Professional Documents
Culture Documents
Pangkat Etnikong Bikolano
Pangkat Etnikong Bikolano
Paniniwala at Tradisyon
ng Pangkat Etnikong
Bikolano, Rehiyon 5
I. Panimula
Ang pangkat etnikong Bikolano ay isang pangkating etniko na
matatagpuan sa mga probinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon,
Albay, Catanduanes at hilagang bahagi ng Masbate. Ang rehiyon ng Bicol ay
kilala bilang Ibalon na nangangahulugang “sa kabila” o “mga tao sa kabilang
dako”. Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog
ang bulkang mayon na gumising sa milyong-milyong pilipino dahil marami
ang napinsala nito. Naapektuhan ang mga karatig lugar nito. Ang mga
espanyol ang unang nakapunta sa Sorsogon, nakita nila ang mga lumang
simbahan at mga lugar ng seminarista. Ang mga Bicolano din daw na hindi
sangayon sa pagpapatakbo ng mga Espanyol sa bansa a umaakyat ng bundok at
nagtatago hanggang sa sila ay mamatay na lamang. Kila la ang mga Bikolano
sa kanilang malakas na paninindigan sa kanilang mga nais.Ang rehiyon ay
tinatawag din na “Los Camarines” pagkatapos ng kubo matagpuan sa
pamamagitan ng mga Espanyol sa Camalig, Albay. Walang mga sinaunang-
panahon na fossil ng mga hayop ang natuklasan sa Bicol at ang mga labi ng
mga sinaung tao sa rehiyon ay nananatiling nakatago. Malakas naman ang
mungkahi ng mga Aeta mula sa Camarines Sur Ang Aeta mula sa Camarines
Sur hanggang Sorsogon na may mga nanirahan doon matagal na ang nakalipas,
ngunit ang pinakamatagal na katibayan ay sa kalagitnaan hanggang huling
panahon ng Neolitiko. Umiral din dito ang sistemang Barangay noong 1569.
Nakita din sa mga dokumento na walang halong pamumuno ng Islam sa mga
naunang datu. Para malaman natin sino tayo at kailan ba tayo nag simulang
nabuhay sa mundo kasama narin dito ang mga ninuno natin at mga katutubo
natin noon na nag nagsama hanggan ngayon. Kailangan din natin pag aralan
kung saan nagsubol ang ebulosyon ng lingwahe at tekstura ng ating mga
ninuno at paano sila nabuhay nang ganoon karahas na klima ng ating kalikasan.
II. Mga Paniniwala, Tradisyon, Kaugalian at
Kultura ng Pangkat Etnikong Bikolano
Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila dala na rin ito ng impluwensiya ng
mga Kastila. Hanggang ngayon ay malakas parin ang pananampalataya ng mga
tao sa Diyos at ang kahiligan nila sa mga pagkaing maaanghang at may gata.
Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan. Simple lamang ang
pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay
mahilig magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan.
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado
ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang
pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa
mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa
siyam na araw na pagdiriwang. Kilala din ang Peñafrancia Minor Basilica
dahil makikita dito ang imahe ng Birheng Maria na kilala bilang ‘Ina’ ng mga
Bikolano na siyang pinaparada nila kapag Peñafrancia Festival. Makikita din
dito ang ‘stained glass’ na gawa ni Pancho Piano na pinapakita ang ‘Ina’.
Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at
pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak
pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon. Ang wikang
Bikolano ay ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na
matatagpuan sa tangway ng Bikol, at nag sisilbing Lingua Franca o
pangunahing wika ng rehiyon.
