You are on page 1of 69

Filipino sa Piling Larang 1

MODYUL SA FILIPINO
SA PILING LARANG

Kagawaran ng Filipinolohiya

Inihanda nina:

G. Robert Boy Umil

G. Luke Garcia

Bb. Irene Joyce Biscocho

Bb. Joey Villademosa


Filipino sa Piling Larang 2

MODYUL SA FILIPINO
SA PILING LARANG

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

DESKRIPSYON NG ASIGNATURA:

Nakatuon ang pag-aaral ng asignaturang Filipino sa Piling Larang sa mga


pamantayang pangnilalaman, at pagganap, sa pag-akda ng iba’t ibang anyo ng
sulating akademiko at teknikal sa antas SHS. Isinasagawa dito ang pagpapaunawa sa
mga kahulugan, kalikasan, at proseso ng pagbuo ng sulatin. Sa gayon, sa
pamamagitan ng pag-akda, lilinangin ang kakayahan at kasanayan ng mga
estudyante ng Grade 12 upang makapagpahayag nang mabisa, mapanuri, at
masinop.
Wikang Filipino ang midyum ng palitan ng mga impormasyon sa pagpapadaloy ng
aralin at pagkatuto. Tinatalakay ng asignatura ang mga sangkap ng sari-sari’t
partikular na anyo ng sulating akademiko at teknikal sang-ayon sa larang at disiplinang
napipisil na piliin ng estudyante pagtawid sa kolehiyo. Iaagapay dito ang paksa batay
sa strand ng bawat seksyon ng mga klase.
Pakay ng FPL ang mga sumusunod: Una, pagpapamilyarisa sa aspekto,
panimulang isasagawang pananaliksik upang kilanlin ang kahulugan at katangian ng
akdemikong sulatin. Sa gayon, maging gabay sa pagdadalumat at paglikha ng iba’t
ibang anyo nito; Pangalawa, maipakita ang mga hakbangin, istilo at teknikal na
pangangailangan sa pag-akda ng talumpati, ayon sa mga modelo o halimbawang
ibibigay at iparirinig; Pangatlo, makapaglahad ng mga halimbwang babasahing
naaayon sa larang na interes ng grupuhan sa klase, mahahanguan ng mga datos na
angkop sa pagsasagawa ng iba’t ibang uri ng pagbubuod; Pang-apat, maipakilala ang
kaibahan ng mga akademiko at di-akademikong sulatin, maibigay ang detalye ng mga
terminong may kinalaman sa paksang susulatin; Panglima, makapagpresenta ng mga
panoorin, babasahin, programang pangradyo, podcast pampaglalakbay upang
makatulong sa pagtiyak ng mga elemento ng paglalahad ng mga ito. Pang-anim,
makabuo ng sulating organisado, malikhain, kapanipaniwala, naaangkop ang gamit ng
wika at may batayang pananaliksik. Dinidiinan din ang pagsasaalang-alang sa etika sa
pagbubuo ng mga akademikong sulatin tungo sa isang portfolio.
Filipino sa Piling Larang 3

Inaasahang kalalabasan:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat;

2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: a) layunin, b) gamit, c)
katangian, at d) anyo;

3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko;

4. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin;

5. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin;

6. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa


pamamagitan ng pinakinggang halimbawa;

7. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng


katitikan ng pulong at sintesis;

8. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa


pamamagitan ng mga binasang halimbawa;

9. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa


piniling sulatin;

10. Natitiyak ang mga elemento ngpaglalahad ng pinanood na episodyo ng isang


programang pampaglalakbay;

11. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin;

12. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng


wika;

13. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan;

14. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.


Filipino sa Piling Larang 4

AWTLAYN NG KURSO:

1. Kalikasan ng Pananaliksik (p. 7)


2. Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik (p. 8)
3. Ang mga Sulating Akademik

I. Abstrak (p. 11)


II. Buod (p. 14)
III. Bio-note (p. 17)
IV. Panukalang Proyeto (p. 19)
V. Talumpati (p. 25)
VI. Katitikan ng Pulong (p. 29)
VII. Posisyong Papel (p. 35)
VIII. Replektibong Sanaysay (p. 41)
IX. Agenda (p. 49)
X. Larawan-sanaysay (p. 51)
XI. Lakbay-sanaysay (p. 55)

MGA SANGGUNIAN:

Kalikasan Ng Pananaliksik/ Tungkulin At Responsibiladad Ng Mannaliksik

Constantino, Pamela C., Galileo Zafra. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik.
Kagawarang ng Edkasyon, Metro Manila. p. 8-24

Mga Sulating Akademik

Kagawaran ng Eduksayon. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng


Guro. Metro Manila.

Abstrak
Amtalao, John A., Jane K. Lartec. (2016). “Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan
ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano”. Filipino sa Piling Larang Akademik.
Kagawaran ng Edukasyon, Pasig City. p. 89.

Constantino, Pamela C., Galileo Zafra. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Kagawarang ng Edkasyon, Metor Manila. p. 80-1.
Filipino sa Piling Larang 5

Tullao, Jr., Tereso S. (2016). “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at


Sari-Sari”, Filipino sa Piling Larang Akademik. Kagawaran ng Edukasyon, Pasig
City. p. 87

Buod

Garcia, Kristine Paula, at Jessie Angelo Lee. “Buod ng SONA 2015”. Filipino sa Piling
Larang Akademik. Kagawaran ng Edukasyon, Pasig City. p. 84-86.

Kagawaran ng Eduksayon. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng


Guro. Metro Manila.

Bionote

Philnews.ph (2019). Bionote ang kahulugan at Halimbawa nito. Mula sa


https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan-at-mga-halimbawa/ July
26, 2020, 10:30 PM

Panukalang Proyekto
Bernales et.al (2017). Filipino sa Akademikong Larangan, Quezon City: Phoebix
Publishing House

Kagawaran ng Edukasyon (2016), Filipino sa Piling larang- Akademik, Pasig City,


Kagawaran ng Edukasyon

Nestor Lontoc et. Al (2017). “Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang”:


(Akademik). Quezon City: Phoebix Publishing House

Talumpati

kupdf.net (2018). Talumpati at mga uri nito. Mula sa


https://kupdf.net/download/talumpati_5b4b2253e2b6f5101507f3bf_pdf July 26,
2020, 7:30 PM

Villanueva et. Al (2016), Filipino sa Piling Larangan. Quezon City, Vibal Group Inc.

www.suzuka.ac.jp (2018) Gabay sa Paggawa ng talumpati Mula sa


https://www.suzuka.ac.jp/wp-content/uploads/2018/06/3048439c872d01f367e0
a31c03ad535f.pdf July 26, 2020, 7:40 PM
Filipino sa Piling Larang 6

Katitikan ng Pulong

Aspuria, P. (2017, September 13). Mga Bahagi ng Katitikan sa Pulong. Retrieved from
Scribd:
https://www.scribd.com/document/358820512/Mga-Bahagi-Ng-Katitikan-Sa-P
ulong

Austero, D. C., Lugtu-Yambao, D. L., Cuario, P. R., Oliveros, P. M., Coronel, P. B.,
Razon, P. M., & Bognot, P. A. (2018). Pagsulat sa Filipino at sa Piling
Larangan. Rajah Publishing House.

Hill, G. N., & Hill, K. T. (2005). Minutes. Retrieved from The Free Dictionary by Farflex:
https://legal-dictionary.thefreedictionary.com/Minutes+of+meeting

Remocaldo, K. T. (n.d.). Katitikan ng Pulong. Retrieved from Academia:


https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong?auto=download

Santos, C. L., Concepcion, G. P., & Laranjo, R. O. (2016, July 10). Gabay sa
Pagmamarka ng Pagsulat. In C. L. Santos, G. P. Concepcion, & R. O. Laranjo,
Filipino sa Piling Larang Akademik: Patnubay ng Guro (pp. 44-45). Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon. Mula sa Scribd:
https://www.scribd.com/document/317899485/FIL-TG-Akad-v4-Final

Posisyong Papel

Austero, D. C., Lugtu-Yambao, D. L., Cuario, P. R., Oliveros, P. M., Coronel, P. B.,
Razon, P. M., & Bognot, P. A. (2018). Pagsulat sa Filipino at sa Piling
Larangan. Rajah Publishing House.

Fleming, G. (2019, July 20). 5 Steps to Writing a Position Paper. Retrieved from
ThoughtCo.:
https://www.thoughtco.com/how-to-write-a-position-paper-1857251

Juan, A. (2019, August 6). Posisyong-Papel. Retrieved from Scribd:


https://www.scribd.com/presentation/420917676/POSISYONG-PAPEL

Mercado, A. J. (n.d.). Pagsulat ng Posisyong Papel. Retrieved from Academia:


https://www.academia.edu/38736859/Pagsulat_ng_Posisyong_Papel?fbclid=I
wAR1o909HJBx5yhkb0Ri9yLmxrRzfkEBR2K6o5pduDLw3O81PqpPx15cSj6k

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. (2014, June 19). Retrieved from
Filipino sa Piling Larang 7

Facebook:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawar
an-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/

Santos, C. L., Concepcion, G. P., & Laranjo, R. O. (2016). Filipino sa Piling Larang
Akademik: Patnubay ng Guro. Pasig: Kagawaran gn Edukasyon.

Replektibong Sanaysay

Garcia, F. A. (2000). Si ACG Alyas 137. In B. Lumbera, J. Barrios, R. B. Tolentino, & R.


O. Villanueva, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing
Pangkolehiyo (pp. 24-30). UP Campus, Diliman, Quezon City: The University
of the Philippines Press.

Laxamana, F. (n.d.). Introduksiyon Replektibong Sanaysay. Retrieved from Academia:


https://www.academia.edu/35660655/INTRODUKSYON_REPLEKTIBONG_S
ANAYSAY

Santos, C. L., Concepcion, G. P., & Laranjo, R. O. (2016). Filipino sa Piling Larang
Akademik: Patnubay ng Guro. Pasig: Kagawaran gn Edukasyon.
Agenda

Agenda Retrieved from https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/agenda


Jennifor L. Aguilar, H. B. (2017). Filipino sa Iba't ibang Larang. Rodriguez Rizal:
Jenher Publishing House.
Pagsulat ng Agenda Retrieved from
https://prezi.com/yl50txuv5w1l/pagsulat-ng-agenda/

Write and Agenda for a Meeting Retrieved from


https://www.wikihow.com/Write-an-Agenda-for-a-Meeting
Larawang-Sanaysay
Jennifor L. Aguilar, H. B. (2017). Filipino sa Iba't ibang Larang. Rodriguez Rizal:
Jenher Publishing House.
Shocking the Killfie 15 Tragic deaths from taking a stupidselfie Retriieved from
https://www.therichest.com/shocking/the-killfie-15-tragic-deaths-from-taking-a-
stupidselfie/
Write pictorial essay Retrieved from https://essay-lib.com/write-pictorial-essay/

Lakbay Sanaysay
Filipino sa Piling Larang 8

Evasco, E. (2017). Ang Mapa ng Taglagas sa Aking Maleta. Likhaan 11 The Journal of
Contemporary Philippine Literature, 212-228
GMA News and Public Affairs, (2013 – 2020) Biyahe ni Drew
Jennifor L. Aguilar, H. B. (2017). Filipino sa Iba't ibang Larang. Rodriguez Rizal:
Jenher Publishing House.

Lakbay Diwa (2015, December 27) Pagsulat ng Lakbay-sanaysay Retrieved from


lakbaydiwapinas
http://www.lakbaydiwapinas.com/blog/bohol-escapade-the-voyage-of-life
Rhyan, C. (2017, 10 21). Negros Occidental : Isang Matamis na Paglalakbay.
Retrieved from acerealsite.wordpress.com

Santos, AC (2018, May 28 ) Pagsulat ng lakbay-sanaysay Retrieved from


galalakbayakad
https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay/
Filipino sa Piling Larang 9

1.

Kalikasan ng Pananaliksik
Pamela Constantino at Galileo Zafra

Introduksyon
Mahalagang matutunan mo ang pananaliksik. Isa itong pangangailangan sa mga iba’t
iba asignatura sa kolehiyo. Isa rin itong paraan para mapagsanayan at mapatunayan
ang iyong tiyaga, sipag at disiplina bilang mag-aaral.Sa asignaturang ito ang mga
batayang kaalaman sa pananaliksik ang iyong matututuhan. Pagdating sa mga
kursong pandisiplina, mas magiging ekstensibo ito at mas ispesipiko kaugnay ng
paksa, datos, at metodolohiya.

Kahulugan ng Pananaliksik
• Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o
pasubalian.

Katangian ng Pananaliksik
• Obhetibo.
• Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos.
• May pamamaraan o angkop na metodolohiya
• Masuri o kritikal
• Dokumentado

Layunin ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o
pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon,
paniniwala, palagay, o pahayag.
6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.

Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino


Sa Pang-Araw-Araw na Gawain
Sa Akademikong Gawain
Sa Kalakal/Bisnes
Filipino sa Piling Larang 10

Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno


Oryentasyong Pilipino sa Pananaliksik

Paano naman naipapakita o napapatunayan ang oryentasyong Pilipino?

Maaari mong makita ito sa pamamagitan ng:

• paksa
• pamamaraan
• interpretasyon/perspektiba/pananaw
• kung sino ang gagawa ng pananaliksik
• para kanino ang pananaliksik
• wika ng pananaliksik

2.

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik


Introduksyon
Tulad ng anumang gawain, ang pananaliksik ay isang malaki at mabigat na
responsibilidad.May mga katangian, pagpapahalaga at konsiderasyong dapat
malaman at mabigyang halaga ng mananaliksik.

Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik

 Matiyaga

 Maparaan

 Sistematiko

 Maingat

 Analitikal

 Kritikal
Matapat
Responsable

Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik


1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o
Filipino sa Piling Larang 11

walang permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na
kung negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong
iniinterbyu.
4. Huwag kang mag-shortcut.
5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa
pananaliksik.

Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik


1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago
sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor.

3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba

Constantino, Pamela C., Galileo Zafra. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik.
Kagawarang ng Edkasyon, Metor Manila. p. 8-24

PANIMULANG PAGSUSULIT

ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


ARALIN 1.1 Ang Kahulugan at Katuturan ng Pagsulat

Deskripsyon: Pagbibigay ng panimulang kaalaman at pag-unawa sa mga


mag-aaral hinggil sa kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng
sulating akademik

ARALIN 1.2: Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat

Deskripsyon: Pag-unawa sa Akademikong Pagsulat bilang pagpapahayag ng


iskolarling kaalaman.

