You are on page 1of 81

2

Pagsasanay sa Disaster Preparedness


at Contingency Planning
ACCORD Project 2007

Disaster
Preparedness
Inilathala ng Corporate Network for Disaster Response (CNDR) at ng CARE © 2009

ISBN 978-971-94364-0-9

Hinihimok at pinahihintulutan ang pagsipi sa nilalaman ng manwal na ito. Banggitin ang pangalan ng

CNDR at CARE sa bawat pagsipi.

Nagsulat: Ma. Stella A. Dulce

Patnugot: Ma. Cecilia L. de los Reyes, Marieta Lupig Alcid, Floreen Simon at Celso B. Dulce, Jr.

Cover design, layout at artwork: Karl Frederick M. Castro at Jose Leon A. Dulce

Ang manwal ng Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning ay inilathala na may suporta

mula sa European Commission Humanitarian Aid department, sa ilalim ng “Fifth DIPECHO Action Plan for

Southeast Asia.”

The European Commission’s Humanitarian Aid department (ECHO) is

one of the world’s largest providers of financing for humanitarian aid

operations. Through its Disaster Preparedness Programme (DIPECHO)

it assists vulnerable people living in the main disaster-prone regions

of the world in reducing the impact of natural disasters on their lives

and livelihoods.
Mga Nilalaman

Listahan ng Pagdadaglat

Modyul 2 – Disaster Preparedness


Ilang Tala Hinggil sa Modyul 1
Sesyon 1 – Community Risk Assessment 2
Sesyon 2 – Early Warning System 31
Sesyon 3 – Evacuation Planning 42
Sesyon 4 – Evacuation Centre Management 52
Sesyon 5 – Public Awareness 60
Sesyon 6 – Community Drill 67
Listahan ng Pagdadaglat

AADC Agri-Aqua Development Coalition


ACCORD Strengthening Assets and Capacities of Communities and Local Governments for
Resilience to Disasters
BDCC Barangay Disaster Coordinating Council
CBDRM Community-based disaster risk reduction
CBEWS Community-based early warning system
CF Community facilitator
CNDR Corporate Network for Disaster Response
CP Contingency plan
CPWS Contingency planning workshop
CVA Capacities and vulnerabilities assessment
CRA Community risk assessment
DILG Department of Interior and Local Government
DPT Disaster preparedness training
DRM Disaster risk management
DRR Disaster risk reduction
ECHO European Commission Humanitarian Aid department
ECM Evacuation centre management
ER Emergency response
EWS Early warning system
FGD Focus group discussion
LGU Local government unit
MDCC Municipal Disaster Coordinating Council
OCD Office of Civil Defence
PAGASA Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
P/R/NDCC Provincial/Regional/National Disaster Coordinating Council
PHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and Seismology
PSWS Public Storm Warning Signal
RBA Rights-Based Approach
TNA Training needs assessment
Pasasalamat

Ang manwal ng Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning ay halaw sa


karanasan ng mga komunidad, paralan at mga local na pamahalaan na lumahok sa proyektong
Strengthening Assets and Capacities of Communities and Local Governments for Resilience to
Disasters (ACCORD). Sa kanila iniaalay ang manwal na ito. Pinasasalamatan din ang mga staff
ng ACCORD na nakibahagi sa pagpapayaman ng manwal na ito: Merdi Jean Arcilla, Sindhy Obias,
Gladys Montales, Sharon Coralde, Aldin Beta-a, Ciriaco Santiago III, Mia Marie Brusola, Wilma
Maligaso at September Magaway. Pinasasalamatan din ang Philippine Atmospheric, Geophysi-
cal and Astronomical Services Administration (PAGASA), Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (PHIVOLCS), Department of Interior and Local Government (DILG), Office of the Civil
Defense (OCD), Citizens’ Disaster Response Center (CDRC) at Center for Disaster Preparednes
(CDP) sa kanilang suporta sa ACCORD at sa pagbubuo ng manwal na ito.
Disaster Preparedness

Ilang Tala Hinggil sa Modyul


Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sesyon na tutulong sa pagpapahusay
ng kasanayan ng mga kalahok upang maging handa sa mga panganib
na nakaamba sa kanilang mga komunidad. Sa modyul na ito, ang mga
konsepto at mga pamamaraan tungkol sa gawaing pagbawas ng risk ay
gagamitin ng mga kalahok upang maisagawa, sa pamamagitan pangunahin
ng mga workshop at mga pagsasanay, ang mga kasanayan sa paghahanda
tulad ng community risk assessment, early warning system, evacuation
planning, contingency planning, at iba pa. Pagkatapos ng modyul na ito,
ang mga kalahok ay magkakaroon na ng ilang mahahalagang bahagi ng
isang barangay contingency plan (kung sila ay mga taga-barangay) o
municipal contingency plan (kung ang mga kalahok sa pagsasanay ay mga
taga-Municipal Disaster Coordinating Council).

Ang mga kasanayan na matututunan sa modyul na ito ay tutulong upang


maging mataas ang antas ng kahandaan ng mga kalahok, at makatugon
sila nang mas mahusay sa mga pangangailangan sa panahon ng disaster.
Inaasahan ding batay sa mga pagsasanay at workshop, lalong makikilala
ng mga kalahok ang mga disaster na maaaring mangyari sa kanilang
komunidad at mabibigyan sila ng batayan upang makapagdesisyon kung
anong uri ng tugon ang kaya nilang isagawa sa oras ng disaster.

Bago mag-umpisa ang training sa modyul na ito, ipaliliwanag ng tagapag-


padaloy na sa loob ng tatlong araw na training ay magkakaroon ng isang
earthquake drill. Hindi sasabihin kung kailan ito gagawin. Kailangang
maghanda ang mga kalahok at ituturo ng tagapagpadaloy kung ano ang
mga dapat nilang gawin kapag kunwaring lumilindol na.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Sesyon 1. Community risk


assessment (CRA)
Layunin

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan sa mga nagsidalo na:


• Maipaliwanag kung ano at paano ginagawa ang CRA;
• Mailarawan ang origin (pinagmulan) at characteristics
(mga katangian) ng mga hazard;
• Matalakay ang mga kategorya at salik (factors)
ng kapasidad at bulnerabilidad;
• Maipaliwanag kung paano ginagawa ang risk ranking at worst-case
scenario ng barangay na siyang basehan ng contingency plan at mga
bahagi nito gaya ng early warning system at evacuation plan; at
• Makapagtukoy ng mga risk reduction measure na
bahagi ng kanilang contingency plan.

Mga Susing Mensahe

1. Ano ang Disaster Risk?


Ang risk ay ang probabilidad na
tumama ang hazard at kung gaano
katindi ang pinsala na maaaring
idulot nito sa komunidad.

2. Ano ang Community


risk assessment (CRA)?
Ang community risk
assessment o CRA ay proseso na
nilalahukan ng komunidad upang
tukuyin ang mga hazard, suriin
ang probabilidad na mangyari ang
mga ito, at alamin ang mga salik
ng bulnerabilidad at kapasidad
na nakaiimpluwensya sa antas o
tindi ng epekto o pinsalang dulot
ng mga hazard na matutukoy.
Disaster Preparedness

May dalawang mahahalagang punto,


• Ang probabilidad o ang tsansa na mangyari ang hazard
ay nakabatay sa hazard assessment na gamit ang mga
iba’t ibang proseso tulad ng hazard assessment table,
hazard mapping at disaster history o timeline.
• Ang severity o ang tindi at lawak ng pinsala ay nakabatay sa
pagtatasa sa bulnerabilidad at kapasidad ng isang pamayanan
o Capacities and Vulnerabilites Assesment (CVA).

Higit sa lahat, mahalaga ang partisipasyon ng buong komunidad kaya’t


ang proseso ay dapat na naghihikayat ng kanilang paglahok.

3. Bakit ginagawa ang CRA?


• Upang mapataas ang kahandaan at kapasidad ng komunidad
sa panahon ng disaster sa pamamagitan ng isang proseso na
nagpapahalaga sa partisipasyon ng mga mamamayan.
• Upang maabot ang relatibong pagkakapare-pareho ng pag-unawa
sa panganib mula sa iba’t-ibang pagtingin. Mahalagang ang
sariling karanasan ng komunidad, ang pagtingin ng mga hindi
taga-komunidad at mga siyentipikong pag-aaral ay mapag-ugnay
o mapagsama-sama upang maging mas malapit sa katotohanan
ang pag-unawa sa mga disaster na maaaring mangyari.
• Upang maging batayan para makapaghanay at makapagbalangkas
ng mga pamamaraan, proyekto, o hakbang upang mabawasan
o mapaghandaan ang nakaambang panganib.
• Kapwa ang partisipasyon at makakamit na kaalaman
sa pagsasagawa ng CRA ay may mahalagang ambag
sa pagpapataas ng kamalayan sa mga panganib na sa
nakaraan ay hindi pa alam o nakikilala ng komunidad.
• Hakbang ang CRA upang makabuo ng Early warning
system (EWS), evacuation plan; at contingency plan.
• Bahagi ng baseline na pagbabatayan ng pagsukat ng resulta
ng mga programa, proyekto at aktibidad sa pagpapababa
ng risk, epekto o pinsala sa panahon ng disaster.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

4. Mga Bahagi ng CRA


• Pananaw ng komunidad sa risk (people’s perception of risk)
• Pagsusuri sa mga panganib (hazard assessment)
• Kapasidad at bulnerabilidad (capacities and vulnerabilities)
• Risk ranking,worst-case scenario, mga rekursong
kakailanganin, at imbentaryo ng mga rekurso

Samantala, ang proseso ng pagbubuo ng CRA ay makatutulong sa pagtukoy


ng mga inisyal na hakbang tungo sa pagpapababa ng risk o risk reduction
measure.

5. Ano ang ibig sabihin ng pananaw ng komunidad


sa risk o people’s perception of risk
• May kinalaman ang kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya ng
mga tao sa kanilang bulnerabilidad at kung paano nila tinitingnan
ang risk. Mga halimbawa: maaaring mas passive o walang
pakialam ang mga mayayaman sa mga disaster dahil sa pagtingin
na hindi sila gaanong bulnerable. Sa kabilang banda, maaaring
mas nag-aalala sila dahil marami ang maaaring mawala sa kanila
sa usaping pangkabuhayan kung may darating na disaster.
• Maaring magkaiba din ang pagtingin ng mga taga-komunidad
kumpara sa pagtingin ng hindi taga-komunidad (mga organisasyong
sumusuporta sa mga komunidad). Mas kabisado ng mga taga-
komunidad ang kanilang kalagayan kaysa sa mga hindi taga-
komunidad. Nguni’t hindi ito garantiya na alam nila ang kabuuang
epekto ng risk, ang mga dahilan nito, at pagkaka-ugnay-ugnay nito
sa pagkakaroon ng disaster.

Ang pagtingin ng mga lokal ay batay sa karanasan. Halimbawa, sa


Bgy. Paltic sa Dingalan ay may mga bahagi na hindi inabutan ng
landslide noong 2004. Dahil sa ganoong pangyayari, ayaw umalis
sa kanilang lugar ang mga nakatira sa bahaging hindi inabutan ng
landslide kahit pa batay sa mga pag-aaral ay maaari itong tamaan
ng mga susunod pang landslide. Maaari ring wala talaga silang
ibang mapupuntahan. Maaari ring naging bahagi na ng kanilang
pang-araw-araw na buhay ang umasang hindi na mauulit ang
pangyayaring iyon.
Disaster Preparedness

Samantala, ang mga hindi taga-Paltic naman ay walang malalim na


pagkilala o pagtingin sa nangyari. Nguni’t dahil sa nalaman nila ang
mga pangyayari noong 2004 sa pamamagitan ng balita at mga pag-
aaral, maaaring mas mag-alala sila o mas madaling matakot kapag
inabutan ng malakas na pag-ulan sa Bgy. Paltic.

Kailangang maintindihan ng mga kalahok na walang monopolyo


ang mga hindi taga-komunidad sa tamang kaalaman. Hindi
rin masasabing ang kanilang karanasan lamang ang dapat
pagbatayan ng mga aksyon o hakbang. Sa pamamagitan ng
CRA, may pagkakataon na magpalitan ng mga magkakaibang
pananaw; mapagsama-sama ang lokal na kaalaman, siyentipiko
at teknikal na impormasyon; at mahalaw at matiyak ang mga
tamang aksyon o hakbang upang mapababa ang risk.

• Tinitimbang ang kahalagahan


at kontribusyon ng lahat ng
mga kaalaman at pagtingin
na ito upang makuha ang
datos na kapaki-pakinabang
para sa komunidad.

6. Ano ang pagsusuri sa


panganib o hazard assessment?
Ang hazard assessment ay ang
proseso ng pag-aaral sa mga hazard na
naranasan na o maaaring maranasan
ng komunidad at paghahanay ng mga
mahahalagang katangian nito at ang
kanilang mga pagkakaugnay-ugnay.
Bahagi ng proseso na isinasagawa ng komunidad ang pagtukoy ng hazard
kabilang ang mga alam na at hindi pa alam subalit maaaring makaapekto sa
komunidad; pag-aaral sa kasaysayan o karanasan ng komunidad sa disaster;
at ang pag-unawa kung paano ito nabubuo o ano ang pinanggagalingan
(origin o cause) ng mga hazard at mga katangian nito.

Dito nauunawaan na ang bawat hazard ay may kani-kaniyang katangian


kung kaya’t nararapat na hazard-specific ang paghahanda. Maaari ring
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

ang isang hazard ay may kakayahang magdulot ng dagdag na hazard, o


magluwal ng pangalawang (secondary) hazard.

May tatlong paraan na madalas gamitin upang


mapag-aralan ang mga hazard na maaaring
tumama sa isang komunidad. Ito ay ang:

• Hazard Assessment Table (o matrix);


• Timeline o Disaster History; at
• Community Hazard map.

6.2. Hazard Assessment Table


Ang hazard assessment table (HAT) ay
ginagawa upang suriin ang lahat na mga hazard na
maaaring tumama sa komunidad, unawain ang mga
dahilan o kung paano nabubuo ang hazard, at unawain
ang mga katangian (mapaminsalang pwersa, bilis ng
pagtama o speed of onset, tagal o duration, panahon
ng pagtama o seasonality, forewarning, at mga babala o warning) ng mga
ito. Ginagawa ito bilang batayan ng pagbubuo ng EWS. Bago ginagawa
ang HAT, kailangang malaman ng mga taga-komunidad anu-ano ang mga
hazard na naranasan na nila at ano ang mga maaaring maranasan batay
sa iba’t ibang pag-aaral o mga dokumento.

Ang gabay na ginagamit sa paggawa ng hazard assessment table ay ang


sumusunod:

Factors / Salik Bagyo Lindol Baha Landslide


Mabilis na pagtaas
ng tubig gaya ng
hanggang tuhod sa
Malakas na kalsada o hanggang
ulan baywang sa loob ng
Force
Malakas na bahay Mabilis na
Ano ang
Mabilis at paggalaw pagguho ng
mapaminsalang
malakas na ng lupa Malakas na ulan lupa
pwersa?
hangin na tumatagal ng ½
araw

Pag-apaw ng
Lawigan River
Disaster Preparedness

Factors / Salik Bagyo Lindol Baha Landslide

Warning or signal
Ano ang opisyal na
babala na parating
Dami ng ulan base
ang hazard? Radyo/TV
sa reading ng rain
PAGASA
gauge
Ano ang mga MDCC
Walang Palaging
nakasanayan na Public
warning Warning na paabot umuulan
o lokal na mga Storm
ng MDCC gamit
palalatandaan Signal 1-4
ang batingting at
na parating
megaphone
ang hazard?
(indigenous
knowledge)

Speed of Onset
Mabilis (rapid
onset) o mabagal
Mabilis Mabilis Mabilis Mabilis
(slow onset) ba
ang pagdating ng
hazard?

Forewarning/Time
Gap/Lead Time
Gaano kahaba ang
panahon mula
nang malaman
2-3 araw Wala 2-4 oras Wala
na parating ang
hazard hanggang
sa aktwal na
pagtama ng
hazard?

Frequency
Gaano kadalas 4-5 kada Hindi
Tag-ulan Wala
magkaroon ng taon masabi
hazard?

