You are on page 1of 46

Araling Panlipunan 3 


Akademikong Taon 2022 - 2023 



Babasahin Bilang # 1: Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

ANG DIREKSYON
Direksiyon
Ang direksyon ay paraan na tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar.
Madalas itong gamitin sa pagbabasa ng mapa.
compass
Madalas gumagamit ng mga instrumento para malaman ang direksiyon.
Tulad ng compass at GPS (Global Positioning System).

Ang GPS (Global Positioning System) ay isang navigational tool na tumutukoy ng


tiyak na lugar. Karaniwang makikta ito sa mga smartphones iba pang digital
gadgets.

Ganoon pa man, mas madali nating mababasa ang mapa at mahanap ang mga
lugar kung marunong tayong tumukoy ng direksyon.

Pangunahing Direksyon
Mayroong apat na pangunahing direksyon. Hilaga (North) Timog (South), Kanluran
(West), Silangan (East).

Hilaga

Kanluran Silangan

Timog

ALAM MO BA?
Ang araw ay puwede ring palatandaan ng direksiyon.
Sumisikat (sunrise) ito sa Silangan at lumulubog (sunset) naman sa Kanluran.

Pahina 1
Araling Panlipunan 
 3
Akademikong Taon 2022 - 2023

Babasahin Bilang # 1: Pangunahin at Pangalawang 

Direksiyon

Halina’t Magsanay!
Tulungan ang magkapatid tukuyin ang nasa paligid.

1. Ano ang nasa kaliwa ng magkapatid? __________________


2. Ano ang nasa kanan? __________________
3. Ano ang nasa kanilang likuran? __________________
4. Ano ang nasa kanilang harapan? __________________

Pahina 2
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 1: Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Halina’t Magsanay!
Tukuyin ang mga lugar sa paligid ng magkapatid.

1. Nasa timog ng magkapatid ang ______________________

2. Nasa kanluran nila ang _____________________

3. Nasa hilaga nila ang ______________________

4. Nasa silangan nila ang ______________________

Pahina 3
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 1: Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

PANGALAWANG DIREKSYON

Ang pagitan ng mga pangunahing direksiyon ay madali

ring matukoy. Pinagsasama ang pangalan ng dalawang

nakapagitang pangunahing direksyon.

Hilaga

Hilagang Kanluran Hilagang Silangan


HK HS

Kanluran Silangan

Timog Kanluran
Timog Silangan
TK
TS
Timog

Pahina 4
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 1: Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Halina’t Magsanay!
Tulungan si Kiko na malaman ang tamang direksiyon ng mga sumusunod.

palengke Istasyon ng Pulisya


Istasyon ng Tren

paliparan

paaralan

simbahan
museo
palaruan

1. Mula kay Kiko, saang direksiyon makikita ang palengke?

________________________________

2. Mula kay Kiko, saang direksiyon makikita ang museo?

________________________________

3. Mula kay Kiko, saang direksiyon makikita ang Istasyon ng Pulisya?

__________________________________
4. Mula kay Kiko, saang direksiyon makikita ang simbahan?

___________________________________

5. Anong makikita sa Hilagang-Kanluran ng paaralan?

______________________________

6. Kung nasa palaruan ka, anong makikita sa Hilagang-Kanluran nito?

_____________________________

Pahina 5
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

Mga Guhit Sa Mapa at Globo


Ang mga guhit sa mapa at globo ay nagsisilbing gabay sa pagtukoy sa tiyak na lokasyon
ng isang lugar. Gabay din ito upang malaman natin ang oras at petsa ng isang bansa.

Globo Mapa
Bilog na larawan ng daigdig. Isang patag na larawan ng daigdig.

Longhitud (Longitude)
Ang tawag sa guhit na patayo

Latitud (Latitude)
Ang tawag sa guhit na pahalang o
pahiga.

Pahina 6
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

EKWADOR (EQUATOR)

Ito ay matatagpuan sa 0° latitud.


Ang tawag sa guhit na naghahati sa mundo
sa timog at hilagang bahagi nito. Dito
nagsisimula ang lahat ng guhit na may
patungong magkabilang pulo.

INTERNATIONAL DATE LINE (IDL)


Ito ay guhit na nasa 180° ng Prime Meridian
na nagiging batayan ng araw at ng oras.

TROPIC OF CANCER
Ito ay tumutukoy sa 23.5° Hilagang latitud
mula sa ekwador. PRIME MERIDIAN
Ito ay matatagpuan sa 0° longhitud.
TROPIC OF CAPRICORN Ito ang pinakagitnang guhit sa globo
Ito ay tumutukoy sa 23.5° Timog latitud mula na dumaraan sa Greenwich sa
sa ekwador. London, England.

Pahina 7
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

Dahil sa pag-ikot ng planeta sa


kanyang aksis, hindi magkakapareho
Timezone
ang oras sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. May mga bahagi ng daigdig na
nakaharap sa araw. Ito ay nakararanas
ng umaga. Samantala, ang bahaging
nakatalikod sa araw ay nakararanas
ng gabi o dilim.

