You are on page 1of 1

AGUELO: Magandang Tanghali mga binibini at ginoo.

Sa ngalan ng 1st
Battalion, 319th Airborne Field Artillery Regiment Command
Team, tinatanggap ko kayo sa Seremonya na ito bilang parangal
sa buhay at paglilingkod ni Colonel Tendoy.
Umpisahan na po natin ang eulogy o tribute para kay Colonel.

Tatayo ang isa sa mga kapatid ni Colonel (Shayna) na may hawak na papel.

SHAYNA: Unti-unting tumulo ang luha


Ang puso ay naging bato
Ang saya’y makikita na lamang sa litrato
Mga masasayang sandali’y naglaho

Pinasa niya ang papel sa isa pa niyang kapatid (Jovilyn).

JOVILYN: Ikaw ang aming bayani


Sa iyong puso, serbisyo mo'y namayani
Upang mapayapang Pilipinas ay maghari
Ligtas ako, sila, lahat kami

Tumayo ang kaibigan ni Colonel. (Aaliyah)

AALIYAH: Kahit sariling pamilya ay iyong iniwan


Kahit umiyak sa iyong paglisan
Isinantabi ang sariling kaligayahan
Ibubuwis ang buhay para sa lahat, hindi lang sa iilan

SHAYNA: Salamat sa iyo,


Ito ang tinig ng aming puso
Salamat sa iyo,
Bayaning Sundalo.

You might also like