 11 D. Nobyembre 22?

2. Sa kanyang pakikipaglaban sa diktaturyal, siya ay nakulong na tumagal ng


tatlong taon noong _________.
A. 1970 B. 1972 C. 1975 D. 1978
3. Pinalitan ni Dilma Rousseff sa pagiging pangulo ng nagwagi siya sa
eleksiyon noong 2010.
A. Benigno „Noyno” Aquino C. Luis “Lula” de Silva
B. Joseph “Erap” Estrada D. Shiela C. Molina
4. Ang pangunahing paksa ng talumpati ni Dilma Rousseff ay ang pagsugpo sa
_______________.
A. kahirapan B. korapsiyon C. krimen D. pagkain
5. Nang mangampanya si Lula bilang pangulo kinuha niya si Rousseff bilang
kanyang ____________.
A. Ambasador B. Konsultant C. Bise Presidente D.Tagapag-ugnay

6
BALIK-ARAL
Magandang araw! Bago mo ipagpatuloy ang aralin sa
talumpati ni Dilma Rousseff magbalik-tanaw muna tayo sa nakaraang
tinalakay sa modyul 16 upang maging malinaw sayo ang mensahe na nais
iparating ng isang nagtatalumpati.

PANUTO: PASA-SALITA - Sa hugis na bilog ipasa ang mga ideya o kaalaman


tungkol sa salitang TALUMPATI.
1

4 2

ARALIN

Basahing mabuti ang talumpati ni Dilma Rousseff sa kanyang


Inagurasyon. Sigurado akong mamamangha ka sa kanyang mga nagawa
sa mahal niyang bayan.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians, Tinitiyak ng aking


pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na
kahirapan, gayundin, ang lumikha ng mga
pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong


panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan.
Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa
sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon
ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga
tayo bilang mamamayan.
7
Hindi ako titigil hangga‟t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag,
may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at
habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng
pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang
pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.

Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat
gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi
ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga
partido, mga nabibilang sa negosyo at mga anggagawa, mga unibersidad, ang ating
kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa
kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang


mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay
lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan


upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na
pagpapaunlad.

Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan


ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang
matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na
nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin
papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang
mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse
ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang
walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang
maunladat pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang
bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy
ng kapital na ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang


sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng
kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay
ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan


ito na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga
serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko
ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng


pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng

8
negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa
pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,


pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng
Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na


pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng
pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga
munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang
pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang
pangmatagalang mga pondong pampribado.

Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng


pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng
rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na


transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating
mga paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na
nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.

PAGTALAKAY

1. Ano ang nais na makamit ni Pangulong Rousseff sa kanyang pamumuno sa


Brazil?
2. Sa iyong sagutang papel ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil batay
sa mga sinabi ni Pangulong Rousseff. Ayon sa kanya paano niya ito
mapabubuti? Sagutin sa tulong ng T-chart.

Ano ang kanilang kalagayang B Paano mapabubuti ang kanilang


panlipunan? kalagayang panlipunan?
R

A
Z

I
L
PAGLINANG NG TALASALITAAN
PANUTO: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng bituin.
(Word association) Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Brazil Pamumuhunan Ekonomiya

9
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Piliin ang letra ng wastong sagot.
1. Ang sipi mula sa talumpati ni Dilma Rousseff ay isinalin sa Filipino ni _________.

A. Alejandrino Q. Perez C. N.K. Sandars


B. Aurelio Tolentino D. Sheila C. Molina
2. Ilang termino nanungkulan si Pangulong Lula?

A. Anim B. Apat C. Dalawa D. Lima

3. Ayon kay Dilma Rousseff hindi sya titigil hanggat walang pagkain sa hapag ang
lahat ng _______________.

A. Amerikano B. Brazillian C. Iranian D. Pilipino

4. Ayon pa sa talumpati ni Dilma Rousseff hinihingi nya ang suporta ng mga


________________.
A. kabataan B. kapartido C. kalaban D. mamamayan
5. Ano ang nais ni Pangulong Dilma Rousseff sa kanyang pamumuno sa Brazil?
A. Maging makatao B. Makaraos C. Umunlad D. Yumaman
PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Isulat ang TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap.
______________1.Tinitiyak ni Dilma na susugpuin at lalabanan ang labis na
kahirapan.
______________2. Hindi titigil si Duterte hanggang walang pagkain sa hapag ang
mga Brazilians.
______________3. Sa pagsugpo ng labis na kahirapan kailangan bigyang prioridad
ang mahabang panahon ng pag-unlad.
______________4. Ayon din sa sipi ng talumpati kailangan din palakasin ang pondo
ng bansa.
______________5. Sa buong kasaysayan ng Brazil pinili nitong itago ang isang estado
na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at
kapakanan ng mamamayan.

