Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Learning Resource Management Section
Learning Activity Sheet
Talakayan
Isa sa mga elemento/sangkap ng maikling kwento ay ang tunggalian na humuhubog sa
pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kwento. Ito ang
pakikipagsapalaran o pakikipagtunggalian ng pangunahing tauhan laban sa mga problemang
kakaharapin na kung minsan ay sa sarili, sa kapwa o sa kalikasan. Sa madaling salita, ito ang
pag-aaway-away o tampuhan ng mga tauhan sa isang kwento.
May apat (4) na uri ng tunggaliang matutunghayan sa isang akdang pampanitikan. Ang tao
laban sa tao, ang tao laban sa sarili, tao laban sa kalikasan at tao laban sa lipunan. Nakapokus
lamang tayo sa uri na tao laban sa tao at tao laban sa sarili.
Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng
tauhan.
Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at paniniwala.
Karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin—ang tama o mali, o mabuti o
masama? Maaari rin itong pagsupil ng sariling damdamin.
Ang tauhan lamang ang nakareresolba sa hinaharap niyang suliranin. Samantala, ang tao
laban sa tao ay pangunahing uri ng panlabas na tunggalian. Dito, ang tauhan ay
nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida
o mabuuting tao laban sa masamang tao. Maaaring dulot ito ng pagkakaiba nila sa
pamantayan ng moralidad, posisyon sa lipunan, o paniniwala.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Learning Resource Management Section
Learning Activity Sheet
Gawain 1
Panuto: Ipabasa sa iyong kasama na nasa loob ng tahanan at makinig nang mabuti.
Pag-unawa sa binasa:
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan?
2. Ano-ano ang mga suliraning natagpuan sa binasang buod?
3. Ano ang mga tunggaliang nakita sa binasang buod ng pelikula?
4. Iuugnay ang mga tunggaliang nakita sa pangyayari sa tunay na buhay.
Gawain 2
A. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba na nagpapakitang ng iba’t ibang uri ng tunggalian.
Sanggunian
Seven Sundays Summary - Buod ng Pelikula: Nagsimula ang kwento na ipinapakita ang
kalagayan sa – Studocu
Answer Key
Gawain 1
1. Mr. Manuel Bonifacio at kanyang mga anak
2. Kabilang sa mga suliraning nakapaloob sa pelikula ay ang pagkakaroon ng alitan ng
mga anak ni Mr. Bonifacio at kung sasabihin ni Mr, Bonifacio ang katotohanan na
wala siyang sakit.
3. Tao laban sa tao at Tao laban sa sarili
4. Makikita sa kasalukuyan na nagkakaroon ng tunggalian sa pamamagitan ng
miyembro ng pamilya.
Gawain 2
1. Sa simula hanggang sa dulo ay makikita ang mga tunggalian sa pelikula.
2. Oo, katulad ng tunggalian sa pagitan ng miyembro ng pamilya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Learning Resource Management Section
Learning Activity Sheet
3. Halimbawa ng tunggaliang tao laban sa tao ay ang pagkakaroon ng alitan ng mga
magkakapatid makikita rin sa kasalukuyan ito, halimbawa na lang ay ang
pagkakaroon ng away ng mga magkakapatid dahil sa pera.
4. Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay nagtatalo ang isip ni Mr. Bonifacio kung
sasabihin ba niya ang katotohanan sa kanyang mga anak. Maihahalintulad ito sa tunay
na buhay, minsan nagtatalo ang isip natin kung sasabihin ba natin ang totoo sa taong
mahal natin sa buhay.
5. Isa sa tauhang may tunggaliang tao laban sa sarili ay si Mr. Bonifacio. Maaring
masulosyunan niya ito sa pagsasabi ng totoo sa kanyang mga anak o maari siyang
magsabi sa kanyang pinagkakatiwalaang kaibigan at ito ang magsabi sa kanyang mga
anak.
Prepared by:
Liza May S. Bueno
Teacher II
Bulihan Integrated National High School-Silang
Angelina R. Vargas
Head Teacher IV- Filipino Department
Maritess Geneblazo-Reyes
Content Validator
Geraldine N. Mojica
Language Validator
Mehitabel C. Petilla
Lay-out Validator.