May ibat ibang uri sa pag sasalita ang mga Bikolano ayun sa lalawigan o
probinsya nito. Pero kahit na ibat iba ang wikang Bikolano ginagamit nila, ito
parin ang nagsilbing identidad upang sila ay magkaintindihan, magkaisa at
mapanatili ang kaayusan, at kapayapaan ng kanilang lugar. Ang pamumuhay
ng Bikolano ay Ang pagsasaka ay tumutukoy sa gawaing pagtatanim at pag-
aani ng mga halamang kakainin sa pang araw-araw. Sa Bicol, maraming
naninirahan dito ay pagsasaka ang hanapbuhay. Mais, palay at abaka ang mga
pangunahing produkto nila. Ito ay sikat sa kanila dahil sa klima at ang lugar
nila ay likas sa mga matatabang lupa. Ang pangingisda ay naisasagawa sa
pamamagitan ng pamimingwit o pagbibitag. Sa Bicol, Alumaha, Pampano,
Lapu-lapu, Galunggong, Kanduli at Dilis ang kalamitang mahuli ng
mangingisda rito. Napapalibutan ng iba’t ibang anyo ng tubig ang Bicol kaya
maraming mangingisda dito. Ang pangingisda ay mahirap na trabaho sapagkat
kung wala masyadong huli ay nagkakadahilanan na ang iyong kita ay kakaunti
rin. Dahil dito, may mga gumagamit ng hindi magandang paraan upang
makapanghuli lamang para sa kanilang pangaraw-araw na kapakanan. Ang
pagtitinda ng mga gulay at prutas sa mga talipapa ay normal nang gawain ng
mga Bikolano. Isang dahilan nito ay ang pagkakaroon nila ng maraming tanim
sa kapaligiran kahit na sa bakuran lamang nila. Sagana sila sa mga saging,
papaya, sitaw, at kung anu-ano pang mga madaling alagaan na halaman. Para
sila ay magkaroon ng ekstrang kita, dinadala nila ito sa mga talipapa o kahit sa
gilid lamang ng kalsada. Ito ay tinatangkilik ng mga mamamayan dahil
sigurado sila na sariwa ang mga tinitinda at pang-masa ang presyo nito na swak
lang sa badyet nila. Hindi ganoon karangya ang mga tao sa Bicol, kahit ikaw ay
may-kaya, nakasisiguro ako simpleng pamumuhay lang din ang iyong
mararanasan. Pinapakita nito ang pagiging payak at wais ng mga Biikolano
pagdating sa buhay. Ang paghahabi ay tradisyonal nang hanapbuhay sa ating
bansa simula pa lamang noong panahon ng Kastila. Ngunit sa Bicol ay hindi ito
ganoon ka-laganap dahil kailangan ng maraming oras para ikaw ay makatapos
ng isang produkto halimbawa na lamang ng kumot, tuwalya o alpombra kaya
hindi ka kagad makakakuha ng pera. Hindi rin lahat ng tao doon ay sanay sa
pag-disenyo ng mga bagay-bagay, mas sanay sila sa mga mas pisikal na
trabaho katulad ng pagsasaka. Ngunit dahil sagana sa likas na yaman ang Bicol,
madali lamang sakanila na gawin itong hanapbuhay katulad na lamang ng
paghabi ng mga abaka na galing sa puno ng saging.
IV. REKOMENDASYON
Sa panaaliksik na aming nagawa napagtanto namin na ang
pinakamadalas na problema na nagaganap sa lalawigan ng Bikol ay ang
matinding pagbaha at ang di sapat na lawak ng lupain na mayroon sila. Upang
masolusyunan ang problemang aming nakalap mas maigi kung ito ay sabihin sa
mga matataas na awtoridad na may kinalaman sa mga problemang ito dahil
hindi lang sila ang mamroblema nito, kung hindi problema nating lahat bilang
isang Pilipino.
V. SANGGUNIAN
Shaun-Nicole-Dom-Femy-Jj-Yurie. 2016-2022. Mga BIKOLANO: Kabuuang
Pagsusuri. Tumblr website.
Pamagat:
Pananaliksik sa Kultura, Paniniwala at Tradisyon ng Pangkat Etnikong Bikolano,
Rehiyon 5
Mananaliksik:
Garela, Charmane F.
Gato, Joan C.
Puro, Christine Joy P.
Anobling, Dailyn P.
Pia, Richel G.
Kategorya Pamantayan 4 3 2 1
Estilo/Paraan ng Mapanghikayat ang paglalahad ng mga
Pagpapahayag kaisipan at kapana-panabik na nailahad ang
mga pahayag
Mensahe/Kabuuang Impormatibo, makabuluhan sa kurso o
Naibahagi propesyong kinabibilangan, at mailalapat
sa tunay na sitwasyon sa buhay
Bisa ng Paglalahad/ Detalyado at kapani-paniwala ang mga
Pagsusuri patunay, halimbawa at katwiran.
Makabuluhan at kritikal na inilahad ang
mga impormasyon
Bisa ng Sanggunian Marami, iba-iba at mapagkakatiwalaan ang
mga sanggunian (mula sa perentetikal na
sanggunian at bibliograpiya)
Kaugnayan Magkakaugnay ang mga impormasyon
0rganisasyon Malinaw na naipaliwanag ang mga
impormasyon mula sa unang kabanata
hanggang sa katapusan maging sa
pagsasaayos ng mga talata
Paggamit ng angkop Pormal, karaniwan, at madaling
na wika maunawaan ang mga salitang ginamit
upang mailahad nang mabisa ang mga
impormasyon
Baybay, Bantas, Wasto ang pagbabaybay at kapitalisasyon
Kapitalisasyon at angkop na pagbabantas
Porma/Anyo Malinaw ang pagmamakinilya(fonts),
wastong espasyo at indensyon, angkop na
ilustrasyon/ grapikong pantulong, at iba
pang teknikal na format
Gramatika/Sintaks Malinaw at mabisa ang mga pangungusap
at mga talata upang mailahad ang mga
impormasyon
KABUUAN = 40