You are on page 1of 8

First Quarter

I. Layunin:
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay
sa mga pangyayari.

II. Paksang Aralin:


Aralin: Kuwentong-bayan ng Maranao: Ang Munting Ibon
Sanggunian: https/ common deped gov.ph/
Kagamitan: larawan module

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Basahin ang kuwentong-bayan ng mga Maranao para maging gabay sa ating pagbasa

 Ano-ano ang katangian ng mag-asawang ipinakita sa kuwento?


 Banggitin ang mga pangyayari sa kuwento para mapatunayan ang mga ugaling kanilang ipinakita
sa isa’t-isa

B. Paglinang na Gawain:
1. Paglalahad
Gawain 1 Kaugalian at kalagayang panlipunan mula sa binasang kuwentong-bayan ng
Maranao,magtala ng mga kaugalian at tradisyon ng mag-asawang Maranao. Isulat sa patlang
1.
2.
3.
4.
5.

2. Pagtatalakay
Ano ang tinatawag ng kuwentong-bayan –ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa
man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nag-paslin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa
paraang pasalin-dila o pasalita, karananiwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng mga lugar kung
saan ito nagsimula at lumaganap.

Paghihinuha ito ay pagbibigay ng inyong sariling haka-haka at opinion tungkol sa isang bagay o
sitwasyong naganap. Ito’y maaring nagsisimula sa iyong sariling paniniwala at pagkakaunawa sa isang
konteksto ng pangyayari.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
 Ano ang masasabi mo tungkol sa kuwentong-bayan?
 Paano lumaganap ang kaugalian at tradisyon sa lugar?
2. Paglalapat
 May katotohanan ba ang mga naganap sa kuwento?

IV. Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang pagkatapos ng bawat bilang.
1. Ano ang hanap-buhay ng mag-asaw sa binasang kuwentong-bayan?

2. Isa-isahin ang mga panlolokong ginawa ni Lokes sa mama.

3. Kung ikaw si Lokes a Babay, ano ang dapat gawin mong pagtrato sa asawa mo?

B. Paano makatutulong sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa kapwa ang paggalang o respeto at


pagiging tapat? Ilahad ang iyong sagot.

C. Punan ng tamang sagot/salita ang patlang para mabuo ang talata. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot.
Ang 1________________ ay isang maikling salaysay na 2. ________________sa 3. ___________________
sa pamamagitan ng mga 4. _____________________ ito’y kapupulutan na 5.
____________________________

Kuwentong- bayan Nagpalipat-lipat Salinlahi

Bibig Aral

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang kuwentong-bayan. Isulat sa isang malinis na bandpaper.
I. Layunin:
 Nagagamit ng wasto ang mga pahayag sa pagbibigay patunay

II. Paksang Aralin:


Aralin: Ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay
Sanggunian: Pluma 7, textbook, internet
Kagamitan: larawan module

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Basahin ang isang balita tungkol sa mga barangay chairman ng Sultan Kudarat Maranao?

Ano ang dahilan kung bakit hinuli ang mga barangay chairman?

Anong maaaring ikaso sa mga barangay chairman na lumabag?

Umiiral ba ang “ Bayanihan to Heal one Act?

B. Paglinang na Gawain:
1. Paglalahad
Gawain 1 Pagbibigay patunay sa balita mula sa mga patlang bilang isang kabataan. Magtala ng
patunay na wastong mga pahayag.
1.
2.
3.
4.
5.
2. Pagtatalakay
Anong mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay?

Ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.


Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpapatangap-tangap at kapani-
paniwala sa mga tagapakinig.

ELEMENTO NG ISANG PAHAYAG NG PATUNAY

1. Ang mga pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo ang diwa nito at naiintindihan ng mga
mambabasa o tagapakinig.
2. Upang mas maging mabigat ang importansiya nito, makatutulong ang pagdaragdag ng mga
pahayag na may kaangkop na ebidensiya sa iyong sinabi.
3. Mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang matibay na ebidensiyang
sumusuporta nito.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mga patunay sa pagbibigay ng pahayag?

Paano ang pagbibigay patunay sa pahayag?