Tingnan muli ang mapa. Ang lahat ng bansa sa kanang bahagi ng Prime meridian ay
nauuna ng ilang oras kumpara sa mga bansang nasa kaliwang bahagi.

TIMEZONE MAP OF THE WORLD


Timezone

Pahina 8
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

Subukin ang iyong galing!


Tukuyin ang mga bansa ayon sa mga sumusunod na oras.

Oras Bansa
4:00 AM
2:00 PM
10:00 PM

Uri ng Mapa
May iba’t– ibang uri ng mapa na
maaaring gamitin ayon sa
partikular na pangangailangan ng
tao.

Ang mapang ito ay nagpapakita ng


hangganan at nasasakupan ng
isang lugar. Karaniwan itong may
iba’t ibang kulay upang maipakita
ang saklaw na kalupaan ng rehiyon
o bansa.

Pahina 9
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

2. Mapang Pisikal (Physical Map)

Ito ay nagpapakita ng pisikal na katangian ng lugar kagaya ng mga


anyong lupa at anyong tubig.

3. Mapang Pang-ekonomiya (Economic Map)


Ang mapang ito ay nagpapakita ng mga produkto at uri ng kabuhayang umiiral
sa isang lugar.

Pahina 10
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

4. Mapang Kultural (Cultural Map)

Ipinapakita ng mapang ito ang katangian ng pamumuhay ng mga tao.

Pahina 11
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

5. Hazard Map

Sa hazard map ay makikita ang mga lugar na madalas ang baha, may faultline,
madalas ang landslide, at storm surge. Ginagamit ito para makatulong sa pagtukoy ng
mga lugar sa Pilipinas na sensitibo sa panganib o kalamidad.

Pahina 12
Araling Panlipunan 3 

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 2- Mga Guhit sa Mapa, Timezone at Uri ng Mapa

Mga Gabay Para Maunawaan Ang Mapa


Gumagamit din ng pananda ang mga gumawa ng mapa para ipakita ang
distansiya nito sa aktuwal. Nakikita ang panandang ito sa ilalim na bahagi ng mapa
kagaya ng nasa larawan.

1. iskala (scale) ay basehan ng aktuwal na sukat ng lugar sa isa’t isa na


makikita sa mga mapa.

2. compass rose ang tawag sa simbolo na makikita sa mapa na may mga


pangunahing direksiyon
3. legend ay sagisag o pananda para makilala ang mga bagay o lugar sa
mapa

Iskala
(scale)

compass rose

Pahina 13
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 1: Pangkat Etnolingwistiko ng Pilipinas

PANGKAT ETNOLINGWISTIKO
Ang salitang pangkat etnolingwistiko ay tumutukoy sa pangkat ng mga katutubong
Pilipino. Pinapangkat sila ayon sa wikang ginagamit. “Etno” ang ibig sabihin ay
katutubo habang ang “lingwistiko” ang nangangahulugang wika.

Ethnographic Map

Pahina 14
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 1: Pangkat Etnolingwistiko ng Pilipinas

BOXER CODEX
May mga dokumentong nadiskubre na nagpapatunay at naglalarawan sa mga
sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino.

Ang Boxer Codex ay ay isinulat noong 1595 ni Luis Pérez das Mariñas. Ito ay
isa sa mga dokumentong naglalarawan sa mga sinaunang Pilipino noong panahon
ng pagsakop ng mga Kastila.
Noong 1947, ang dokumentong ito ay nabili ni Prof. Charles R. Boxer kaya
naman tinatawag itong “Boxer Codex”. Sa kasalukuyan, ito ay matatagpuan sa Lilly
Library sa Indiana University.

Narito ang ilan sa mga paglalarawan ng mga sinaunang Pilipino sa Boxer Codex.

Maharlikang Tagalog Visayan Kadatuan Timawa, Visayan Pintados


Tagalog Maginoo

Visayan Kadatuan Pintados


Mandirigma Cagayan

Pahina 15
Araling Panlipunan

 3
Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 
 - 2023
Babasahin Bilang # 2: Pangkat Etnolingwistiko ng Pilipinas

Mga Halimbawa Ng Mga Katutubong Pilipino


LUZON

1. Ivatan
Ang katutubong Ivatan ay nakatira sa Batanes. Ito ay nasa hilagang
bahagi ng ating bansa. Kilala sila sa pagkakaroon ng tirahan na gawa sa bato
at paggawa ng vakul. Ang vakul ay kasuotang pantakip sa ulo bilang
proteksyon sa init ng araw at lakas ng ulan.

bahay ng Ivatan

2. Ifugao

Ang pangkat ng Ifugao ay isa sa mga


nagtatanim sa hagdang-hagdang palayan
ng bulubundukin ng Cordillera. Inayos nila
ang sistema ng patubig nito.

