0% found this document useful (0 votes)
42 views2 pages

Activity 1

Uploaded by

kionss
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
42 views2 pages

Activity 1

Uploaded by

kionss
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Activity 1

1. GOMBURZA
- Ang GOMBURZA ay pinagsama-samang mga bahagi ng apelido– para sa tatlong martir na
paring Pilipinong sina
o Mariano Gomez
o Jose Burgos
o Jacinto Zamora
- na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872
ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa
Cavite noong 1872.
- Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo
na kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas.
- Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo para magsilbing alaala sa tatlong
paring ito.

2. Valetin Ventura
- isang repormista noong panahon ng rebolusyonaryo.
- Kilala siya bilang taong tumustos sa paglalathala ng nobelang El Filibusterismo ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.

3. Jose Alejandrino
- isa siya sa mga miyembro ng Kilusang Propaganda na humihiling ng pagkakapantay-pantay,
lalo na ng pantay na pagkakataon sa kolonyal na administrasyon, para sa mga Kastila at
Pilipino.
- tumulong kay José Rizal sa pagwawasto ng mga pagkakamali sa El filibusterismo, na inilathala
sa Ghent, Belgium. Tumulong din siya sa pamamahagi ng mga kopya ng nasabing
manuskrito.

4. Jose Maria Basa


- miyembro ng isang repormistang grupo. Inakusahan siya ng pakikilahok sa pag-aalsa noong
1872 na humantong sa pagbitay kay Gomburza.
- Pagkaraan ng dalawang taon, siya, kasama ang iba pang akusado, ay binigyan ng pardon sa
kondisyon na hindi na sila babalik sa Pilipinas.
- Siya ay nanirahan sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya kung saan siya ay naging isang
matagumpay na mangangalakal.
- Ang tahanan ni Basas ay naging pansamantalang bahay ng ilan sa mga ipinatapong Pilipino
tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.

5. Ferdinand Blumentritt
- ay isang gurong Austrian, punong-guro ng sekondaryang paaralan sa Leitmeritz, lektor, at
may-akda ng mga artikulo at aklat sa Pilipinas at ang etnograpiya nito.
- Kilala siya sa Pilipinas dahil sa kanyang malapit na pakikipagkaibigan sa manunulat at
Propagandista na si José Rizal.
6. Pebrero 3, 1888
- Lumisan si Rizal dahil sa pangambang manganib ang buhay ng pamilya.
- Katakot- takot na liham ng mga pagbabanta ang dumarating sa kaniya at karamihan ay
walang lagda.
- Pinayuhan siyang bumalik sa ibang bansa.
7. Marso 29, 1891
- natapos ni Jose Rizal ang manuskrito ng El Filibusterismo sa Biarritz, France, pagkatapos ng
tatlong taon na pagsusumikap dito.
- Sinimulan niya itong isulat noong Oktubre 1887, sa Calamba.
8. F. Meyer Van Loo Press
-  F. Meyer-Van Loo Press, a printing shop in Ghent, Belgium.
9. Ghent, Belguim
- Jose Rizal's El Filibusterismo was printed in Ghent, Belgium on September 18, 1891.

You might also like