You are on page 1of 4

PANITIKANG FILIPINO

 
Rubico, Dianne S.                                                                                        BSA
1-1    

Indibidwal na Gawain 1

 
Direksyon:

Humanap ng isang artikulo o anumang sulatin o babasahin na kahit anong uri ng

panitikan na tunay na bumihag sa iyong kaisipan at karanasan.

Ang pamagat ng aking napiling babasahin ay “Salamisim” na isinulat ni binibining

Mia Alfonso na mas kilala bilang “Binibining Mia” o “undeniablygorgeous” sa wattpad.

Ito ay isang nobela na binubuo ng 35 na kabanata bukod pa ang panimula at epilogo

nito.

Ang nobelang ito ay tungkol sa isang babaeng manunulat na nagising na lamang

sa loob ng kanyang isinulat na libro na pinamagatang “Salamisim”, na tungkol naman

sa masalimuot na pag iibigan ng anak ng gobernador at lider ng rebolusyon noong

panahon ng mga kastila dito sa Pilipinas. Doon ay nakilala niya mismo ang kanyang

mga karakter, mga eksena na siya rin mismo ang gumawa, at narinig ang mga linya sa

kanyang libro. 
Si Faye, na bida sa kwento ay mahilig sa mga masalimuot na kwento ng pag ibig

at ayaw niya ng masayang wakas sa mga sinusulat niya na nobela. Ngunit nagbago ito

nang makilala niya ang isang may mataas na katungkulan bilang sundalo na

nagngangalang Sebastian. Isa rin itong karakter sa kanyang libro na orihinal na may

gusto sa bidang babae na anak ng gobernador. Dito na magsisimula ang tanong kung

paano niya kahaharapin ang lahat ng mga pangyayari base sa mga pahina at kabanata

na kanyang isinulat lalo pa at nagkakaroon na siya ng nararamdaman para sa

kontrabida ng nobelang Salamisim.

Ang kalakasan ng nobelang ito ay ang mga hindi inaasahang pangyayari o

tinatawag na plot twist sa ingles, lalo na sa dulong bahagi kung saan marami ang

rebelasyon at nakakagulat na katotohanan sa likod ng mga karakter ng Salamisim.

Tunay na mabibihag ang atensyon ng mga mambabasa sapagkat ito ay

kapanapanabik. 

Samantala, ang kahinaan namang maituturing ay ang kalituhan ng ibang

mambabasa dahil sa dami ng mga rebelasyon at pangyayari lalo pa at ang nobelang ito

ay magkahalong piksyon at di-piksyon. 

Isa sa kariktan na sadyang tumatak sa maraming mambabasa ay noong

sandaling nabulgar na si Faye pala, na inakalang awtor sa kwento ng mga mambabasa

ay siya pala ang orihinal na side character lamang sa istorya ng Salamisim. Siya ay si

Angelita, ang karakter na may gusto kay Lorenzo na lider ng rebolusyon na siya

namang makakatuluyan dapat ng bida na anak ng gobernador. At ang tunay na awtor

pala ay si Sebastian na ang tunay na pangalan ay Marcus sa tunay na mundo.


Nagkapalit lamang sila ng buhay dahil sa isang pangyayari kung saan hindi

sinasadyang mapatay siya ni Angelita. Ito ay isang kondisyon na ipinagkaloob ng

mahiwaga at misteryosong nilalang. HIndi nabanggit sa kwento kung ano ang tunay

anyo nito.

Ang iisang karanasan ng akda at mambabasa ay ang pagkakaroon ng pag asa

sa kabila ng kasamaan ng isang tao o bagay. Tulad na lamang kung paano nakita ni

Faye/Angelita ang kabutihan sa puso ni Sebastian kahit pa kontrabida ito at masama

ang imahe sa nakararami. Nakita niya ang tunay nitong pagkatao at dinamayan sa

maraming pagsubok nito sa buhay. At ganoon din ako bilang mambabasa, sinusubukan

ko na huwag magpokus sa masasamang katangian ng tao, kundi sa mga bagay na

nagpapabuti sa kanila. Sapagkat marami na ang problema sa mundo, at libre lamang

ang pagiging mabait sa kapwa kaya hindi dapat ito tinitipid o ipinagdadamot.

Sa isang banda, ang kaisipang kumintal sa aking pagkatao ay ang mga aral na

napulot ko habang binabasa ang kwentong Salamisim. Bukod pa sa aking nabanggit,

marami akong nabatid at nasuri sa aking sarili bilang isang beses lamang tayo

nabubuhay sa mundo. Isa na dito ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang

ipaglaban kung ano ang nais natin basta hindi nakakaapak ng ibang tao. Dahil walang

gagawa nito kundi ating sarili lamang, at ang buhay natin ay sariling atin. Tayo ang may

kakayahan at karapatang kontrolin ito. Hindi dapat tayo namumuhay base sa kung ano

ang gusto ng iba sa atin. Kundi, sa paraang tayo ay masaya at nagiging mabuti sa iba.

Ang ideyang pamatid pangmadla sa aking palagay ay ang hindi pangkaraniwang

ikot ng nobelang ito at mga katangian ng karakter na pupukaw sa puso ng bawat


mambabasa. Ito rin ay hindi lamang tungkol sa pag iibigan, mayroon ding tungkol sa

pagsasamahan bilang isang pamilya at tunay na pagkakaibigan. At ang isa pang

maganda rito, ang kasaysayan ng Pilipinas lalo na noong panahon ng mga kastila ay

napagtuunan ng pansin bagaman may halo itong imahinasyon ng awtor na si Binibining

Mia. Nilinaw niya na ang nobelang ito ay kathang isip lamang pero kung mapapansin at

ikukumpara ang tunay na kasaysayan ng bansa noong panahon ng mga kastila pati na

ang mga terminolohiya, ay nagkakatugma ang mga detalye. Makatutulong ito sa mga

mambabasa upang magbalik aral sa kasaysayan ng ating bansa.

Kung mamarkahan ko ito hanggang bilang sampu, bibigyan ko ito ng perpektong

iskor o 10/10. Ito ay dahil bukod sa ayos at kagandahan ng pagkakasulat, ito ay

sadyang pumukaw sa aking damdamin at sa marami pang mga tao na nakabasa nito.

Marami ring mga matututunan at mga bagay na tunay naman na naiintindihan sapagkat

nangyayari sa totoong buhay. Higit sa lahat, karamihan sa mga sinulat na istorya o

nobela ng awtor na ito ay nakasulat sa wikang Filipino at tungkol sa ating pagka Filipino

dahil mababasa ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga kastila sa ating

bansa, ang kanilang pamumuhay at kung paano ang trato sa kanila ng mga dayuhang

mananakop. Binigyang diin din ang mga pangyayari noong panahon ng mga kastila at

mga nakaraan pang taon sa ating bansa bagaman may halo itong piksyon at

imahinasyon ng may akda. Sa kabuuan, ito ay mainam at makabuluhan kaya naman

tunay na bumihag sa aking kaisipan at karanasan.

You might also like