When
Kailan kadalasang Hulyo – Hindi
Oktubre – Marso Tag-ulan
tumatama ang Marso masabi
isang hazard?

Duration
Kadalasan
Gaano katagal Segundo
ilang
mararamdaman ng lamang
2-3 araw segundo 3-5 araw
komunidad ang (walang 1
(10-15
pagtama ng isang minuto)
segundo)
hazard?
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Ang disaster history ay pagbabalik-tanaw sa mga naranasang disaster ng


isang pamayanan. Timeline ang pamamaraang ginagamit sa pag-aaral
nito. Ang halimbawa ng timeline ay:

1942-1945 1951 1979-1982 1982 1984

Mga
BAGYONG INSURGENCY BAGYONG
Disaster na GYERA LINDOL
AMY PROBLEM BESING
naranasan?

Gumuho ang
Gutom, Gutom, Gutom at kongkretong
Patayan, mga may mga takot ang mga Gutom at may bakod ng
kabahayan nasirang tao mga nasirang elementary
Mga Pinsala
na sinunog kabuhayan, bahay ay mga school at
o mga naging
ng mga taniman at Patayan ng panamin at kongkretong
epekto
sundalong namatay na mga NPA at kabuhayan bahay, takot
Hapon mga hayop militar ang mga
mamamayan

Walang tulong
galing sa
Mga naging gobyerno,
Nagpadala
tugon o kanya- Walang tulong Walang tulong
Tulong galing ng maraming
tulong na kanyang galing sa galing sa
sa America sundalo ang
nakuha ng diskarte ang gobyerno gobyerno
pamahalaan
mga tao mga tao para
sa kanilang
kabuhayan

Wala tayong
Dapat Kulang ang alam kung
Mga magkaisa Dapat kaalaman para ano ang dapat
Magkaroon ng
nakuhang ang mga magkaisa sa paghandaan gawin kung
kalayaan
mga aral mamayan at paniniwala ang mga sakaling
magtulungan kalamidad magkaroon ng
lindol
Disaster Preparedness

1989 2003 2004 2005-2006

PESTE:
BAGYONG PESTE:
BROWNKAT FLASHFLOOD LANDSLIDE
RUPING BLACK BUG
HOPPER
Takot ang lahat
na naninirahan
sa barangay at
Napinsala ang Napinsala ang Napinsala ang Nagkaroon ng nagevacuate
mga taniman at mga palayan mga palayan baha sa buong lahat.
kabuhayan ng dulot ng pesteng dulot ng pesteng barangay dulot Halos natabunan
mga tao mga insekto mga insekto ng malakas na lahat ng
at nagkulang at nagkulang ulan at pati kabuhayan
May mga ang mga ang mga kabuhayan malapit sa
namatay na pangkonsumo sa pangkonsumo sa ng tao ay Guinsaugon at
mga hayop komunidad komunidad naapektohan apektado rin
ang mga kalapit
barangay lalo na
sa Tambis 1

Nakatanggap ng
Information
rasyon at tulong
from BDCC kung
galing sa ibang
kailan mag-
lugar;
Walang tugon o evacuate
Ang Department tulong mula sa
May nag-donate
of Agriculture Gobyerno kaya Ongoing ang
ng pampagawa ng
ay nagbigay ng kanya –kanyang trabaho sa mga
building para sa
mga bombilya sa sa pagbili ng nasirang kanal;
highschool; galing
mga apektadong mga pesticides
sa PNP at kay
palayan na may para malutas ang Mayroong
Mayor Belmonte;
mga black bug problema ng mga nakahandang
Mayroong ding
magsasaka sasakyan galing
nagbigay ng
sa munisipyo
scholarship,
para sa pag-
mapping at rain
evacuate
gauge

Magkaroon Kailangan handa Kailangan nating


ng tulungan sa lahat ng oras pangalagaan ang
sa monitoring kung sakaling ating kalikasan
ang DA at mga magkaroon ng at magkaroon ng
magsasaka malakas ng ulan pananampalataya
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Sa Timeline o Disaster History, sinasagot ang mga katanungan tungkol sa


mga nakaraang pangyayari sa komunidad.
• Ano ang mga disaster na naranasan ninyo? Kailan ito nangyari?
• Ano ang mga disaster na nangyari na sa inyong
komunidad na hindi kayo ang nakaranas kung hindi ay
mga lolo at lola na naikwento lamang sa inyo?
• Kailan ito nangyari?
• Ano ang mga pinsalang natamo ng komundad?
• Ano ang iba pang naging epekto ng hazard?
• Ano ang naging tugon ng mga taga-komunidad?
• Ano ang naging tugon ng pamahalaan?
• Ano ang mga aral na mapupulot mula sa mga karanasang ito?

6.2. Community Hazard map


Ang community hazard map ay naglalarawan ng mga hazard na maaaring
tumama sa komunidad at ang mga lugar at mga rekurso na maapektuhan
nito. Upang mapasinop ang pagmamapa, may mga alituntunin na
sinusunod sa pagsasagawa nito. Ito ay ang mga sumusunod:
• Iguhit ang buong barangay kasama ang hangganan ng bawat
purok at markahan ang mga ito.
• Iguhit ang lahat ng mga bahay sa komunidad.
Isunod ang mga rekurso gaya ng mga kalsada,
barangay hall, daycare center, paaralan, health
center, palengke, simbahan, partikular na
lugar kung nasaan may mga warning
equipment gaya ng batingting, SMART
at/o Globe cell sites, taniman,
pangisdaan, ilog, bundok,
evacuation center, at iba pang
rekurso na mayroon ang komunidad.
• Kulayan ang mga high-risk na lugar
batay sa mga hazard. Ipakita kung
aling lugar ang maapektuhan ng
baha, landslide, lindol at iba pang
mga hazard na maaaring tumama
sa komunidad. Huwag pagsama-samahin ang mga hazard sa
isang mapa. Gumawa ng isang mapa para sa bawat hazard.
• Kung may mga nagawang hazard map ang iba’t ibang ahensya,
Disaster Preparedness

gamitin ito upang maitala sa mapa ang mga risk.


• Mahalagang kulayan din ang mga lugar na ligtas sa hazard upang
makatulong sa pagtukoy sa maaaring puntahan ng mga tao.
• Makatutulong din kung lalagyan ng direksyon ang mapa,
laluna kung nasaan ang hilaga o north upang mailugar ang
lokasyon ng komunidad kumpara sa mga katabing barangay.
• Upang maging malinaw sa lahat na titingin sa
mapa, ang gagamiting legend ay iyong opisyal na
sinusunod ng mga ahensya ng pamahalaan.

7. Ano ang pagsusuri sa kapasidad o capacity assessment?


Ang pagsusuri sa kapasidad o capacity assessment ay isang proseso
ng pag-unawa kung paano umaangkop ang mga indibidwal, pamilya o
household, at buong komunidad sa panahon ng disaster, at pagtukoy sa
mga rekurso na maaaring gamitin upang mapababa ang tindi ng pinsala
ng mga hazard.

Ang capacity assessment ay ang pag-aaral sa kakayahan at rekurso ng


komunidad. Ang kakayahan ay nakabatay din sa pagtukoy ng relasyon o
ugnayan ng mga rekursong makikita sa komunidad na maaaring magamit
upang makatulong sa pagbawas ng pinsala ng mga hazard.

Mahalaga ring alamin kung sino ang mga nagmamay-ari at may-kontrol


sa mga rekurso ng pamayanan. Maaaring mayaman ang isang komunidad,
malawak ang mga lupain at maganda ang ani, nguni’t kung iilang
pamilya lamang ang nagmamay-ari ng lupa at manggagawang-bukid ang
karamihan, maaring hindi kataasan ang magiging pagsusuri ng kapasidad
ng nasabing komunidad.

8. Ano ang vulnerability assessment?

Ang vulnerability assessment ay ang proseso ng pagtukoy at pag-aaral


sa mga dahilan o salik na may kinalaman sa pagtindi ng epekto ng mga
hazard.

Tinutukoy din sa vulnerability assessment ang mga rekurso sa komunidad


na nanganganib, mga mapanganib na kondisyon, at mga dahilan ng
bulnerabilidad.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Ano ang capacity and vulnerability assessment o CVA?

Ang CVA ay ang pagsusuri ng kakayahan o kalakasan (capacity) at kahinaan


o bulnerabilidad (vulnerability) ng isang komunidad. Nagiging bahagi ito
ng baseline at mainam na ginagawa nang regular upang makita ang mga
pagbabago sa kapasidad at bulnerabilidad ng komunidad. Sa pagsusuri,
natitimbang kung ang mga kalakasan ay nahihigitan ng napakaraming
kahinaan sa komunidad o kabaligtaran nito. Sa pagsusuri, hanggat
maaari siguraduhing ang tutukuying mga kahinaan at kalakasan ay iyong
may kinalamanan sa disaster.

May tatlong (3) kategorya at mga salik sa paggawa ng CVA: pisikal/


materyal (physical/material), panlipunan at pagkakaorganisa (social/
organizational), at aAktitud/motibasyon (motivational/attitude).

PAGSUSURI NG KAPASIDAD AT BULNERABILIDAD


(Capacities and Vulnerabilities Assessment)

KATEGORYA Kapasidad Bulnerabilidad

Pisikal / Materyal
• Gawaing pangkabuhayan:
pinagkakakitaan o ikinabubuhay,
iba’t ibang kasanayan
• Lupa, tubig, mga hayop, access
at kontrol sa lupa, kapital at iba
pang kagamitan sa produksyon
• Imprastraktura, mga pasilidad at mga
panlipunang serbisyo (daan, paaralan,
health facilities, kuryente, komunikasyon,
sasakyan, pabahay, at iba pa.
• Human capital: populasyon, mortality,
kalagayang pangkalusugan, kalagayan ng
nutrisyon, kakayahang bumasa, sumulat
at magbilang; antas ng kahirapan
• Kalikasan at kapaligiran:bundok, ilog,
kalidad ng lupa at tubig, kalagayan
ng kabundukan at kagubatan;
• Mga likas na panganib: tagtuyot,
baha, lindol, bagyo, at iba pa; mga
pamamaraan ng pag-angkop
• Lokasyon ng komunidad –
malapit sa dagat,sa faultline.
• Mga materyal na gamit o yari ng mga
bahay tulad ng pawid, kahoy, yero.
Disaster Preparedness

KATEGORYA Kapasidad Bulnerabilidad

Panlipunan / Pagkakaorganisa
• Kalagayan ng mga pamilya
(magugulo o maayos; malaki, maliit
o katamtamang laki ng pamilya);
• Uri ng pamunuan (mahusay,
nirerespeto o hindi);
• Pormal at di-pormal na mga samahan
o organisasyon sa komunidad
at uri ng mga proyekto;
• Partisipasyon sa pagdedesisyon
(sino ang kasali, hindi kasali, o
naiiwan; gaano kaepektibo ang
proseso ng pagdedesisyon?);
• Mga kadalasang alitan sa komunidad
at paano ito naaayos;
• Pagkakapantay-pantay, pagpataw ng
parusa sa mga nagkasala, at sistema
ng katarungan sa barangay;
• Mga patakaran at batas ng
barangay (anu-ano ang mga ito at
naipatutupad ba ng pantay);

Aktitud / Motibasyon
• Pagtingin sa buhay at sa kakayahang
baguhin ang kanilang kalagayan;
• Inisyatiba o pagkukusa;
• Pananampalataya, determinasyon
at fighting spirit;
• Paniniwala na ang mga bagay ay
nakatakda na at wala nang magagawa
pa o kawalan ng pag-asa;
• Palaasa ba sa iba o may
sariling pagsisikap;
• Pagiging mulat o antas ng kamulatan;
• Pagkakaisa, kooperasyon,
at pagtutulungan;
• Kakayahang balikan ang mga
pangyayaring nakalipas na, humalaw
ng mga aral mula dito, at pagtingin
sa ngayon at sa kinabukasan.

Ang CVA ay hindi lamang simpleng listahan ng kakayahan at kahinaan


ng komunidad. Sinusuri ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga
pinakamalalaking kakayahan at mga pinakamabibigat na mga kahinaan
o kahirapan ng komunidad. Sa pamamagitan nito ay natatantya ng
komunidad ang tindi ng pinsala na maari nilang matamo sa panahon ng
disaster.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Halimbawa, kung ang isang komunidad ay may mahusay na pamunuan,


maayos ang sistema sa pagdedesisyon at nakukunsulta ang karamihan,
mas malaki ang tsansa na agad silang makabangon sa mga panahon
ng disaster dahil may pagtutulungan ang mga tao. Nguni’t, kung sila
ay mahihirap, karamihan ay walang hanapbuhay, at marami ang walang
sapat na nutrisyon o malnourished, magiging matindi pa rin ang epekto
ng disaster sa kabila ng kanilang pagtutulungan.

Ilang gabay:
• Sa pagtukoy ng kapasidad at
bulnerabilidad, tandaan na may
positibo at negatibong aspeto ang mga
bagay. May mga rekurso na puwede sa
parehong kategorya. Tukuyin lamang
ang mga rekursong may kinalaman
sa disaster risk reduction.
• Maaaring gumamit ng secondary data
nguni’t mas mahalaga ang proseso
ng pagkuha ng primary data nang
mayroong paglahok ng komunidad.
Maaaring magsagawa ng Focus
Group Discussion o FGD, workshop,
pulong-bayan, panayam, at iba pang
pamamaraan na naghihikayat ng
malawak na partisipasyon ng komunidad.
• Maaaring gawing sektoral ang
pagsasagawa ng CVA bilang
pagkilala sa iba’t-ibang pananaw at pangangailangan ng
mga partikular na sektor. Partikular na mahalaga ito sa
pagbibigay ng pagkakataon na marinig ang pananaw ng
kababaihan at kabataan o ng iba pang bulnerableng grupo.
• Maaaring magkakaiba ang pananaw ng komunidad at ng mga
hindi taga-komunidad o NGOs na tumutulong. Mahalagang bigyan
ng kaukulang timbang ang pananaw o pagtingin ng komunidad
habang ini-uugnay ito sa mga pananaw ng mga hindi taga-
komunidad katulad ng mga organisasyon at mga syentipiko.
• Maaaring sa loob ng komunidad mismo ay magkakaiba ang pagtingin
ng mga tao sa iisang salik o aspeto. Mahalaga na nare-rehistro
Disaster Preparedness

ang mga pagkakaiba at nasasabi rin kung alin sa magkakaibang


opinyon ang higit na pinaniniwalaan ng mas nakararami.
• Hangga’t maaari, bigyang-pansin ang dalawang huling
kategorya, ang social/organizational at motivational/
attitudinal. Ang pag-unawa sa mga kategoryang ito ay hindi
gaanong nabibgyang pansin samantalang mahalaga kapag
naintindihan at natukoy ang mga salik sa ilalim nito.
• Habang nadadagdagan ang kapasidad ng komunidad,
ang severity o tindi ng isang disaster ay napapaliit.
• Kapag lumalaki ang bulnerabilidad, lumalaki rin ang
probabilidad na mangyari ang disaster at ang tindi nito.
• Ang mga kalakasan ang maaaring gawing tuntungan
upang tugunan, sa kagyat at pangmatalagan, ang mga
bulnerabilidad at risgong kinakaharap ng komunidad.
• Nagbabago ang CVA sa paglipas ng panahon at ang
mga pagbabagong ito ay mahalagang matukoy. Ang
pagsagawa ng panibagong CVA makalipas ang ilang
panahon ay magpapakita rin ng resulta ng mga gawain
at programang DRR na ipinatupad sa komunidad.
• Ang CVA ay ginagawa rin para sa iba’t ibang grupo o sektor upang
makita ang pagkakaiba ng kanilang mga kapasidad at bulnerabilidad.
Ang disaggregation ay makatutulong sa pagtukoy ng mga bulnerable
at disadvantaged na grupo at sektor, ng kanilang mga kahinaan at
kalakasan, at sa pagbabalangkas ng mga programa na tutugon sa
mga pangangailangan at karapatan ng mga grupo at sektor na ito.