Pahina 16
Araling Panlipunan 
 3
Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 

2023Babasahin Bilang # 2: Pangkat Etnolingwistiko ng
Pilipinas

3. Ilokano
Ang mga Ilokano na naninirahan sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos
Sur, La Union, Abra at Cagayan. Ang pangunahing kabuhayan nila ay mula sa
pagtatanim ng palay, tabako at bawang.

bawang tabako

4. Tagalog, Pangasinense at Kapampangan

Ang mga pangkat ng Tagalog, Pangasinense at Kapampangan na nasa


lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan at Pampanga. Pagtatanim ng palay
ang ikinabubuhay sa kadahilanang malawak na kapatagan ang naririto.

Pahina 17
Araling Panlipunan

 3
Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 
 - 2023
Babasahin Bilang # 2: Pangkat Etnolingwistiko ng Pilipinas

VISAYAS
I. Cebuano
Sila ay may pinakamalaking bilang ng populasyon sa Visayas. Sila ay aktibo sa
gobyerno, edukasyon, industriya at sining.
2. Kiniray-a o Hamtikanon

Ang mga pangkat na ito ay naninirahan sa lalawigan ng Antique, Iloilo at


Occidental Mindoro.


Ang Epikong Hinilawod ay nagmula sa wika
ng Kiniray-a at Hamtikanon. Ang Hinilawod ay ang
pinakamahabang epiko sa buong mundo.
HINILAWOD

3. Waray

Sila ay naninirahan sa Samar, Biliran at silangang bahagi ng Leyte. Ang

pangunahing ani nila ay palay, niyog, mais at saging.

niyog

palay mais

saging Pahina 18
Araling Panlipunan

 3
Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 
 - 2023B
abasahin Bilang # 2: Pangkat Etnolingwistiko ng Pilipinas

MINDANAO

Bagobo Rice Dance

I. Bagobo
Ang pangkat na ito ay may natatanging sayaw na tinatawag na Bagobo Rice
Dance. Ang kanilang sayaw ay kuwento tungkol sa pagtatanim hanggang sa pag-
aani ng palay.

2. Maranao
Ang mga pangkat na ito ay naninirahan sa Lalawigan ng Lanao sa Mindanao.

Sila rin ang gumagawa ng tanyag na Torogan. Torogan ang tawag sa tirahan ng
kanilang datu (pinuno).

3. T’boli
Sila ay naninirahan malapit sa Lawa ng Sebu sa Timog Cotabato, Mindanao.
Kilala ang kanilang kababaihan ay naghahabi ng telang t’nalak. Ang disenyo ng
telang ito ay mula sa panaginip ng mga babaeng T’boli.

Pahina 19
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 3: Tirahan ng Katutubong Pilipino

KATUTUBONG TIRAHAN

1. Bahay ng Ivatan
Bahay ng Ivatan
Madalas daanan ng bagyo ang
Batanes. Dahil dito gumawa ng bahay na
bato ang mga Ivatan na naninirahan
doon. Gawa sa dahon ng kogon ang
bubong nito kaya matatag laban sa lakas
ng hangin.

2. Torogan

Ang Torogan ay tirahan ng datu. Ang datu ay ang pinakamataas na pinuno ng mga
Maranao. Sa mga uri ng bahay ng mga Maranao, pinakamalaki ang Torogan.
Ipinagbabawal ang pagpapatayo ng mas malaking istraktura kaysa dito dahil sumisimbolo
ang laki nito sa kapangyarihan ng datu.

Sa Torogan din ginaganap ang kasal, lamay sa patay, paglilitis at pagtanggap ng


mga bisita. Nakaukit din sa bawat haligi nito ang mga Niyaga o Naga.

Pahina 20
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 3: Tirahan ng Katutubong Pilipino

3. Lepa Boat
Ang Lepa Boat ay bangkang bahay na
gamit ng mga Sama D’ Laut o kilala sa tawag
na Badjao. Sila ay naninirahan sa Sitangkai,
Tawi-tawi at Bongao, Mindanao. Ang kanilang
bangka ay ginagamit sa paglalakbay at
pangingisda. Ito ay gawa sa matibay na kahoy
na kadalasan ay mula sa puno ng Yakal.

4. Fale o Bale

Ang bahay ng mga Ifugao ay gawa sa puno ng amugawan . Ito ay pinatatayo ng


apat na poste na may hugis plato sa bawat dulo na kung tawagin ay oliang. Ang oliang
ay nilalagay para hindi mapasok ng mga daga ang looban ng bahay. Tulad ng Torogan,
ang bahay ng Ifugao ay hindi rin ginagamitan ng pako.

Ang bahay na ito ay karaniwang may tatlong palapag. Ang una at ikalawang
palapag ay nagsisilbing tirahan ng buong pamilya. Dito kumakain at natutulog ang mga
nakatira dito. Ang ikatlong palapag naman na kung tawagin ay patie ay nagsisilbing
imbakan ng mga palay at bigas.

Pahina 21
Araling Panlipunan 3. 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 4: Katutubong Kasuotan, Sandata at Kagamitan

KATUTUBONG KASUOTAN

Mahusay maghabi ng tela ang mga sinaunang Pilipino.