10
PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang letrang S kung
ito ay sinabi ni Pangulong Dilma Rousseff sa kanyang talumpati at
letrang H naman kung hindi.
_____________1. “Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang
labis na kahirapan, gayundin ang lumikha ng mga pagkakataon
para sa lahat.”
_____________2. “Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang
kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayan
maunlad na nga tayo bilang mga mamamayan.‟‟
_____________3. “Hindi ako titigil hanggat may Brazilian na walang pagkain sa
kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga
lansangan na nawawalan na ng pag-asa, at habang may
mahihirap na batang tuluyan nang inabandona‟‟.
_____________4. “Matibay ang aking paniniwala sa kasalukuyan na ang inflation ang
nagdudulot ng kaguluhan sa ating ekonomiya at sumisira sa kita
ng ating mga manggagawa‟‟
_____________5. “Hindi natin pahihintulutan ang mga mayayamang bansa na
pinapangalagaan ang sariling interes na siya namang
nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng
kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong
nagaganap‟‟.

PAGLALAHAT

PANUTO: Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang sitwasyon ng Brazil sa mga


suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa ating bansa? Sagutin ang tanong sa
tulong ng Venn Diagram.

Brazil Pilipinas

11
PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong.

Maawaing Pulis, Binigyan ng $100 ang Sinita Niyang


Working-Student Delivery rider

Sa sandaling inakala ng isang working-student delivery rider na puro


kamalasan ang inabot niya nang araw na mahuli siya ng isang pulis dahil sa
maling paraan ng pagpapatakbo ng motorsiklo, nagkamali siya. Dahil sa halip na
tiketan siya ng pulis, binigyan siya ng $100.
Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, ikinuwento ni
Joshua Basa ang pambihirang karanasan niya noong Mayo 16 nang sitahin siya ni
Police Officer 2 Jonjon Nacino sa isang check-point sa España Boulevard, Manila,
dahil sa paglilipat-lipat niya ng linya.
Nang sandaling iyon, hindi niya alam ang pangalan ni Nacino at bumuhos ang
iyak niya sa sama ng loob dahil inakala niyang puro kamalasan ang nangyayari sa
kaniya nang araw na iyon.
"Hindi ko po talaga mabigay ang lisensiya ko kasi nanghihinayang ako sa perang
ipangtutubos ko. Yung araw ko talaga hindi maganda sa mga na-experience ko sa
mga naideliber ko nung araw na yon sa mga kostumer," kuwento niya.
Nang magpaliwanag na siya sa pulis na pinag-aaral niya ang kaniyang sarili, bigla
na raw siyang napaiyak.
At nang hindi siya tiketan ni Nacino, lalo pang naiyak si Basa nang abutan
siya nito ng pera at hindi niya inakalang $100 pala.
Umalis daw si Basa noon nang hindi niya nakuha ang pangalan ng pulis. Nalaman
lang niya ang pangalan ni Nacino nang bumalik siya rito kasama ang GMA News
para magpasalamat muli.
Paliwanag naman ni Nacino, naawa siya kay Basa kaya binigyan niya ito ng
pera."Naawa po ako noong time na 'yun, lalo na sinabi niya na working student
siya. 'Pag meron ka i-share mo. Para kapag ang tao naman ang tinulungan mo,
umasenso rin, makatulong din siya sa ibang kapwa," ayon sa pulis.

Mga Tanong:

1. Ano ang paksa ng balita?__________________________________________________


___________________________________________________________________________
2. Ibigay ang kaisipang nakuha sa binasang balita. ___________________________
___________________________________________________________________________
3. Gaano kahalaga ang salitang PAGTULONG para sayo?______________________
___________________________________________________________________________
4. Mahusay bang nailahad ng nagbabalita ang mensaheng nais matutunan ng
mambabasa? _____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
12
Palagi nating tatandaan na sa anumang pagsubok na dumating
sa ating buhay malalampasan iyan sa pamamagitan ng
pananampalataya sa Diyos at pagtutulungan ng bawat isa. Kaya sa
panahon natin ngayon na dinaranas natin ang krisis sa COVID-19
kung ang bawat isa ay makikipagtulungan at susunod sa ipinag-
uutos ng pamahalaan siguradong malulutas agad natin ang
pandemyang kinakaharap.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Lagyan ng √ tsek kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at X


ekis kung hindi.

________1. Ang talumpati ay mahalaga upang mailahad ang saloobin ng isang tao.

________2. Hindi madali ang kinakaharap na problema ng isang bansa.

________3. Kinakailangan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mamamayan upang


masolusyunan ang problema ng bansa.