9. Ano ang risk ranking?


Ang risk ranking ay ang pagbubuo ng hazard assessment at CVA. Dito
tinutukoy ang mga panganib na matitindi ang epekto sa komunidad
at nararapat na unahin o bigyan ng prayoridad sa pagbabalangkas ng
contingency plan. Ang paggawa nito ay dapat nakabatay sa malawak
na pagkakaisa o consensus at sa prosesong may partisipasyon ang iba’t-
ibang sektor at grupo o cross-section ng komunidad.

Mga tanong na dapat sagutin:


• Ano ang hazard na dapat paghandaan?
• Alin ang mataas ang probabilidad na mangyari
batay sa hazard assessment?
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

• Ano ang hazard na tinatayang may pinakamatinding epekto?


• Ano ang tatlong (3) pinakamalalaking kakayahan ng komunidad?
• Ano ang tatlong (3) pinakamalalaking bunerabilidad ng komunidad?

Sa risk ranking, natutukoy ng komunidad ang mga hazard na


pinakaposibleng tumama at maaaring magdulot ng pinakamatitinding
pinsala sa pamayanan. Ito ang magiging basehan nila sa pagtukoy
kung anong mga hazard ang mas dapat nilang paghandaan at gawan ng
contingency plan.

Sa pamamagitan ng risk ranking ay natutukoy ng komunidad ang worst-


case scenario na syang magiging basehan ng bubuuing warning system,
evacuation plan at contingency plan.

Paano ginagawa ang risk ranking?

Batay sa pagkakaisa ng mga kalahok, itatakda ang probabilidad at tindi


ng bawat hazard sa komunidad. Ang pagtatakda ng probabilidad at tindi
ay hindi idinadaan sa panghuhula. Ito ay ibinabatay sa disaster history,
hazard assessment, at CVA. Ang pagtatakda ng probabilidad at tindi ng
hazard ay ipa-plot sa isang risk ranking grid. Pagkatapos mai-plot ang mga
hazard, makikita kung ano ang dapat bigyang prayoridad sa pagbubuo
ng contingency plan ng komunidad. Ito ang hazard na may mataas na
probabilidad at tindi ng negatibong epekto.
Disaster Preparedness

40

Severity
30
Likelihood

20

10

0 10 20 30 40
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Ang isa pang paraan ng risk ranking ay ang pagtukoy ng ilang key
indicators (tanda) na gagamitin upang kumatawan sa probabilidad at
tindi ng hazard. Halimbawa ng ilang indicator ng probabilidad ay
kung gaano kadalas nangyayari ang disaster batay sa kasaysayan
o disaster history. Sa hazard assessment, ang frequency (dalas)
at seasonality ay maaari ring gamiting mga indikasyon.
Para naman sa tindi ng epekto, marami ang magagamit
na indikasyon tulad ng bilang ng mahihirap o indigent
na pamilya, kawalan ng kahandaan ng mga
pamilya, komunidad at lokal na pamahalaan,
at iba pa. Ang mga indicator ay bibigyan ng
marka o score at ang kabuuang marka para
sa probabilidad at tindi ng bawat hazard ay
ilulugar sa risk ranking grid.

Matapos mapagkaisahan ng mga tao kung


ano ang hazard na may pinakamataas na probabilidad na mangyari at
pinakamatindi ang magiging pinsala, bubuuin ang worst-case scenario.

Sa pag-alam ng worst-case scenario, itinatakda ang mga maaaring maging


pinsala sa buhay, kabuhayan at iba pang rekurso sa komunidad. Ang mga
elements-at-risk ay:
• buhay o tantyang bilang ng casualties (mga
taong namatay, nasaktan o nawawala);
• bahay o probabilidad ng displacement o paglikas;
• kabuhayan;
• community infrastructures: paaralan, kuryente, tubig, kalsada, tulay,
mga gusali, mga cell site/communication facilities, at iba pa;
• access o probabilidad ng isolation, lagay ng mga daanan patungo
at palabas ng barangay, suplay ng gasolina, at iba pa.

Batay sa worst-case scenario, itatakda rin ng komunidad ang kanilang


mga magiging pangangailangan kung sakaling mangyari ang nasabing
sitwasyon. Upang matugunan ang mga tinatayang pangangailangan,
magsasagawa ng imbentaryo ng mga rekursong mayroon na ang
barangay. Maaaring balikan ang CVA at ang community hazard map para
sa pagsasagawa ng imbentaryo ng mga rekurso.
Disaster Preparedness

10. Inisyal na pagtukoy ng mga risk reduction


measures upang mabawasan ang risk ng disaster

Ang huling bahagi ng sesyon ay ang pagtutukoy ng mga hakbang na


kailangang isagawa ng komunidad upang mabawasan ang risk ng disaster.
Ang CRA ay nagreresulta sa pagtukoy kung ano ang mga panganib na
maaaring tumama sa komunidad. Natutukoy din ang mga bulnerabilidad
na magpapalala sa mga epekto ng panganib nguni’t kasabay ding
natutukoy ang mga kalakasang maaaring magamit upang mapababa ang
epekto ng disaster.

Batay sa worst-case scenario, nagsasagawa ng imbentaryo ng mga


rekursong kinakailangan upang matugunan ang worst-case scenario at
ang mga rekurso ng komunidad na maaaring magamit sa pagtugon dito.
Mula sa imbentaryo ng mga rekurso, makikita ang mga mga kakulangan
at ang mga bahaging ito ang dapat paghandaan. Ang mga matutukoy
na mga kakulangan ang magiging batayan ng pagtukoy ng mga hakbang
upang mabawasan ang risk ng disaster.

Halimbawa, ang worst-case scenario ay:


• Malawakang pagbaha dahil sa malakas na ulan sa loob ng 3-5 araw;
• Paglikas ng hindi bababa sa 300 pamilya;
• Maaaring abutin ng pagbaha ang paaralan at
maliit ang kapilya para sa 300 pamilya;
• Masisira ang mga pananim;
• Maaaring ma-isolate ang barangay at hindi makatatawid
papunta sa mabababang bahagi ng barangay kung saka-sakaling
may mga hindi makalilikas at kakailanganing i-rescue; at
• Maaaring may mga batang magkasakit
habang nasa evacuation center.

Ang mga tinatayang pangangailangan batay sa worst-case scenario ay:


• Monitoring ng pag-ulan at pagtaas ng tubig at pagtatalaga
ng warning system upang makalikas nang mabilis;
• Evacuation center(s) para sa 300 pamilya;
• Sasakyan na gagamitin sa paglikas;
• Pagkain para sa 300 pamilya sa loob ng 5-7 araw;
• Gamot para sa mga karaniwang sakit gaya ng ubo, sipon, at lagnat;
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

• Suportang pinansyal at materyal para sa mga


maaapektuhan ang kabuhayan;
• Pondo at makinarya para sa dredging ng ng ilog at
paglilinis ng iba pang daluyan ng tubig; at
• Materyales para sa pagtatanim ng puno bilang
proteksyon ng mga tabing-ilog at mga dalisdis.

Ang mga rekurso ng barangay ay:


• Sampung (10) habal-habal, 3 multi-cab at 2
dyip na maaaring gamitin sa paglikas;
• Dump truck ng munisipyo na maaaring gamitin sa paglikas;
• Rain gauge at observer na magmo-monitor sa mga rain gaguge
• Kapilya na maaaring gamiting evacuation center ng 50 pamilya;
• Apat (4) na malalaking bahay sa kabilang baryo
na maaaring gamitin ng 20-30 pamilya;
• P25,000 na calamity fund;
• BDCC na nagkaroon ng isang pagsasanay ngunit hindi pa ganap na
tukoy kung anu-ano ang mga dapat gawin sa panahon ng disaster.

Ang mga gap ay:


• Kakulangan sa sasakyan para mailikas ang 300 pamilya;
• Kawalan ng sapat na pagkain para sa 300
pamilya sa loob ng isang lingo;
• Kakulangan sa evacuation center;
• Kawalan ng epektibong early warning system;
• Pangangailangan sa karagdagang pagsasanay ng BDCC at ng buong
barangay kung anu-ano ang dapat gawin kapag may disaster;
• Kawalan ng alternatibong gawaing pangkabuhayan para
sa mga magsasakang maapektuhan ang mga bukid;
• Kakulangan ng pasilidad para sa komunikasyon.

Ang mga risk reduction measure na dapat gawin upang mabawasan ang
pagbaha ay:
• Regular na dredging ng ilog at paglilinis ng iba pang daluyan ng
tubig gaya ng irrigation canals (maaaring isang beses sa isang taon);
• Pagtatanim ng mga puno sa tabi ng ilog;
• Tuluy-tuloy na pagsubaybay/monitoring ng rainfall at pag-uulat nito;
• Pagsasanay sa BDCC at sa iba pang myembro ng komunidad;
Disaster Preparedness

• Pagbubuo ng contingency plan at paglulunsad ng community drill;


• Alternatibong gawaing pangkabuhayan para sa mga tao;
• Pagtutukoy ng sapat na evacuation center o
temporary shelter para sa 300 pamilya;
• Pagkakaroon ng sasakyan at pasilidad para
sa komunikasyon para sa paglikas.

Ang mga nabanggit na risk reduction measure ay maaaring hatiin sa kung


ano ang kakayaning gawin sa loob ng isang taon at kung ano naman
ang hindi kakayanin sa kagyat. Ang mga kakayaning gawin o doables ay
lalamanin ng action plan at magiging bahagi ng contingency plan. Ang
mga pangmatagalang hakbang naman o long-term measure ay magiging
advocacy work ng barangay na magiging bahagi rin ng contingency plan.

Ang mga kakayaning gawin ng komunidad na hindi mangangailangan


ng tulong mula sa labas ang tataguriang doables at lalamanin ng
planong isasagawa nila sa loob ng isang taon. Ang mga natukoy na
hindi kakayaning isagawa sa loob ng isang taon at mangangailangan ng
tulong mula sa ibang grupo o organisasyon o sa lokal na pamahalaan ay
pagpaplanuhan din kung paano maipararating sa mga kinauukulan.

 Pamamaraan at daloy

Lecture at Talakayan
1. Balikan ang mga batayang konsepto sa disaster risk management,
kabilang dito ang kahulugan ng hazard at ang kaugnayan nito sa
kapasidad, bulnerabilidad, risk at disaster. Bigyang-diin na ang risk
ay hindi lamang pagtantya ng probabilidad na mangyayari ang isang
disaster kundi pagtantya rin ng tindi ng masamang epekto ng isang
hazard.

(Balikan ang talakayan sa Pagsasanay sa Community-Based


Disaster Risk Management tungkol sa mga batayang konsepto
at ang pormula na R = H x V - C at gamitin ito sa talakayan.
Tiyaking mas nauunawaan na ang mga ito sa pagkakataong ito.)
2. Ipaliwanag ang pakahulugan ng community risk
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

assessment, ang layunin nito, bakit ito isinasagawa,


at mahahalagang hakbang sa pagbubuo nito.
3. Ipaliwanag na may iba’t ibang mga participatory tool o mga
pamamaraang magagamit upang mabuo ang community
risk assessment. Binibigyang halaga ang paggamit ng mga
participatory tool upang mapalakas ang pakikilahok at pagmamay-
ari ng mga komunidad sa proseso at resulta ng CRA.
4. Ipakilala ang tatlong (3) tools na madalas ginagamit sa pag-
unawa ng hazard: ang disaster history Worksheet, hazard assessment
Worksheet at hazard map. Ipakita at ipaliwanag ang inihandang
halimbawa ng tatlong tools. Ipaliwanag ang bawat tool at
kung paano ginagawa ang bawat isa. Banggitin na ang disaster
history Worksheet ay ginagawa batay sa panahon ng pangyayari
at may pangangailangang mangalap ng datos upang malaman
ang mga nangyari bago pa man nabuhay ang mga kalahok.
5. Magsagawa ng workshop gamit ang tatlong (3) tools. Mahalagang
maging maingat ang mga kalahok sa pagsasagawa nito dahil ang
mga resulta ng workshop ay gagamitin sa pagbuo ng EWS, CP, at
iba pa). Hatiin ang mga kalahok sa hindi bababa sa tatlong grupo
at sila ay gagawa ng disaster history Worksheet, hazard assessment
Worksheet, at hazard map. Mas mapapadali ang workshop kung may
halimbawang hazard map ng mga komunidad nila at pipinuhin na
lamang nila ito katulad ng pagtiyak sa kawastuhan nito, pagdagdag
o pagbawas ng mga naka-guhit na sa mapa, at iba pa. Kung walang
hazard map, mainam pa rin kung may nakahanda nang spot map ng
komunidad.

Malaki ang maitutulong kung may makukuhang kopya


ng mga nagawang hazard map sa komunidad mula sa
mga kinauukulang mga ahensya ng gobyerno.

6. Ipakilala ang Capacities and Vulnerabilities Assessment o CVA. Gamit


ang CVA matrix o table, isa-isang talakayin ang mga kategorya o
aspeto ng kapasidad at bulnerabilidad: pisikal/materyal; social/
organizational; at attitudinal/motivational. Ipakita kung paano
ito ginagawa gamit ang datos na nakalap sa baseline study CRA o
mga impormasyong hawak na ng komunidad. Nakatutulong ang
mga halimbawang halaw mismo sa komunidad upang maipakita
Disaster Preparedness

ang aktwal na kaugnayan ng kanilang bulnerabilidad sa pagtindi


ng epekto ng isang hazard sa kanilang pamayanan. Ibig sabihin,
mahalagang ulit-ulitin sa mga kalahok na magtukoy lamang ng
mga halimbawang may direktang relasyon sa disaster. Maaaring
gumamit ng mga larawan na makikitaan ng mga kapasidad at
bulnerabilidad. Hatiin ang mga kalahok sa hindi bababa sa
tatlong grupo. Sa pamamagitan ng ng workshop tukuyin ang mga
kapasidad at bulnerabilidad ng komunidad. Kung tatlong grupo ang
nabuo, ang isa ay gagawin ang pisikal/material na kategorya at
aspeto, ang isang grupo gagawin ang social/organizational, at ang
pangatlo gagawin ang attitudinal/motivational. Ito ay gagawin
upang hindi mabawasan ang pagbigay ng diin sa dalawang huling
kategorya ng CVA na mahalagang matalakay ng mabuti. Ang mga
kategoryang ito ang madalas mapag-iwanan sa pagtalakay nguni’t
mahalaga sa pagtantya/pagtimbang ng kalakasan at kahinaang
kailangan sa pagharap ng mga panganib.

7. Field Work upang makakalap ng mga datos na gagamitin sa mga


workshop para sa Disaster History, Hazard Assessment Table, Hazard
Map at CVA .

Makatutulong ang pagsasagawa ng field work upang makapangalap


ng datos para sa workshop dahil ang mga kalahok sa pagsasanay
ay mararanasan ng aktwal ang paggamit ng mga pamamaraan na
naghihikayat ng malawak na partisipasyon ng mga mamamayan. Sa
kabilang banda, malaking oras at pondo ang kakailanganin para rito.
Dahil dito, maaaring magkulang ng panahon at hindi na matalakay ang
ibang sesyon. Kapalit nito pinakamainam pa ring mangalap ng mga
sekundaryong datos (secondary data) mula sa mga pananaliksik ng mga
syentipiko, iba pang mga pag-aaral, at mga dokumentong magbibigay
ng kaalaman tungkol sa pagdanas ng mga hazard at mga naging
disaster sa komunidad. Para sa mga lugar ng proyektong ACCORD,
maaaring gamitin na lamang ang mga datos na nakuha para sa baseline
study CRA ng proyekto o iba pang datos na mayroon na ang komunidad
bago pa man ang training katulad ng community profile.

Batay sa praktika, ang isang proyekto ay dumadaan sa paggawa ng


CRA bago pa man nito nadedesisyunang isama ang isang komunidad
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

sa proyekto. Para sa mga staff ng proyekto, ang sesyong ito


ay makatutulong upang mabalikan ang mga naunang nakalap na
datos. Batay sa mga talakayan at workshop na gagawin, lalong
mapagtitibay ang mga nakalap na datos o kaya’y mapa-uunlad pa
ang resulta ng naunang CRA.

Ang isa pang makatutulong ay ang pagtiyak na may mga kalahok


mula sa iba’t-ibang mga sektor laluna mula sa mga bulnerableng
sektor gaya ng mga senior citizen, kababaihan, at kabataan. Sa
kanila maaaring magmula ang pagpapatibay (validate) ng mga
nakalap na impormasyon.