Ang telang T’nalak o Tinalak ay magagandang habi mula sa Mindanao. Ito ay gawa
ng mga T’boli. Ang mga T’boli ay naninirahan malapit sa Lawa ng Sebu Cotabato ng
Mindanao. Ang T’nalak ay may sari-saring kulay. Orihinal ang mga disenyo nito. Ang
mga disenyo nito ay mula sa mga panaginip ng kanilang kababaihan.

Kasuotan ng mga lalaki

kanggan - tawag sa pang-itaas na damit ng lalaki


bahag - tawag sa pang-ibaba na damit ng lalaki
putong - kadalasang sinusuot sa ulo

Ang kulay ng putong ay may kahulugan. Halimbawa, ang


pulang putong ay sinusuot ng isang mandirigma na
nanalo sa isang labanan. Dahil dito, ang kahulugan ng
pula ay “kagitingan o katapangan.”
Pahina 22
Araling Panlipunan 3. 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 4: Katutubong Kasuotan, Sandata at Kagamitan

Kasuotan ng mga babae

baro o kamisa - tawag sa pang-itaas na damit ng babae


saya o patadyong - tawag sa pang-ibaba na damit ng
babae

Dahil sa likas na mayaman ang bansa ng ginto, ang


katawan ng sinaunang Pilipino ay may iba’t ibang suot ng
uri ng alahas.

Panicas ang tawag sa singsing na ginto.


Ganbanes ang tawag sa sinusuot sa
braso. Ang mga babae ay mahilig
magsuot ng pomaras, isang uri ng alahas
na may korteng bulaklak.

Ang pagmamay-ari ng ginto ay hindi


limitado sa mga maharlika o pamilya ng
datu. Ang mga ordinaryong mamamayan
ay maaari ding mag may-ari ng ginto. Ang
ginto ay ginagamit din ng mga Pilipino sa
pakikipagkalakalan.

Pahina 23
Araling Panlipunan 3. 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 4: Katutubong Kasuotan, Sandata at Kagamitan

KATUTUBONG SANDATA

Ang ating mga ninuno ay mahusay o magaling sa paggawa at paggamit ng sanda-


ta. Alam mo ba na ang kilalang FMA o Filipino Martial Arts ay nag-ugat pa daan-
daang taon na ang nakalipas? Ang kahusayan nila ay paraan para ingatan o
proteksyunan ang kanilang pamilya at ari-arian laban sa kaaway. Ilan sa
halimbawa ng kanilang mga sandata ay ang mga sumusunod:

Ito ay isang uri ng sandata na


mahaba, manipis, at matalim.

Ayon sa kasaysayan, ito raw ang


sandatang ginamit ni Kalipulaku o

kampilan Lapu-lapu sa labanan sa Mactan.

Ito ay ginagamit ng mga sinaunang


Pilipino sa Mindanao.
Ito ay nagmula sa Java Indonesia.
Matulis, matalim, mabigat at may
bahaging hugis alon na siguradong
makatatalo ng kaaway sa panahon ng
digmaan.

Pahina 24
Araling Panlipunan 3. 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 4: Katutubong Kasuotan, Sandata at Kagamitan

KATUTUBONG SANDATA

Ang punyal ay sandatang nagsimula sa


pangkat ng mga Maranao. Ito ay kadalasang
ginagamit sa malapitang labanan.

Ang sandata ng mga sinaunang Pilipino ay hindi


limitado sa espada o kutsilyo. Kahangahanga din
ang abilidad o kakayahan nilang lumaban gamit
ang matitigas na kahoy o ratan. Ito ay tinatawag
arnis na arnis. Ang mga kilos sa arnis ay sinasabing
kamukha sa eskrima.

Ang Filipino Martial Arts ay isang taktika sa pakikipadigmaan o pakikipaglaban na


matagal ng ginagamit ng mga Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan, ang kilos at
galaw ng FMA ay hinahangaan at nakikitang epektibo kaya madalas itong gayahin
at gamitin sa mga pelikula.

Pahina 25
Araling Panlipunan 3. 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 4: Katutubong Kasuotan, Sandata at Kagamitan

MGA KAGAMITAN NG MGA KATUTUBO

vakul
Ito ay isinusuot sa ulo ng mga
babaeng Ivatan sa Batanes. Ito
ay pangprotekta laban sa sikat ng
araw, hangin o ulan.
At ito ay gawa sa dahon ng
voyavoy (palm tree).

Sarimanok
Ang Sarimanok ay nagmula sa mga
kuwento ng mga Maranao. Simbolo ito ng
kasaganaan at yaman ng lupain.
Ito ay tinatawag nilang Itotoro.

Palayok at Banga

Ito ay ginagamit nila sa pagluluto.


Ang banga o tapayan naman ay ginagamit
sa pagkuha at pag-iipon ng tubig.
palayok

banga o tapayan

Pahina 26
Araling Panlipunan 3. 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Bilang # 4: Katutubong Kasuotan, Sandata at Kagamitan

Manunggul Jar
Ang Banga ng Manunggul o Manunggul Jar ay pinaniniwalaang nagmula sa taong
890- 710 BC. Mayroon itong dalawang pigura sa tuktok ng takip, ang isa ang
nagsasagwan ng bangka at ang nasa harap ay parang bangkay na nakatiklop sa
dibdib ang mga kamay. Sinasabing ang bangka na ito ay naghahatid ng namatay
na kaluluwa patungo sa huli nitong hantungan.

