You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

SA SCIENCE 3

I. Layunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maibibigay ang kahalagahan ng halaman sa mga
tao.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Kahalagahan ng Halaman sa Tao
b. Sanggunian: PIVOT 4A Learner’s Material Ikalawang Markahan Science 3
c. Kagamitan: laptop

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


Magandang araw mga mahal kong mag-aaral sa Magandang umaga din po!
ikatlong baitang!
Ako ang inyong guro teacher Roselyn, nagagalak
ako na kayo ay makasama sa ating asignatura sa
Science 3 at tayo ay nasa ikalimang linggo ng
ikalawang markahan. Handa na ba kayo? Opo.
Tara simulan na natin.

B. Balik Aral

Bago tayo mag umpisa sa ating aralin, magbalik


tanaw muna tayo mula sa ating nakaraang aralin.

Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng halaman


sa bawat pangungusap.

Ito ang tumatangan sa halaman sa ibabaw ng lupa


at nagsisilbing daluyan ng tubig at iba pang
sustansiyang nagmumula sa ugat patungo sa ibat-
ibang bahagi ng halaman. Anong bahagi ng
halaman ito? Tangkay
Magaling! Ito ay ang tangkay
Para sa ikalawang bilang.
Ito ang bahagi na tumutulong sa pagpaparami ng
karamihan sa mga halaman at bahaging makulay
at kaakit-akit.
Anong bahagi ng halaman ito? Bulaklak
Tama! Ang bulaklak

Tatapusin ng guro ang pagtatanong hanggang sa


ikalimang bilang.

C. Pagganyak

Paano ginagamit ng tao ang halaman?


Suriin ang mga larawan.
Para sa ating unang larawan, pinya. Ano ang
kahalagahan ng pinya sa tao? Ang dahoon po ng pinya ay
ginagawang tela upang makagawa
ng kasuotan.
Tama! Ang dahon ng pinya ay ginagawang tela
upang makagawa ng kasuotan.

At para sa ikalawang larawan. Alam mo ba na


tayo ay ay makakagawa ng langis mula sa
sunflower? Ang galing diba!

Ang mga prutas at gulay ay nagsisilbing pagkain


natin. Ang mga kahoy ay ginagamit natin na
panggatong. At may mga ibang halaman na
ginagamit ding pang dekorasyon.

D. Paglalahad ng Paksa

Ngayon ay ating talakayin ang mga


Kahalagahan ng Halaman sa Tao.

E. Pagtalakay ng Paksa

Tatalakayin ng guro ang mga kahalagahan ng


halaman sa tao tulad ng:
a. Pinagkukukunan ng Pagkain
b. Gamit sa Konstruksiyon
c. Pinanggagalingan ng mga materyales
o sangkap sa paggawa ng gamot,
pabango, sabon o mga produktong
pampaganda at panglinis sa bahay
d. Pinanggagalingan ng tela at iba pang
kagamitan
e. Nagbibigay ng oksiheno (oxygen) at
mga kagamitang pangdekorasyon
f. Pinagkukunan ng panggatong at
nagsisilbing tirahan ng mga hayop

F. Paglalapat

Magbibigay ng halimbawa ang mga mag-aaral


ng mga kahalagahan ng halaman sa tao.

G. Paglalahat

Ano-ano nga ulit bata ang mga kahalagahan ng Ang mga kahalagahan po ng
halaman sa tao? halaman sa tao ay ang mga
sumusunod:
a. Pinagkkukunan ng Pagkain
b. Gamit sa Konstruksiyon
c. Pinanggagalingan ng mga
materyales o sangkap sa
paggawa ng gamot, pabango,
sabon o mga produktong
pampaganda at panglinis sa
bahay
d. Pinanggagalingan ng tela at
iba pang kagamitan
e. Nagbibigay ng oksiheno
(oxygen) at mga kagamitang
pangdekorasyon
f. Pinagkukunan ng panggatong
at nagsisilbing tirahan ng mga
hayop

Magaling!
Maari mo bang ulitin ang kanyang sinabi? Ikaw Uulitin ng bata ang sagot ng
nga ___? kanyang kaklase.
Mahusay!

IV. Ebalwasyon

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sasagutin ng mag-aaral ang mga


Panuto: Suriin ang mga larawan. Piliin sa katanungan ng guro.
kahon ang kapakinabangan na nakukuha ng
mga tao sa halaman ayon sa ipinakikita ng
larawan. Isulat ang titik sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Kopyahin ang inyong kuwaderno ang concept
map sa ibaba. Ilagay sa loob ng mapa ang
mga kahalagayan ng halaman sa tao.

V. Takdang Aralin

Magbigay ng halimbawa ng mga halaman na matatagpuan sa iyong paligid. Sumulat ng tatlong


pangungusap sa kahalagahan nito sa iyong pamilya. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Inihanda ni:

ROSELYN V. SAN DIEGO


Guro I

You might also like