Kung hindi kakayanin ang aktwal na pagkuha ng datos sa


komunidad para sa workshop, maaaring mangalap ang Training Team
ng kakailanganing datos bago pa man isagawa ang training. Ang
mahalaga dito ay ang pag-unawa na sa komunidad nanggaling ang
datos. Sa mga workshop na isasagawa, makikita nila ang kanilang
kakayahang sinupin ang mga datos na ito at maiugnay ito sa pag-
unawa ng mga maaari pa nilang gawin upang mabawasan ang risk
na kinakaharap ng komunidad.

Ang mga workshop ay magreresulta sa mas kapani-paniwalaang


datos. Napatutunayan, napalalawak at napalalalim na dapat
ang mga impormasyon sa mga workshop dahil may mga
paunang datos nang nakalap bago pa man ang training.

8. Kung may panahon at pagkakataong maisagawa ang field work,


makipag-ugnayan na sa barangay tungkol dito bago pa man ang
pagsasanay. Ipaabot at ipaliwanag ang tungkol sa field work sa mga
taong kakapanayamin ng mga kalahok.

Focus group discussions (FGD) ang pangunahing pamamaraan


na gagamitin para makolekta ang mga datos na kailangan.
Ang mga lalahok sa FGD ay ang sumusunod:
. Mga opisyal ng barangay;
. Matatanda;
. Kababaihan;
. Kalalakihan; at
Disaster Preparedness

. Kabataan.
Mainam na maabisuhan na ang mga lalahok sa FGD ilang araw bago ito
gawin.

9. Ang mga kalahok sa pagsasanay ang magiging tagapagpadaloy


ng FGD. Hahatiin ang mga kalahok sa di lalagpas sa anim na
grupo na may apat hanggang limang miyembro bawat grupo.
Ang mga grupo ang magpapadaloy ng mga sumusunod na FGD:
• FGD 1: Timeline/disaster history at CVA na
lalahukan ng mga matatanda.
• FGD 2: Community hazard map at CVA na
lalahukan ng mga opisyal ng barangay.
• FGD 3: Hazard assessment table at CVA na
lalahukan ng mga kababaihan.
• FGD 4: Hazard assessment table at CVA na
lalahukan ng mga kalalakihan.
• FGD 5: Community hazard map at CVA na
lalahukan ng mga kabataan.
• Ang pang-anim na grupo ay iikot sa barangay upang
magsagawa ng obserbasyon at gagawa ng community
hazard map sa pakikipagtulungan ng mga taga-baryo.

10. Ang tagapagpadaloy at iba pang miyembro ng Training


Team ay sasama sa bawat pangkat upang tumulong sa
pagsasagawa ng FGD. Ipaliliwanag ng training team kung
ano ang gagawin ng bawat grupo. Sasama rin sila sa aktwal
na field work upang maging giya o tagapagpadaloy.

11. Batay sa karanasan, tinatayang aabot ng dalawang (2) oras ang


field work. Bigyan din ng panahon ang bawat grupo na ayusin ang
resulta ng kanilang mga workshop para sa mas maayos na pag-uulat.

Pag-uulat at Pagpo-proseso ng Datos

1. Ang pag-uulat ay batay sa mga paraang ginamit upang


makapangalap ng mga datos. Isama din dito ang resulta mula
sa hazard map na makukuha. Mag-uulat ang mga grupo ng
resulta ng kanilang workshop ayon sa pagkakasunud-sunod:
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

• disaster history / timeline;


• hazard assessment table;
• community hazard map; at
• CVA.

2. Ang bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang nagawang mapa o


timeline o CVA hanggang mapag-isa ang mga datos na nakalap.
3. Magbigay ng mga mahahalagang punto batay sa resulta
ng workshop. Ipunto na ang tatlong tools ay mahalaga sa
paghahanda para sa panahon ng disaster dahil dito matutukoy
ang mga hazard na posibleng tumama sa kanila, ang katangian
ng mga hazard na ito, at ang probabilidad na mangyari ito.
4. Sa disaster history o timeline mahalaga ring makita ang
mga kalakasan at kahinaan ng ginawang mga pagtugon
sa nakaraan upang matukoy kung paano pa sisinupin
ang pagtugon sa mga susunod pang disaster.
5. Ang nabuong hazard map ang magiging biswal na
pagsasalarawan ng disaster situation analysis ng
komunidad. Gamit dito ang kumbinasyon ng mga datos
mula sa komunidad at mga teknikal na pag-aaral.
6. Sa pagpoproseso, ipaliliwanag ng tagapagpadaloy na pagkatapos
ng mga workshop, ang datos na nabuo ay makatutulong sa pagbuo
ng mga Worksheet tungkol sa listahan ng mga bulnerableng
tao at listahan ng mga natukoy na mga evacuation center.

Ang Worksheet tungkol sa mga bulnerableng tao ay magbabatay sa


kinalabasan ng hazard map at ang resulta ng CVA. Natutukoy kung saan
ang lugar na unang tatamaan ng hazard at kung sinu-sino ang mga
pamilyang mahihirapang maka-angkop sa panahong may panganib.
Disaster Preparedness

Worksheet 1: Pagtutukoy ng mga Pinaka-Bulnerableng Mamamayan

Note: May pangangailangang magprayoridad ng mga bulnerableng grupo upang


matiyak kung sino ang mga uunahing iligtas kung sakaling naglabas na ng
babala sa komunidad. Hindi na ito kailangang idaan sa workshop dahil maaari
nang makuha ang datos na ito sa nagawang CRA hazard map. Base sa hazard map,
tukuyin kung sino ang pinaka-bulnerableng grupo at isulat ang impormasyon sa
Worksheet.

Barangay: _____________________________________________ Petsa:


_______________

Kabuuang Bilang Bilang ng High-Risk Lider ng


Purok
Populasyon Pamilya Populasyon Pamilya Purok
1
2
3
4
5

Ang Worksheet na magtutukoy ng mga posibleng evacuation center


ay nakabatay sa hazard map na magsasabi ng mga ligtas na lugar sa
komunidad at mga rekurso (paaralan, mataas na gusali, at iba pa.) na
maaaring gawing evacuation center.

Worksheet 2: Mga Tukoy na Evacuation center*

Bilang ng Lilikas Pangalan o Lugar ng


Purok Lider ng Purok
Tao Pamilya Evacuation center
1
2
3
4
5
*Gagamitin din ito sa pagpaplano para sa evacuation
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Risk Ranking at Worst-Case Scenario


1. Ipakita kung paano ginagawa ang risk ranking batay
sa mga nakasaad sa mga susing mensahe.
2. Matapos mapagkaisahan ng mga kalahok kung ano ang hazard na
may pinakamataas ang probabilidad na mangyari at pinakamatindi
ang magiging epekto o damages, buuin ang worst-case scenario.
3. Isunod ang pagtantya ng mga magiging pangangailangan
at imbentaryo ng mga rekurso ng barangay. Hatiin sa
dalawa (2) ang grupo. Ang unang grupo ay magtatantya
ng mga pangangailangan batay sa worst-case scenario. Ang
ikalawang grupo naman ay magsasagawa ng imbentaryo
ng mga rekurso batay sa CVA at community map.
4. Mag-uulat ang dalawang grupo at aalamin ng lahat
ang mga pangangailangang hindi matutugunan ng
komunidad o ang tinatawag na mga gap.

Mga hakbang para mabawasan ang risgo sa disaster


1. Hahatiin ulit ang grupo sa dalawa at tutukuyin nila
ang mga risk reduction measure mula sa mga natukoy
na gap. Ang mga gabay na tanong ay:
. Ano ang mga kailangang gawin ng barangay upang
matugunan ang mga natukoy na gap?
. Alin sa mga ito ang kayang gawin sa loob ng
isang taon gamit ang sariling rekurso?
. Alin ang mga hindi pa kayang gawin sa loob ng isang taon?
. Anu-ano ang mga tulong na kakailanganin? Sinu-
sino ang mga maaaring mahingan ng tulong?
2. Pagkaisahan ng grupo ang pagpipinal ng mga bagay na
kayang gawin sa loob ng isang taon at kung ano rin ang
magiging advocacy issues o mga gawaing hindi magagawa
sa kagyat gamit ang sariling rekurso lamang. Ang mga
natukoy na mga gawain sa maikling panahon at sa
pangmatagalan ay magiging bahagi ng contingency plan.

Paglalagom

1. Para sa tagapagpadaloy, balikan ang worst-case scenario at


ang mga naging basehan nito (timeline, hazard assessment
Disaster Preparedness

table, community map at CVA). Balikan din ang imbentaryo


ng mga rekurso at tinatantyang mga pangangailangan. Balik-
aralan ang mga kailangan o gap at ang mga risk reduction
measure. Bigyang-diin na ang mga nabanggit ang bumubuo
ng unang bahagi ng contingency plan ng barangay.
2. Sa pagsasara ng sesyon, ipakitang ang Community
risk assessment ay mahalaga para sa:
. Pagpapataas ng kamalayan ng komunidad tungkol
sa mga risk sa kanilang pamayanan;
. Pagbubuo ng community-based EWS;
. Pagbubuo ng evacuation at contingency plan; at
. Pagtutukoy at pagdidisenyo ng mga aktibidad at
programa na makababawas ng risk sa komunidad.

TANDAAN: Ang CRA ay mahalagang sesyon sa modyul ng DPT. Ito ang


pinaka-mapagpasya sa pangangalap ng mga datos at impormasyong
kakailanganin at sa pagpo-proseso ng mga datos na ito. Ang prosesong
dinadaanan sa modyul na ito na gumagamit ng partisipasyon mula sa
mga miyembro ng komunidad ay nakakatulong sa lalong pagpapatibay
ng kanilang pagkakaisa.

Materyales na Kailangan

Ang mga sumusunod na mga datos at materyales ay kailangang magmula sa


mga kinauukulang ahensya at naihahanda ng maaga bago ang training:
• Hazard Assessment Table
• Disaster History Worksheet o Timeline
• CVA Matrix (nakasulat sa bond paper at pinalaking
bersyon na nakasulat sa Manila paper)
• Metacards, kraft paper at panulat
• Mga naunang resulta ng CRA

 Tagal ng sesyon

Isang buong araw tinatalakay ang CRA, kung minsan ay 1½ araw kapag
nahihirapan ang mga kalahok na unawain ang mga pamamaraan o tools.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Talakayan 1.5 oras


Field Work 2 oras
Reporting at Risk Ranking 1 oras
Worst-Case Scenario at Risk Reduction Measures 1.5 oras

Mga Pinagsanggunian:

1. Anderson, Mary and P. Woodrow, Capacities and Vulnerabilities Analysis, 1993.


2. Dulce, Celso B, Jr. Avian Influenza Rapid Risk Assessment Tool, CARE Philippines, 31 January 2006.
3. Disaster Preparedness Action Plan Tajikistan, CARE, 2003.
4. Guidelines in Mapping Exercise, CRND-CARE Vietnam, 2006.
5. Manwal sa Pagsasanay ng Disaster Preparedness. CARE-CNDR-WB Project, 2006.
6. SAMADHAN – Disaster Risk Reduction Project in Nepal, CARE, 2006.
7. Hazard, Risk and Vulnerability Analysis Toolkit, British Columbia, January 2004.
8. Victoria, Lorna. Kahandaan, Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad: gabay sa pagsasanay sa disaster management.
Center for Disaster Preparedness (undated material).
9. Vulnerability and Capacity assessment, DMC-32, Asian Disaster Preparedness Center, November 2005 (handout).
Disaster Preparedness

Sesyon 2. Early warning


system (EWS)
Ang Early warning system o EWS ay malaking salik sa pagtitiyak ng
kaligtasan ng komunidad sa panahon ng disaster. Ang resulta ng workshop
sa sesyong ito ang magiging batayan ng ididisenyong EWS at plano
ng paglikas o evacuation plan ng komunidad. Kadalasan, ang sistema
ng pagbigay ng babala ay dumudulo sa pagbigay hudyat para lumikas
ang komunidad. Dahil dito, mahalagang maunawaang mabuti ng mga
kalahok ang mga dapat tinitiyak sa pagsasagawa ng EWS. Kaugnay nito,
mahalaga rin sa sesyon na ito ang mahusay na pag-aangkop ng mga
halimbawa sa sitwasyon ng komunidad upang mas madaling maunawaan
ng mga kalahok ang sesyon. Kailangang pagsikapan ng tagapagpadaloy
na alamin ang karanasan at kalagayan ng komunidad at dito laging
kumuha ng mga halimbawa. Maaari ring gumamit ng halimbawa mula sa
karanasan ng isang komunidad kung saan pamilyar ang mga kalahok.

Layunin ng pag-aaral

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan ang mga kalahok na:


• Maipaliwanag ang EWS at mga bahagi nito;
• Matalakay ang mga warning signal at mga kahulugan nito; at
• Masimulan o mapahusay ang partikular na
early warning system ng barangay.

Mga Susing Mensahe

1. Ano ang early warning system o EWS?


Ang early warning system (EWS) o sistema ng pagbibigay
ng babala ay sistema ng pagbibigay ng napapanahon
at kapaki-pakinabang na impormasyon mula sa mga
tukoy na institusyon (katulad ng Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Service Administration
o PAG-ASA at Philippine Institute of Volcanology and
Seismology o PHIVOLCS) upang magkaroon ng pagkakataon
ang mga indibidwal o komunidad na magsagawa ng nararapat
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

na aksyon upang maiwasan o mabawasan ang panganib at makapaghanda


para sa epektibong pag-angkop sa mga ito.

Mahalaga rito ang paglalapat ng mga impormasyon mula sa mga


kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa lokal na sitwasyon. Inaangkop
ang mga impormasyong nakalap at kinukumbina sa mga lokal na
kaalaman at kasanayan upang lalo itong maging kapaki-pakinabang sa
paghahanda.

2. Ano ang Community-based EWS?


Ang community-based EWS ay isang sistema ng pagbibigay ng babala
hinggil sa partikular na panganib na nakabatay sa sariling obserbasyon
(indigenous practices) ng mga taga-komunidad, maaari ding mula sa mga
pambansang ahensya o kumbinasyon ng dalawang ito.. Ito ay binuo,
pinangangasiwaan at pinagpapatuloy ng isang komunidad para sa
kapakanan ng lahat na naninirahan dito.

3. Ano ang mga bahagi o component ng community-based EWS?


Ang mga bahagi ng isang epektibong community-based EWS ay:

3.1 Community risk assessment (CRA) kung saan malinaw na natutukoy


ang hazard na maaring tumama sa isang pamayanan;

3.2. Pagsubaybay o monitoring at pagbibigay-babala – mga


pamamaraang ginagamitan ng kumbinasyon ng mga pamamaraang
siyentipiko o scientific (mula sa PAGASA at PHIVOLCS) at indigenous o
mula sa nakagisnan o nakasanayang pamamaraan na likas sa kanila);

May prosesong sinusunod upang mabuo ang isang babala o warning,


scientific man ito o indigenous. Ito ay:
• Obserbasyon;
• Pag-aanalisa ng mga datos o impormasyon (data analysis);
• Pagtaya ng hinaharap na sitwasyon o prediction; at
• Pagbubuo ng babala.
Disaster Preparedness

Ito ang prosesong dinaraanan ng PAGASA at PHIVOLCS bago


magpalabas ng babala. Sa pamamagitan ng kanilang mga
istasyong nagsusubaybay sa galaw ng mga hazard (monitoring
stations), inoobserbahan ng mga eksperto ang mga panganib.
Ang datos na nakukuha sa mga istasyong ito ay pinag-aaralan
at nagiging basehan ng prediction o pagtaya ng
magiging epekto ng hazard. Mula sa prediction
ay nabubuo ang babala na ipalalaganap sa mga
tao.
Ito rin ang prosesong dinaraanan ng mga
indigenous na warning system. Halimbawa: sa
mga pagkakataong hindi maganda ang panahon,
inoobserbahan ng mga mangingisda ang lagay ng dagat
at itsura ng mga ulap. Batay sa kanilang obserbasyon,
pinag-uusapan nila kung ano ang tinatantya nilang
magiging lagay ng panahon. Mula sa kanilang prediction ay
nagpapa-abot sila ng mga abisong pangkaligtasan sa mga
kapwa nila mangingisda at maging sa buong komunidad.