Nagpapakita ito na ang kulturang Pilipino ay naniniwala na may pinupuntahan ang


kaluluwa ng isang patay na tao.

Okir art ay disenyo na madalas makita sa mga kagamitan mula sa katimugan ng


Pilipinas. Karaniwan itong nasa panolong ng Torogan, Naga at Sarimanok.
Ang ibig sabihin ng salitang “okir” ay “to carve” o ukit.
Ang Sarimanok din ay isang halimbawa na ginamitan ng okir art.

Pahina 27
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 

2023
Babasahin Bilang # 5: Katutubong Musika at Literatura

MUSIKA NG KATUTUBONG PILIPINO

Ang ating mga ninuno ay nakakalikha o nakagagawa ng mga tugtugin at awitin. Sa


pamamagitan ng musika ay naipapahayag o nasasabi ang saloobin o damdamin.
Ang tema ng musika ay maaaring tungkol sa digmaan, kabayanihan, pagsisikap,
pananampalataya, pag–aani, pangangaso at pag-ibig. Ilan sa mga katutubong
instrumento na ginagamit noon at hanggang ngayon ay ang mga sumusunod:

Mga Instrumentong Hinihihipan

kaleleng Isang babaeng Tinggian na plawta


nagpapatugtog ng Diwdiw-as

Kaleleng— pangkat ng Bontoc


Diwdiw-as — pangkat ng Kalinga
Plawta— pangkat ng Mangyan

Pahina 28
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2020-2021 

Babasahin Bilang # 5: Katutubong Musika at Literatura

Mga ”Chordophones”

Mga instrumentong may tali o string.

kudyapi - pangkat sa Bukidnon kolesing - pangkat ng Ita

Mga “Idiophones”

Mga instrumentong nakagagawa ng musika sa pamamagitan ng pagpukpok o


pag-alog.

agung - mula sa pangkat ng Tagbanua at Mangyan


kulintang at dabakan - mula sa pangkat ng Maguindanao at Maranao

gangsa
dabakan

kulintang agung

Pahina 29
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2022 - 2023 

Babasahin Bilang # 5: Katutubong Musika at Literatura

SAYAW NG KATUTUBONG PILIPINO


Ang Singkil ay isang sayaw na mula sa Lanao
del Sur. Ang sayaw na ito ay nagmula sa
epiko ng Darangen.

Ito ay sayaw na nagpapakita ng katapangan


ng isang prinsesa mula sa kaharian ng
Mindanao. Sa sayaw na ito ipinapakita kung
paano iniligtas ng prinsesa ang sarili sa
panganib. Ang mga apir o abaniko ay Singkil
sumasagisag ng mga paruparo na lumilipad
malapit sa prinsesa.

Ang Sagayan ay sayaw ng mga mandirigma


(warrior dance) ng mga Maguindanao at Maranao.
Ipinapakita nito ang kabayanihan ng bayani na si
Prinsipe Bantugan.

Ang sayaw na Tiklos ng mga taga-Leyte ay


pinapakita ang paghahanda ng lupa sa pagtatanim
ng mga magsasaka, pagtayo ng bahay at mga
kaugalian sa tuwing pananghalian.

Pahina 30
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2020-2021 

Babasahin Bilang # 5: Katutubong Musika at Literatura

Ang sayaw na Ragragsakan ay natatanging


sayaw ng pangkat ng Kalinga. Ito ay sayaw
ng pagdiriwang sa tuwing may magaganap
na kasunduan sa pagitan ng dalawang
pangkat.

Mga babaeng may nakapatong na basket sa


kanilang ulo na parang naglalakbay mula sa
kanilang pag-aani.

PARAAN NG PAGSULAT
Noon pa man, may sarili ng sistema ng wika
at pagsulat ang ating mga ninuno.

Baybayin ang tawag sa panitikang pagsulat


at ito’y binubuo ng 3 patinig at 14 na katinig.

Mayroon ding panitikang pasalita ang mga


sinaunang Pilipino. Sila ay lumilikha o
nakagawa ng mga kuwento, tula, awit,
salawikain, bugtong, epiko at iba pa.

Karamihan sa mga ito ay naisalin sa


pamamagitan ng saling-dila o pasalita dahil
iilan lamang ang naisulat.
baybayin

Pahina 31
Araling Panlipunan 3 

Ikalawang Markahan sa Akademikong Taon 2020-2021 

Babasahin Bilang # 5: Katutubong Musika at Literatura

May mga panitikan na nagawa ang sinaunang Pilipino. Ang panitikan ay sulatin na
nagsasalaysay o nagkukuwento ng buhay, pamumuhay, paniniwala at mga
karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin.

Isa sa mga halimbawa ng panitikang Pilipino ang Epiko ng Hinilawod.