I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa)

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman


sa paraang nakalimbag.
A. Pakikinig C. Pagsasalita
B. Pagbabasa D. Pagsusulat
Filipino sa Piling Larang 12

2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga,


at pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran

3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga


pangyayaring aktwal na naganap.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran

4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong


pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran

5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,


palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar,
o pangyayari.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung
hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
_____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa
notecard
hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.
_____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa
limitasyon
ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
_____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos
na
kwestiyonable.
_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga
pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.
_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa
pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil
sa iba’t ibang mga disiplina.
Filipino sa Piling Larang 13

III. Sagutin ang mga tanong nang hindi lalagpas sa 10 pangugusap. (10 puntos
bawat isa)
1. Bakit isang proseso ang akademikong pagsulat? Patunayan.
2. Ano ang etika sa pagsulat? Magbigay ng ilang katangian.
3. Paano masasabing may oryentasyong Pilipino ang isang pananaliksik?
Talakayin.

3.
Mga Sulating Akademik

Kagawaran ng Eduksayon. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng


Guro. Metro Manila.

I. ABSTRAK

Talakayan

Ang abstrak ay karaniwang nakikita sa unahan ng manuskrito. Maaaring ito ay artikulo,


papel pananaliksik, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings na isinusumite sa isang
kumperensiya at iba pang okasyon ng pagtitipon ng partikular na disiplina. Makukuha
dito ang buod ng kabuuan ng texto. Sapagkat taglay nito ang sapat na impormasyon
kaugnay ang pangkalahatang nilalaman at balangkas, kahit hiwalay sa kabuuan, ay
nakatitindig ito bilang isang uri ng babasahin (Constantino at Zafra, 2016, 80-1).

Sa pamamagitan ng abstrak, nailalahad ang sapin-saping datos na ginamit sa


pananalisksik, mga anyo at uri ng pinagkunan at kalalabasan. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng paksang pangungusap, o kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap
bawat bahagi. Ang mga bahagi ng abstrak ay binubuo ng: 1) pamagat ng pananaliksik;
2) pakasang pangungusap; 3) layunin; 4) metodolohiya; 5) mga datos; 6) resulta ng
pag-aaral; 7) kritikal na diskusyon.

Sinusundan ito ng tatlo hanggang limang salita o parirala ng susing salita. Kung
minsan ay wala gaya ng mga sumusunod na halimbawa:
Filipino sa Piling Larang 14

Constantino, Pamela C., Galileo Zafra. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Kagawarang ng Edkasyon, Metor Manila. p. 80-1.

Halimbawa

Ekonomiks sa Diwang Pilipino:


Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari
Tereso S. Tullao, Jr.

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino


upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak
man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor
tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at
Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri,
paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng ating katauhan,
buhay at lipunan. Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang limang pangunahing
konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang
makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham
panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing
problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Mga Susing Salita: pagpapaunlad ng wika, intelektwalisasyon, konsepto sa


ekonomiks, diwang Pilipino, problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran

Halimbawa mula sa:


Tullao, Jr., Tereso S. (2016). “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at
Sari-Sari”, Filipino sa Piling Larang Akademik. Kagawaran ng Edukasyon, Pasig City.
p.87

Ang Wika ng Sillag Festival


Bilang Daluyan ng Kultura at
Identidad ng mga Ilokano
John A. Amtalao, Jane K. Lartec

Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika, at kultura ang festival na


kinasasangkutan ng nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa
mga paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Siniyasat sa papel na ito ang pagwiwika ng
Filipino sa Piling Larang 15

Sillag festival bilang daluyan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Mula sa mga
dokumentaryong video at larawan; pakikipanayam sa mga tagapamahala, mga
kalahok, at mga manonood ng festival; at aktuwal na panonood ng mga mananaliksik,
sinuri sa pamamagitan ng transkripsiyon at coding ang mga pahayag at larawang
nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Lumabas sa resulta ang
tatlong temang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano – ang wika ng
produkto, wika ng kasuotan/ kagamitan, at wika ng sayaw na umaayon sa malinaw ng
sinag ng buwan. Nagsisilbing lunduyan ng pagkakakilanlan ng isang Ilokano na
maaaring ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain, at
mapagpasalamat na siyang ipinapakahulugan ng mga temang lumabas sa
pagpapakahulugan ng datos. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan
ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang
wika, lahi, at kultura.

Festival is a powerful force that reveals one’s identity which encompasses art,
language, and culture that represents beliefs, practices, and values of a society.This
paper analyzed the language used in Sillag Festival to explore the culture and to
distinguish the identity of the Ilokano people.The data were gathered from
documentations of videos and pictures; in-depth interviews from
administrators/managers, participants, and spectators; and actual observatations of
the researchers.The transcripts and significant statements were analyzed through
coding where three significant themes emerged:the language of products; the
language of dances; and the language of costumes.These varied themes show that
indeed, Ilocanos are unique, creative, and with high sense of gratitude which they can
boast around the world.Truly, festivals are important avenues to reflect the culture and
identity of the people whatever language, creed, and culture the people have.

Halimbawa mula sa:


Amtalao, John A., Jane K. Lartec. (2016). “Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng
Kultura at Identidad ng mga Ilokano”. Filipino sa Piling Larang Akademik. Kagawaran ng
Edukasyon, Pasig City. p. 89.

ARALIN 2.2: Pagsulat ng Buod

Deskripsyon: Pag-alam at pag-unawa sa proseso ng pagbubuod bilang mahalagang


bahagi ng akademikong pagsulat.
Filipino sa Piling Larang 16

Kagawaran ng Eduksayon. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng


Guro. Metro Manila.

II. BUOD
Ang pakikinig, pagbabasa, pagsusulat, panonood, paghihinuha sa mga paksang
itinatakdang talakayin, ay ilan lamang sa anyo ng daynamiks sa loob ng klase. Sa
pagpapadaloy ng mga aralin sa akademya, sa pagitan ng mga estudyante, buong
klase at guro, upang maibahagi ang pangunahing konsepto ay kinakailangan ang
pagpapaikli ng paliwanag. Ngunit gayon din ang pag-uugnay nito sa may kinalaman na
iba pang idea upang makamit ang pagsasakontexto ng ipinapahayag. Sa ganitong
pagsasaklaw, natutukoy ang mga datos na nagpapalakas sa pangunahing ideya at
nagmamarka sa kasinupan ng sulating akademiko, teknikal at pananaliksik.

Bukod sa abstrak, ang iba pang uri ng pagbubuod ay ang mga sumusunod:

1. Hawig - kung sa Ingles, paraphrase. Paraphrasis kung Griyego sa pamamagitan ng


Latin. Ang hawig ay inilalahad sa isang bagong anyo o estilo. Kung ang buod ay
pagpapaikli ng isang buong istorya ng ano mang anyo ng textong sinasangguni, ang
hawig ay paglalahad sa sariling pangungusap tungkol sa isang partikular na dalumat o
impormasyon ng isang artikulo, malikhaing akda, o isang kabanata ng buong libro.

2. Lagom o sinopsis - isang uri ng pagpapaikli ng mga pangunahing punto ng textong


fiksyon sa kadalasan. Halimbawa nito ang makikitang nakasulat sa panlabas ng
pabalat ng isang nobela.

3. Presi - ito ay lumang salitang Pranses, ibig sabihin, pinaikli. Buod ng buod.
Itinuturing na halos pinakatesis ng buong akda. O pinaikling buod ng mga
importanteng punto, pahayag, konsepto, o impormasyon. Mula sa orihinal,
paghahayag ito ng ideya ng texto sa sariling pangungusap ng bumasa; nang may
opsyon na magdagdag ng komentaryo sa pinanggalingang akda.

Kaya bale dalawang uri presi: a) pag-uulit ng ideya sa sariling pangungusap ng


bumasa; b) pag-uulit ng ideya sa sariling pangungusap ng bumasa na may dagdag na
komentong sumusuri sa akda.

4. Sintesis - bahagi ng metodong dialektikal ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay


ng pagbubuo ng katuwiran sa larangan ng pilosopiya. Mula sa pahayag, tinatapatan
ng kontra-pahayag upang makatas ang sintesis. O pagasasanib ng mga konsepto
Filipino sa Piling Larang 17

mula sa pigaan ng unang dalawa. Ang sintesis ay galing sa salitang Griyego,


synthitenal: syn = kasama, magkasama; thitenal = ilagay; sama-samang ilagay.

Halimbawa

Buod ng SONA 2015


Nina Kristine Paula Garcia at Jessie Angelo Lee

Isinagawa ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno
Simeon Aquino III noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa. Sa unang bahagi ng
kanyang talumpati, binalikan ni Aquino ang mga katiwalian ng nakaraang
administrasyon at ang mga suliraning idinulot nito sa bansa. Matapos isa-isahin ang
mga anomalya ng nagdaang administrasyon, tinalakay niya ang mga pagbabagong
binigay ng kanyang gobyerno sa loob ng limang taon. Ibinahagi rin niya ang mga nais
marating sa 2016 bago bumaba sa panunungkulan. Ilan sa mahahalagang paksa ang
ekonomiya at labor force, transportasyon at imprastruktura, edukasyon, at mga batas
na nabuo sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pagtaas ng Ekonomiya at Labor Force


Unang ibinahagi ng Pangulo ang pagtaas ng dibidendo ng mga Government-Owned
and Controlled Corporations (GOCC). Ipinagmalaki rin niya ang pagtaas ng buwis na
nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Umabot ng ₱1.06T ang nakolekta ng
ahensya noong 2012. Ito ang unang beses sa buong kasaysayan ng Pilipinas na
umabot ng isang trilyong piso ang kabuuang buwis na nakolekta sa loob ng isang taon.
Tumaas ito sa ₱1.3T noong 2013 at ₱1.5T noong 2014.

Naitala noong 2014 ang US$6.20B na Foreign Direct Investment (FDI) na siyang
pinakamataas din sa kasaysayan ng bansa. Pumalo sa ₱2.09T naman ang kabuuang
domestic investments sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ibinida rin ang paglago ng manufacturing sector, pagbaba ng bilang ng labor strikes at
unemployment rate, pagbaba ng bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW), at ang
pagdami ng bilang ng mga pamilyang natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4P’s). Sa mga pagbabagong 85 nabanggit, nabansagan ang Pilipinas bilang
“Asia’s Rising Star”, “Asia’s Rising Tiger”, at “Asia’s Bright Spot”, ayon kay Aquino.

Transportasyon at Imprastruktura

Ipinagmalaki ni Aquino ang pag-unlad sa sektor ng aviation, kagaya nang


Filipino sa Piling Larang 18

pagkakaroon ng direct flights papunta sa mga bansang kabilang sa European Union


(EU) at ang pagtanggal ng ban sa buong Civil Aviation ng bansa.

Nagkaroon ang Pangulo ng pagkakataon upang talakayin ang isyu sa MRT. Binatikos
niya ang kompanyang nagpapatakbo sa tren dahil sa kapabayaan nito, ngunit
ipinangako niyang patuloy ang mga hakbang ng gobyerno upang ayusin at i-upgrade
ang rail transit. Ibinida ni Aquino ang mga imprastrukturang naipatayo at patuloy na
ipinatatayo ng kanyang administrasyon, katulad ng Muntinlupa-Cavite Expressway,
Subic-ClarkTarlac Expressway (SCTEX), at Skyway Extension.

Usapin ng Edukasyon
Sa sektor ng edukasyon, ipinagyabang ni Aquino ang pagtugon ng pamahalaan sa
pangangailangan ng mga paaralan. Kabilang na rito ang pagpapatayo ng mga
silid-aralan at pagkuha ng mas maraming guro. Ito ang mga hakbang na isinasagawa
ng administrasyon upang tugunan ang pagdami ng mga mag-aaral na sasailalim sa K
to 12Kurikulum. Sa kasalukuyang taon, mahigit 50% ng kakulangan sa libro, upuan,
silid-aralan at guro ang nasolusyonan. Sa 2016, inaasahang tuluyan nang masasagot
ang backlog sa kagamitang pang-edukasyon.

Papatapos na Pamumuno, Tuloy-Tuloy na Pagbabago


Inilahad ni Aquino na nais niyang maipasa ang Bangsamoro Basic Law bago siya
bumaba sa pwesto. Makatutulong ito upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao.
Dagdag pa rito, nais din niyang ipatupad ang Anti- 86 Dynasty Law upang tuluyan
nang mapuksa ang korupsyon dulot ng mga pamilyang nagtutulungang makakupit sa
kaban ng bayan. Bukod sa mga batas na ito, ipinagmalaki rin niya ang pag-amyenda
sa Cabotage Law upang siguruhin ang patas na kompetisyon ng mga negosyo sa
bansa.

Bilang pagtatapos, binuksan ni Aquino ang usapin ng papalapit na halalan. Inilahad


niyang nararapat lamang na mamili ang mga Pilipino ng lider na magtutuloy ng
matuwid na daan upang masiguro ang kinabukasan ng bawat Pilipino. Aniya, hindi
matutupad ang minimithi nating kinabukasan kung hindi tayo, ang mamamayan at ang
pamahalaan, magtutulungan. Maguumpisa ito sa pagpili ng karapat-dapat na
pinunong gagabay sa ating bansa tungo sa kaunlaran.

“Magtulungan tayo sa pagtahak ng daang matuwid,” ani Aquino.

Halimbawa mula sa:


Filipino sa Piling Larang 19

Garcia, Kristine Paula, at Jessie Angelo Lee. “Buod ng SONA 2015”. Filipino sa Piling Larang
Akademik. Kagawaran ng Edukasyon, Pasig City. p. 84-86.

III. BIONOTE
Layunin:

1. Nalalaman ang kahulugan ng bionote.

2. Natutukoy ang kaibahan nang pagbuo ng isang bionote ayon sa layunin nito.

3. Nakalilikha nang isang mahusay na bionote.

PANIMULANG GAWAIN:

Tukuyin ang Kaibahan ng Bionote mula sa Kurikulum bita, Biodata at talambuhay?

PAGTALAKAY

Kahulugan

Ayon sa philnews.ph ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay


ang pananaw ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin
ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at
ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.

Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at kredibilidad sa


larangang kinabibilangan, ito rin ay isang daan para maipakilala ng manunulat ang
kanyang sarili sa mga nagbabasa.

