You are on page 1of 1

Ayon kay Kalat (2010) sa kaniyang libro na Psychology: An Introduction, ang depresyon ay

masasabing sakit kung ito ay tumagal a sa higit dalawang linggo. Samantalang ang kalungkutan
ay isa lamang karakter ng depresyon. Karagdagan pa rito, ang mga tong mayroong depresyon
ay hindi na makahanap pa ng bagay na makapagpapasaya sa kanila. Sinasabi niya rin na mas
talamak ang depresyon sa mga kabataan.

Ayon kay Taylor (2008) na Health Psychology, ang depresyon ay karaniwang


nararanasan ng mga pasyente ng stroke, cancer, sakit sa puso at iba pang mga chronic
diseases.

Lokal na Pag-aaral

Mula sa pag-aaral nina Jacob at De Guzman (2016), ang Pilipinas ang may pinakamataas
na saklaw sa depresyon sa Timog-Silangang Asya at karaniwan ito sa mga Kababaihan.

Ayon sa rekomendasyon ng pag-aaral ni Yap (2015), maaaring maging lunas ang


pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay at paghahanap ng lisensyadong propesyonal upang
makatulong sa sang taong mayroong depresyon.

Ayon naman kay Rodriguez (2015), sinasabing isa sa mga mabisang paraan upang
malabanan ang depresyon ay paglalaan ng oras sa sarili at hindi sa mga bagay na
nakakabahala sa sang tong mayroong depresyon, katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho at iba
pang mga bagay na nakakapanakit ng ulo.

Banyagang Pag-aaral

Mula sa pananaliksik ni Kerr (2015), ang kakulangan sa tulog, hindi tamang pagkain at
hindi sapat na ehersisyo ang nagtulak sa isang estudyante para magkaroon ng depresyon.

Ayon naman sa pag-aaral nina Wong, Lau, & Kwok (2015) natuklasang ang Mental Health
First Aid Program ay maaaring maging epektibo pa pagdidisemina ng kaalaman ukol sa Mental
Health Disorders, pagbabawas ng maling impormasyon ukol dito at pagpapabuti sa pagbibigay
tulong at kagamutan sa mga sakit na ito. Inirerekomenda nila na ipatupad ang Mental Health
First Aid Program (MHFA) upang maiwasan ang mga Mental Health Disorders at maipalaganap
ang mabuting kalusugan ukol dito.

Sa pag-aaral nina Angdembe, Kohrt, Jordans, Rimal, & Luitel (2017), ang kakulangan sa
kamalayan ukol sa Mental Health Services at kaugnay na usapin sa. pagitan ng mga may
pribilehiyo at mahihirap ay isa ring malaking hadlang. Ang mga pamilya at malalapit na tao sa
mga taong mayroong depresyon ang sinasabing mga
pangunahing detektor ng depresyon sa mga biktima nito.

You might also like