You are on page 1of 4

FILIPINO 3

SUMMATIVE TEST No. 3


Modules 5-6
4 QUARTER
TH

Pangalan: _______________________________________ Iskor: _______

I. Basahin ang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ilang guro sa Mt. Province, 9 kilometers ang nilakad upang makasagap ng internet signal para sa
webinar. Para hindi mapag-iwanan sa ipatutupad na blended learning na kinabibilang online classes sa
darating na pasukann, tiniis ng ilang guro sa Mountain Province ang maglakad ng ilang kilometro para
makasagap lang ng internet signal upang makasali sila sa training-webinar ng Department of Education.

Apat na guro sa Maducayan Elementary School ang naglakad ng siyam na kilometro at tumawid pa
ng ilog para makarating sa mabundok na bahagi ng Barangay Saliok na may malakas na internet signal para
sa kanilang cellphone.

____1. Tungkol saan ang balita?


A. Tungkol sa internet signal
B. Tungkol sa mga gurong naglakad ng 9 kilometro para sumagap ng internet signal para makasali sa
“Webinar” training ng Department of Education.
C. Tungkol sa training webinar g Department of Health

____2. Sino – sino ang mga naglakad ng 9 na kilometro para makasagap ng internet signal?
A. Apat na guro sa Maducayan Elementary School Mt. Province.
B. Mga empleyado sa Mt. Province
C. Mga mag-aaral sa Maducayan Elementary School Mt. Province.

____3. Saan pumunta ang mga guro sa Maducayan Elementary School para makasagap ng internet signal?
A. sa mabundok na bahagi ng Barangay Saliok
B. sa Munisipyo
C. sa paaralan

____4. Ano ang kanilang ginawa sa mabundok na bahagi ng Barangay Saliok?


A. Mag-aaral ng Webinar
B. Makasali sa Webinar Training ng Department of Education.
C. Mamamasyal ang mga guro

____5. Bakit kaya sasali ang mga guro sa webinar training ng Department of Education?
A. para hindi mapag iwanan sa ipapatupad na Blended Learning na kinabibilangan ng online classes.
B. para mag facebook
C. para matuto ang mga guro

Nagtungo sa halamanan ang klase ni Bb. Recto sa Ikatlong Baitang. Nag-aaral sila tungkol sa
halaman. Wika ni Bb. Recto,”Tingnan ninyo ang damo sa halamanan. Paghambingin ninyo.”“ Ang damo po
sa halaman ay berde at malago." sagot ni Rosa. “Yaong nasa ilalim ng punong akasya ay kaunti at hindi
gaanong berde.”
“Ngayon, sabihin ninyo kung ano ang kailangan ng halaman upang lumaking mabuti,”wika ni Bb.
Recto. Sumagot si Helen. “Ang kailangan po ng mga halaman ay sapat na sikat ng araw. Kailangan din nila
ng tubig at matabang lupa.
File created by DepEd Click.
____6. Nasa anong baitang ang klase?
A.Ikaapat B. Ikalawa C. Ikatlo

____7. San natungo ang klase


A. sa halamanan B. sa ospital C.sa pamilihan

____8. Tungkol sa ano ang aralin?


A. mga halaman B. mga ibon C.mga kulisap

____9. Alin ang kailangan ng halaman para lumaki?


A .damit B. gamot C.tubig

____10. Anong uri ng lupa ang kailangan ng halaman?


A. malambot B. mataba C. matigas

Liga ng Barangay
ni Louigrace Margallo
Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay.
Abala ang lahat maging ang kapitan ng aming barangay. Dumating na ang mga manlalaro kasama
ang kanilang mga taga-suporta.
Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayundin ang mga miyembro ng
cheering squad ng bawat grupo na nagbigay saya sa mga manonood dahil sa sayaw na inihandog
nila. Nagsimula na ang laro at naging mainit ang bawat tagpo.
“Lamang na tayo!” sigaw ng isang manlalaro.
“Margallo, bumutas ng tres,” tawag ng referee sabay tayo ng mga tagapanood. Sa bawat
bukas na pagkakataon ay pumapasok ang mga manlalaro para makapuntos.
Tila hindi na pantay ang sahig dahil sa umaatikabong takbuhan. Natapos ang laro, panalo ang
Barangay 2!
Bagamat talo ang barangay namin sa larong ito, sinisiguro ng grupo na babawi sila sa
susunod na laro.

____11. Ano ang naganap sa barangay?


A. Liga ng Basketbal
B. Liga ng Football
C. Liga ng Volleyball
____12. Sino-sino ang maglalaro sa liga ng barangay?
A. Mga emplyeyado ng barangay
B. Mga kabataan ng barangay
C. Mga matatanda ng barangay
____13. Paano nakapagbigay saya sa mga manonood ang mga
cheering squad?
A. Nagpapalakpak sila nang malakas
B. Kinwayan nila ang mga manonood
C. Naghandog sila ng sayaw
____14. Sino ang nanalo sa laro?
A. Barangay 1 B. Barangay 2 C. Barangay 3
____15. Ano ang magandang kaugaliang ipinakita sa kuwento na
dapat mong tularan?
A. Pagiging Isport sa paglalaro

File created by DepEd Click.


B. Pagiging magalitin sa paglalaro
C. Pagiging pasaway sa paglalaro

KEY:

1. B
2. A
3. A
4. B
5. A
6. C
7. A
8. A
9. C
10. B

File created by DepEd Click.


File created by DepEd Click.

You might also like