Ito ay isinusulat sa anyo ng ikatlong panauhan. At mahalagang tandaan na ang bawat


nilalaman nito ay katotohanan at hindi imbento. Mas mabuting isulat din ang mga
impormasyong may kinalaman sa kaganapan paggagamitan ng likhang manuskritko.

Uri ng Bionote
Filipino sa Piling Larang 20

1. Pansarili – tumutukoy mismo sa sarili. Madalas na ginagawa ito kung ikaw ay


sumulat ng isang aklat at hihingan ka nang iyong editor na mga impormasyon
ilalagay para sa bahagi ng may akda.

2. Pang-ibang indibidwal – sa pinakasimple ito ay tungkol sa ibang tao na nais


mong ipakilala sa iba. Ito ay dapat na hinihingi ng patiuna bago maganap ang
isang okasyon. May kalayaan ang ipakikilala na hindi banggitin ang ilang
impormasyon tungkol sa kanya.

Mga mungkahing bahagi sa pagsulat ng bionote

 Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay kabataan


hanggang sa kasalukuyan
 Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
 Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at
adbokasiya

Mga Katangian ng Ayos na Bionote


 Maikli ang nilalaman
 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
 Kinikilala ang mambabasa
 Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi
gaanong pinakamahalaga
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
 Binabanggit ang degree kung kailangan
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
 Kung ito ay gagamitin sa bahagi ng aklat na may akda maaring isulat ito sa
itsurang pabaliktad na tatsulok.

Halimbawa:

Bionote ni Bienvenido Lumbera

Isinulat ni Rommel Rodriguez


Filipino sa Piling Larang 21

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si Bienvenido Lumbera ay


ipinanganak noong Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de
Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana University noong 1967. Naging propesor din
siya sa Osaka University at University of Hawaii sa Manoa, gayundin din sa iba’t ibang
unibersidad sa bansa. Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng
sining at panitikan. Nakapaglimbag na siya ng mga panandang-bato na antolohiya,
nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu, Nasa Puso ang
Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. Pinarangalan siya bilang
Pambansang Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon
Magsaysay Awards para sa Pamamahayag. Sa kabila ng buhay sa sining, hindi
nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan ng kanyang pagiging iskolar, guro at artista
sa lipunan at bayan. Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng mga
organisasyong nagtataguyod ng pambansang demokrasya. Bukod sa pagiging
Professor Emeritus sa UP Diliman, siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerned
Artists of the Philippines at Congress of Teachers/Educators for Nationalism and
Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag ng Alliance of
Concerned Teachers, Philippines na nangangalaga naman sa kagalingan ng mga
guro sa Pilipinas. Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang
kilosprotesta. Patuloy siyang nakikibahagi sa pagsulong ng makatuwirang sahod at
karapatan ng mga manggagawa. Inilapat niya sa kanyang mga akda ang buhay at
himagsik ng mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mga karanasan noong batas
militar ang mga obrang tula at awitin. Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay si Bien na
ang sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan,
habang ito rin ay mabisang paraan upang humukin ang mamamayan na makiisa tungo
sa paglaya ng bayan.

PANGWAKAS NA GAWAIN:

Bumuo ng dalawang uri ng Bionote, Pansarili at Pang-Iba


Filipino sa Piling Larang 22

IV. PANUKALANG PROYEKTO

Layunin:
 Matukoy ang nilalaman ng isang panukalang proyekto na magagamit sa
pamayanang Pilipino.
 Naisa-isa ang mga proyektong maaring gawin sa kanilang lugar na may ganap
na pakinabang sa kanilang komunidad.
 Naisusulat at makapagpapanukalang ng isang proyekto sa kanilang
komunidad.

PANIMULANG GAWAIN:

Umisip ng solusyon sa mga suliraning banggit,

1. Paglaganap ng dengue sa isang komunidad

Solusyon:

2. Kakulangan sa maayos na palikuran sa isang komunidad

Solusyon:

3. Kakulangan sa ligtas na lugar bilang palaruan ng mga bata sa isang


komunidad

Solusyon:

4. Maagang pagbubuntis ng mga menor de edad sa isang lugar

Solusyon:

5. Madalas na pagbaha sa isang komunidad

Solusyon:

PAGTALAKAY:

• Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective,


isang samahang tumutulong sa mga non- governmental organizations (NGO)
sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukalang ay
isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isa
komunidad o samahan.
Filipino sa Piling Larang 23

• Nangangahulugang ito’y KASULATAN NG MUNGKAHING NAGLALAMAN


NG MGA PLANO NG GAWAIN IHAHARAP SA TAO O SAMAHANG
PAG-UUKULAN NITONG SIYANG TATANGGAP AT MAGPAPATIBAY
NITO.

• Ayon naman kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang


detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.

Mga bahagi ng isang Panukalang Proyekto

• Sa unang bahagi, ilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o


motibasyon.

• Sa katawan, ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawain at ang


iminumungkahing badget para sa mga ito.

• Kongklusyon, ilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.

Espisipikong laman ng Panukalang proyekto

• PAMAGAT

-Tiyaking malinaw ang pamagat. Halimbawa, “Panukala para sa TULAAN 2015 sa


Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.”

• PROPONENT NG PROYEKTO

-Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito


ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organinsasyon.

• KATEGORYA NG PROYEKTO

-Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak,


konsiyerto o outreach program?

• PETSA

-Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?

• RASYONAL

-Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung


ano ang mga kahalagahan nito.
Filipino sa Piling Larang 24

• DESKRIPSYON NG PROYEKTO-Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na


layunin o kung ano ang nais matamo ng panukalang proyekto. Nakadetalye rito
ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang
inaasahang haba ng panahon upang makompleto ito.

• BADYET -Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa


pagkompleto ng proyekto.

• PAKINABANG -Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang


maaapektuhan nito sa ahensiya o indibidwal na tumutulong upang maisagawa
ang proyekto.

Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.

• Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa


pangangailangan ng komunidad o organisasyong pag-uukulan ng project
proposal.

• Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.

• Magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok ang tunay na


pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa madaling salita ang
pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa


pamayanan o organisasyon. Maaaring magsimula sa pagsagot ng mga
tanong.

• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap


ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang
proyekto. (mga suliranin)

• Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan upang malutas
ang suliranin.

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlas na barangay ng bayan ng General


Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring
nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.

Halimbawa:
Filipino sa Piling Larang 25

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang


malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan,
at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng
tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa


mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na
kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat,
maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.

Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

• Layunin

Makikita rito ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Isulat ito batay sa mga inaasahang
resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga
resultang ito.

Ayon kina Jeremy miner at lynn miner (2008) ang layunin ay kailangang maging
“SIMPLE”

SPECIFIC- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto

IMMEDIATE- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian matatapos

MEASURABLE- may basehan o patunayan na naisakatutuparan ang nasabing


proyekto

PRACTICAL- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin

LOGICAL- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto

EVALUABLE- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

Halimbawa:
Filipino sa Piling Larang 26

“Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan


ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod
na mga buwan.”

• Plano ng Dapat Gawain

-Pagbuo ng mga tala ng gawain o PLAN OF ACTION na naglalaman ng mga hakbang


na isasagawa upang malutas ang suliranin.

-Ayon dapat ito sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang


mga taong kailangan sa pagsasakatuparan ng mga gawain.

-Ito rin dapat ay makatotohanan o realistic. Kinakailangan ikonsidera rin ang badyet sa
pagsasagawa nito

HALIMBAWA,

 Badget

Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.

Mahalagang pag-aralan nang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin.

Pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay tapat na


paglalatag ng kakailanganing badyet para rito.

Mungkahi mula sa modyul na paghahanda ng isang simpleng Proyekto.

• Gawing simple at malinaw ang badget upang madali itong maunawaan ng


ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aapruba at
magsasagawa nito.
Filipino sa Piling Larang 27

• Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling


sumahin ang mga ito.

• Isama sa iyong budyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay
ng pamahalaan, o maaaring kompanya na magtataguyod ng nasabing
proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa itataguyod
nilang proposal.

• Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.


Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng
intergridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

 Konklusyon

Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila.

Maaaring makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng isang


pamayanan, mga empleyado, o kaya naman ay miyembro ng isang samahan.

Maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa


pagsasakatuparan ng layunin.

Isama na rito ang katapusan at konklusyon ng panukala.

Maaari ring mailahad dito ang mga dahilan kung bakit dapat aprubahan ang
ipinasang panukalang proyekto.

Halimbawa: Paano makikinabang ang brgy. Bacao mula sa proyekto?

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging


kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang
panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay
masosolusyunan. Di na makararanas ang mga residente ng pagkasira ng
Filipino sa Piling Larang 28

kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking


epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng
kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam
nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga ipatatayong mga
pader.

Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales


ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa
tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng
mga mamamayan nito.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamayan ng Barangay


Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon
sa panahon ng tag-ulan.

Mga Tagubilin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

 Magplano nang maagap.


 Gawin ang pagpaplano ng pangkatan.
 Maging realistiko sa gagawing panukala.
 Matuto bilang isang organisasyon.
 Maging makatotohanan at tiyak.
 Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
 Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin.
 Alalahanin ang prioridad ng hihingian ng suportang pinansyal.
 Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto.

Mga Dapat Gawin Bago ang Pagsulat ng Panukalang Proyekto

• Pag-iinterbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo.


• Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
• Pagbabalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto.
• Pag-oorganisa ng mga focus group.
• Pagtingin sa mga datos estatistika.
• Pagkonsulta sa mga eksperto.
Filipino sa Piling Larang 29

• Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.


• Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad

Pagsulat ng panukalang proyekto at mga element nito

I. Titulo
II. Nilalaman
III. Abstrak
IV. Kontektsto
V. Katwiran ng Proyekto
1. Pagpapahayag ng suliranin

2. Prayoridad ng pangangailangan

3. Interbensyon

4. Mag-iimplemetang organisasyon

VI. Layunin
VII. Target na benepisyo
VIII. Implementasyon ng proyekto
1. 1.iskedyul
2. alokasyon
3. badget
4. pagmonitor ng ibalwasyon
5. pangasiwaan at tauhan
6. mga lakip

V. TALUMPATI
Layunin:

1. maitaas ang kakayahan sa pagpapahayag sa harap ng maraming tao

2. matukoy ang mga paraan sa pagbuo ng talumpati nang epektibo

3. makalilikha ng isang mahusay na talumpati.

PANIMULANG GAWAIN:
Filipino sa Piling Larang 30

Gumawa ng 1 minutong bidyo at ipakita ang paraan ng pagsasalita ng isang kilalang


personalidad. Ipasa sa propesor ang natapos na bidyo.

PAGTALAKAY:

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa
isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang masining na
pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalagaat napapanahong paksa
sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

URI NG TALUMPATI AYON SA BALANGKAS

a) May paghahanda – ang talumpating ito ay tinatawag ring

Memoryadong talumpati.

b) Walang paghahanda – ang talumpating ito ay tinatawag ring

impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.

Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang


kunin ang atensyon ng madla.

2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o


patotoo.

3. Paninindigan- Pinatotohanan ng Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng


katawan.

4. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

PARAAN NG PAGTATALUMPATI

1. Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malakas sa harap ng
mga tagapakinig.
Filipino sa Piling Larang 31

2. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

3. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang


sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang.

HAKBANGIN SA PAGGAWA NG TALUMPATI

1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang
kaalaman, karanasan at interes.

2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay


paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na
gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang
dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing
kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.

3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi


panimula, katawan at pangwakas.

4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na


sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

URI NG TALUMPATI

I. Nagbibigay aliw
II. Nagdaragdag kaalaman
III. Nagbibigay sigla
IV. Nanghihikayat
V. Nagbibigay galang
VI. Nagbibigay papuri
VII. Nagbibigay impormasyon

KATANGIAN NG MAGALING NA MANANALUMPATI

1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa sarili

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI


Filipino sa Piling Larang 32

1. Tinig
2. Tindig
3. Pagbigkas
4. Pagtutuunan ng Pansin
5. Pagkumpas
6. Pagprotaktor

Halimbawa:

Dangal at Parangal

Binigkas sa 2009 Gabing Parangal ng Gawad Palanca

Bienvenido Lumbera

Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan

Ito ang maningning na gabi na noong magtatapos ang buwan ng Hunyo ay


tinanaw-tanaw na ng mga manunulat na lumahok sa taunang patimpalak na mula pa
noong dekada 50 ay bukambibig na bilang “Palanca.” Sa gabing ito nagaganap ang
pagkakamit ng mga mapalad na manlilikha ng

medalya, sertipiko at cash, na katibayan na ang kanilang akda ay pinagkaisahan ng


mga hurado na gawaran ng gantimpala bilang akdang namumukod sa hanay ng mga
akdang pawang humihinging itanghal na karapatdapat parangalan.

Ang Gantimpalang Palanca ay isa nang tradisyon sa kasaysayan ng


kontemporaneong panitikan ng Filipinas. Bilang parangal, itinuturing itong katibayang
“may dangal” na ikinakapit sa isang akda ang pasya ng tatlo/limang eksperto na
nagsuri at nasiyahan sa tula/kuwento/dula/nobela na

kanilang binasa. Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha?


Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor
at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo
Filipino sa Piling Larang 33

bilang makabuluhan at makasining. Makabuluhan dahil ang pinapaksa ay suliraning


moral, sosyal at politikal na kinasangkutan ng mga tauhan o persona. Makasining dahil
masinop at kasiya-siyang napalitaw ng mga sangkap ng anyo at ng wika ang
suliraning nakabuod sa akda. Ang pagkapagwagi ng akda ay bunga ng matamang
pagtimbang sa halaga at ganda ng likha ayon sa mga pamantayang umiiral sa
akademya. May mga kritiko at awtor na nagpasubali na sa pamantayang “Palanca”,
ngunit masasabi naman na sa mahabang panahong namili ang kompetisyong Palanca
ng mahuhusay na akda, matagumpay nitong nagampanan ang pagpapalanaganap ng
kamalayang makasining sa hanay ng mga kabataang manunulat. Ang mga antolohiya
ng nagwaging mga akda na inilabas ng Palanca ay tunay na kayamanan ng panitikan,
at hindi kataka-takang ang Parangal Palanca ay patuloy na kinikilala bilang
pamantayang pampanitikan na hindi matatawaran.Tunay na masasandigan ng isang
manlilikha ang kanyang mga nagwaging akda bilang mga likhang nagdulot ng dangal
sa kanyang pangalan. Ang dangal na dulot sa isang manlilikha ng isang parangal ay
iginagawad ng isang panlipunang institusyon. May mga taong gumagalaw sa loob ng
institusyon, at ang tibay ng kanilang pagkilala ay sinusukat ayon sa reputasyon ng
mga nagpasya sa gawad. Sa kagandahang-palad ng mga manunulat, ang
institusyong kumakatawan sa Gantimpalang Palanca ay empresang pangkalakalan na
hindi nakakaramdam ng pangangailangang pakialaman ang resulta ng parangal na
itinataguyod nito. Ito ay magandang kapalaran para sa mga manunulat. Ang
karangalang kanilang tinatanggap mula sa La Tondeña Incorporada ay walang bahid
ng manipulasyong pumapabor sa isa o ilang naghahangad ng “dangal.” Sa ating
kapitalistang lipunan, ang dangal ay kalakal na minimithing makamtan ng mga
mamamayang hangad kilalaning nakaaangat ang katayuan sa lipunan. At ang
parangal ay pagkakataon na nagbubukas ng daan, kaya’t ang taong may ambisyong
matanghal bilang ”may dangal” ay humahanap ng paraan upang magkamit ng
“dangal.” Maaaring iyon ay taong impluwensyal, maaaring serbisyo, at maaari din
namang suhol kung kinakailangan. Nangyayari din ang kabaligtaran. Ginagamit din ng
nagbibigay ng “dangal” ang parangal upang pag-ibayuhin ang kanyang impluwensiya
sa taong pinararangalan, upang magbayad ng utang na loob sa taong subsob sa
paglilingkod sa kanya, at upang suhulan ng “dangal” ang taong gusto niyang maging
tauhan. Ang tinatawag na National Artists Award ay parangal na may mahaba nang
kasaysayang nagsimula pa sa panahon ng Martial Law, sa pangangasiwa ni Imelda
Marcos bilang kasangkapan ng kanyang asawang diktador. Si Imelda ang itinayong
imahen noon ng di-umano’y “nakangiting diktadura,” at ang kanyang pagtataguyod sa
sining at kultura ay sinagisag ng paghirang ng mga itinuring niyang ulirang artista na
Filipino sa Piling Larang 34

pinarangalan bilang ”pambansang artista.” Ang malansang propagandang nagluwal


ng National Artist Award ay kusang kinalimutan ng mga administrasyong namahala sa
bansa matapos ang Pag-aalsang EDSA at ang parangal ay naging iginagalang na
institusyong suportado ng Estado na ngayo’y nagkakaloob ng pabuyang pinansiyal sa
mga artistang itinatanghal bilang Pambansang Alagad ng Sining. Ang Tanggapan ng
Pangulo na ang kapangyarihang nakapalikod sa parangal at sa ilang pagkakataon ay
iginiit na ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan bilang patrong umaayon sa estilo ng
piyudal na panginoong nagbibigay ng pabuya sa mga artistang kabilang sa kanyang
kampon. May pinagkayarian nang proseso ang Cultural Center of the Philippines at
ang National Commission for Culture and the Arts sa pagpili ng mga artistang
pararangalan, pero hindi ito iginalang ni Presidente Ramos nang iproklama niya ang
historyador na si Carlos Quirino bilang National Artist para sa Historical Literature
di-umano. Ganoon din ang ginawa ni Presidente Estrada nang parangalan niya si
Ernani Cuenco bilang National Artist para sa Musika. Sa ilalim ni Presidente Arroyo,
sina Alejandro Roces at Abdulmari Imao ay ipinasok bilang National Artist sa Literatura
at National Artist para sa Sining Biswal. At sa kanyang pasya kamakailan, apat na
pangalan ang balak parangalan: Cecilia Guidote Alvarez, Carlo Caparas, Jose Moreno
at Francisco Manosa. Bukod sa isang lansakang paglabag sa proseso ang
pagpapasok ng pangalan ng apat na hindi nagdaan sa proseso, tinanggal pa ang
pangalan ng kompositor, propesor, mananaliksik at konduktor na si Ramon Santos sa
listahan ng mga lehitimong artista na binuo ng komite ng CCP at NCCA. Nakapopoot
na paghamak ang ganyan sa karangalan ng mga artistang nauna nang itinanghal
bilang National Artist at pagyurak sa prosesong pinagdaanan ng mga lehitimong
Alagad ng Sining. Ang dangal na dulot ng parangal ay hindi laging kanais-nais.
Kailangang malinis ang kamay na nag-aalay nito. At walang manipulasyong ginawa
ang tatangap upang magkamit ng karangalan. Ang burak ng transaksiyong politikal ay
nagpapamura sa dangal na tinatanggap at sa tumatanggap na rin. Kayong tumanggap
ng dangal ngayong gabi, mapalad kayo. Ang parangal sa inyo ay walang bahid ng
pamumulitika, pagkat ang tanging hinihingi nito sa pinararangalan ay magpatuloy na
lumikha ng masining at makabuluhang mga akda sa mga darating pang araw.
Filipino sa Piling Larang 35

PANGWAKAS NA GAWAIN:

Lumikha ng isang talumpati na may paksang “kung paano maliligtas ang Bayan sa
Pandemya”

*maaring paghanguan na rubric para sa iba pang sulatin.

VI. KATITIKAN NG PULONG


Mga layunin:

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Makasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng Katitikan ng Pulong

2. Matukoy ang kahalagahan ng pagsusulat ng Katitikan ng Pulong

3. Makasulat ng organisadong Katitikan ng Pulong

PANIMULANG GAWAIN

PANUTO: Basahin ang halimbawa ng Katitikan ng Pulong sa ibaba. Ilista ang mga
bahaging makikita sa Katitikan ng Pulong.

KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG PARENTS TEACHERS


ASSOCIATION (PTA) NG PAARALAN NG TAL-UT NATIONAL HIGH SCHOOL
Filipino sa Piling Larang 36

,
Ika-19 ng setyembre, 2017
Ika- 3 ng hapon
Sa Covered Court ng Tal-ut National High School

Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id - Kagawad
Kgg. Judith Bacus - Ingat-yaman ng Brgy. ng Valencia, Carcar City
G. Jekell L. Dela Cerna - Punung- guro ng Tal-ut NHS
G. Ruben S. Duterte - Guro
G. Johnrey M. Rafols - Guro
G. Jurren B. Lacson - Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe - Guro
Gng. Angeline D. Amistad - Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra - Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo - Guro
Gng. Jonave A. Manayaga - Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang
hanggang Ika-sampung- Baitang

Di Dumalo
Kgg. Bienvinido Lauronilla - Education Committee ng Brgy. ng Valencia

Panukalang Adyenda
1. Palarong Panlungsod 2017
2. Kabkaban Festival 2017

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Jekell L. Dela Cerna, ang Punung-guro ng
TNHS sa ganap na ika-3:00 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan
ng isang panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City Hymn (audio). Kasunod
ay ang roll-call na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos ay ipinahayag na
mayroong quorum.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong


Filipino sa Piling Larang 37

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldo


ang Kalihim ng Faculty ng TNHS ng katitikan sa nakaraang pagpupulong
noong Hunyo 21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa mga tuntunin sa paaralan
lalo na para sa mga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga
bagong opisyales ng PTA.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L. Dela Cerna
sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng
Barangay para sa kaunlaran ng paaralan.
- Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina Hon.
Bonifacio Yam-id at Hon. Judith Bacus sa magandang maibubunga ng pag
suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t ibang gawain
ng paaralan.
- Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong Panlungsod
2017. Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Tal-ut NHS ay sasali sa
Palarong Panlungsod ngayong Setyembre 28, 2017 hanggang Oktubre 1,
2017. Sa panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng Mr. and Ms.
Palarong Panlungsod na lalahukan nina Jevy Christy Java at James Brian
Banag kapwa mag-aaral sa TNHS. Ang nasabing contest ay hindi madali
sapagkat nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang kasuotan,
make-up, trainor at transportasyon. Nangangailangn ng 6,000 pesos
(package). Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang paaralan ay wala nang
badyet sapagkat ginastos na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang Pangulo
ng PTA na si Gng Marieta Lauron, ay nanguna sa paghingi ng suhestiyon
sa mga magulang sa nasabing problema. Nagkaroon ng iba’t ibang
suhestiyon ang mga magulang at sa huli ay niminunghaki nilang hahatiin
ang pera sa bilang ng mga mag-aaral.
Narito ang resulta
6000 Php (package- costumes, make-up, trainors fee, transpo)
262 bilang ng mag-aaral

= 23.00 bawat bata ang ibabayad

Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.


- Kabkaban Festival 2017- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ruben S.
Filipino sa Piling Larang 38

Duterte sa darating na Kabkaban Festival ngayong Nobyembre 19, 2017


para sa kapistahan ng lungsod ng Carcar. Inanyayahan ang paaralan na
sumali, at maganda sanang lumahok sapagkat mararanasan ng mga
mag-aaral sa unang pagkakataon ang makasali sa nasabing malaking
festival, at malilinang ang kanilang kasanayan sa pagsasayaw. Ngunit
dagdag pa ni G. Duterte na kaakibat ng malaking responsibilida ang
gawaing ito sapagkat nangangailangan ng suporta ng magulang at
barangay lalung-lalo na na kunti lang ang pwersa ng mga guro. Isa pang
suliranin ay ang badyet na gagamitin. Maglalaan ang City Hall ng pera
(150,000 pesos) na ilalaan sa costumes, props, pagkain at iba pa ngunit
maaaring kulangin ang pera at kinakailangan ang tulong ng magulang at
Barangay.
Hiningan ni G. Duterte ng opinion at suhestiyon ang mga magulang kung
sang-ayon ba sila sa pagsali ng paaralan. Maraming magulang ang may
gusto.
Nagpahayag naman si Kgg. Judith Bacus na sana ang lahat ng opisyales
ng barangay ay tumulong at magkaisa kahit na magkaiba ang partidong
sinusuportahan dahil ang barangay ang may malaking papel sa gawaing
ito. Sabi pa niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang
bulsa ay gagawin nila. Dala ng mga bata sa kanilang pagsali ang pangalan
ng Barangay Valencia kaya nararapat na magkaisa sila.
Sinabi ni G. Duterte na hindi pa pinalang pagsali ng paaralan, ngunit sana
ay maging possible.
- Pupunta si G. Dela Cerna at Kgg. Boni Yam-id sa konseho upang sabihin
na lalahok ang paaralan ng Tal-ut sa Kabkaban Festival.
- Magkakaroon din pagpupulong ang barangay ng Valencia kaugnay nito, at
iminungkahi ng Kgg. Bacus na dumalo ang mga magulang para madinig
nila ang plano ng mga opisyales ng Barangay.
- Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay sa Kabkaban
Festival.

IV. Iba Pang Pinag-usapan


-Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2017. Kalahok
nito ay mga PTA Officers, LGU’s, guro at SSG Officers.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong


Filipino sa Piling Larang 39

- Wala pang petsa.

VI. Pagtatapos ng Pulong


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng Hapon.

Inihanda ni:

KAREN THERESE G. REMOCALDO


Kalihim- Teacher I

Nagpatotoo:

MARIETA C. LAURON
PTA President

Inaprubahan ni:

JEKELL L. DELA CERNA


Punung-guro
Ang halimbawa ay kinuha sa:
Remocaldo, K. T. (n.d.). Katitikan ng Pulong. Mula sa Academia:
https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong?auto=download

PAGTALAKAY

Ang Katitikan ng Pulong ay ang tala ng mga pulong na ginagawa at itinatago ng


kalihim ng isang korporasyon o organisasyon (Hill & Hill, 2005). Ang katitikan ng
pulong ay inihhahada nang maayos upang ipabatid sa mga dadalo sa susunod na
miting ang resulta nang napag-usapan sa nakaraang miting (Austero, et al., 2018).

Mahalaga ang pagsulat ng katitikan ng pulong upang mabigyang linaw, lalo na ang
mga hindi nakadalo, sa kung ano ba ang mga paksa, isyu o adyendang pinag-usapan
sa nagdaang pulong. Ito rin ay nagsisilbing gabay upang malinaw na makita kung ano
na ang mga napag-usapan at hindi pa napag-usapan upang maiwasan ang paulit-ulit
na paksa sa mga pulong. Nakatutulong din ito upang makita kung nagkakaroon ba ng
progreso o pag-unlad ang mga paksa o/at gawaing napag-usapan na sa mga
nakaraang miting. Ayon kay Aspuria (2017), narito ang mga bahaging dapat taglayin
ng isang mabuting Katitikan ng Pulong:
Filipino sa Piling Larang 40

1. Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,


samahan,organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang
okasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong

2. Mga kalahok o dumalo – Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa


pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng mga dumalo kasama ang
panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin
dito

3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito makikita


ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabago
isinagawa sa mga ito

4. Action items o usapin napagkasunduan (kasama sa bahaging ito ang mga


hindi pa natapos o nagawang proyekto bahagi ng nag daang pulong)- Dito
makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay inilalagay
rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtatalakay ng isyu at
maging ang desisyong nabuo ukol dito

5. Pagbalita o pagtalastas – hindi ito laging makikita sa katitikan nng pulong


ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad
halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay
maaring ilagay sabahaging ito

6. Iskedyul ng susunod na pulong – itinala sa bahaging ito kung kalian at saan


gaganapin ang susunod na pulong

7. Pagtatapos – Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang


pulong

8. Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha


ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite

Mapapansin na kabilang sa halimbawang naibigay sa itaas bilang panimulang Gawain


ang halos lahat ng bahaging ibinigay ni Aspuria. Mayroon itong Heading, listahan ng
mga kalahok o dumalo, pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
(makikita sa II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong), action items o usaping
napagkasunduan (makikita sa III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda), pagbalita o
pagtalastas (makikita sa IV. Iba pang Pinag-usapan), iskedyul ng susuonod na pulong
(makikita sa V. Iskedyul ng Susunod na Pulong), pagtatapos (makikita sa VI.
Pagtatapos ng Pulong) at lagda na makikita sa pinakaibabang bahagi ng halimbawa.
Filipino sa Piling Larang 41

PANGWAKAS NA GAWAIN

Manood ng isang pagpupulong sa Youtube at sumulat ng isang Katitikan ng Pulong


batay sa nilalaman ng vidyo na napanood. Kung walang akses sa internet, maaaring
sumulat ng katitikan ng pulong batay sa mga nangyaring pagpupulong sa loob ng
klase noong nakaraang semester. Maaaring humingi ng rubriks sa guro upang
malaman ang pamantayan ng grado. Ipasa ito sa inyong propesor.

