You are on page 1of 1

Kabanata 60 – Ikakasal Si Maria Clara

Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man


lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil
dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del
Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng
pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad
ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya
ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay
lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na
rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng
isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na
kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina
ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat
sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si
Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si
Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria
tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na
si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares.
Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na
siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at
intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado
ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng
dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya
ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda
nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol
ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya
ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria
lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga
babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay
lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na
katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon
lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay
binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At
nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may
sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at
may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at
pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan
lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya
ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay
na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang
kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang
amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra
lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria.
Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-
alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa
lumuluhang si Maria.

You might also like