3.3. Pagpapalaganap ng babala – paraan at sistema ng


pagbibigay-babala at abisong pangkaligtasan na angkop at
naiintindihan ng mga tao. Ito ay dapat simple, madaling tandaan,
malinaw na nakasaad ang mga dapat gawin at ang mga maaaring mangyari
(consequences) kung hindi susundin ang mga abisong pangkaligtasan.

May mga rekisito upang maging epektibo ang babala:


. Leadtime, Frequency, at Timing. Pinalalaganap ang malinaw
na babala habang may panahon pa upang makapaghanda
ang mga tao. Ito ang tinatawag na leadtime. Ang babala
ay hindi rin miminsang sinasabi. ito ay inuulit-ulit
(frequency) sa tama at angkop na panahon (timing).
. Locally-relevant. Epektibo ang babala kung ito ay angkop
sa kalagayan ng pamayanang nasa peligro. Ito ay hindi
lamang pangkalahatang mensahe kundi binabanggit din nito
ang mga partikular na mga komunidad na nasa panganib
o at-risk communities. Sa ganitong paraan, natutukoy
ng babala kung alin ang mga apektadong komunidad at
kung ano mga partikular na mensahe para sa mga ito.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Halimbawa: Ang mga mamamayan sa komunidad na nasa


loob ng 6-km permanent danger zone ng Bulkang Mayon ay
hindi na pinapayagang bumalik sa kanilang komunidad.
. Simple at Malinaw. Epektibo ang babala kung malinaw
at naiintindihan ito ng karaniwang tao. Simple at may
partikular na mensahe o babala para sa mga maaapektuhan.
. Locally-actionable. Ang babala ay may kasamang abisong
pagkaligtasan upang malaman ng mga maaapektuhang
komunidad kung ano ang kanilang dapat gawin. Dapat
malinaw at kayang gawin ng mga tao sa komunidad ang
mga abisong pangkaligtasan. Malinaw ring sinasabi ng
babala kung ano ang mga maaaring mangyari sa mga tao
at pamayanan kung hindi sila susunod sa babala.

3.4. Kaalamanan at pagkilos - pagbibigay-babala at kaalaman


hinggil sa aktwal na sitwasyon at mga gawaing pangkaligtasang dapat
isagawa ng mga tao o komunidad na nasa panganib.

4. ang mga katangian ng isang epektibong CBEWS:


• Hazard-specific;
• Target group-specific;
• Location-specific;
• Maikli at malinaw (KISS Rule: “Keep It Short and Simple”);
• Updated upang alam ng mga tao ang pinakahuling
pangyayari at maiwasan ang panic ;
• May tukoy na tao sa komunidad na magpapalaganap
ng babala (Halimbawa: Komite sa Impormasyon);
• May regular na pagsubaybay sa hazard at maayos
at malinaw na pagpapalaganap ng babala;
• May regular na drill upang makita kung may
mga dapat ayusin sa nabuong EWS;
• May regular na pagtatasa o pagbabalik-aral sa EWS upang matukoy
ang mga kailangan ayusin, baguhin, palitan o panatilihin dito.

5. Mga usapin kaugnay ng EWS:


• Huli o lipas at hindi napapanahon na pagpapalaganap ng forecast
na nagiging dahilan ng huli o hindi na maihabol na aksyon upang
makaiwas sa matinding pinsala. Ito rin ang mga pagkakataon
Disaster Preparedness

na nauuwi sa rescue ang paraan ng pagtugon sa disaster.


• Kulang o walang paraan upang malaman o marinig ang
babala lalo na iyong mga nasa malalayong
lugar at walang komunikasyon.
• Paggamit ng mga salitang siyentipiko (scientific
jargon) na hindi nauunawaan ng karaniwang tao,
laluna ng mga taga-komunidad na wala nang
pagkakataong alamin ang mga salitang ito.
• May pagkakaiba ang pag-unawa ng mga tao sa panganib
batay sa kanilang karanasan, kaalaman at kalagayang
panlipunan at pang-ekonomiya. Ito ang tinatawag na
people’s perception of risk. Karaniwan sa mahihirap ang
pananaw na ang panganib ay pangkaraniwan o natural
nang bahagi ng buhay nila at wala rin silang kakayahan
at panahon upang mapaghandaan ang mga epekto nito.
• Dahil sa pagkakaiba-iba ng pag-unawa sa risk,
nagkakaiba-iba rin ang pagpapahalaga sa babala. May
mga pagkakataong ipinagwawalang-bahala ng mga
indibidwal o maging ng komunidad ang mga babala
dahil sa pag-iisip na ligtas pa ang kanilang komunidad.
• Ang pagtalima ng komunidad sa babala ay nababatay din
sa kredibilidad ng mga institusyon o organisasyong nagbibigay
ng babala. Halimbawa: May mga pagkakataong hindi nangyayari
ang forecast ng PAGASA. Marami rin ang walang sapat na
pag-unawa sa katangian ng bagyo at sa mismong babala na
inilalabas ng PAGASA. Dahil sa mga nabanggit, nagkaroon
na ng pagdududa ang mga tao sa mga babala ng PAGASA.
• Kakulangan ng kaalaman sa impormasyong indigenous ng
mga institusyong gumagawa ng forecast. Maganda sanang
nailalapat ang mga babala at abisong pangkaligtasan sa
mga kaalaman at gawi ng mga tao sa komunidad.
• Kawalan ng mekanismong pang-institusyonal
upang maiparating ang babala o forecast.

Obserbasyon  Pagsubaybay/Pag-aanalisa 
Pagbigay-babala  Kaalaman/Pagkilos 
Obserbasyon 2  Pagsubaybay/Pag-aanalisa 
Pagbigay-babala  Kaalaman/Pagkilos…
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

 Pamamaraan at Daloy

Talakayan/Lektura: Ano ang Community-Based EWS


1. Talakayin ang susing mensahe (2.1 hanggang 2.5).

2. Magbigay ng halimbawa ng EWS:

Public Storm Warning Signal (PSWS) ng PAGASA

PSWS Number 1
May inaasahang bagyo na may lakas ng hanging 30-60 kph;
Inaasahan ang pagdating ng bagyo sa loob ng 36 na oras o isa at kalahating
araw; at
May mga tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng 36 na oras.

Ano ang epekto ng ganitong bagyo?


• Maaaring mabali ang sanga ng mga maliliit na puno;
• Maaaring yumuko ang ilang mga puno ng saging;
• Maaaring masira ang bubong ng ilang bahay na gawa
sa magagaang na materyales tulad ng cogon; at
• Makasisira ng pananim na palay kapag ito ay namumulaklak pa lamang.

PSWS Number 2
Ang paparating na bagyo ay may lakas ng hanging 60 - 100 kph at inaasahang
maranasan ito sa loob ng 24 oras.

Mga epekto:
• Ang ilang mga puno ng niyog ay yuyuko at
ang iba naman ay maaaring mabali;
• Ilang malalaking puno ang mabubuwal;
• Maraming puno ng saging ang babagsak;
• Ang mga pananim na palay at mais ay masisira;
• Maraming bahay na gawa sa cogon at sawali ang maaaring
magkaroon ng bahagya hanggang malaking pagkasira; at
• Ilang mga bubong na gawa sa yero ang maaaring matanggal.

Sa kabuuan, magdudulot ito ng kaunting pinsala sa mga komunidad na


tatamaan.
Disaster Preparedness

PSWS Number 3
Ang bagyo ay may taglay na lakas ng hanging hindi bababa sa 100 kph at
inaasahang mararanasan sa loob ng 18 oras.

Mgs epekto:
• Maraming puno ng niyog ang masisira at mababali;
• Lahat halos ng mga puno ng saging ay babagsak at
ilang malalaking puno ang mabubuwal;
• Matindi ang pagkasira sa mga pananim na palay at mais;
• Karamihan sa mga bahay na gawa sa cogon at sawali ay masisira
o matatanggalan ng bubong. Magkakaroon din ng katamtamang
pagkasira ang mga bahay at paaralang gawa sa kahoy at yero; at
• Maaaring maapaketuhan ang suplay ng kuryente at
mawalan ng mga linya ng komunikasyon.

Sa kabuuan, mula katamtaman hanggang matinding pagkasira ang mararanasan

PSWS Number 4
Isang napakalakas na bagyo ang paparating;
May taglay itong hanging may lakas na hindi bababa sa 185 kph; at
Inaasahang mararanasan ito sa loob ng 12 oras.

Mga epekto:
• Magkakaroon ng matinding pagkasira sa mga pananim na niyog;
• Maraming malalaking puno ang mabubuwal;
• Magkakaroon ng matinding pagkasira sa mga pananim na palay at mais;
• Karamihan sa mga bahay at istruktura na gawa sa halong
materyal ay magkakaroon din ng matinding pagkasira; at
• Ang mga linya ng kuryente at komunikasyon ay mapuputol.

Sa pangkalahatan, mabigat ang epekto nito sa komunidad.


Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

3. Balik-aralan ang umiiral o kasalukuyang EWS ng komunidad


sa pamamagitan ng isang workshop. Mula dito ay bubuuin
ang panimulang EWS ng barangay. Tanungin ang mga
kalahok kung ano ang mga nakasanayan o ang nakagawiang
EWS ng mga tao sa barangay. Talakayin kung ito ay
sumasang-ayon sa mga tamang katangian at rekisito ng
isang community-based early warning system.

Workshop 1 : Pagbabalik-aral o Rebyu ng Kasalukuyang CBEWS

Tanong Sagot
Saan nalalaman o nakukuha ang
impormasyong may padating na hazard?
Sa inyong karanasan, paano ninyo ginagawa
ang pagsubaybay (monitoring) sa paparating
na hazard? Halimbawa, paano ninyo
sinusubaybayan ang pagtaas ng tubig-baha?
Ano ang warning signal na ginagamit upang
magbigay ng babala? Halimbawa: bagting,
bandilyo, megaphone?
Ano ang mga babala na ginagamit sa bawat
hazard na nararanasan sa inyong komunidad?
Paano pinapalaganap sa komunidad ang
babala?

Paano inaalam at sino ang umaalam


kung sumusunod ang komunidad sa mga
karampatang aksyong kaakibat ng babala?

Ano ang mga kahinaan at kalakasan ng


inyong kasalukuyang warning system?
Disaster Preparedness

Ano ang mga dapat gawin upang maisa-ayos


ito?

4. CBEWS Setting-Up. Base sa ginawang pagbalik-aral at talakayan,


buuin ang community-based EWS sa pamamagitan ng paggamit
at pagtalakay ng limang (5) sumusunod na worksheet:

Worksheet 1: Worst-Case Scenario


Ang worst-case scenario sa aming barangay batay sa aming mga naging karanasan ay:

Ang tinatayang magiging epekto nito sa buhay, kabuhayan, imprastraktura, at iba pa


ay:

Worksheet 1 SAMPLE
Worst-Case Scenario
Brgy. Tambis 1, St. Bernard, So. Leyte
August 2007

Ang worst-case scenario sa aming barangay batay sa aming mga naging karanasan
ay ang pag-ulan ng malakas sa loob ng 2 hanggang 3 linggo at pagresulta nito sa
malawakang pagbaha at mga landslide.

Ang tinatayang magiging epekto nito ay:


• Marami ang maaaring mamatay, masugatan, o mawala dahil sa landslide at baha;
• Kailangang ilikas ang 200 pamilya mula sa Purok 1,2, 4 at 6;
• Masisira ang paaralan at hindi ito magagamit na evacuation center;
• Mawawalan ng tubig at kuryente;
• Mawawalan ng signal ang mga cellphone;
• Matatabunan ang daan papuntang bayan at magtatagal ng
1 hanggang 2 araw ang clearing operations; at
• Masisira ang mga palayan at halos walang aanihin ang mga magsasaka.


Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Ang sumusunod ay halimbawa ng warning signal para sa baha.

Worksheet 2:Warning Signal


Description of
Warning Signal Meaning Karampatang Aksyon
the Situation
Ang mga pamilya na
nasa peligrosong lugar
ay kinakailangan nang
maghanda para sa paglikas
sa mas ligtas na lugar.

Itinatabi na ang mga


mahahalagang papeles sa
mga plastik na sisidlan
Patuloy na ulan
upang hindi mabasa.
at ang tubig ay
Ang
umabot na sa
batingting ay Paghahanda ng mga
ankle o bukong-
1 Ready patutunugin Awareness evacuation kit katulad ng
bukong sa mga
sa mabagal pagkain sa loob ng 3 araw,
mababang lugar
na interval mga damit, flashlights,
na kadalasang
tubig at mga gamit sa
binabaha.
pagluluto

Ang BDCC lalo’t higit ang


EWS Committee ay magmo-
monitor na para sa mga
babala galing sa MDCC,
PAGASA na kanila namang
pagbabatayan ng babalang
ibibigay sa komunidad.
Patuloy na ulan
Ang at ang baha Ang BDCC at MDCC ay
batingting ay ay umabot na inaasahang mas lalong pag-
patutunugin sa gitna ng ibayuhin ang monitoring
2 Get Set
sa mas binti sa mga at pagbibigay ng signal o
mabilis na mababang lugar warning sa mga peligrosong
interval na kadalasang barangay.
binabaha.

Patuloy ang Ang mga pamilya na


malakas na kailangang lumikas ay
Mabilis at ulan na umabot nagtutungo na sa mga
tuloy-tuloy na hanggang tinukoy na pick-up points.
3 Go Response
na tunog ng sa tuhod sa
batingting mababang lugar Magsisilikas na ang mga
na kadalasang pamilya batay sa ibinigay
binabaha. na babala.

Verbal na
4 Stand instruction Nakababa na Maaari nang magsibalik sa
down galing sa warning kani-kanilang mga bahay
Kapitan
Disaster Preparedness

Worksheet 3: Pagpapalaganap ng Babala


Paraan Kailan Sino Remarks

Upang maipaliwanag
Konseho ng
ang sistema, kailangang
General Assembly Setyembre Barangay at
makadalo ang lahat ng
lahat ng tao
taga-barangay
Pakikinig ng PAGASA
Araw-araw Lahat ng tao
Bulletin sa radyo
Sangguniang
Pag masama Kabataan,
Bandilyo
ang Panahon Konseho ng
Barangay

Kung may tanong kayo tungkol sa babala o warning signal, makipag-ugnayan sa Barangay
Kapitan ___________(numero ng cellphone) o kay Kagawad _______________________
(numero ng cellphone).

5. Matapos makapagpasya ang komunidad kung ano ang


angkop na warning system, ulitin ang pagtalakay ng
mga katangian ng isang epektibong warning system.
Magsangguni sa Susing Mensahe #2.3 b.2.
6. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagtalakay muli ng
mga usapin hinggil sa community-based early warning system at
laging balikan ang kanilang karanasan bilang mga halimbawa.

Materyales

• Warning signals
• Flipcharts
• Tanong mula sa training team para sa evaluative exercises
• Kartolina
• Pentel pen
• Masking tape

 Tagal ng sesyon

Dalawang oras

Mga Pinagsanggunian:
1. Asian Disaster Preparedness Center, Disaster Management Course-32
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

2. Manwal Para sa Pagsasanay sa Disaster Preparedness, CARE-CNDR-WB Project, 2006


3. PAGASA Public Storm Warning Signals

Sesyon 3. Evacuation planning


Layunin ng pag-aaral

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan ang mga kalahok na:


• Matalakay ang mga yugto ng paglikas, ang proseso nito,
at ang pag-oorganisa ng isang maayos na paglikas;
• Maihambing o maihalintulad ang mga konsepto sa
pagsasagawa ng paglikas sa kanilang mga naging karanasan
sa paglikas at mula dito ay humalaw ng mga aral; at
• Makabuo ng panimulang balangkas ng planong
pang-ebakwasyon ng barangay.

Mga Susing Mensahe

1. Ano ang Paglikas?


Ang paglikas ay ang organisadong paglisan mula sa isang lugar na
mapanganib patungo sa isang ligtas na lokasyon. Ang isang organisado
at tamang paglikas ay nakapagliligtas ng buhay at ari-arian o rekurso.
Hindi lahat ng hazard o panganib ay nangangailangan ng paglikas.
Makatutulong ang Community risk assessment o CRA upang malaman kung
kailan at sa anong pagkakataon kailangang lumikas ng komunidad.