Sundin ang pormat na:

 Short bond paper  1.5 spacing

 Arial 12  Normal margin

VII. POSISYONG PAPEL


Mga layunin:

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Makasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng Posisyong Papel.

2. Matukoy ang kahalagahan ng pagsulat ng Posisyong Papel

3. Makasulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang Posisyong


Papel

PANIMULANG GAWAIN

Humanap ng iyong kapareha at makipagdiskuyon sa isa pang magkaparehang


kaklase tungkol sa mga paksa sa ibaba. Ipasa sa inyong guro ang inyong naging
diskusyon.

Pumili lamang ng isa:

1. Anti-Terror Bill

2. Mass Testing

3. Academic Freeze

PAGTALAKAY

Ayon kay (Austero, et al., 2018), dinidesenyo ang posisyong papel upang sabihin ang
posisyon ng tao, grupo o organisasyon sa isyu. Maaaring ang isyu ay lokal, nasyonal,
internasyonal. Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ay naglalayong
maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay
Filipino sa Piling Larang 42

napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa


persepsiyon ng mda tao (Juan, 2019).

Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na pumanig sa


pinaniniwalaan ng awtor. Mahalagang makita ng mga mambabasa na
katanggap-tanggap at may katotohanan ang sinasabi ng awtor.

Upang magkaroon ng isang epektibong posisyong papel, ayon kay Mercado (n.d.)
ang mga sumusunod ay ang mga batayang katangian na dapat taglayin ng isang
posisyong papel:

1. Depinadong isyu

 Nakabatay ang iyong papel sa isang mahalaga at napapanahong


isyu na pinag-uusapan at pinagtatalunan ng mga tao.

2. Klarong Posisyon

 Kailangang malinaw na mailahad ang posisyon ng awtor

 Hindi maaari ang posisyong malabo o ang indesisyon

 Madalas, dinedeklara na agad ng awtor ang kanyang posisyon sa


tesis na pahayag sa simula pa lamang ng sanaysay

3. Mapangumbinsing Argumento

 Matalinong Katwiran

 Kailangang malinaw ang pangunahing puntong


sumusuporta sa posisyon

 Solidong Ebidensya

 Maaaring gamitin ang anekdota (mga testimonya ng mga


awtoridad na maalam sa isyu)

 Ang estatistika ay dapat na may malinaw na pinaghanguan


ng impormasyon

 Kontra-Argumento

 Dapat isaalang-alang ang mga salungat na pananaw

 Upang pabulaanan, dapat ipakita ng awtor kung paano


naging mali ang argumento
Filipino sa Piling Larang 43

4. Angkop na Tono

 Maaaring palakabigan, seryoso o matapang ang tono

 Dapat isaalang-alang ang bigat ng isyu, target na mambabasa,


layunin ng manunulat.

Para makasulat ng isang organisadong posisyong papel, narito ang limang hakbang
sa pagsulat ng posisyong papel ayon kay Fleming (2019).

1. Pumili ng paksa

 Pumapaikot ang papel sa personal na paniniwala na


sinusuportahan ng pananaliksik. Kinakailangang manindigan ng
iyong paksa at posisyon kapag ito ay hinamon ng mga
mambabasa, kung kaya mahalagang piliin ang paksa na kayang
mabigyan ng magandang argumento.

2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik

 Mahalaga ang panimulang pananaliksik upang malaman kung may


sapat bang ebidensya na susuporta sa iyong posisyon.

3. Hamunin ang sariling paksa

 Mahalagang alam ng awtor hindi lamang ang kanyang posisyon


kundi pati na rin ang mga sumasalungat sa kanyang posisyon.
Maglaan ng panahon upang alamin ang lahat ng posibleng hamon
sa pagsuporta sa iyong pananaw.

 Kailangang makontra ang salungat na posisyon sa pamamagitan


ng pagbibigay ng ebidensya at kontra-argumento.

4. Ipagpatuloy ang pangangalap ng sumusuportang ebidensya

 Humanap ng balido at totoong sanggunian.

 Maaaring sumangguni sa mga taong may personal na karanasan


tungkol sa paksang napili. Makatutulong ito para maakit ang
emosyon ng mambabasa

5. Gumawa ng Balangkas

Maaring ayusin ang posisyong papel sa ganitong pamamaraan:

a. Pagpapakilala sa paksa
Filipino sa Piling Larang 44

b. Paglalahad ng mga posibleng pagtutol sa iyong paksa

c. Pagkilala at pagsuporta sa ilang salungat na argumento,


siguraduhin lamang na hindi mapasinungalingan ang iyong
pananaw.

d. Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang pinakamabuti sa


kabila ng kalakasan ng mga kontra-argumento.

e. Lagumin ang argumento at muling banggitin ang iyong posisyon.

GAWAIN 1

Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Tukuyin ang mahahalagang
katangian ng isang posisyong papel na makikita sa halimbawa.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN


ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG
FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng
mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa
Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon


(CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order
Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong
nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang
binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na
nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na
pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga
kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at
ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga
Filipino sa Piling Larang 45

unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling


ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw
ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa
PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat
malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED
Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang
Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat
(4) ng memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to find
and locate her/himself in the community and the world, take pride in and
hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the
forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of
appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general
education program increasingly become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang
Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad?
Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong
pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino
ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang
makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa
pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at
karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang
tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking
puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng
humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng
bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na
panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon
sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging
pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang
Filipino sa Piling Larang 46

asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na


binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa.
Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang
disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A,
Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at
University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng


Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika,
pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at
pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang
larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya
bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito
mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines
(ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang
sa internasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito.
Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag
Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang
manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan
kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan
ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at
malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa
kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang
Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at


pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa
kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga
Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may
temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng
Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa
Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga
Filipino sa Piling Larang 47

mamamayang nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang filipino. Maghahain ito ng
mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang
mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang
Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang
malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa
Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong
unibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para
manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito,


umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi
ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang
identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.


Ang teksto ay mula sa Facebook post ni Kirt John Segui:
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng
Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. (2014, June 19). Mula sa Facebook:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawar
an-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/

PANGWAKAS NA GAWAIN

Sumulat ng posisyong papel mula sa mga sumusunod na isyu. Pumili lamang ng isa
sa ibaba. Maaaring humingi ng rubriks sa guro upang malaman ang pamantayan ng
grado.

 Academic Freeze

 Online Class
Filipino sa Piling Larang 48

 Anti-Terror Bill

Sundin ang pormat na:

 Short bond paper  1.5 spacing

 Arial 12  Normal margin

VIII. REPLEKTIBONG SANAYSAY


Mga layunin:

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Makasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng Replektibong


Sanaysay

2. Matukoy ang kahalagahan ng pagsulat ng Replektibong Sanaysay

3. Makasulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang Replektibong


Sanaysay

PANIMULANG GAWAIN

PANUTO: Basahin ang Si ACG Alyas 137 ni Fanny A. Garcia at sagutin ang mga
sumusunod na gabay na tanong:

1. Sino si ACG Alyas 137?

2. Paano tinitignan ng tagapagsalita ang kanyang ama?

3. Ano ang mga naging reyalisasyon ng tagapagsalita?

Si ACG Alyas 137


Fanny A. Garcia

ITO LAMANG ang nalalaman ko sa kanyang buhay bago ko siya naging ama:
nag-iisang anak lamang siya, naulila noong sanggol pa, pinalaki ng isang
kamag-anak, nakaabot lamang ng elementarya, maagang nagtrabaho, at ang
pinakamataas na naabot sa buhay ay ang pagiging "maestro" ng mga karpintero.
Maaga siyang nag-asawa at kung ilang beses na nabiyudo. Isang "maykaya" sa
aming lugar ang kanyang naging pangalawang asawa, at sapagkat mahirap lamang
siya, pinarunggitan siya ng ilang kamag-anak niyon na siya'y naghanap lamang ng
"tuntungan.“ Isang hipag ang nagbintang na pinag-interesan niya ang mga alahas na
pag-aari ng kanyang asawa noong ito'y dalaga pa. Noong mamatay ang asawang
Filipino sa Piling Larang 49

iyon, ibinalik niya sa kanyang hipag ang sinasabing mga alahas. at marahil dahil sa
pagkapahiya, ang mga iyo'y hindi na kinuha pa sa kanya:
Ang iba pang bagay na natuklasan ko sa kanya noong ako'y bata pa:
mahigpit, seryoso, matipid, mahilig magbasa, mahilig sa musika at drama sa radyo,
tahimik, maingat, mabusisi, nagwawalang-imik kung ibig magparamdam ng galit.
Ipinanganak siya noong panahon ng Kastila, at sa naging pagpapalaki niya sa
akin, malinaw kong nakita ang mga bakas ng nakalipas na iyon. Halimbawa,
anumang oras siyang dumating ng bahay, akong anak niya'y kailangang sumalubong
upang mag-"Mano po, 'tay." At ihanda sa kanyang paanan ang kanyang tsinelas.
Ayaw niya ng pangangapitbahay, kailangang pagdilim ay nasa bahay na ako, Ayaw
niya ng malakas na pagsasalita gayundin ang pahagalpak na pagtawa. Papansinin
niya kung hindi maayos ang pagkakaupo, magpapaalam ka kung saan ka man
pupunta, sasabihin mo kung sino-sino ang iyong kasama, etsetera, etsetera.
Siya'y mahigpit maging sa pera. Maliit pa ako'y pinurga na niya ako sa "Huwag
kang gasta nang gasta. Mahirap kitain ang pera."
Kay-aga niya akong tinuruan ng pagtitipid. Ibinili niya ako ng isang malaking
alkansiyang baboy, at natatandaan ko, tuwing siya'y bagong suweldo, siya'y uuwing
may maraming barya, at panonoorin niya ako habang ang mga iyo'y ihuhulog ko nang
paisa-isa.
Napuno ang alkansiyang baboy na iyon, at nang ako'y ipasok ng elementarya,
binutas ang alkansiya. Sabi na rin ng aking tatay: "Ihuhulog natin sa bangko, para sa
pag-aaral mo."
Magkasama kaming nagpunta sa bangko, inilagay niya sa aking pangalan ang
pera, at isinasama rin niya ako tuwing siya'y maghuhulog sa bangko.
Noong nasa Grade III na ako ay gumawa siya ng isang alituntuning kailangan
kong sundin. Sabi niya, "Mula ngayon, ibibigay ko sa iyo ang buong baon mo sa loob
ng isang linggo. Kailangang tipirin mo ang iyong baon dahil tuwing ikatlong buwan,
hihingin ko sa iyo ang iyong naipon, at idadagdag ko iyon sa aking inihuhulog na pera
mo sa bangko."
Kasyang-kasya lamang ang aking baon, at natatandaan kong iyo'y inireklamo
ko sa aking ina. Sa gulang na siyam ay hindi naging madali para sa akin ang
pagsunod sa alituntuning iyon ng aking ama. Sa pagkatakam ng mga mata't tiyan,
may mga linggong Martes pa lamang ay ubos na ang aking pera. Iyo'y mga
"pagkakasalang" nailihim ko sa aking ama, salamat sa "pagsagip" sa akin ng aking
ina.
Pero hindi naman siya mahigpit sa mga bagay na talagang kailangan ng
Filipino sa Piling Larang 50

katawan, halimbawa'y sa pagkain, damit, gamit sa eskuwelahan. Iyon nga lamang,


iyong hindi lalabis sa iyong kailangan.
lyo'y isang leksiyong natutuhan ko sa aking ama sa pamamagitan ng
dalawang pares ng sapatos na nagawa kong ipabili sa kanya nang sabay sa
katwirang "Kung salit-salitan ang gamit, hindi po ba mas tatagal, 'tay?"
Pero maaga kong pinagsawaan ang mga sapatos makaraan ang ilang
paggamit. Noong lapitan ko ang aking ama upang ako'y muling magpabili, pormal na
sinabi niya sa akin. "Kung hindi mo gagamitin, bakit ka pa nagpabili?" At idinugtong
niva. "Mula ngayon, hangga't hiindi mo Slusuot ang mga sapatos na iyan, hindi ka
makakatikim ng bago.
"Noon, bago ang pangyayaring iyon, wala akong ipinabili sa aking ama na
mndi niya ibinigay kung may paggagamitan din lamang. Itinuring ko ang Sinabi niya'y
salitang-ama lamang na pagkalipas ng ilang araw ay malılimutan na niya. At tila
paghamon din sa kanya, nagtiis akong magsuot ng lumang sapatos huwag lamang
ang dalawang pares na iyon na aming pinagtalunan. Nang mapudpod ang luma kong
sapatos, naisip kong mayroon na akong magandang dahilan upang ako'y muling
makaungot ng bago. Pero nang magsabi ako'y "Sinabi ko naman sa iyo ang aking
kondisyon.
Lalo lamang akong nakipagtigasan sa aking ama. Magdaraan ang Pasko, at
muli, naisip kong iyo'y isa na namang magandang pagkakataon (Sino nga bang ama
ang makatitiis sa kanyang anak na iyo'y pagsuutin ng luma kung mayroon naman
siyang pambili ng bago?). Pero ang naging sagot niya: “Alam mo kung ano ang gusto
ko."
Natiyak ko sa sarili na sa labanan naming mag-ama, siya, at hindi ako, ang
talagang mananalo. Sumuko ako. At kapalit niyo'y naging matapat naman sa kanyang
salita ang aking ama. Sa sarili niyang kusa, isang araw ay niyaya niya ako upang
aniya'y "Maibili kita ng mga kailangan mo."
At walang-wala ako sa kanyang kalingkingan kung ihahambing sa kanyang
pagiging maingat at maayos sa mga kasangkapan. Para sa kanya, bawat bagay ay
may kanya-kanyang lalagyan. Hindi kailangang aking ina pa ang mag-ayos ng
kanyang mga gamit. Laging maayos ang kanyang mesang-sulatan, at sa mga kahon
niyon, maayos sa pagkakasalansan ang mga papel (nakabukod yaong malinis doon
sa mga papel na may sulat sa likod at magagamit pa), nasa kanyang tumpak na sulok
ang pluma, lapis at pambura, ang bote ng tinta'y nakasilid sa sarili nitong kahon.
Maganda ang sulat-kamay ng aking ama, at laging Arcadio C. Garcia ang
kanyang pirma (ang C ay kinagisnan ko na sa kanya, at marahil, iyo'y isang pamana
Filipino sa Piling Larang 51

