You are on page 1of 3

!

FILIPINO'4' WORKSHEET'
URI!NG!DIIN!
' '

Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba.


Ang Alamat ng Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya't nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga kawal na
hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon nguni't
wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.

Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi dahil
makasaysayan ito sa buhay niya. "Iyang singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang
mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-asawa." Labis ang lungkot ng
prinsesa.

"Huwag kang lumuha, anak," sabi ng ama. "Hayaan mo't makikita pa rin iyan."
Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di-naglulubay sa pagsisikap na makita ito. Hiningi niya ang tulong ng
langit at di nga nagtagal ay nakita ang hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.
Ibinalik niya ito sa prinsesa at sa laki ng utang-na-loob ng mag-ama naging malapit sa kanila ang binata. Hindi naglaon at
naging magkasintahan si Taalita at Mulawin. Pumayag naman ang ama sa pag-iisang-dibdib nila dahil alam niyang mabait,
matapat at mapag-kakatiwalaan ang lalake.

Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang raha, si Mulawin na ang namahala sa barangay. Madalas na
ang ginagawa nilang pasyalan ay ang lawa. Namamangka ang mag-asawa at natutuwang minamasdan ang mga isda at
ibang nabubuhay sa dagat.
Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni Taalita ang isang di-karaniwang bulaklak na nakalutang sa tubig. "Kay
ganda ng bulaklak na iyon. Kukunin ko," at bago napigilan ng asawa ay nakatalon agad sa tubig. Hinintay ni Mulawin na
lumitaw ang asawa nguni't hindi ito pumapaibabaw.
Dagling tumalon din ang lalake para saklolohan ang
asawa, ngunit pati siya ay nawalang parang bula.

Laking pagluluksa ng buong barangay sa nangyari sa


kanilang mahal na Raha Mulawin at Prinsesa Taalita.
Hindi naglaon, may lumitaw sa, gitna ng lawa, sa
kinalinuran ng magsing-irog, na isang pulo. Iyan ang
Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu para
laging ipagunita ang nawalang mga anak.

Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang


marinig kapag napapalapit sila sa Bulkan ang
masayang awit ng mag-asawang Mulawin at Taalita,
na kahit sa kabilang-buhay ay masaya at
nagmamahalan.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
!
!
FILIPINO'4' WORKSHEET'
URI!NG!DIIN!
' '

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.! Ano ang nahulog na kagamitan ni Prinsesa Taalita?


a.! Suklay
b.! Singsing

c.! Libro
2.! Sino ang nakahanap ng nawawalang gamit ng prinsesa?
a.! Si Datu Balindo

b.! Isang matapang na magsasaka


c.! Si Mulawin
3.! Bakit napakatagal bago nahanap ang nawawalang kagamitan?

a.! Dahil ito ay nalunok ng isda


b.! Dahil ito ay natabunan ng putik

c.! Dahil malalim ang lawa kung saan ito ay nahulog


4.! Bakit tumalon sa tubig si Prinsesa Taalita?
a.! Dahil gusto niyang maligo sa lawa

b.! Dahil gusto niyang pitasin ang isang kakaibang bulaklak


c.! Dahil huhulihin niya ang isdang lumunok sa kanyang singsing
5.! Ano ang naririnig ng mga mangingisda pag napapalapit sila sa Bulkang Taal?

a.! Ang sigawan ni Mulawin at Taalita

b.! Ang pag awit ni Mulawin at Taalita


c.! Ang iyak ni Taalita

6.! Alin sa mga salita sa ibaba ang may maragsang diin?


a.! Prinsesa
b.! Datu

c.! Nalunok
7.! Ang salitang “asawa” ay may diing _________________.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
!
!
FILIPINO'4' WORKSHEET'
URI!NG!DIIN!
' '

a.! Malumay

b.! Malumi
c.! Mabilis

Panuto: Piliin ang tamang salita para sa pangungusap. Ikahon ito.


1.! Narinig ng mga drayber ang (pito , pitó) ng guwardiya.
2.! Si Snow White ay nakakilala ng (pito , pitó) na duwende.

3.! Lagyan mo ng burn ointment ang iyong (pasò, pasó, pasô)


4.! Nagtanim kami ng halamang gumamela sa loob ng malaking (pasò, pasó, pasô).
5.! (Tayo, Tayô) ay dapat na mag ingat sa pag gamit ng tubig.

6.! Ang mga bata ay naka (tayo, tayô) habang umaawit ng Lupang Hinirang.
7.! (Kilala, Kilalá) sa aming bayan ang mag asawang sina Mulawin at Taalita.

8.! Hindi ko pa (kilala, kilalá) ang aking mga bagong kaklase.


9.! Tinulungan ni Joji ang batang (pilay, piláy) na maka akyat sa hagdan.
10.!Hindi makalakad ng maayos si Kevin dahil na (pilay, piláy) ang kaniyang kanang binti kahapon.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
!

You might also like