Ang pagpaplano para sa paglikas ay nakapaloob sa Contingency plan at


kasama sa pagbubuo ng Early warning system o EWS para dito. Ang paglikas
ay may mahigpit na kaugnayan sa community-based early warning system
o babala. Ang EWS ang nagbibigay ng hudyat sa paglikas at pagbalik sa
komunidad o paglipat sa mas ligtas na lugar.

Ang pagpaplano sa paglikas ay kinakailangang hazard-specific. Ang bawat


panganib ay may iba’t ibang katangian kung kaya’t nangangailangan ito
ng partikular na pagtugon sa binabalangkas na evacuation plan.

2. Mga Uri at Yugto ng Paglikas


Nag-iiba-iba ang mga uri ng paglikas batay sa hinihingi ng iba’t-ibang
Disaster Preparedness

sitwasyon:
• PRE-EMPTIVE EVACUATION – ito ang paglikas bago dumating o
mangyari ang panganib. Maaaring pansamantala ang paglikas at
makababalik din sa komunidad pagkatapos ang pananalanta ng
hazard gaya ng pagpapalikas sa mga komunidad sa paanan ng
Bulkang Mayon. Maaari ding permanenteng ililikas kung pagkatapos
ng panganib ay hindi na ligtas ang kalagayan sa komunidad,
katulad ng mga katabing barangay
ng Bgy. Guinsaugon matapos na
matukoy ang kanilang komunidad na
bulnerable rin sa pagguho ng lupa.

• RESCUE EVACUATION-
pansamantalang paglikas
habang nanalanta ang panganib
o pagkatapos manalanta
nito. Ito ang kadalasang
nagaganap sa ating bansa tanda
ng kakulangan o kawalan
ng sapat na kahandaan.
Madalas itong mangyari kapag
may bagyo o baha kung saan
lumilikas ang mga pamilya papunta
sa mga paaralan o sa iba pang mas matitibay
na istruktura na karaniwang nagsisilbing evacuation center.

• RECONSTRUCTIVE EVACUATION- permanente o pangmatagalang


paglikas pagkatapos ng disaster. Ginagawa ito sa mga
sitwasyon kung saan pagkatapos ng disaster ay hindi na
maaaring bumalik ang mga apektadong pamilya sa kanilang
komunidad. (Halimbawa: resettlement para sa mga residente
ng Bgy. Paltic at iba pang barangay sa Dingalan pagkatapos
ng malawakang landslide noong 2004; resettlement para
sa mga residente ng Bgy. Guinsaugon pagkatapos malibing
ang buong barangay sa isang landslide noong 2006)

3. Mga iba’t-ibang yugto sa proseso ng paglikas:


• Babala upang maghanda sa paglikas;
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

• Atas na lumikas;
• Aktwal na paglikas;
• Pananatili sa evacuation center; at
• Pagbalik sa dating lugar o paglipat sa mas ligtas na lugar.

4. Proseso ng Pagpaplano ng Paglikas


4.1. Balikan ang Community risk assessment (CRA).
Maraming resulta ng CRA ang gagamitin sa pagpaplano ng evacuation.
Ang RISK RANKING ay nagtatakda kung anong naka-ambang panganib ang
pangunahing dapat paghandaan ng komunidad at ito
ang magiging tutok ng gagawing contingency plan.
Nakasalalay dito ang desisyon kung gagawa o hindi
ng evacuation plan at kung anong uri ng
evacuation plan ang babalangkasin.

Ang Hazard map ay nagbibigay ng


impormasyon kung saang lugar sa barangay
ang dati nang naapektuhan o maaaring
maapektuhan ng partikular na hazard.
Makikita din sa hazard map kung anong mga
lugar ang unang maaapektuhan, matinding
maapektuhan at bahagyang maapektuhan
ng hazard. Makikita sa hazard map ang
mga pamilya at kabahayan na apektado at
maaaring mangailangang lumikas. Makikita rin
dito ang mga ligtas na lugar kabilang na ang pinakamabilis at ligtas
na ruta papunta sa mga ito. Sa ligtas na lugar dapat nakapuwesto ang
evacuation site o evacuation center.

Sa CRA, inaalam din kung sino ang mga tao at ano ang mga rekursong nasa
panganib o at-risk. Tinutukoy din sa CRA ang mga bulnerableng grupo
tulad ng mga bata, matatanda, kababaihan, may kapansanan at iba pa.
Sila ay binibigyang prayoridad sa panahon ng paglikas. Inaalam din sa
CRA ang mga katutubo o lokal na praktika ng pagbibigay ng babala. Ang
kaalamang ito ay mahalaga sa pagdidisenyo ng community-based early
warning system. Tandaan na maliban sa bagyo, walang warning system
ang iba pang hazard, kaya ang ididisenyong warning system ay nakabatay
sa lokal na kaalaman at praktika.
Disaster Preparedness

4.2. Magtukoy ng ligtas


na lugar para sa paglikas
Gamit ang community hazard map,
markahan ang mga natukoy na ligtas
na lugar sa mismong komunidad
o barangay at ang mga pick-up
point. I-guhit din ang pangunahin
at alternatibong ruta patungo sa
natukoy na ligtas na lugar.

Makatutulong ang hazard map sa


pagtukoy ng ligtas na lugar na maaaring
maging evacuation site. Mainam na magtukoy din ng alternatibong lugar
para sa paglikas bilang pangalawang plano (back-up plan). Mahalaga ito
para sa mga pagkakataon na ang natukoy na pangunahing ligtas na lugar
ay magiging hindi ligtas sa aktwal na kalagayan.

Tukuyin ang pinakaligtas at pinakamaikling ruta o daan patungo sa


lugar ng paglilikasan. Tiyakin na ligtas ang ruta; tandaan na may mga
pagkakataong ang pinakamaikling ruta ay hindi ligtas. Muli, mainam na
magtukoy ng alternatibong ruta para sa paglikas bilang back-up plan
kung sakaling hindi ito maging ligtas sa aktwal na kalagayan.

Magtakda rin ng ligtas na lugar para sa mga alagang hayop at iba pang
kagamitan. Mahalaga na mailigtas din ang mga ito nguni’t hindi
makatutulong kung ang mga ito ay kasama ng mga lumikas na pamilya sa
loob ng evacuation center. Maaari itong makapagpasikip ng evacuation
center at, higit sa lahat, maaari itong maging sanhi ng pagkakasakit ng mga
lumikas na pamilya. Pinakamainam kung sa pagtutukoy ng evacuation center
ay kasamang matutukoy ang ligtas na lugar na maaaring paglagakan ng mga
alagang hayop at iba pang kagamitan tulad ng bangka, lambat, at iba pa.

4.3. Paganahin ang warning system


Upang maging epektibo, dapat ay hazard-specific ang sistema ng
pagbibigay ng babala. Kapag hazard-specific ang warning system,
matitiyak na nauunawaan ng komunidad kung anong panganib ang
ipinagbibigay-babala.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Sa pagbubuo ng warning system, kinakailangang


balikan ang hazard assessment. Mula dito, bubuuin
ang warning system batay sa nature at behavior
ng panganib na na-obserbahan ng komunidad.
Mahalagang naisasa-isip sa pagsasagawa ng
EWS ang lead time upang nauunawaan ng
komunidad kung gaano pa ang natitirang oras
para makapaghanda sa paglikas o para ligtas na
makalikas.

Kung mayroon nang warning system, kinakailangan itong balik-aralan.


Pagyamanin ito batay sa mga naging karanasan sa paggamit nito at sa mga
konseptong napag-aralan. Hindi makatutulong ang pagbabalangkas ng
panibagong EWS kung mayroon na sa kasalukuyan. Maaaring magdulot ng
kalituhan sa komunidad kung pabagu-bago ang EWS, lalo na kung ibang-
iba sa nakasanayan ng komunidad. Simple lamang dapat ang sistema ng
babala upang madaling maintindihan ng nakararami sa komunidad.

Halimbawa ng isang warning system

Bilang ng Babala Klase ng Tunog Karampatang Aksyon

Kailangan nang maghanda sa paglikas.


Ang mga kasambahay sa pamilya ay
Medyo mahabang
sinisiguradong kumpleto at ang mga
Unang babala: tunog ng
kinakailangang gamit sa paglikas ay
maghandang bagting. Uulitin
inihahanda na rin. Ilalagay ang mga gamit
lumikas ito bawat 30
sa ligtas na lugar. Ang mga alagang hayop ay
sandali (second)
ilalagay din sa ligtas na lugar. Maghihintay
sa hudyat ng ikalawang babala.

Maaari ng lumabas ng bahay ang mga


residente papunta sa mga pick-up point o
Tuluy-tuloy na diretso sa evacuation center, kung anuman
Ikalawang babala:
pagtunog ng ang nakatakda sa evacuation plan. Pagdating
lumikas
bagting sa evacuation center ay magpapatala ang
mga lumikas upang opisyal na mapabilang sa
listahan ng mga inilikas.

Verbal instruction
Ikatlong babala: Maaari nang lisanin ang evacuation center at
na maaari nang
ligtas nang bumalik bumalik sa dating lugar. Manatiling maging
bumalik sa
sa dating lugar maingat sa pagbalik sa komunidad.
dating lugar
Disaster Preparedness

TANDAAN: ang EWS ay hindi kailangang parepareho. Ito ay nakabatay


sa partikular na kalagayan ng isang lugar. Maaaring may tatlong yugto
ang isang early warning system, tulad ng protocol para sa baha: ready,
get set, at go. Subalit kung maiksi ang lead time, maaaring dalawang
yugto na lang: ready/get set at saka go. Ang kagamitan sa pagbibigay
ng babala ay maaari ding magkaiba, batay sa kung ano ang mayroon ang
komunidad at kung ano ang kagamitang nadidinig ng lahat sa komunidad
kahit pa malakas na ang ulan at hangin kung may bagyo.

Tandaan natin, maaaring tumalon ang babala mula


una papuntang ikatlong babala depende sa bilis
ng pagbabago ng kalagayan.

4.4. Maghanda ng masterlist


ng bakwit o evacuees
Ang pagkakaroon ng masterlist ng bakwit
ay nagsisilbing gabay upang malaman kung
ang lahat ng inaasahang lumikas ay ligtas
na nakarating sa evacuation center.

4.5. Tiyakin ang organisadong paglikas


Kung gagamit ng sasakyan sa paglikas, igrupo ang mga tao at maghanda
ng iskedyul. Kung kinakailangan, lalo na sa mga malalaking komunidad,
magtukoy ng mga pick-up point. Maghanda ng listahan ng mga
pamilyang nakatakda sa bawat pick-up point upang
maitala kung sino ang nakarating dito at kung
sino ang hindi. Sa ibang mga sitwasyon o
pagkakataon, hindi na kinakailangan ng mga
pick-up point. Diretso nang tumutungo sa
ligtas na lugar ang mga bakwit.

4.6. Ihanda ang mga


kakailanganin para sa paglikas
Ihanda ang mga kagamitan tulad ng
sasakyan, gasolina, pagkain, tubig,
gamot, road signs, communication
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

equipment, warning equipment, at iba pa.

4.7. Magbabalik-aral sa istruktura ng Barangay Disaster


Coordinating Council o BDCC sa evacuation, komposisyon
nito, at hatian ng gawain at responsibilidad
Linawin kung sino ang mamamahala sa evacuation. Linawin din ang iba’t
ibang pangalawang komite (sub-committees) at kung anu-ano ang mga
responsibilidad ng mga ito.

MGA TUNGKULIN NG BDCC SA EVACUATION


• Bago lumikas:
. Maghanda ng plano sa paglikas
. Maglunsad ng training at edukasyon, at drill exercise
. Ihanda ang mga lohistikal na pangangailangan para sa paglikas
. Buuin ang masterlist ng komunidad
. Magsagawa ng networking, koordinasyon at pagpapalitaw
ng mga rekurso (resource generation) para sa paglikas
• Aktwal na paglikas:
. Pamahalaan ang lohistikal na pangangailangan para sa paglikas
. Magbigay ng atas na lumikas
. Tiyakin ang maayos na paglikas
. Magtalaga ng marshall o giya habang lumilikas
. Markahan sa masterlist ang mga nakalikas
at hindi nakalikas (headcount)
. Magsagawa ng search and rescue
• Habang nasa evacuation center
. Pangasiwaan ang mga gawain ng mga grupo sa kalusugan,
pagkain, kalinisan o sanitation, seguridad at impormasyon
(o mga katumbas nito sa istruktura ng BDCC)
. Pamahalaan ang relief operation
. Magsagawa ng networking, public information,
at pagpapalitaw ng rekurso
• Pagbalik sa dating lugar
. Magbigay ng hudyat na ligtas na at maaari
nang bumalik sa dating lugar
. Linisin ang evacuation site katulong ang mga bakwit
. Tulungan ang mga pamilyang bumabalik sa dating lugar o tirahan
. Tiyaking ligtas ang pagbalik sa komunidad
Disaster Preparedness

. Kumpunihin o ayusin ang mga nasirang rekurso

 Pamamaraan at daloy

Ang pangunahing pamamaraan sa pagpadaloy ng sesyon ay talakayan


at workshop. Maraming mga materyales at mga halimbawa ang mga
gagamitin. Ito ay kukunin mula sa mga naunang workshop sa mga
nakaraang sesyon at babalikan ang mga resulta ng mga Worksheet. Ito
ang mga pagkukunan ng mga halimbawa at pagbabatayan ng kasunod
pang mga workshop

Para sa Susing Mensahe #1, magpakita ng mga halimbawa ng mga hazard


na nangangailangan ng paglikas tulad ng matinding pagbaha, malakas
na bagyo, at sunog.

Para sa Susing Mensahe #2, makatutulong kung may mga larawan ng


mga ibibigay na halimbawang sitwasyon para sa mas epektibong
pagsasalarawan sa mga yugto ng paglikas.

Mahalagang magbalik-aral sa mga naging karanasan ng mga kalahok sa


paglikas. Bilang bahagi ng isang proyektong Disaster Risk Reduction,
tiyak na bulnerable ang kanilang komunidad sa disaster at tiyak ding
nagkaroon na sila ng karanasan sa paglikas. Ang pagbabalik-aral sa
kanilang karanasan ay simula ng pag-alam at pagtukoy ng mga tama at
maling kinagawian nila sa paglikas.

Ang mga sumusunod ay gabay sa pagbabalik-aral sa kanilang


karananasan:
1. I-grupo ang mga kalahok sa dalawa o kung ilan ang akma.
2. Ang bawat grupo ay gagawa ng poster na maglalarawan ng naging
pamamaraan nila sa paglikas sa mga nakaraang pagkakataon.
3. Gagawin ang mga poster sa loob ng 10 minuto.
4. May 20 minutong ilalaan para sa pagtalakay at
pagproseso ng nalikhang poster ng bawat grupo.
5. Sa pagpoproseso, titiyakin na matalakay ang mga mali at
tamang gawi o practice sa pagsasagawa ng paglikas.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Evacuation Management Workshops


Batay sa natalakay na wastong proseso ng pagpaplano ng paglikas,
sisikaping buuin ng mga kalahok ang kanilang evacuation plan.

Proseso
1. I-grupo ang mga kalahok sa lima.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng mga tungkuling dapat tiyakin.
3. Sa plenaryo, ilalahad ng bawat grupo ang resulta ng kanilang
talakayan at sisikaping buuin ng lahat ang evacuation plan.
4. Bigyan ang bawat grupo ng halimbawa ng
evacuation plan upang magsilbing gabay.
5. Ang mga grupo ay may 15 minuto para magtalakay at maglalaan
naman ng 20 minuto para sa pagbubuo ng evacuation plan.
6. Hatian ng grupo sa mga bahagi ng evacuation plan:
Pangkat 1: Pagbalik-aral sa Community risk assessment/Worst-
Case Scenario
Pangkat 2: Pagbalik-aral sa community hazard map. Magtukoy
ng ligtas na lugar para sa paglikas at ligtas na ruta papunta
dito. Magtakda rin ng ligtas na lugar para sa mga alagang
hayop at iba pang kagamitan.
Pangkat 3:* Itakda ang warning system.
Pangkat 4: Maghanda ng masterlist ng evacuees. Tiyakin
ang organisadong paglikas at pagtutukoy ng mga rekursong
kakailanganing ihanda para sa paglikas
Pangkat 5: Balik-aralan ang istruktura, komposisyon, at hatian
ng gawain at responsibilidad ng BDCC.