ng kanyang di-nagisnang ina na ayaw niyang mawaglit pa sa kanya). Ang kanyang


mga sando, kamiseta at iba pang damit panloob ay may tatak o burdang 137.1, 137.2,
137.3, at iba pa. Ang 137 ay ang mga numerong katumbas ng kanyang initials, at ang
kasunod na numero'y upang matandaan niya kung alinman iyong huli niyang isinuot.
Katwiran niya, kung pulos puti nga naman ang iyong damit, paano mo matatandaan
kung alin ang iyong huling ginamit?
May numero o initials at petsa ang bawat bagay na bilhin o gawin niya. Iyo'y
isang ugaling namana ko sa aking ama, at kung bagama't noo'y hindi ko
maipaliwanag kung bakit ginagawa niya iyon, ngayo'y tila mga taong nagsilaki't
tumanda ang mga bagay-bagay na noo'y kanyang minarkahan: ang aming mga
silyang inukitan niya ng 1951 sa ilalim, ang aming mga aparador na mas matanda pa
pala sa akin, ang gilid ng pasamanong inukitan niya noong araw na matapos ang
aming bahay, na siya mismo ang nangasiwa sa pagpapagawa, at kung ano-ano pa.
Mahilig din siya sa pakikinig sa mga banda ng musiko at mga rondalya, at
iyo'y hindi nangangahulugan ng pakikinig lamang sa radyo. Noong araw, may dalawa
o tatlong banda ng musiko sa aming lugar, at sa mga gabi ng kanilang pagsasanay,
nakikinig kaming tatlo ng aking ama't ina. Yaon ang mga gabing kami'y maagang
naghahapunan dahil sabi ng tatay,
"Pupunta tayo sa akademya." Kadalasang sa mga gabing iyon ng pagsasanay ay
may inaanyayahang isang babaing manganganta, at kaylakas pumalakpak ng aking
ama kapag ang inawit ay "Mutya ng Pasig" o "Ang Maya.
May paboritong banda ng musiko ang aking ama, at kung halimbawang iyo'y
maanyayahan sa ibang lugar (halimbawa'y kung pista), kung makakasama din
lamang siya at pati na kami ng aking ina, ay tiyak na kasunod siya ng kanyang banda.
Ang una kong pagkapunta sa isang bayan sa Laguna ay noong makinig kami ng
"serenata" (iyo'y tugtugan ng kung ilang bandang inanyayahan sa isang lugar na
karaniwa'y may pista).
Sa radyo, masugid siyang tagasubaybay ng programa ng Philippine Air Force
Band, Philippine Constabulary Band, at ng ganito pang katulad na programa,
gayundin ng classical music (nang maging tin-edyer na ako'y nakakagalitan niya ako
sa labis kong pagkahilig sa Beatles).
Bukod sa mga programang iyon, marahil, ipagtatawa ng ibá ang pagkahilig ng
aking ama sa pakikinig ng mga drama sa radyo, na hindi karaniwang ginagawa ng
mga lalaki.
Isang pamangkin kong lalaki ang nagaya sa aking ama sa ugali niyang no.
Isang umaga raw, tinawag ng aking kapatid-sa-ama (isang lalaki) ang pamangkin
Filipino sa Piling Larang 52

kong ito upang pabilhin ng kung ano sa tindahan, pero hindi mapuknat-puknat sa
pakikinig ng drama sa radyo ang aking pamangkin. Sa Inis ng aking kapatid ay
pinagalitan ang aking pamangkin: "Bakit ba kayhilig mong makinig ng drama sa
radyo? Bakit, babae ka ba?" Hindi nakasagot ang aking kapatid nang sabihin ng aking
pamangkin: "Bakit, babae ba ho ang lolo?"
Hindi lamang mga drama sa radyo ang kanyang sinusubaybayan. Sa Pilipino
ang aming diyaryo't magasin (hindi marunong ng Ingles ang aking ama't ina), at isa na
rito ang Liwayway. Binabasa niya ang mga maikling kuwento't dugtungang nobela ng
mga babasahing iyon, at nasa elementarya pa ako'y naririnig ko na sa kanya ang
pangalang Lazaro Francisco, na siyang paborito niyang manunulat. Isang malinaw na
pagpapatibay ng paghanga niya kay Lazaro Francisco ay ang tinipon niyang
dalawang dugtungang nobela niyon na lumabas sa Liwayway, ang Maganda Pa ang
Daigdig, at isa pang nobela na ngayo'y hindi ko na maalala pa ang pamagat. Iyon ang
mga nobelang makikita kong paulit-ulit na babasahin ng aking ama, na pagkatapos ay
kanyang maingat na itatago pa sa kanyang aparador, upang kalauna'y muli na
namang ilabas at muling basahin.
Nasa elementarya pa ako nang ipabasa niya ang mga iyon sa akin, at aywan
ko kung alin sa dalawang iyon ang naging paborito ng aking ama, ngunit ang naging
paborito ko'y ang Maganda Pa ang Daigdig, at iyo'y dahil lamang sa ang pangunahing
lalaki't babaing tauhan ay tampuhan nang tampuhan at lagi nang "pinaglalayo ng
kapalaran."
Nang mamatay ang aking ama, wala siyang yamang naipamana sa akin
maliban sa dalawang nobelang iyon, at isang kinopya (hindi kopya) ng librong Ang
Mga Huling Araw ni Quezon na sinulat ni James G. Wingo, at isinalin ni Clodualdo del
Mundo, Sr. Sa unang pahina ng kanyang mga kinopya'y nakasulat ang petsang
Agosto 5, 1946, at sa huli ay 3-31-1947. Gumamit siya sa pagkopya ng lapis at
fountain pen, at tanda pa rin ng kanyang pagiging matipid, marami sa papel na
pinagkopyahan niya'y may mga sulat na sa likod.
Sa tatlong pamanang iyong naiwan ng aking ama, ang natira na lamang ay
ang kinopya niyang libro. Isang graduate student sa U.P. ang sumulat ng tesis tungkol
kay Lazaro Francisco, hiniram niya ang dalawang nobelang tinipon ng aking ama, at
ang mga iyo'y ipinasauli niya sa ibang tao na aywan ko kung sino, at ngayon, ang
mga nobela'y aywan ko na rin kung nasaan.
Ngunit ang higit kong naaalala tungkol sa kanya ay ito: ang aking ama ang
kauna-unahang taong nagpahalaga sa aking pagsusulat.
Sa simula'y isang "aksidente" lamang ang aking pagsusulat. Isang araw, sa
Filipino sa Piling Larang 53

pagbabasa ko ng aming pahayagan sa high school, naisip kong marahil, kaya ko ring
magsulat ng kuwento. Sumulat nga ako ng isang maikling maikling kuwento sa
Pilipino (sa pamantayan ko ngayo'y isa itong maikling maikling dagli), at natatandaan
ko ang araw na iyong lumabas ang kuwentong iyon, at nakita ko sa unang
pagkakataon na ang pangalan ko'y nakalimbag.
Sa pag-uwi ko'y patakbo kong tinungo ang aking ama, at buong
pagmamalaking ibinigay ko sa kanya ang pahayagan, na nakabukas na sa pahinang
kinaroroonan ng aking "kuwento" at pangalan, at buong kayabangang sinabi ko sa
kanya, "Sinulat ko ito, 'tay!" Kinuha niya ang pahayagan, agad niyang binasa, at ang
tanging sinabi niya matapos basahin iyo'y "Ikaw nga ba ang gumawa nito?" At wala
na. Makaraan ang ilang araw, nalaman kong ang pahayagang iyo'y pinabasa niya,
hindi lamang sa aking mga kapatid at iba pang mga kamag-anak. Lumipad ang
diyaryong iyon maging sa aming mga kapitbahay. Iyon ang una't huling sinulat kong
binasa't naintindihan ng aking ama. Sapagkat makaraan niyo'y sa Ingles na ako
nagtangkang sumulat, upang wika nga'y masabing mas "mabigat." Gayunman,
sapagkat siya'y aking ama, hindi man niya maintindihan ang tula-tulaan at
sanaysay-sanaysayan na pinagkata-kata ko noong araw, siya pa rin ang dating si
tatay na "umalohokan" ng aking mga "obra maestra." Titingnan niya ang aking mga
katha, pauntol-untol na babasahin ang aking napakasimple namang Ingles, at
pagkatapos ay itatanong sa akin: "Ano ba'ng ibig sabihin niyon?"
Namatay siya noong ako'y nasa unang taon at unang senmestre sa U.P. at
dahil doon, biglang bumulusok ang anumang kabuhayan mayroon kami, gaano man
iyon kaliit, at ako'y nawalan hindi lamang ng sandigan, kundi maging ng direksiyon at
ambisyon sa buhay. Nawala rin ang interes ko sa pagsusulat (sino lamang ba ang
aking tagahanga maliban sa aking tatay?). Nasa ikatlong taon na ako ng aking
pag-aaral nang makatagpo ko ang isang pangkat ng estudyanteng nagsusulat at nais
magsulat sa Pilipino.
Nagbalik ako sa pagsusulat. Nang makalikha ako ng isang maikling kuwento,
noong araw na manggaling ako sa pasulatang pinagbigyan ko ng aking manuskrito at
nalaman kong ilalathala ang aking kuwento, nang naglalakad na ako pabalik sa
sakayan, bigla'y naalala ko ang aking ama, at naisip ko, "Sana'y narito ang aking
tatay.
Pagkatapos niyo'y marami-rami na rin akong nasulat, at may mga
pagkakataong naiisip ko, "Kung buhay lamang ang tatay, matutuwa siya kapag
nabasa ito.
Minsa'y naligaw na ako sa paghahanap ng mga mambabasang patutungkulan
Filipino sa Piling Larang 54

ko. Yaon ang panahong pinanginigan ko ang anumang maipipintas ng mga


manunulat at kritiko, na nagbunga ng dalawang kuwento (salamat at dalawang
kuwento lamang!) na tumalakay sa mga paksang malayo sa karanasan ng
karaniwang mambabasang tulad ng aking ama, at sinulat pa sa isang estilong tiyak
na lilito lamang sa kanya.
Malinaw na sa akin kung sino ang ibig kong maging mga mambabasa kaya't
patuloy akong naghahanap ng paksa't estilong masasapol nila.
Sapagkat sakaling buhay man ngayon ang aking ama, ibig kong pagkabasa
niya'y marinig kong sabihin niya, na ituturing kong higit pang mahalaga kaysa
pinagsama-sama mang papuri ng lahat ng kritikong-henyo sa buong mundo, "Anak,
naintindihan ko."
Ang orihinal na teksto ay mula sa:
Garcia, F. A. (2000). Si ACG Alyas 137. In B. Lumbera, J. Barrios, R. B. Tolentino, & R. O.
Villanueva, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo
(pp. 24-30). UP Campus, Diliman, Quezon City: The University of the Philippines
Press.

PAGTALAKAY

Ang Replektibong Sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga


personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa
manunulat. Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng manunulat at maging ang
kanyang mga kahinaan. Isinasalaysay at inilalarawan din ng manunulat kung paano
napaunlad ang kanyang mga kalakasan at kung paano niya naman
napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang kanyang mga kahinaan (Santos,
Concepcion, & Laranjo, Filipino sa Piling Larang Akademik: Patnubay ng Guro, 2016,
p. 86). Gaya nang nabasa sa sanaysay ni Garcia, inilahad ng tagapagsalita ang
kanyang karanasan sa kung paano siya pinalaki ng kanyang ama, anong klaseng
relasyon ag mayroon silang mag-ama, at ano ang kanyang mga napagtanto noong
mawala ang kanyang ama lalo na pagdating sa kanyang panulat.

Binubuo ng tatlong bahagi ang replektibong sanaysay—simula, katawan at


konklusyon. Ibinibigay ang tesis isteytment o pangunahing ideya sa simulang parte ng
replektibong sanaysay. Ayon kay Laxamana (n.d.), naglalaman ito ng pananaw ng
may-akda tungkol sa paksa, epekto ng nasabing paksa sa buhay ng awtor at kung
wala man itong naging epekto, ang dahilan kung bakit. Mahalagang ito ay
nakapupukaw ng atensyon ng mambabasa. Mapapansin sa sanaysay ni Garcia na sa
umpisa pa lamang ay pinakilala na agad ang ng tagapagsalita ang kanyang ama na si
ACG dahil dito iikot ang kanyang buong sanaysay. Sa katawan naman ng
Filipino sa Piling Larang 55

replektibong sanaysay inilalahad ang iba pang detalye na tungkol sa paksa. Sinabi pa
ni Laxamana (n.d) na nakalakip sa bahaging ito ang mga napagnilay-nilayan ng
may-akda at kung paano umunlad ang pagkatao ng awtor mula sa mga karanasan o
mga gintong aral. Ganito rin ang naging talakay ni Garcia sa katawan ng kanyang
sanaysay, naglalaman ito ng mga detalye sa kung paano pinalaki ng ama ang
tagapagsalita o may-akda. Sa kongklusyon naman matatagpuan ang mga
reyalisasyon at natutunan ng may-akda sa kanyang buhay. Katulad din sa
halimbawa, sa kongklusyon inilahad ni Garcia ang mga natutunan niya sa kanyang
ama kasama ang kanyang mga reyalisasyon sa buhay.

PANGWAKAS NA GAWAIN

Sumulat ng Replektibong Sanaysay tungkol sa iyong buhay. Malaya kang makapipili


ng paksang nais mong talakayin. Maaaring humingi ng rubriks sa guro upang
malaman ang pamantayan ng grado.

Sundin ang pormat na:

 Short bond paper  1.5 spacing

 Arial 12  Normal margin

IX. AGENDA
Layunin

1. Natutukoy ang mahalagang gampanin ng Agenda tungo sa mabisang


pakikipagkomunikasyon

2. Naisasabuhay ang konsepto ng paglilingkod at pakikipagkapwa-tao

3. Nakasusulat ng isang Agenda na magsisilbing kasangkapan sa

pagpapalagananp ng pambansang wika.