Ang Hinilawod ay isa sa pinakamahabang epiko sa mundo. Ang orihinal na wika


nito ay Kiniray-a o Hamtikanon. Ito ay nagmula sa pulo ng Panay sa Visayas. Ang
pangkat ng mga Kiniray-a o Hamtikanon ay naninirahan sa lalawigan ng Antique sa
Visayas.
Ang epiko ay nadiskubre noong 1955 ni F. Landa Jocano, isang Pilipinong
antropologo na interesadong aralin ang alamat.

Pahina 32
Araling Panlipunan
 3
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Larawan ng ating mga Ninuno

Sa pag-aaral natin tungkol sa paraan ng pamumuhay at pisikal na


katangian ng ating mga ninuno, mas mauunawaan at madiskubre natin ang mga
katangiang ng Pilipino bilang isang lahi.

Ayon kay Peter Bellwood, isang kilalang antropolohiya, ang mga


tagapulong Timog o Austronesians (people from the southern
islands) ang ninuno ng mga Pilipino, mga Indonesian at mga
Malaysian.
Sa teorya ng Austronesian Migration ipinaliwanag niya kung
paano nagkakahawig o nagkakamukha ang kultura, wika at
pisikal na katangian ng mga bansang nasa Asya.

Sa mapang ito ipinapakita ang paglalakbay ng mga Austronesian hanggang sa


makarating ang ilan sa kanila sa ating bansa.

Taon Lugar
3500 BC Taiwan

3000 BC Pilipinas

2000 BC Sumatra at Java


1600 BC Northern New
Guinea
1200 BC Hawaii Eastern
Island
500 AD Madagascar
_____________
PAHINA 33
Araling Panlipunan 3

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Laguna Copperplate Inscription

Karamihan sa mga aklat ng kasaysayan tungkol sa Pilipinas ay sinasabing naisulat

noong 1521 bilang simula nito. Ngunit, kung pag-aaralang mabuti bago pa man

dumating ang mga Kastila ay may kuwento na ang Pilipinas.

Isang patunay ang Laguna Copperplate Inscription, na nahukay noong 1989 sa


Laguna de Bay. Ito ay gawa sa tanso. Ang dokumentong ito ay nakasulat sa apat na
sinaunang wika sa Asya. Ang mga wikang ay Javanese (Indonesia), Malay (Malaysia),
Tagalog (Pilipinas) at Sanskrit (India).
Nakasulat dito ang pagpapalaya ng isang hari ng Tundun (ngayon ay Tondo) sa
alipin na si Namwaran dahil sa mabuting paninilbihan nito sa kanya.

_____________
Pahina 34

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Alam mo ba na may kaharian din sa Pilipinas?


Sinasabing ang mga kaharian ng sinaunang
Pilipinas ay kasabayan ng mga panahon ng mga
kaharian sa Asya.

Kaya lang, limitado ang mga naisulat tungkol dito.


Pero may ilang artifacts at dokumento naman ang
maaaring magpatunay na may kaharian ang
Pilipinas. Isa sa mga ito ang mga analekto ng mga
Tsino.

Mga Sinaunang
Kaharian Doon ay may mga naisulat na mga kaharian at

Kaharian ng Butuan mga pangalan ng mga pinuno na nakipag-

Kaharian ng Tondo ugnayan sa ibang lugar. Sa mga analektong ito ay

Kaharian ng Namayan nakasulat din ang mga lugar sa Pilipinas kung saan

Kaharian ng Selurong nakipagkalakalan ang mga Tsino.

Kaharian ng Sulu

Ang artifactay isang bagay na nakukuha na nanggaling pa noong


unang panahon na ginawa o ginamit ng mga tao. Maaari itong armas,
alahas, kuwintas, banga, pera, at iba pang mga bagay na nahuhukay ng
isang arkeologo.
_____________
Pahina 35

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Pakikipag-ugnayan ng Sinaunang Kaharian


Ayon sa kasaysayan ng Tsina, isang pinuno ng Butuan na ang pangalan
ay Sri Bata Shaja a ang sumubok na magbigay ng tributo sa pinuno ng Tsina.
Taong 1011, ipinadala niya si Liyu-xie na may dalang gintong tabletang
may ukit(memorial), white dragon, camphor at Moluccan cloves (sibuyas), at
alipin. Ito ay tinanggap ng Tsina, ibig sabihin lamang noon ay kinikilala o
pinaparangalan ng Tsina ang Butuan.

Isang pinuno din na mula sa Sulu ang nagpunta sa Tsina. Siya si Paduka Batara.
Siya, kasama ng pamilya niya at 300 katao na kabilang sa mga mataas na posisyon
ay nagpunta ng Tsina para magbigay ng tributo kay Emperador Yongle ng Dinastiya
ng Ming.Ngunit, namatay sa sakit si Paduka Batara nang pauwi na siya pabalik ng
Sulu noong Oktubre 23, 1417.

Ang emperador ay nagpatayo ng kanyang libingan


na hanggang sa ngayon ay makikita pa bilang
parangal kay Paduka Batara. Ito ay nasa Dezhou,
Shandong, Tsina.