*Para sa Pangkat #3, gamitin at balikan ang natapos na EWS worksheet -


warning signal sa nakaraang sesyon.

Materyales na Kailangan

• Kopya ng isang Evacuation Plan (halimbawa sa


gagawing evacuation planning workshop)
• Listahan ng mga materyales na kakailanganin
sa bawat Worksheet na isasagawa
• Mga larawan ng hazard na nangangailangan ng
Disaster Preparedness

paglikas (matinding pagbaha, malakas na bagyo,


sunog) at mga hazard na hindi nangangailangan ng
paglikas (peste sa mga hayop, mahinang bagyo)
• Manila paper o kartolina, pentel pen, crayola
• Biswal ng halimbawa ng warning system
• Biswal ng halimbawa ng checklist
• Handout ng mga tungkulin ng BDCC sa evacuation

 Tagal ng sesyon

Dalawang oras

Mga Pinagsanggunian

1. Project documents, Youth Participation in emergency Response and Disaster Preparedness Project, CARE-CNDR,
supported bt the Small Grants Division of the World Bank, 2005-2006.
2. Project documents, Disaster Preparedness Project in Dingalan, Aurora supported by the Corporate Network for
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Disaster Response, 2005-2006.

Sesyon 4. Evacuation center


Management (ECM)
LAYUNIN

Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ang mga kalahok ay:


• Makapagtalakay ng wastong pagpapatakbo ng evacuation center;
• Maihambing ang wastong pagpapatakbo ng evacuation
center sa kanilang mga naging aktwal na karanasan;
• Makapagtukoy ng mga magiging kasapi ng
bawat komite para sa ECM; at
• Makapagtalakay ng mga nakikini-kinitang mga
suliranin sa pagpapatakbo ng evacuation center at
mahanapan ito ng mga angkop na tugon.

Mga Susing Mensahe

1. Evacuation center Management o ECM


Ang evacuation center management o ECM ay ang mahusay, angkop, at
wastong pamamahala ng evacuation
center. Tinitiyak dito ang
partisipasyon ng mga bakwit at
iba pang mga tao sa komunidad
para sa mahusay at angkop na
pamamahala ng evacuation
center.

May mga pamantayang dapat


sundin sa pagpili ng isang
evacuation center:
• May pagkukunan ng tubig
• Hangga’t maaari ay hindi
sobra ang layo mula sa
komunidad at may ligtas
na ruta papunta dito
Disaster Preparedness

• Maayos ang kalagayan ng lupa at daluyan ng tubig


• May sapat na espasyo para sa mga tao, communal services, at iba pa
• Ligtas
• May hiwalay na ligtas na lugar para sa mga
hayop na gamit sa kabuhayan

2. Mga Gawaing Pang-ECM


May mga gawain o tungkuling dapat
tinutugunan ang komunidad upang
matiyak ang wastong pamamahala
sa evacuation center. Ito ay ang
mga sumusunod:

• Bago pa man tumama ang


isang hazard (bilang bahagi
ng evacuation planning):
. Tinitiyak hindi lamang
ang pagtutukoy ng ligtas na malilikasan ng komunidad
kundi tinitiyak din ang ilang mga aspeto kagaya ng:
. Usapin kaugnay ng land rights o usapin ng pagmamay-
ari (pag-aari ba ng pamahalaan o ng pribadong tao?)
. Site assessment (dapat sumusunod sa mga pamantayan
ng pagpili ng evacuation center na nakasaad sa itaas)
. Site planning (paghahanda kung saan itatayo ang
mga istruktura, lugar ng bawat purok, lutuan,
labahan, liguan, at iba pa)

• Habang nasa evacuation center:


. Pagpaparehistro sa mga bakwit
at pagsubaybay ng kalagayan sa
evacuation center (monitoring)
. Pagtatakda ng espasyo
ng mga bakwit
. Pagsasagawa ng oryentasyon
. Pagpapanatili ng kaayusan
. Pagsasanay at edukasyon
. Networking at pagpapalitaw
ng mga rekurso o
resource generation
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

• Pagkatapos ng paglikas:
. Pagtitiyak na ang pagbalik
sa komunidad ay ligtas
. Pagkukumpuni o pag-aayos ng mga
nasira sa ginamit na evacuation center
. Paglilinis ng evacuation site
. Pagbalik sa dating lugar o paghahanap
ng malilipatang lugar kung hindi na
maaring bumalik sa dating komunidad

3. Mga Komite at Kanilang mga Tungkulin


sa Panahon ng Pagbakwit
TANDAAN: Ang mga komite na nakatalaga sa ECM ay nakasunod sa
pagkakabuo ng mga komite na nasa Barangay Disaster Coordinating
Council o BDCC. Ang evacuation committee ng BDCC ang pangunahing
responsable sa ECM.

Ayon sa manwal ng Department of Interior and Local Government


(DILG), may pitong (7) Action Service Committee at apat (4) na Staff
Service Committee ang bumubuo sa BDCC. Upang hindi makalito sa mga
residente ng komunidad, ito ang susunding mga komite at tatalakayin
ang mga tungkulin ng bawat komite upang may
nagkakaisang pag-unawa ang lahat tungkol
dito.

Maaaring dagdagan o ibahin ang mga


tungkuling nakasaad sa bawat komite
laluna kung hindi akma ang nakasulat
sa Manwal para sa pangangailangan ng
kalagayan sa evacuation center. Sa ECM,
hinihikayat ang mga bakwit na mag-miyembro
sa mga komite sa evacuation center upang
maging akma ang mga gawain nito at
maging kapaki-pakinabang ang pagtira
ng mga tao habang nakabakwit sila.
Disaster Preparedness

ACTION SERVICE COMMITTEE


• Disaster relief committee
. Namamahala sa pamamahagi ng relief;
. Nagtitiyak na nabibigyang-atensyon ang mga pangangailangan
ng mga bata, matatanda, buntis at nagpapasusong ina;
. Namamahala sa kusina;
. Nag-aayos at nag-iimbak
ng mga suplay; at
. Nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang
ahensyang namamahagi ng relief.

• Medical Committee
. Nagtitiyak ng kalinisan at
pangkalahatang kaayusan
ng evacuation center;
. Nagbibigay ng paunang lunas
(first aid) at tulong medikal;
. Nagbubuo ng referral system
at nagsasagawa ng referral
ng mga pasyente sa ospital
kung kinakailangan;
. Gumagawa ng herbal na gamot;
. Nag-aayos at nag-iimbak ng
mga kinakailangang gamot; at
. Nakikipag-ugnayan sa ahensyang pangkalusugan
ng lokal na pamahalaan.

• Warning Committee
. Gumagawa ng paraan upang maipaalam sa lahat ang ibig sabihin
ng mga warning signal o ng early warning system (EWS);
. Nagtitiyak na may magagamit na warning device; at
. Nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan tungkol
sa mga pagbibigay-alam ng mga warning.

• Rescue Committee
. Nagsasagawa ng mga search and rescue operation
ng mga taong nakulong o na-trap sa barangay o sa
partikular na lugar na pinangyarihan ng disaster;
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

. Nag-oorganisa at nagsasanay sa mga rescue team; at


. Nagtitiyak na kumpleto at maayos ang
mga kagamitang pang-rescue.

• Evacuation Committee
. Nagtitiyak na naipagpapatuloy nang maayos ang mga klase
sa mga paaralang ginagamit bilang evacuation center;
. Nagtutukoy ng mga responsableng tao sa
bawa’t kwarto ng evacuation center;
. Nangangasiwa sa pagbibigay ng oryentasyon
at nagsasaayos ng mga gawaing ehersisyo,
pagpapalakas ng katawan, at mga palaro;
. Nangangasiwa sa pagbibigay ng mga seminar o
pag-aaral kaugnay ng iba’t ibang isyu;
. Naglilista ng mga taong pumapasok sa evacuation center;
. Naghahanap ng mga nawawalang kaanak;
. Nakikipag-ugnayan sa ibang organisasyon; at
. Nangangalap ng mga rekursong kinakailangan.

• Fire Brigade Committee


. Nag-oorganisa ng fire-fighting team;
. Namamahala sa mga pagsasanay ng fire-fighting team;
. Nagbibigay ng mga kautusan sa panahon na may sunog; at
. Taga-sugpo ng mga sunog sa evacuation center.

• Damage Control Committee


. Nagsasagawa ng disaster monitoring
at nagbibigay ng update; at
. Tumutulong sa pag-alam at pagsugpo o
paglutas ng mga sitwasyong emergency; at
. Nagtitiyak kung ano ang kalagayan ng
mga nasirang imprastaktura at ng iba
pang epekto ng disaster sa evacuation
center at sa buong barangay.
Disaster Preparedness

STAFF COMMITTEES
• Komite sa Seguridad
. Nagtitiyak sa kaligtasan ng komunidad;
. Nagbabantay sa evacuation center;
. May kapangyarihang mamagitan at makipag-negosasyon; at
. Sumusubaybay sa kalagayan ng lugar na
pinanggalingan ng mga bakwit.

• Komite sa Suplay
. Nagtitiyak na may sapat na suplay ng pagkain at iba
pang pangangailangan sa evacuation center;
. Naghahanap ng panggagalingan o source ng mga kailangang
suplay at tumatanggap ng mga
dumarating na suplay; at
. Nakikipag-ugnayan sa relief team.

• Komite sa Tranportasyon
. Nagtitiyak na may magagamit
na transportasyon ang mga
taong magbabakwit papunta
sa evacuation center at pabalik
sa komunidad o paglipat sa
iba pang evacuation center.

• Komite sa Komunikasyon
. Tumatanggap
ng lahat ng komunikasyon ukol sa lagay ng
panahon at katayuan ng disaster; at
. Nagbibigay ng wastong impormasyon
sa lahat sa evacuation center;

 Pamamaraan at daloy

Bilang paunang salita sa pag-uumpisa ng sesyon, mahalagang ipaalala sa


mga kalahok ang kanilang karapatan na dapat magmula sa pamahalaan ang
pagtatakda ng mga evacuation center sa panahon ng disaster. Talakayin
nang bahagya kung ano ang mga serbisyong dapat na asahan mula sa
pamahalaan, at ikumpara ito sa umiiral na kalakaran ng pamahalaang
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

lokal o pambansa sa pagtatakda at pagpapatakbo ng mga evacuation


center. Isama sa talakayan ang kanilang mga maaaring gawin upang
makamit ang mga serbisyong ito kung hindi ito naibibigay sa kanilang
lugar.

Talakayan na may kumbinasyong workshop ang magiging pangunahing


pamamaraan para sa sesyong ito. Upang lalong mapaunawa ang
tinatalakay, gagamit din ng mga larawang magpapakita ng mga halimbawa
ng mga paksang pinag-uusapan.

Para sa Susing Mensahe #1 - Mga larawan ng evacuation site na sumunod sa


pamantayang nabanggit sa itaas at mga evacuation site na hindi sumunod
sa pamantayan upang maintindihan ng mga kalahok ang kawastuhan ng
mga pamantayang ito.

Para sa Susing Mensahe #2 – Mangangailangan ng biswal na halimbawa


ng checklist ng mga gawain sa pamamahala ng evacuation center.

Para sa Susing Mensahe #3, Workshop 1


1. I-grupo ang mga kalahok sa lima at takdaan ng tig-
dalawang komite (batay sa Manwal ng DILG).
2. Batay sa karanasan (o ideya, kung walang
pagbabatayang karanasan), ihahanay ng bawat
grupo ang mga tungkulin ng bawat komite.
3. Bibigyan ng 15 minuto ang bawat grupo para buuin
ang mga tungkulin ng itinakdang komite.
4. Ilalahad ng bawat grupo ang resulta ng kanilang
workshop at ihahambing naman ito ng lahat ng kalahok
sa mga aktwal na tungkulin ng bawat komite.

Workshop 2: Panimulang pagbubuo ng mga komite at pagtutukoy ng mga


tungkulin ng mga ito
1. Mula sa mga natukoy na komite at katapat nitong gawain, tutukuyin
ng mga kalahok kung sino sa komunidad ang may katungkulan
o may kakayahang gumampan ng mga natukoy na tungkulin.
Disaster Preparedness

2. Hihikayatin ang mga miyembro sa komunidad na


magboluntaryo sa iba’t ibang komite.
3. Sa pagpoproseso, titiyakin na matalakay ang
mga nakikini-kinitang mga suliranin.

Materyales na Kailangan

• Mga larawan ng evacuation site na sumunod sa pamantayan


at mga evacuation site na hindi sumunod dito
• Biswal ng halimbawa ng checklist ng mga gawain
sa pamamahala ng evacuation center
• Mga larawang nagpapakita ng mga tungkulin ng bawat komite
• Manila paper
• Pentel pen

 Tagal ng sesyon

Dalawang oras

Pinagsanggunian:

1. Manwal ng Department of Interior and Local Government, 1977. (electronic copy)


2. Contingency plan ng Tambis 1, St. Bernard, Southern Leyte, 2008.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

Sesyon 5. Public Awareness


LAYUNIN

Pagkatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay inaasahang:


• Matalakay ang konsepto ng public awareness; at
• Maiugnay ang kahalagahan ng pagsasagawa nito sa
kabuuang gawain ng disaster risk reduction.

Mga Susing Mensahe

1. Ano ang kahulugan ng public awareness sa


larangan ng pagbabawas ng risK sa disaster?
Ang public awareness ay:
• ang proseso ng pagpapabatid sa publiko, ng pagpapataas ng
antas ng kanilang kamulatan
tungkol sa mga panganib, at
kung anu-ano ang maaari nilang
gawin upang mapababa ang antas
ng panganib. Ito ay partikular
na mahalaga sa mga opisyal ng
pamahalaan upang maisakatuparan
nila ang kanilang responsibilidad
na sumagip ng mga buhay at ari-
arian sa panahon ng disaster.
• Lumilikha ng pagbabago sa
gawi o asal patungo sa isang
kultura ng risk reduction.

Kabilang sa gawaing public awareness ang: public information;


pagpapalaganap o dissemination; edukasyon; pagsasahimpapawid
ng mensahe sa radyo o telebisyon; pagpapalaganap ng mensahe sa
pamamagitan ng print media; pagtatayo ng mga sentro ng impormasyon
at network; at pakikilahok ng komunidad.
Disaster Preparedness

Tandaan natin na ang buong sistema ng paglikas at community-based


Early warning system ay hindi gagana kung hindi ito susundan ng Public
Awareness o pagpapabatid sa lahat na miyembro ng komunidad.

2. Ano ang public information?


Ang public information ay anumang impomasyon at kaalaman na natutunan
sa mga pag-aaral at pananaliksik na maaring ipabatid sa publiko.

Ang pagmamay-ari ng publiko sa impormasyon ay


isang batayang karapatan.

Karapatan ng publiko na makakalap ng


tamang impormasyon. Mahalaga ito sa kanya
at nakikita ito sa kapasyahan nyang manood,
magbasa, at makinig ng balita araw-araw.
Ang anumang impormasyon na natatanggap
ng publiko ay nagiging batayan ng
kanilang mga pagpaplano. Kung mali
ang impormasyong matatanggap ng
mga lider ng komunidad, mali rin
ang kalalabasan ng mga desisyon at
plano nito.

Sa kabilang banda, dapat ding maibahagi sa publiko ang tamang paggamit


ng impormasyon. Pinakamainam na halimbawa ang kalituhan kapag
naglalabas na ng babala ang Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Service Administration o PAGASA hinggil sa mga bagyong
paparating sa bansa. Dahil kulang ang kaalaman ng publiko hinggil sa
mga warning signal ng PAGASA, mali o hindi angkop ang nagiging tugon
nila sa mga babala.

