You are on page 1of 3

ESP 3

SUMMATIVE TEST NO. 3


Modules 5-6
TH
4 QUARTER

Pangalan: _______________________________________ Iskor: _______

I. Isulat ang TAMA kung tungkol sa pagmamahal sa mga may kapansanan ang pahayag sa bawat
bilang, MALI kung hindi.

_________1. Nakita mong kinapitan at pinaglambitinan ng kapatid mo ang wheelchair ng taong nakaupo na
pinutulan ng paa sinaway mo at humingi ka ng paumanhin.

_________2. Tinulungan mong magluto ang kaibigang walang braso.

_________3. Nakita mong pinagtatawan ng mga kalaro mo ang batang bingi, tinukso mo rin siya.

_________4. Inalalayan mo ang matandang bulag na tatawid.

_________5. Lagi mong binibigyan ng baon mong pagkain ang kaklaseng maysakit na epilepsy.

_________6. Pakikipag-kaibigan sa isang taong may kapansanan.

_________7. Pagmamaltrato sa isang kapatid na bingi.

_________8. Paggalang sa katangian ng isang kaklaseng bulag.

_________9. Unawain ang mga may kapansanan na limitado ang kanilang magagawa ngunit maari rin
nilang magawa ang gawain ng isang normal na tao.

_________10. Turuan ang kapatid na ipinanganak na walang mga braso na maging independent sa araw-
araw na gawain gaya ng pagluluto, paglilinis, at iba pa na gamit ang mga parte ng katawan na mayroon siya.

II. Suriin ang bawat sitwayon at piliin ang tamang sagot.

______11. Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas, pinagtawanan siya ng iyong katabi. Ano ang iyong
gagawin?
a. Sasawayin ko ang aking katabi sa pamamagitan ng senyas at kakausapin pagkatapos ng klase.
b. Pagsasabihan ko siya nang malakas para malaman ng lahat ang ginawa niya.
c. Sasabihin ko sa aking kaklase na pinagtawanan siya ng katabi ko.
d. Hindi ko na lang iya papansinin.

______12. Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro ang bago ninyong kaklase.
a. Sasabihan ko siyang pumunta sa silid-aklatan.
b. Itatanong ko sa mga kalaro ko kung isasali nila siya.
c. Yayayain ko siyang sumali sa aming larong basketball.
d. Aayaw na ako at sasamahan ko na lamang ang aking bagong kaklase.
______13. Nakita mong pinagagalitan at kinukurot ng iyong kaibigan ang kapatid niyang maliit.
a. Sasabihin kong kausapin ng mahinahon ang kanyang kapatid at huwag itong saktan.
b. Imumungkahi kong isumbong na lang sa nanay niya ang kanyang kapatid.
c. Tatanungin ko iya kung ano ang ginawa ng kapatid niya.
d. Kakausapin ko ang kanyang kapatid.

File created by DepEd Click


______14. Dalawang beses mo nang napansin na sinasadyang patirin ng kaklase mong pinakamalaki ang
kaklase mong maliit.
a. Papatirin ko rin siya.
b. Tatahimik na lang ako
c. Pagagalitan ko ang pinatid dahil hindi siya lumalaban.
d. Isusumbong ko siya sa aming guro upang matigil na siya sa kanyang ginagawa.
______15. Tinatawag ng ibang bata ang kaibigan mo na pagong dahil mabagal itong kumilos.
a. Makikisali ako sa panunukso.
b. Sasawayin ko sila at pagsasabihan na huwag na ulitin ang tukso nila.
c. Hahamunin ko sila ng away at ipagtatanggol ang aking kaibigan.
d. Sasabihan ko silang ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng pagong.

KEY:
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
6. TAMA
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
11. A

File created by DepEd Click


12. C
13. A
14. D
15. A

File created by DepEd Click

You might also like