_____________
Pahina 36
Araling Panlipunan 3

Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan


Paraan ng Pamumuno ng Sinaunang Pilipino
Pamahalaang Barangay

Ang orihinal na salitang barangay ay tumutukoy sa sasakyang pandagat na


ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang paglalakbay. Bawat balanghai ay
pinamumunuan ng isang kapitan na kung tawagin ay datu.

Nang nagtagal ay ginamit ang salitang balanghai o barangay upang tukuyin


ang isang pamayanan na binubuo ng mula 30-100 pamilya. Ito ay pinamumunuan
ng datu o maginoo (tagapagpayong nakatatanda sa barangay), lakan, raja

(rajah) o gat.

_____________
Pahina 37

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Pamahalaang Sultanato

Ang pamahalaang Sultanato ay uring pamahalaan na itinatag ng mga Muslim


sa Mindanao. Ngunit, bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon
nang maliliit na pamayanang tinatawag na banwa sa Sulu.

Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga datu o raha. Sa pamumuno ni Abu


Bakr, pinag-isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu. Si Abu Bakr ang
kauna-unahang sultan ng Sulu. Sultan ang tawag sa pinuno ng sultanato.
Si Sharif Muhammad Kabungsuan naman ang unang sultan ng Maguindanao.

Tungkulin ng Sultan
1. Pangalagaan ang kaayusan at kapayapaan sa kaniyang pinamumunuan

2. Panatilihin ang relihiyon (Islam) at kaugaliang Muslim (Kulturang Muslim) sa


kanyang nasasakupan

_____________
Pahina 38

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Alam mo ba?

Ang mga sultan ay pinipili ayon sa Tarsila. Ang Tarsila ay talaan ng mga

pinuno ng sultananto mula sa angkan o lahi ni Muhammad.

Ang batas sa sistemang Sultanato ay di nagbabagobago dahil nakabatay ito


sa Koran at Sunnah (mga tradisyon mula kay Muhammad).

Ang sultan ay may katulong sa pangangasiwa na tinatawag na Rhuma


Bechara. Ito ay konseho ng binubuo ng mga rajah mudha (mga angkan ng
tagapagmana ng sultan, at Ulama (pantas ng Islam).

Talasalitaan:

Islam - isang uri ng pananampalataya o relihiyon na ang tawag sa diyos ay


"Allah"

Muslim - ang tawag sa mga taong naniniwala sa relihiyong Islam

konseho - mga taong pinili para pamunuan ang isang bayan

_____________
Pahina 39

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

IMPLUWENSYA NG TSINA

Ang mga Tsino ay nagmula sa bansang Tsina. Sila ay


naglayag sakay ng mga sampan upang makipagkalakalan
sa iba't ibang lugar sa mundo. Bago pa man dumating ang
mga Kastila ay may mga naitala o naisulat nang patunay
na ang Pilipinas ay may kaugnayan sa bansa natin.

Ang sampan o 舢舨(shānban) ay karaniwang sasakyang pandagat ng mga

Tsinong naninirahan sa timog na bahagi ng Tsina. Ang salitang ito ay nagmula


sa salitang Cantonese (isa sa mga wika ng mga Tsino) na nangangahulugang

"three planks" o 三板. Ito ay karaniwang ginagamit sa pangingisda o

paglalayag. Sa kasalukuyan, ang sampan ay makikita pa rin sa mga lugar sa


Timog- Silangang Asya.

_____________
Pahina 40

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Barter Trade
Barter Trade ay isang sinaunang paraan
ng pakikipagkalakalan.

Ito ay paraan ng pakikipagkalakalang


na hindi gumagamit ng pera bilang
kapalit ng isang bagay. Sa halip, gamit o
serbisyo ang pinagpapalit ng bawat isa.

Matagal na nakipagkalakalan ang


mga ninuno natin sa mga Tsino. Dahil
dito ay naging malaki ang impluwensya
ng kulturang Tsino sa ating kultura.

Mapapansin ito sa ating pagkain,


pananamit, kagamitan, at mga
pananalita.

KAGAMITAN

PAYONG PORSELANA
SEDA

_____________
Pahina 41

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

ALAM MO BA?
Isa sa pinakamatandang tala ng pagdating ng mga Pilipino sa
Tsina ay makikita sa Song Shi (Song History). Ito ay naitala noong
taong 982 AD. Ayon dito ang mga tao mula sa Ba-i (sa Laguna) ay
nagtungo sa Canton (Guangzhou) upang makipagkalakalan. Karaniwang dala
ng mga Tsino ay ginto, pilak, tingga, seda at porselana. Ito ay
pinagpapalit nila sa korales, perlas, bao ng pagong (tortoise
shells), mga pagong at mga punong kahoy.

PAGKAIN
Narito ang ilang mga halimbawa ng
salitang mula Tsino ang katagang “tsay” sa
mga salitang petsay, kintsay at kutsay ay
mula sa salitang Hokkien na ang
kahulugan ay "gulay”. Ang katagang
“tau” naman sa mga salitang bataw, sitaw,
tausi, toge at tokwa ay tumutukoy sa mga
salitang may kaugnayan sa “beans”.