________4. Dapat ipagwalang bahala ng pangulo ang mga problemang kinakaharap


ng kanyang bansa.

________5. Nararapat lamang na may mabisang pamamaraan at solusyon ang


gobyerno sa problema ng bansa.

13
14
MODYUL 17
ARALIN 2.7 Sanaysay/Talumpati (Talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff)
PAUNANG PAGSUBOK PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A 1. √
2. A 2. √
3. C 3. √
4. A 4. X
5. B 5. √
PAGSASANAY BLG.1
1. D
2. D
3. B
4. D
5. C
PAGSASANAY BLG.2
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
PAGSASANAY BLG.3
1. S
2. H
3. S
4. S
5. S
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

https://prezi.com
httpS://brainly.ph

https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/sipi-mula-sa-talumpati-ni-
dilma.html
https://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff-inaugurati-
_1_n_803450.html

https://r.search.yahoo.com
Ambat, Vilma C. et al. 2015, Panitikang Pandaigdig 10 Modyul para sa Mag-aaral

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/739098/

15

You might also like

  • FIL8Q3M6
    FIL8Q3M6
    Document15 pages
    FIL8Q3M6
    albert
    No ratings yet
  • Ap 6 - Q1 - M12
    Ap 6 - Q1 - M12
    Document11 pages
    Ap 6 - Q1 - M12
    Cheeny De Guzman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Maria Theresa Adobas
    100% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Modyul 2: Sandigan NG Lahi Ikarangal Natin!
    Modyul 2: Sandigan NG Lahi Ikarangal Natin!
    Document105 pages
    Modyul 2: Sandigan NG Lahi Ikarangal Natin!
    mark
    No ratings yet
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    Document14 pages
    FIL11 Q3 M13-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    My Name Is CARLO
    No ratings yet
  • Ap10 Q4 M1
    Ap10 Q4 M1
    Document14 pages
    Ap10 Q4 M1
    Ryan Vincent Sugay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Lenlen Feliciano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Heograpiya at Sibika
    Heograpiya at Sibika
    Document16 pages
    Heograpiya at Sibika
    Miniaflor Ferrancol
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M14 Pagbasa
    FIL11 Q3 M14 Pagbasa
    Document12 pages
    FIL11 Q3 M14 Pagbasa
    Claries Heyrosa
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    Document12 pages
    FIL11 Q3 M15-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Twin Afable Rivera Miralpes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Ap10 Q3 M9
    Ap10 Q3 M9
    Document17 pages
    Ap10 Q3 M9
    princessfenequito98
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 2
    Filipino: Modyul 2
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 2
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • FIL8
    FIL8
    Document13 pages
    FIL8
    Rhian Kaye
    No ratings yet
  • Ap7 Q3 M11
    Ap7 Q3 M11
    Document10 pages
    Ap7 Q3 M11
    Cherry Ann D. Campanero
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Mayren Vizarra
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M15 Pagbasa
    FIL11 Q3 M15 Pagbasa
    Document12 pages
    FIL11 Q3 M15 Pagbasa
    Claries Heyrosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    ADELAIDA GIPA
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Mary Grace Fahimno
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document20 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Mary Grace Y. Pabiona
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Document13 pages
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • EsP 10-Q3-Module 17
    EsP 10-Q3-Module 17
    Document16 pages
    EsP 10-Q3-Module 17
    Michael Adrias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 1
    Filipino: Modyul 1
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 1
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Kasaysayan NG Pilipinas
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Document17 pages
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Jessie Yutuc
    No ratings yet
  • Ap10 Q3 M1 1
    Ap10 Q3 M1 1
    Document14 pages
    Ap10 Q3 M1 1
    Gwyneth Yungco
    0% (1)
  • Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Document13 pages
    Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas
    Iyce Tayo
    No ratings yet
  • 1 Ba - Talumpati Ni Dilma Rousseff
    1 Ba - Talumpati Ni Dilma Rousseff
    Document7 pages
    1 Ba - Talumpati Ni Dilma Rousseff
    Harris Pintungan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    50% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Related Literature
    Related Literature
    Document6 pages
    Related Literature
    mark
    No ratings yet
  • TALAHANAYAN
    TALAHANAYAN
    Document8 pages
    TALAHANAYAN
    mark
    No ratings yet
  • 2 Earth Exam
    2 Earth Exam
    Document3 pages
    2 Earth Exam
    mark
    No ratings yet
  • Silid Aralan
    Silid Aralan
    Document1 page
    Silid Aralan
    mark
    No ratings yet
  • Editorial
    Editorial
    Document1 page
    Editorial
    mark
    No ratings yet
  • Silid Aralan
    Silid Aralan
    Document1 page
    Silid Aralan
    mark
    No ratings yet