You are on page 1of 1

Babae ka, Hindi Babae lang

Ariane Pandiño

Kinikilala ang Marso bilang Buwan ng Kababaihan, isang panahon para parangalan at pahalagahan ang
mga makabuluhang kontribusyon na ginawa ng kababaihan sa lipunan. Nilalayon ng isang buwang
pagdiriwang na ito na itaas ang kamalayan tungkol sa mga pakikibaka ng kababaihan para sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian at kanilang mga karapatan.Ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan
sa Pilipinas ay nagsimula noong 1988 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 224 na naghahayag sa unang linggo
ng Marso bilang Linggo ng Kababaihan. Nang maglaon, pinalawak ito sa buong buwan upang isulong
ang empowerment ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian
Bilang pakikiisa ng Paaralang Elementarya ng Mayatba malugod na inimbitahan ang mga dakilang babae
na kabilang sa Senior Citizen upang mapasaya, mabigyan at maparamdam ang pagmamahal na nararapat
sa kanila. Nagkaloob ng sorpresa at naghanda ng masaganang umagahan ang mga guro para sa mga
magigiting na lola.
Ang 2023 National Women's Month Celebration ay isang makabuluhang milestone sa pag-unlad ng mga
karapatan ng kababaihan, dahil ipinakilala nito, KAMI para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at isang
inklusibong lipunan.

You might also like