_____________
Pahina 42

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

IMPLUWENSYA NG INDIA

Sinasabing maaaring ang impluwensya ng


India o Hindu ay dinala sa Pilipinas ng ibang
mga pangkat Asyano na nakipagkalakalan
sa iba’t ibang lugar sa Asya. Ito ay sa
kadahilanang walang patunay na tuwirang
nakarating ang mga sinaunang taga-India sa
Pilipinas. Pinaghihinalaang ang unang
nagpakilala sa kultura ng Hindu sa Pilipinas ay
mga mangangalakal na Tsino, Malayo at mga
taga-Indonesia.

Ang epiko ng Ramayana at Mahbaharata ng mga Hindi ay may impluwensya


din sa Pilipinas. Ang Singkil o Sayaw Kasingkil ay isa sa mga tanyag na katutubong
sayaw sa Pilipinas mula sa Lanao. Ang sayaw na ito ay hango sa epiko ng
Darangen ng mga Maranao. Ipinapakita ng sayaw na ito ang katapangan sa
paghamon ng mga Maranao sa kasamaan. Ilan sa mga epiko sa Pilipinas tulad ng
Biag ni Lam-Ang ng mga Ilokano, Ang Maharadia Lawana o Darangen ng mga
Maranao, at Hud-Hud ng Ifugao na hinango mula dito.

_____________
Pahina 43

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Ilan sa mga namana nating mga Pilipino sa bansang India o mga


Hindu ay ang mga sumusunod:

1. Ang sistemang barangay ng pamahalaan.


2. Ang mga titulo ng kadakilaan tulad ng maharlika, lakan, hari, lakambini.
3. Paggamit ng putong at sarong, paggamit ng burdadong balabal.

_____________
Pahina 44
Araling Panlipunan
 3

Akademikong Taon 2020-2021
Ikatlong Markahan

IMPLUWENSYA NG ARABIA
Unang dumating ang mga Arabo sa Pilipinas noong 1300. Ito ay nagsimula
nang nagkaroon ng daungan sa Jolo, Mindanao.
Kasabay din ng panahon na ito ang simula ng pagbagsak ng kaharian ng
Majapahit sa Java, Indonesia. Ang mga Arabong nanatili sa Malacca,
Malaysia at Indonesia ay nagsilipatan patungo ng Pilipinas. Dahil dito ang mga
Arabo na napunta sa Pilipinas ay nagmula sa Malaysia at Indonesia, hindi sa
Arabia. Ang paniniwalang Islam ay dala ng mga Arabong nagpunta sa
Pilipinas. Muslim ang tawag sa mga taong naniniwala sa Islam.

Ayon sa kasaysayan, taong 1350 nang unang pumasok ang


Islam sa Pilipinas. Ito ay naganap nang dumating si Karim ul’
Makhdum ng Malacca, Malaysia sa Sulu. Siya ay kinikilalang
kauna-unahang nagturo ng paniniwalang Islam.

Namalagi siya sa Tawi-tawi hanggang sa siya ay namatay noong


1380. Mabilis niyang napalawak ang Islam sa bahagi ng Mindanao
kung kaya’t siya ang kinikilala ng mga Tausug na nagsimula ng
kasaysayan sa Sulu. Isang katibayan ng kanyang pagdating sa Sulu
ay ang kaniyang ipinatayong mosque sa Tubig Indanan sa pulo ng
Simunul sa Tawi-Tawi. _____________
Pahina 45

 3
Araling Panlipunan
Akademikong Taon 2022 - 2023 

Ikatlong Markahan

Malaki ang naging epekto ng


pakikipag-ugnayan ng mga unang
Pilipino sa mga Arabo. Kadalasan
nilang dala sa kanilang kalakal sa
Pilipinas ay ang telang koton, lana,
alpombra, gintong alahas, at mga
kagamitang metal. Nagtayo din sila
ng mga pamahalaang Sultanato sa
Sulu at Maguindanao. Kaya naman
Malaking bahagi ng Mindanao ang
bago pa man dumating ang mga
naimpluwensyahan ng Islam. Isa rito ay
Kastila sa Pilipinas ay may mga
ang rehiyon ng ARMM (Autonomous
sultan na ang Pilipinas. Sa pananatili
Region of Muslim Mindanao). Kabilang ng mga Arabo sa Pilipinas ay mabilis
dito ang mga lalawigan ng Sulu, Tawi- na kumalat ang kultura at
Tawi, Maguindanao, Basilan, at Lanao paniniwalang Islam.
del Sur.

ILAN SA MGA NAIPASA NG MGA ARABO


SA KULTURA NG MGA PILIPINO AY ANG
MGA SUMUSUNOD:

1. Pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao


2. Ang Pamahalaang Sultanato
3. Paggamit ng kalendaryo
4. Pag-ukit ng disenyo sa kahoy at mga
bagay na metal
5. Mga salitang: sulat, salamat, apo, alamat

_____________
Pahina 46

You might also like