You are on page 1of 13

Araling Pilipino 101

Oliva, Desiree S.
BSBA 1 - A
Modyul 7:
SIPAT: ARALING PILIPINO (Pagsusuri sa Ugnayan ng
Kasarian at Seksuwalidad)

Aralin 2:Ang Babae at Lalake sa lipunang ginagalawan

C. Mga Organisasyon sa
Kababaihan
Panimulang Tanong
• Bakit nga ba may mga organisasyong
itinatag para sa mga kababaihan sa bansa at
paano ito nakakatulong?
• May alam ba kayong organisasyon sa
kababaihan?
GABRIELA - General Assembly Binding Women for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action

• Pinakamataas at pinakakilalang organisasyon


• Liza Maza (Pinuno) at si Luzviminda Ilagan (Tagapagsalita)
• Isinulong ito para sa mga isyu patungkol sa mga kababaihan.
• Nabuo noong buwan ng Abril taong 1984 sa panahon ng
diktadura
KABAPA o Katipunan ng Bagong Pilipina
• naghahangad na mabigyan ng kapangyarihang
pampolitika at sosyo-ekonomiko ang mga Pilipina sa
bansa.
• Ito ay itinatag noong ika-8 ng Marso taong 1975 ng
mga babaeng naging aktibo sa samahang Hukbong
Bayan Laban sa mga Hapon o HUKBALAHAP
CWP o Concerned Women of the Philippines (1978)
• Ito ay itinatag upang ipaglaban ang isyung
panlipunan na may epekto sa kababaihan.
• Ito ay itinatag nina Zenaida Quezon, Cecelia
Munoz Palma, Mita Pardo de Tavera at iba
pa.
WOMEN o Women in Media Now (1980)
• ipinanalong mga laban; isa na rito ang Sex
Discrimination Act na naging batas noong 1975;
ang Equal Pay Act ay napunta sa mga aklat ng
batas; ang Treasury ay sumang-ayon na ang mga
kababaihan ay dapat na buwisan sa kanilang sariling
karapatan (para sa karamihan ng mga layunin).
PILIPINA o Kilusan ng Kababaihang Pilipina (1981)

• Ito ay itinatag noong taong 1981 upang


maitaguyod ang mga proyekto pangkabuhayan sa
mahihirap na lugar sa Pilipinas.
KALAYAAN o Katipunan ng Kalayaan para sa
Kababaihan (1983)

• Ito ay itinatag noong Hulyo 6, 1983


• Layunin nitong: labanan ang lahat ng anyo ng pang-aapi, pagsasamantala,
diskriminasyon at stereotyping na nagmumula sa hindi makatarungang kasarian, uri at
neo-kolonyal na relasyon sa lipunang Pilipino; ayusin ang mga kababaihan para sa
holistic, mga programa sa pagpapaunlad na nakatuon sa kababaihan at para sa
pagbabagong kultural; isulong ang isang autonomous na kilusan ng kababaihan na
mangunguna sa pagpapalaya ng kababaihan sa loob at labas ng pakikibaka ng
mamamayan para sa soberanya, pag-unlad ng ekonomiya, katarungang panlipunan at
kapayapaan; suportahan at makipagtulungan sa mga progresibong grupo na nagtatrabaho
para sa malawakang pagbabago sa kalagayan ng kababaihan at sa lipunan sa kabuuan; at
palakasin ang pakikiisa sa pandaigdigang kilusang feminist, lalo na sa mga kababaihan
sa Asia, Latin America at Africa.
SAMAKANA o Samahan ng Malayang Kababaihan na
Nagkakaisa (1983)

• upang matulungan ang kababaihan sa mga komunidad ng


maralitang lunsod na makamit ang kabuuan nilang pag-unlad
tungo sa kanilang paglaya.
• Nabuo ito noong 1984. Sa simula, ang SAMAKANA ay
pinamunuan ni Petite Peredo at isang malaking pangkat ng mga
ina sa Marikina na nakilalang Concerned Women of Marikina.
KMK o Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (1984)
• pambansang organisasyon ng manggagawang
kababaihan na nagtataguyod ng karapatan at
kapakanan ng manggagawa.
• Itinatag ito noong Pebrero 9-10, 1985 sa gitna ng
paglakas ng kilusang paggawa noong dekada otsenta.
AMIHAN o Alyansa ng Magsasakang Kababaihan (1986)
• Naitayo ito taong 1986 at naglalayong mapalakas ang tinig ng mga
kababaihang magbubukid para sa kanilang mga lehitimong
panawagan gaya ng panawagan para sa pambansang
industriyalisasyon, marangal na sahod para sa mga manggagawang-
bukid, tunay na reporma sa lupa, pagtutol sa pangangamkam ng mga
lupang sakahan at pantay na pagtamasa sa karapatan ng kababaihan
sa sosyo-ekonomiko at maging sa sosyo-politikal na usapin.
CAP o Concerned Artist of the Philippines Women’s Desk (1986)
• isang organisasyon ng mga manunulat, artista at manggagawang
pangkultura na nakatuon sa mga prinsipyo ng kalayaan, katarungan at
demokrasya.
• Itinatag ito noong 1983 upang pag-isahin ang mga artistang Pilipino laban
sa diktatoryal na rehimen ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos na
nagpataw ng mga mapaniil na batas na pumipigil sa kalayaan sa
pagpapahayag at nagpapatupad ng mga utos na bumibiktima sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng pag-aresto at pagkulong kahit na walang
mga kaso.

You might also like