PANIMULANG GAWAIN
Filipino sa Piling Larang 56

Panuto: Isulat sa loob ng speech balloon ang sa iyong palagay ay mga iniisip o
ibinabahagi ng mga kasama sa pagpupulong na nagaganap sa ibaba.
H
H a H
a n a
n a n
a p a
H H
p i p
a H a
i n i
n a n
n n
a n a
a s H p
H p s s
p a a i
a i a a
n i n n
n i
n a
a i n i
s p s
p n t n
a s i a
i t e t
n
nlarawan halaw saahttps://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_
e r e
i i
PAGTALAKAY r n r
n i s n
s n e n
t n a t
a e t e
AGENDA e
e t t t
r e i r
i a
Bawat isa sa atin ay mayroong r ng mga gawain. Mahalaga ito sapagkat
ntalaan n n
n a n a
e n t e
nagsisilbi parang kompas natint sa araw-araw. Ito n
ang nagpapaalala n ng
g at nagbibigay
t e e t
e g g
direksyon sa atin sa pagkakasunud-sunodt ng ating gawain sa buong araw. Mahalaga r
r s
saaisang buongsaraw nang hindi tayo nawawala
n a
n
na alam na natin ang ating gagawin
u s sa
n ang pormal e n
pokus. Samanta, sa mga gawain e tulad u na pagpupulong, m mahalagau na
g n t g
t m u m
mayroong Agenda upang magkaroon rin gnang saysay u at direksyon. Ang Agenda u ay
s a s
a
tinatawag din na isang mag-etika o siskedyul naslistahan ng mga u gawain ayons sa
u s n u
n u n u
pagkakasunud-sunod nito. Tumutulong din ito sa pagbibigay ng talaan ng malinaw na g m
g m u n n
m o u
hanay ng mga paksa, layunin at takdang u oras na kailangango talakayin. Samakatuwid,o
u d s s
s s
napakahalaga na maibigay agad ito ng facilitator odchairperson ng pagpupulong nang d
u s u u
u n
mapag-aralan pa ng mga dadalo sa n pagpupulong
u ang agenda. Order of the day, m n
m n a n
o n u o
nangangahulugan na lahat ng u nakatala rito ang a pag-uusapan nang hindia na
o
d hindi s d
mag-overtime sa meeting. Kaya s naman, maaring hindi ka nakapagbasa l o hindi
d u
u l i l
nakapaghanda dahil napaalalahanan n sila na iang lahat ng nakatala ritoi ay n n
n n
a n o a
o
pag-uusapan ayon sa pagkakasunud-sunod n Dahil dito, kang Agendan ay
nito.
a d
d k k
inihahalintulad din sa mapa, sapagkat nagsisilbi itong gabay upang magbigay ng l
l
p n i
malinaw at direksyon kung paano
n i l
mararating nang
p mabilis angapatutunguhan p at
i
n pagpupulong. a n
a
masisigurong tatakbo nang maayos ang a r a
k n k
r a r
k l
l a a
Kahalagahan ng Pagsulat ngpAgenda i p
i s
a p n a
n s a s
r a k r
k a a
a r a
a m p
p m g m
s a s
a g a g
s r a
Filipino sa Piling Larang 57

 Upang masigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng


kalahok ay patungo sa isang direksyon.
 Mas mapapabilis ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na
pagdarausan,oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang
talakayin at maaaring kalabasan ng pulong.
 Upang magkaroon ng espesipikong pag-uusapan o tatalakayinsa
pagpupulong.
 Upang maipokus lamang ang mga kalahok sa iisang lamang.
 Upang ang kalahok ng pagpupulong ay makasunod sa kung ano ang nais
pag-uusapan.

Pormat ng isang Agenda


 Pagpupulong Agenda Title – sa itaas na gitnang bahagi, hile-hilera
 Pagpupulong Impormasyon – paglalarawan ng mga layunin
 Layunin – paglalarawan ng agenda
 Petsa – para sa pagpapanatili ng mga talaan mg mga liham
 Lokasyon – ang lugar ng kapisanan
 Oras – ang aktwal na oras ng pagsisimula ng pulong
 Pagpupulong Type – brainstorming o Usapan o Assessment
 Oras ng Pagdating – oras na upang simulant ang pulong
 Oras ng Pagpapaliban – oras na taga-wakas pulong
 Dadalo – bilang ng mga tao na naroroon sa kanilang mga pangalan
 Paghahanda para sa Pulong / Meeting
1. Mangyaring Basahin – ang mga tagubilin na sinundan
2. Pakidalhan – mga bagay na dapat na natupad sa araw na iyon
3. Action Item

Huling Action Responsible Takdang Petsa


Authority

New Action Responsible Takdang Petsa


Authority

4. Iba pang mga tala – iba pang mga pagtuturo o impormasyon upang madala
pababa.
Filipino sa Piling Larang 58

III. Panapos na Gawain

I.Pagsulat ng Agenda (10 puntos )

Ikaw ay bagong halal na pangulo ng inyong organisasyon sa Filipino.


Kailangan niyo ng maghanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng
Wika. Magpapatawag ka ng pulong kaya kailangan mong sumulat ng agenda
ng pulong upang makapaghanda ang inyong mga kasapi. Tatayain ang
agenda ayon sa pagsunod sa mga kahingian ng sitwasyon impormasyon at
format.

II.Sumipi ng agenda sa internet. Basahin at unawain ang mga impormasyong


nakapaloob dito. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Saan at Kailan idinaos ang pagpupulong? ( 2 puntos )
2. Anu- Ano ang mga layunin na inaasahang matamo sa pulong? (3 puntos)
3. Anu – ano ang mga paksa o usapin ang tinalakay? ( 3 puntos )
4. Sino – sino ang mga kalahok sa pagpupulong? ( 2 puntos )

X. LARAWANG-SANYSAY

Layunin
1. Nailalahad ang mga kuwentong nakapaloob sa bawat larawan
2. Nakapagpapahayag ng sariling opinyon sa pamamagitang ng
larawang-sanaysay
3. Nakasusulat ng larawang – sanaysay na nagpapakilala sa lipunang Pilipino

PANIMULANG GAWAIN
Maaari mo bang lagyan ng kapsiyon o gawan ng sanaysay ang larawang ito?

Larawan mula sa https://www.therichest.com/shocking/the-killfie-15-tragic-deaths-from-taking-a-stupid-selfie/


Filipino sa Piling Larang 59

PAGTALAKAY

LARAWANG - SANAYSAY

Likas sa bawat tao ang hilig sa pagpapakuha ng larawan at bawat larawan ay may
nakapaloob na kasaysayan o karanasan kung kaya’t nais itong ibahagi ng mga taong
nagpapakuha nito. Mula nang mauso ang selfie, tambak tambak na larawan ang
naa-upload sa Facebook. Umabot pa nga sa punto na humahantong sa trahedya at
nagkakaroon ng sariling kwento ang pagse-selfie. Ang larawan sa itaas ay nauwi sa
isang malagim na trahedya ng mahulog mula sa 30 talampakang taas ng isang riles na
tulay sa Russia ang isang babaeng magdiriwang sana ng ika – 18 kaarawan. Sa
pagnanais na makakuha ng kakaiba at kahanga-hangang selfie nauwi ito sa
trahedya nang siya ay mawalan ng balanse at makuryente bago tuluyang mahulog na
naging dahilang ng kanyang kamatayan. Karamihan sa mga namamatay sa selfie ay
nahulog mula sa mataas na lugar na umabot sa 32.65%, nalunod na may 28.57%,
nasagasaan ng tren 16.33%, nabari 8.16%, samantalang ang iba ay nasabugan ng
granada, pagbagsak ng eroplano at pagkabunggo ng sasakyan. Ipinakikita lamang ng
mga datos na may kuwento sa bawat larawan. Hindi nga lamang maganda ang
kinahinatnan ng mga kuwento sa likod ng kanilang larawan.

Sinumang mahilig kumuha ng larawan ay mayroong kaisipang nakikita sa bawat


klik ng kamera. Mga kaisipang maaaring magtaglay ng buong istorya o kaya nama’y
buong alaala.Malaki ang maitutulong ng mga larawan sa paghahatid ng kuwento o
pahayag, ito ang dahilan kung kaya’t nauso ang larawang sanaysay. Ang larawang
sanaysay ay isang koleksyon ng mga imahen na inihain sa ispesipikong
pagkakasunud-sunod upang ihayag ang pag-unlad ng mga pangyayari, emosyong at
maging ng mga konsepto (Dickson,2017). Ito ay tulad din ng normal na pagkukuwento
o pagpapahayag na pinalitan lamang ng mga larawan upang maipakita ang kabuuang
saysay.

Nagbigay si Dickson (2017) ng ilang mga tip na maaaring gawin sa lalo pang
pagpapabuti ng larawang- sanaysay ayon sa sumusunod:
1. Humanap ng paksa – Higit na magiging mahusay kung may kaugnayan sa
buhay ng kumukuha ng larawan ang kaniyang gagawing paksa, siyempre ang
iyong hilig o inters ang magiging motibasyon upang paghusayan ang iyong
larawang sanaysay.
2. Gumawa ng iyong saliksik – Hindi magkakabuhay ang iyong larawang
sanaysay ng isang klik lamang ng kamera. Magkakabuhay ito kung batid mo
Filipino sa Piling Larang 60

ang kuwento o saloobin ng mga taong nakapaloob sa iyong paksa, kaya


saliksikin at alamin mo ang kanilang kasiyahan , pagdurusa, pasakit suliranin
at iba pang karanasang kanilang pinagdaanan.
3. Hanapin ang saysay ng kuwento – Anong anggulo ang nais mong tutukan?
Anomang ninanais mo para sa larawang sanaysay ay magkakabuhay sa
layuning nakapaloob sa iyong isipan. Laging tatandaan na maraming anggulo
ang pwede mong tingnan ngunit mamimili ka lamang sa anggulong gusto
mong pagtuunan ng pansin.
4. Lagyan ng damdamin – Laging pakatandaan na ang nakakukuha ng
atensyon sa isang larawan ay ang damdaming mabubuo sa tumitingin. Ang
damdaming ito ang magiging koneksiyon mo sa iyong mambabasa at sa
pagkuha ng larawan. Sinomang tumitingin ng larawan ay may damdaming
maaaring maantig sa siyang pasimula ng pagkaganyak sa pagpapatuloy na
pagsiyasat ditto.
5. Planuhin ang iyong pagkuha ng larawan – Gaya ng pagsulat ng maikling
kuwento, iskrip at iba pa, kailangang mayroong simula hangggang
pagwawakas ang iyong larawang sanaysay. Gumawa ng talaan ng mga kuha o
shot list para sa iyong kuwento. Laging tatandaan na ikaw ang bubuo ng
kuwento, kung gaano kahusay ang konseptong nabuo, ay maaaring ganoon
din ang mga larawang titipunin sa pagsasakumpleto ng iyong larawang
sanaysay.

Huwag magmadali at matakot magsanay. Walang sinomang nagsimula nang


napakahusay kaagad. Maaari mo itong simulan sa loob muna ng tahanan, hanggang
sa maging eksperto sa iba’t ibang larang na maaari mong puntahan.

PANAPOS NA GAWAIN
A. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung nagpapahayag ng katotohanan ang
pangungusap kung MALI naman ay isulat ang tamang sagot.

_________1. Ang larawang sanaysay ay gumagamit ng mga teknik sa


pagsasalaysay

_________2. Ang larawang sanaysay ay koleksiyon ng mga larawang maingat na


inayos upang maglahad ng pagkakasunud-sunod na pangyayari, magpaliwanag ng
konsepto o magpahayag ng damdamin.

_________3. Limitado ang paksa ng larawang sanaysay.


Filipino sa Piling Larang 61

_________4. Kailangan na may kaisahan ang mga larawan sa larawang-sanaysay

_________5. Binubuo lamang ng larawan ang isang larawang sanaysay at hindi dapat
lagyan ng maikling teksto.

_________6. Isulat ang kasaysayan o background ng bawat larawan at ng iba pang


mahahalagang impormasyong hindi karaniwang makukuha sa pagtinging lamang.

_________7. Ang larawan at hindi salita ang naghahari sa isang


larawang-sanaysay

_________8. Kronolohikal na pagkakasunud-sunod ang dapat na sinusunod sa


paggawa ng isang larawang- sanaysay.

_________9. Hindi na kailangan na isaalang-alang kung sino ang mambabasa hindi


naman ito mahalaga sa isang larawang-sanaysay.

_________10. Ang larawang sanaysay ay isang photo album.

B. Sa aking Palagay…

Sumulat ng larawang-sanaysay gamit ang larawan sa ibaba (10 puntos)

Larawan mula sa SONA 2017 Protest https://ph.images.search.yahoo.com/

C. Kaya Natin ‘To!!

Ngayong panahon ng COVID19 Pandemic marami sa mga pamilyang Pilipino


ang dumaranas ng pagsubok ngunit nananatiling positibo na malalampasan
din natin ito. Kumuha ng 3 larawan na nagpapakita ng mga pamamaraang
isinasagawa ng iyong pamilya at lipunang Plipino upang malampasan at
mapaglabanan ang mga hamong dala ng Pandemya. Mula sa 3 larawan na
Filipino sa Piling Larang 62

iyon ay gumawa bawat isa ng larawang sanaysay, isaalang-alang ang mga


hakbang sa paggawa ng larawang- sanaysay.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pagkamalikhain sa pagkuha ng larawan - 10 puntos

Kaugnayan sa paksa - 5 puntos

Nilalaman - 5 puntos

Kabuuan - 20 puntos

XI. LAKBAY SANAYSAY

Layunin
1. Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay
2. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino
3. Nakasusulat ng isang lakbay-sanaysay na sumasalamin sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan at kasaysayan ng sambayanang
Pilipino.

PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Manuod sa youtube ng mga episode ng programang Biyahe ni Drew at


magbigay ng maikling talakay tungkol sa nilalaman ng nabanggit na programa.
Filipino sa Piling Larang 63

larawan halaw sa https://ph.images.search.yahoo.com/search/images

PAGTALAKAY

LAKBAY- SANAYSAY

Katulad ng pagsulat ng ordinaryong sanaysay, ang Lakbay- Sanaysay ay


naglalaman ng mga impormasyon na maaaring maging kaganyak-ganyak sa mga
mambabasa. Bukod sa pagtalakay sa lugar na napuntahan, bahagi ng lakbay-
sanaysay ang mga nadidiskubre ng manunulat sa mga pamumuhay ng mga
naninirahan sa lugar na iyon, bilang bahagi ng kanilang kultura, kaugalian o maging
mga suliraning kinakaharap ng mga sa lugar na iyong napuntahan. Madalas na
nagiging personal ang dating ng lakbay-sanaysay lalo sa sa mga bagong manunulat
nito. Naidedetalye ang mga impormasyon batay lamang sa kanilang personal na
karanasan o pagtingin kung kaya’t kinakailangan ng ilang mga gabay upang maging
kapaki-pakinabang ang gagawing lakbay- sanaysay.

