You are on page 1of 1

Marso 29, 1969, ang taon kung kailan itinatag ang kilala natin ngayon bilang New People’s

army
(NPA) O ang Bagong hukbong bayan. Isang hukbo ng mga sibilyan na lumalaban para sa rebulosyong
komunista ng Pilipinas. Isang grupong lumalaban bilang isang militar na braso ng Partido komunista ng
Pilipinas o Communist Party of the Philippines (CCP). Umiral ang grupong ito na may layuning na
magkaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagtuligsa sa gobyerno ng bansa. Ilang dekada ng
ginagawa ito ng grupo, ngunit may nakikita ba tayong pagbabago?

Sa loob ng mahabang panahon, maraming kinabukasan ng mga kabataan ang nawasak, marami
ang kabataang nabulag at napahamak, kasabay nito ang paghihinagpis ng maraming mga Pilipinong
magulang. Anupa’t pangunahing pinupuntirya ng NPA ang mga kabataan. Sinabi ni Commissioner Victor
Del Rosario “the youth, given their innocence are very vulnerable to false ideologies.” Sinabi rin niya na
ang grupong ito ay gumagamit ng pagkukunwari ng pag-unlad at reporma, ngunit ang kanilang tunay na
agenda ay pag-agaw ng kapangyarihan.

Binanggit din ni Secretary Eduardo M. Año "Ang mga kabataan ay matatapang, mausisa, at
malalakas ang loob. Kaya naman ginagamit ito ng mga komunista para samantalahin ang kanilang
kahinaan upang lokohin, manipulahin, at pagbantaan”

Kaya bilang isang kabataang paano tayo makakatulong? Ang sagot ay simple—KAALAMAN. Sapat
na kaalaman tungkol sa NPA, sa kanilang layunin at sa kanilang aktibidad. Huwag magpabulag sa
mapagkunwaring ideya ng pagbabago. Mahalagang maging kritikal at lohikal, dahi kung gagawin natin
ito, mga kapwa ko kabataan. Dahil kung wala na silang mahihikayat pa na mga kabataan, hihina ang
kanilang puwersa, amababwasan ang kanilang mga aktibidad pagkat wala na silang sapat na lakas para
kalabanin ang pamahalaan. Bababa ang bilang ng mga kabataang masisira ang kinabukasan at gayundin
ang bilang ng mga magulang naghihinagpis.

Tunay nga na ang tunay na kaalaman ay isang mahalagang aspeto ng tunay na kaalaman. Sinabi
ng ani George Bernard Shaw, “Beware of false knowledge, it is more dangerous than ignorance.”

You might also like