2. Paglalapat
Makatotohanan na pahayag. Pangatwiranan.

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti

A. Bumuo ng isang baliat ukol sa mga pangyayari sa inyong komunidad sa ginagamitan ng mga pahayag na
nagbibigay patunay.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

B. Dugtungan mo ang pahayag upang mabuo ang kaisipan. Gamitin itong mga pahayag sa pagbibigay ng
mga patunay.
Napatunayan ko ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng mundo ay
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

V. Takdang Aralin
Sumulat ng isang balita galling sa Newspaper na may katotohanan sa ngayong pangyayari. Isulat sa malinis na
bondpaper.
I. Layunin:
 Naipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 Nagagamit ng wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari (sapagkat, dahil, kasi, at iba pa)
II. Paksang Aralin:
Aralin: Sanhi at B nga
Sanggunian: Pluma 7, Panitikan at Wika, internet
Kagamitan: larawan module

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Tingnang mabuti ang larawan at pagsusuriin. Batay sa pagsusuri gumawa ng isang naratibong
obserbasyon batay sa hinihingi.

Bakit nakulong si Pilandok

Dahilan:_____________________________________________________________________________________

Paano naging si Sultan Pilandok


_____________________________________________________________________________________

Bakit nais ng Sultan na sumama kay pilandok?


_____________________________________________________________________________________

B. Paglinang na Gawain:
1. Paglalahad
Gawain 1:Magbigay ng sanhi at bunga gamit ang wastong pang-ugnay sa pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

2. Pagtatalakay
Ano ang tinatawag na sanhi at bunga?
Ang mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga ay halimbawa ng diskursong naglalahad.
Ipinaliliwanag ditto kung ano-ano ang mga dahilan ng isang pangyayari ( sanhi) at kung ano-ano
rin ang naging resulta nito( bunga). Mas madali ang pang-unawa at pagbuo ng mga pangungusap
na nagbibigay ng sanhi at bunga kung angkop ang pang-ugnay na ginagamit dito .
Narito ang mga ilang pang-ugnay na gianagamit sa sanhi at bunga.

1. Sapagkat
2. Dahil sa/kay
3. Kasi
4. Palibhasa
5. Kaya
6. Bungan g
7. Epekto ng
8. Bunsod ng/nito

Mahalagang Tala para sa Sanhi at Bunga


Ang pangungusap na sanghi at bunga ay naglalaman ng sugnay na makapag-iisa at di makapag-
iisa. Ang pagkilala sa sanhi at bunga ay mahalagang sangkap ng komunikasyon para sa malinaw,
lohikal at maging mabisang paglalahad.

Mahalagang Tala para sa paggamit ng pang-ugnay


Sa pag-uugnay ng dalawang sugnay ditto gagamitin ang mga pang-ugnay na kawsatib.
Nakatutulong ng mga pang-ugnay upang mabigyang diin ang mga pahayag.

Paalala: Sanhi –Dahilan


Bunga- Resulta
Pang-ugnay – Pandugtong

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang mahalagang gamit ng sanhi at bunga?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Paglalapat
Magkaroon ng pang-ugnayan sa kapwa? Pangatwiran

IV. Pagtataya
A. Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang sanhi, bilugan at ikahon ang pang-ugnay

1. Ang pagkasira ng mga kabahayan ng mga mamayan sa Samar ay dulot ng malakas na bagyong Ambo.
2. Ang pagkasira ng mga kabahayan ng mga mamayan.
3. Sa katigasan ng kaniyan ulo kaya siya lagging napapagalitan.
4. Ang hindi tamang pagtatapon ng basura sa lalagyanan ang siyang dahilan ng pagdumi ng mga ilog.
5. Epekto ng sobrang init ng panahon ang kanyang skin rashes.

B. Bumuo ng Pangungusap may sanhi at bunga batay sa iba’t-ibang tagpo.


a. Kaganapan sa Buhay
1.
2.
3.
b. Kaganapan sa labas ng bahay kasama ang barkada
1.
2.
3.

c. Kaganapan sa Eskwela
1.
2.
3.

You might also like