Si Dinty W. Moore (2017) ay nagbigay ng ilang tip kung paano magiging


mahusay ang gagawing lakbay – sanaysay. Hinalaw ang kaniyang sinabi ayon sa
sumusunod:

1. Magbasa – Huwag na huwag kang maglalakbay nang hindi alam ang


patutunguhan. Kinakailangang alamin ang iyong patutunguhan. Basahin
ang kasaysayan ng lugar na pupuntahan, ang kanilang ekomomiya,
pagkain at kultura lalo’t higit ang kanilang paraan ng pananampalataya.
2. Magsuri – Bilang isang mananaysay – paglalakbay, laging isaisip na ikaw
ay magsusulat, kailangan mong humalukay at pumailalim nang husto sa
Filipino sa Piling Larang 64

lugar na pupuntahan upang mahanap ang yamang kaalaman . Magsusuri


ka at maghahanap ng kabuluhan ng paglalakbay at hindi lamang
maipakitang nakapunta ka sa lugar na gagawan ng sanaysay.
3. Magmasid – Tandaan na Malaki ang pagkakaiba ng isang mananaysay –
paglalakbay sa turista. Ang turista ay nagbabakasyon lang samantalang
ikaw ay magsusulat. Ang isang turista ay kumukuha ng larawan upang
ipakita na siya ay nakapasyal sa lugar na iyon, samantalang ikaw ay
kumukuha ng larawan upang isaysay ang kahalagahan, kaibahan,
kagalingan, kahusayan at maging kahinaan ng lugar na iyong pinuntahan
kaya nga’t ang masusing pagmamasid ay dapat na laging naisasaisip.

Sampung Utos ng isang Mananaysay - Paglalakbay

Unang Utos: Huwag piloting makapaglakbay sa ibang bansa. Malaki ang


yamang mayroon ang iyong bansa. Kung ikaw ay taga-probinsiya, magtungo
sa siyudad, kung ikaw naman ay taga-siyudad magtungo sa probinsiya.
Maraming kakaibang karanasan ang maaaring makia kahit sa katabing bayan
lamang na inyong kinaroroonan.

Ikalawang Utos: Huwag sakupin ang kabuuan ng lugar sa maikling panahon


lamang ng paglalahad. Halimbawang naglakbay ka sa Maynila sa loob ng
isang araw, hindi magiging mabunga ang iyong sanaysay sa lawak ng
gagawan ng sulatin. Maaaring sumentro lamang sa Intramuros o kaya’y maliit
na bahagi ng China Town, Rizal Park at iba pa. Magiging malaman ang iyong
sanaysay kung masusuri nang husto at mapahahalagahan ang bawat detalye
ng iyong pupuntahan.

Ikatlong Utos: Huwag mahihiyang magtanong. Malaking bentahe ang iyong


pagmamasid, ngunit magiging mas madali ang iyong pagpapaliwanag sa lugar
na pinuntahan kung mag-iinterbyu ng mga tagaroon. Higit silang
kapani-paniwala sapagkat sila ang mas may karanasan sa lugar na iyong
pinuntahan.

Ikaapat na Utos: Huwag makuntento sa impormasyong laganap na. Hindi


kaganyak-ganyak sa mga mambabasa ang mga kuwentong alam na ng lahat.
Filipino sa Piling Larang 65

Sikaping tumingin ng mga mga bago at kakaibang impormasyon na maaaring


kakaunti pa lamang ang nakaaalam.

Ikalimang Utos: Huwag kalimutang itala ang hindi magandang karanasan.


Hindi lahat ng paglalakbay ay masaya, maaaring madukutan ka, maholdap o
kaya’y maaksidente sa paglalakbay. Ang mga ito ay makatutulong bilang
bahaging makagaganyak sa iyong mambabasa, ngunit hindi rin naman
maganda kung puro masamang karanasan lamang ang nakatala sa iyong
paglalakbay.

Ikaanim na Utos: Huwag matakot na maging mapangahas. Subukin mong


mag-eksperimento sa iyong paglalakbay, huwag matakot maligaw, i-explore
ang lugar at siguradong makatatagpo ka ng mga bagong karanasan na maaari
mong maisulat.

Ikapitong Utos: Huwag na huwag kang magpabaya. May mga pagkakataon


na may kakaibang lutuin o exotic na lutuin sa lugar na iyong pupuntahan.
Huwag magpabaya, sikaping makapanood kung paano ito niluluto para sa
iyong bagong pagkatuto. Sa tuwing may pagkakataong matuto ng bago,
huwag magpabaya at siyempre para naman sa taong tumulong sa iyo at
nagbigay ng panibagong kaalaman, huwag mong kalimutang magbiyaya.

Ikawalong Utos: Huwag kalilimutang isama ang sarili sa lakbay-sanaysay.


Bilang mananaysay, iba ang iyong perspektibo at nakikita sa iyong
paglalakbay kaysa sa nakikita ng ibang katauhan. Dito naipakikita ang
pagkakaiba-iba ng mga lakbay-sanaysay sapagkta ito ay demedependeng
madalas sa kng sino o anong katauhan ng nagsasalaysay.

Ikasiyam na Utos: Huwag puro sarili ang makikita sa lakbay-sanaysay.


Bagama’t isinama sa kautusan na huwag kalilimutan ang sarili, huwag din
naman puro sarili ang makikita sa iyong ginagawa. Tandaan na hindi lahat ng
tao ay interesado sa iyo, mas interesado sila sa lugar na gagawan mo ng
sanaysay at sa mga bagong karanasan na maaari mong ipahayg sa kanila.

Ikasampung Utos: Mahalin mo ang iyong ginagawa. Walang anumang


maayos na produkto ang malilikha nag walang pagmamahal. Gawin mo ito
Filipino sa Piling Larang 66

hindi dahil napag-utusan lamang o kaya naman ay dahil sa proyektong


pampaaralan. Bagama’t ang nasabing mga dahilan ay totoo, magiging
maganda at mahusay ang gagawing lakbay-sanaysay kung ibinabalot ito sa
pagmamahal.

Halimbawa ng isang Lakbay-Sanaysay:


Negros Occidental: Isang Matamis na Paglalakbay
Mula sa panulat at paglalakbay ni Crester Rhyan A. Ducay
Minsan kailangan nating lumayo sa lupang pinagmulan upang ipaalala sa atin
ang mga dahilan kung bakit natin ito mahal, upang malaman natin kung saan
lulugar at upang matanaw ang buhay ng ibang tao pati na rin ang tunay nating
pagkatao mula sa kakaibang persepsiyon.

Matapos ang pagharap sa mga hampas ng alon lulan sa bangka at ang tila
walang hanggang biyahe sakay sa bus, sa wakas ay narating ko na rin ang
lugar na dati’y sa mapa ko lang makikita. Isang natatanging karanasang hindi
ko makalimutan ang aking unang pagtapak at paghakbang sa Hilgaynong
lupain ng Negros Occidental, ang “Sugarbowl of the Philippines”.

Unang tumambad sa akin ang masayang siyudad ng Bacolod na hindi


maipagkaakila kung bakit binansagan itong “City of Smiles”. Dapit-hapon na
ng kami ay dumating at mapapansin sa kanluran ang ginintuang araw na
dahan-dahang lumulubog patungo sa kanyang pahingahan. Pagod sa
mahabang biyahe, minabuti naming magpahinga sa bahay ng aming
kamag-anak na siyang nag-imbita sa amin na makisaya.

Kinaumagahan, bumungad ang isang tasa ng kape na may pangako ng


bagong umagang puno ng bagong karanasan. Hindi na rin bago sa akin ang
pag-inom ng kape tuwing umaga ngunit sa pagkakataong ito, hindi lamang ito
isang simpleng kape. Isa itong kape na hinaluan ng tsokolateng mula sa
kakaw. Tampok din ang mga pagkain ipinagmamalaki nga Negros Occidental.
Ilan sa aking natikmang pagkain nila ay ang katakam-takam na barquillos, ang
malutong na biscocho, at ang masarap na piaya.

Pagkatapos mag-agahan ay naghanda na kami sa paglilibot sa mga tanawin


sa Negros Occidental. Una naming pinuntahan ang The Ruins sa Talisay na
isang dating mansyong pinagmamay-ari ni Don Mariano Ledesma Lacson.
Ayon sa tour guide, ang mansyon raw ay pinagawa bilang alaala ng namatay
Filipino sa Piling Larang 67

na asawa ni Don Lacson. Sinadya itong sunugin ng mga sundalong Amerikano


dahil sa pangambang gamitin ito ng mga Hapon bilang headquarters.
Sapagkat ang estruktura nito ay yari sa matibay na materyales, tanging ang
bubong at mga dingding na yari sa kahoy lamang ang tuluyang nasunog.
Ang sumunod naming pinuntahan ay ang mga lumang bahay o
mga ancestral houses at museum kabilang na ang Balay-Negrense, ang
Mariano Ramos Ancestral House, ang Hofileña Ancestral House, at pati na rin
ang Bernardino-Jalandoni Museum. Ang mga pook na ito ay nagsisilbing
buhay na alaala ng nakaraan at tahanan ng kaalaman para sa mga susunod na
henerasyon.
Nang sumunod na umaga ay maaga kaming nagbihis upang magtungo sa
bundok ng Kanlaon o kilala rin sa tawag na Bulkang Canlaon. Mahaba ang
aming naging paglalakbay patungo sa kinalalagyan ng Kanlaon ngunit tila
isang perpektong berdeng paraiso ang aming nadatnan. Sa paligid nito’y
makikita ang umaagos na sapa na dumidilig sa malulusog na mga pananim
tulad ng palay, mais, tubo at iba pa. Mayroon ding mga bungang kahoy na hitik
na hitik sa mga hinog na bunga. Sa aming paglalakad ay mapapansin ang
bango at ganda ng mahalimuyak na bulaklak.

Huli naming pinuntahan ang mga simbahan na kahit niluma na ng panahon ay


matibay pa ring nakatayo tulad ng paniniwala ng mga Negrense at ng buong
sambayanang Pilipino sa ating Banal na Diyos. Sa aming pagpasok sa mga
simbahan ay ipinagpasalamat namin ang masayang karanasan at ligtas na
paglalakbay sa mga natatanging pook sa Negros Occidental. Buong-puso rin
naming ipinagdarasal ang aming kaligtasan sa aming pag-uwi.

Masasalamin ang ganda ng buhay sa bawat ngiti ng mga Negrense. Mga


maliliwanag na mukha kung saan maaaninag mo ang kasiyahan at karangyaan
sa kabila ng hirap na kanilang naranasan. Gayunpaman, malalasahan sa
bawat lutuin ang tamis ng buhay na kanilang tinatamasa.

Maiksi man kung tingnan ang paglalakbay ko sa iilang lugar sa Negros


Occidental, para sa aki’y isa itong makasaysayang ekspedisyon. Isang biyahe
kung saan nakita ko ang ilan sa mahahalagang aspekto ng buhay lampas sa
mga abot-tanaw na ating naaaninag sa ibabaw ng mala-sutlang dagat. Nakita
ko lahat, hindi lamang ang lugar na aking pinuntahan at ang aking kinagisnan,
kundi pati na rin ang aking sarili mula sa malayong anggulo. Mula sa
Filipino sa Piling Larang 68

diyalektong ating minumutawi hanggang sa saliw ng lambing sa kanilang


pananalita. Ang kulay ng kultura ng Negros ay hindi nalalayo sa kulay ng
kultura ng Cebu, siguro ay dahil sa katotohanang Tañon Strait lamang ang
naghihiwalay sa dalawang pulo na nakahimlay sa ating arkipelago.

Sa aking paglalakbay, natutunan ko na pwede pang sumaya gaano man


kapait ang iginuhit ng nakaraan. Ang buhay ay isang ekspedisyong dapat
lakbayin. Kailangan nating tahakin ang mga bagong landas upang ating
matagpuan ang mga bagong daan at pamamaraan kung paano sumaya at
ipagatuloy ang biyahe ng buhay. Lahat tayo ay naghahanap ng puwang sa
mundo. Sa lugar kung saan masasabi natin na kabilang tayo at masaya tayo.
Iyong kaya nating pagbutihin ang sarili natin na walang pangamba… sa isang
espasyo na kung saan makikita natin mga kaalaman higit pa sa ating
natutunan mga aralan at aklatan. Nasa atin na ang desisyon kung paano, saan
at kailan natin sisimulan ang bagong yugto nga buhay na puno ng
makabuluhang pagkatuto – mga pagkatutong nagsisilbing kasangkapan sa
pag-abot natin sa mga bagay na ating minimithi.

Hanapin sa internet ang sumusunod na link para sa mga halimbawa ng lakbay -


sanaysay

 Evasco, E. (2017). Ang Mapa ng Taglagas sa Aking Maleta. Likhaan 11 The


Journal of Contemporary Philippine Literature, 212-228

 Bohol Escapade: The Voyage of Life


http://www.lakbaydiwapinas.com/blog/bohol-escapade-the-voyage-of-life

 Ang Hiwaga ng El Nido Palawan isinulat ni AC Santos


https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay/

 Queen City of the South isinulat ni Pauline Paluero

 https://bibstudytravelblog.blogspot.com/2017/11/queen-city-of-south-cebu-
philippines.html

Gabay na Tanong
Filipino sa Piling Larang 69

1. Ano ang lakbay-sanaysay?


2. Bakit kailangang maging kawili-wili ang simula ng lakbay-sanaysay?
3. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang lakbay-sanaysay sa
pagpapaunlad ng turismo sa isang lugar?
4. Paano naiuugnay ang iyong sarili sa paglikha ng lakbay-sanaysay?

PANAPOS NA GAWAIN

Panuto: Sumulat ng lakbay-sanaysay

Nag-organisa ang Kagawaran ng Turismo ng patimpalak sa pagsulat ng


lakbay-sanaysay na may paksang “ Piliin mo ang Pilipinas”, dahil sa kagustuhan mon
a makilala at makatulong sa paglago ng turismo sa inyong probinsiya ay susulat ka ng
isang lakbay-sanaysay at lalahok sa nasabing patimpalak. Kailangan ay mayroon
itong 800 hanggang 1000 salita. Tatayain ng mga hurado ang sanaysay ayon sa
orihinalidad, kaangkupan sat ema, organisasyon ng ideya, dating sa mambabasa at
paggamit ng wika.

You might also like