Sa komunidad, mahalaga ring maintindihan ng mga tao ang kahalagahan


ng pagiging mapagmatyag sa mga nagbabagong palatandaan ng hazard
at ang mga nag-iibang epekto nito maging paglala man o paghina.
Dapat magkaroon ang komunidad ng kakayahang maihambing ang mga
nakaraang karanasan sa mga maaari pang mangyari. Ang komunidad ay
dapat may kakayahang humalaw ng datos at impormasyon mula sa kanilang
mga sariling karanasan at mula dito ay magtukoy ng mga kaakibat na
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

hakbang. Mahalaga ito dahil maaaring ang angkop ngayon ay hindi na


angkop sa mga susunod na panahon. Ito rin ay kanilang responsibilidad at
magsisilbing kontribusyon sa pagkakaroon ng katumbas na impormasyon
sa pambansang antas.

Ang mga impormasyon ay maaaring makuha halimbawa sa pamamagitan


ng pagsasaliksik, pakikipag-talakayan, pakikinig sa balita, o paggamit
ng internet.  Mahalaga lamang na matiyak na wasto ang mga nakuhang
impormasyon sa pamamagitan ng pagsangguni sa iba’t ibang
pinagmumulan ng impormasyon.

Pangunahing responsibilidad ng gobyerno


ang public information.
Pangunahing nakaatang ang responsibilidad
ng public information sa gobyerno.
Gobyerno rin ang may pinakamalaking
kakayahan at impluwensya sa mga
daluyan ng impormasyon kung kaya’t
lalong inaasahan na maipaabot nito ang
wastong impormasyon sa publiko. Nguni’t
hindi sa lahat ng pagkakataon ay naaabot
ng gobyerno ang mga komunidad na higit na
nangangailangan ng impormasyon. Sa ganitong
mga sitwasyon, kinakailangang may pumuno sa
kakulangan.

Sa ganitong mga pagkakataon, nagiging malaki ang papel na ginagampanan


ng media at ng civil society sa pagpapalaganap ng impormasyon. Sila
din sa aktwal ang mas nakakaabot sa mga malalayong lugar kumpara
sa gobyerno. Ganunpaman, sa maraming pagkakataon, nakukulayan ng
kompetisyon ang gawain ng media kung kaya’t mas malaki ang nakaatang
na responsibilidad sa mga non-profit organization sa gawaing public
information.

Responsibilidad din ng gobyerno ang maglaan ng pondo upang makakalap


at makapagpalaganap ng wastong impormasyong makatutulong nang
malaki sa mamamayan.
Disaster Preparedness

Sa Disaster Risk Management (DRM),


nilalayon ng gawaing public awareness na:
• Pataasin ang kaalaman ng publiko
tungkol sa mga ambang panganib,
katangian ng mga ito, at mga posibleng
epekto o pinsalang dulot ng mga ito;
• Pataasin ang kaalaman ng publiko
tungkol sa mga maaaring gawin
bago dumating, habang nangyayari,
at matapos ang disaster
• Prevention, mitigation, preparedness
• Emergency response
• Rehabilitation at recovery; at
• Pataasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa early
warning system o EWS, contingency planning, at evacuation planning.

Mga dapat tandaan sa paggawa ng mga materyales


at aktibidad para sa public awareness
• Layunin - ano ang ninanais na resulta at sino
ang nais abutin (target audience)?
• Mensahe o nilalaman - isinasaalang-alang ang
tantyang kaalaman ng target audience
• Hatian ng gawain at responsibilidad - mahalaga at dapat
na kalahok ang komunidad sa mga aktibidad para sa public
awareness. Mas epektibo ang public awareness kung
aktibong kalahok ang komunidad sa mga gawain.
• Napapanahon - ang mga gawain para sa public awareness ay
magiging epektibo kung naisasagawa sa tamang panahon
• Tuluy-tuloy o sustained - ang mga gawaing public awareness ay
dapat isinasagawa nang paulit-ulit at tuluy-tuloy hanggang maging
bahagi na ng pang-araw-araw na kagawian ng publiko o komunidad
• Porma o daluyan ng mensahe
. Publication: poster, primer, booklets, leaflets,
magazine, cartoon, newsletter
. Karatula: billboard, streamer, graffiti
. Multimedia: print ad, programa sa radyo,
film showing, internet, telebisyon
. Edukasyon: seminar, training
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

. Iba pang porma: drill, rally, paligsahan, exhibition, play


. Pagpadaloy ng impormasyon sa iba’t ibang informal na paraan
na nagmamaksimisa sa mga kinagawian ng komunidad katulad
ng pyesta, kwentuhan sa tindahan o pakikinig sa misa.

 Pamamaraan at daloy

Panimulang gawain
1. Ehersisyo: Information relay
2. Hatiin ang mga kalahok sa dalawang (2) pangkat (o kung
ilan ang naaangkop batay sa dami ng kalahok).
3. Papilahin ang bawat pangkat.
4. Ang unang kalahok ng bawat pangkat ay bibigyan ng
kapirasong papel na naglalaman ng isang mensahe.
5. Kakabisaduhin niya ang mensahe at ipapasa ito sa
pamamagitan ng pagbulong hanggang makaabot
sa kahuli-hulihang miyembro ng pangkat.
6. Isusulat sa kraft paper ng panghuling nakatanggap ng
mensahe ang nakarating na mensahe sa kanya.
7. Ikumpara ang nilalaman ng orihinal at huling mensahe.

Ang pagsasanay na ito ay magpapakita ng kahalagahan ng


pagpapabatid ng tamang mensahe lalo na sa sitwasyong may naka-
ambang panganib.

Mahalaga ang pagpoproseso ng aktibidad. Sa pagpoproseso, maaaring


tanungin ang sumusunod:
. Ano ang nangyari?
. Ano ang mga salik na naka-apekto sa resulta?
. Ano ang mga aral na napulot?

Dapat maiproseso ng tagapagpadaloy ang mga dapat bantayan batay


sa ginawang aktibidad at maiugnay ito sa mga konsepto ng public
awareness kabilang na ang sumusunod:
. kalinawan o clarity ng impormasyon;
. kahalagahan ng feedbacking;
. kahalagahan ng pag-uulit ng impormasyon
upang hindi makalimutan;
Disaster Preparedness

. pagkumpirma upang makasigurong tama ang


impormasyong natanggap (validation);
. kaangkupan ng gamit na paraan sa
pagpapaabot ng impormasyon;
. hindi pagsasakripisyo ng malinaw na mensahe
para lamang sa bilis ng pagpapa-abot nito.

Halimbawang mensahe

May paparating na bagyo at tatama ito sa ating komunidad sa loob ng 12 oras.


Malakas ang bagyo kaya’t kailangan nating lumikas. Magkita-kita tayo sa mga
itinakdang pick-up point mamayang alas-tres ng hapon.

Pamamaraan
1. Malayang talakayan na ginagabayan ng mga susing mensahe.
Mahalagang matalakay ng mabuti ang ibig sabihin ng paglilikha
ng pagbabago sa kinagawian tungo sa isang kulturang may
kamalayan o mulat tungkol sa pagbabawas ng risk. Mahalaga
ring maipaliwanag nang mabuti ang epekto ng tama at angkop
na impormasyon sa kagyat at pangmatagalang pagbabago.
2. Pagpapakita ng mga wasto at di-wastong halimbawa
ng mga pagpapabatid sa publiko.
3. Para sa Susing mensahe # 2, magpakita ng larawan
ng Signal Number 2 nguni’t maaraw, walang pasok
at ang mga estudyante ay nasa mall.
4. Para sa Susing Mensahe #4, magpakita ng halimbawa
ng isang DRM public information material tulad
ng “Praymer sa Bagyo at Baha ng Calabanga.”
5. Para sa Susing Mensahe #5, kakailanganing magpakita ng mga
larawan o drowing na nagpapakita ng tama at maling halimbawa ng
pagpapabatid sa publiko. Batay sa resulta ng workshop sa pagbuo
ng Worksheet #5 sa Sesyon 2 tungkol sa EWS, itatanong sa mga
kalahok kung anu-ano ang mga pamamaraang maaaring isagawa
ng komunidad para sa pagpapalaganap ng contingency plan.

Mahalagang gumamit ng halimbawang angkop sa komunidad.


Kadalasan, ang mga halimbawa ay nauuwi sa kahinaan ng pamahalaan
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

sa pambansang antas na maipabot ang mahalagang impormasyon sa


antas ng munisipyo. Maaari rin naman itong talakayin nguni’t mas
mainam na talakayin ang mga halimbawa ng sistema ng komunikasyon
at impormasyon mula munisipyo papunta sa mga nasasakupang
barangay at mula sa barangay patungo sa mga purok at sona.

 Tagal ng sesyon

Dalawang oras

Mga Pinagsanggunian:

International Strategy for Disaster Reduction: Terminology of disaster risk reduction.


Population Reference Bureau. Connecting People to Useful Information
Disaster Preparedness

Sesyon 6. Community Drill


Layunin

Pagkatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay inaasahang:


• matukoy ang kahalagahan ng pagsasagawa ng community drill
• matalakay ang proseso o mga hakbang na daraanan
sa pagsasagawa ng community drill; at
• makapagbalangkas ng panimulang plano para
sa pagsasagawa ng community drill.

Mga Susing Mensahe

1. Ano ang community drill?


Ang community drill ay aktwal na pagsasanay ng contingency plan o CP
partikular sa mga bahagi ng Early warning system (EWS) at evacuation
plan. Paulit-ulit itong isinasagawa sa paglalayong sanayin ang mga tao
sa paggampan nila ng mga responsibilidad na naka-atang sa kanila batay
sa CP. Sa bawat pagsasanay, binibigyang pasin ang nilalaman ng CP at
sinusukat kung gaano ka-epektibo ang iba’t ibang mga bahagi nito. Ang
community drill ay dapat nag-aambag sa pagpapa-unlad ng CP hanggang
sa mabuo ang pinaka-epektibong plano.

Mahalaga na malinaw ang mga layunin sa pagsasagawa


ng community drill. Halimbawa rito ay:
Ang paglulunsad ng community flood drill sa Bgy.
Tambis ay isasagawa upang malaman kung
epektibo ang sistemang paglikas na
binuo ng barangay. Ito ay nakasaad
sa CP at naglalayong mailikas ang
mga apektadong residente bago
pa man tumaas ang tubig baha at
maiwasang makulong ang mga ito
sa loob ng barangay.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

2. mga batayang rekisito upang


makapaglunsad ng community drill
• Nakapaglunsad na ang komunidad ng community risk
assessment at natukoy ang worst-case scenario
• Nakapagbuo at nagkaisa sa isang community-
based early warning system na nakabatay sa aktwal
na ginagamit at kailangan ng komunidad
• Nakapagbuo ng evacuation plan batay sa natukoy na hazard,
bilang ng pamilyang maaaring maapektuhan ng panganib o
at-risk, at may natukoy ng lugar bilang evacuation site
• Nakapagbuo, sa ilalim ng istruktura ng BDCC, ng
mga komiteng mangangasiwa sa bawat tungkulin
at may malinaw na pinuno at kasapian

3. ang sinusukat sa community drill


• Early Warning System (EWS) na dapat ay hazard-,
target group at location-specific. Sinusukat kung
ang EWS ay angkop sa kalagayan, nauunawaan,
naisasagawa at nasusundan ng komunidad.
• evacuation plan. Sinusukat kung mabilis
na maisasagawa ang plano at kung
epektibo ang mga tinukoy na proseso.
• kakahayan ng BDCC. Sinusukat ang kakayahang
tugunan ang mga pangangailangan ng komunidad
sa panahon ng paglikas at kung gaano na
kapamilyar ang mga kasapi nito sa kanilang
mga papel at tungkuling dapat gampanan.
• kahandaan ng komunidad. Sinusukat kung
gaano na kapamilyar ang komunidad sa mga
dapat tandaan at gawin kung kinakailangang
lumikas. Masusukat din ang kanilang kahandaan batay sa kanilang
partisipasyon at pagsusumikap na mapalahok ang karamihan ng
miyembro ng komunidad upang maipagtagumpay ang aktibidad.
Sinusukat din dito ang mga rekurso ng komunidad na magagamit
sa pagtugon sa panahon ng emergency katulad ng batingting
o mga first-aid kit. Sa community drill, makikita kung may
kakayahan silang gamitin ng mahusay ang mga kagamitang ito.
Disaster Preparedness

Ang mga nabanggit ay sinusukat sa community drill at inaangkop ang


mga pagbabago sa CP.

4. Kailan dapat isinasagawa ang community drill?


Mainam na gawin ang community drill habang malayo pa sa panahong
madalas mangyari ang partikular na hazard at kung kailan mas marami
ang maaaring makalahok. Pinakamainam na isagawa ang community drill
kung hindi tag-ulan at sa mga araw ng Sabado o Linggo upang walang
trabaho, o hindi gaanong abala sa mga pang-araw-araw na gawain, ang
mga taga- komunidad. Ang school evacuation drill naman sa mga paaralan
ay mainam na maisagawa sa mga araw na may pasok upang makalahok
ang lahat ng estudyante at mga guro.

Ang drill sa komunidad at paaralan ay mainam na gawin taun-taon.

5. Mga Uri ng Drill


Ayon sa tipo ng hazard katulad ng fire drill, earthquake drill, flood drill,
tsunami drill at iba pa. Mapagpapasyahan kung anong uri ng drill ang
isasagawa batay sa resulta ng CRA na ginawa ng komunidad. Malalaman
ang partikular na hazard na pangunahing dapat paghandaan pagkatapos
ng risk ranking o pagpaprayoridad sa mga hazard na tumatama sa kanilang
lugar. Maaaring labis sa isa ang tipo ng drill na kakailanganing isagawa
sa isang komunidad nguni’t mainam na isagawa muna ang natukoy na
pinakamalakas at/o pinakamadalas na hazard na maaaring tumama sa
barangay.

May mga hazard na hindi kailangan na ang buong komunidad ang


rganisahin kung hindi buong komunidad ang nasa panganib. Halimbawa,
ang isasama lamang sa tsunami drill ay ang bahagi ng komunidad na nasa
tabi ng dagat at ang mga nakatalagang miyembro ng BDCC sa lugar na
iyon.

6. Mga hakbang sa Pagsasagawa ng Dril


BAGO ANG DRILL
• Pag-oorganisa para sa community drill
Para sa community drill, kailangang magbuo ng isang control group. Ang
control group ang siyang magbibigay ng kumpas sa gagawing community
drill. Tungkulin nila ang pagdidisenyo ng community drill at pagbubuo ng
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

scenario. Sila ang maghuhudyat ng umpisa ng drill. Sila ang magbibigay


ng mga tagubilin, batay sa disenyo at scenario, habang gumugulong ang
drill. Sila din ang maghuhudyat ng katapusan ng community drill. Ang
control group ay binubuo ng tatlo hanggang limang tao na may sapat na
kaalaman at karanasang magpatakbo ng drill (halimbawa: guro, iba pang
propesyonal, estudyante sa kolehiyo, community facilitator, ilang opisyal
ng barangay) Maaaring taga-komunidad ang control group. Maaari ring
mula sa ibang lugar. Mainam na taga-komunidad ang control group
bilang tanda ng kakayanan ng komunidad na makatayo sa sarili.

Maliban sa control group, kailangan ding magtukoy at magtalaga ng


mga observer. Ang mga observer ay may responsibilidad na magmasid at
bantayan ang proseso ng drill. Magbibigay sila ng kanilang obserbasyon
hinggil sa mga kalakasan at kahinaan ng drill, at magbibigay ng mga
rekomendasyon kung paano mapapahusay ang susunod na drill. Ang mga
observer na ito ay iba doon sa mga indibidwal na maari ring imbitahin
para manood upang makahalaw ng kaalaman at aral mula sa drill.

Magtatalaga din ng magdodokumento ng community drill (magsusulat


ng ulat hinggil sa buong proseso ng aktibidad at kukuha ng litrato at/o
video).

• Pagpaplano para sa community drill


Mga dapat ihanda ng komunidad sa pamumuno ng konseho at ng BDCC sa
paglulunsad ng community drill:
. Evacuation plan at EWS
. Mga kinakailangang gamit kagaya ng sasakyan
at mga kagamitang pang-emergency
. Pagtutukoy ng evacuation center;
. Pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan,
namununo sa paaralan, at iba pa;
. Pagsasagawa ng mga gawaing public awareness tungkol
sa drill. Tinatayang aabutin ng mga dalawang linggo ang
pagpapalaganap o pagbibigay-alam ng gaganaping drill sa
lahat ng mga taong tutulong sa pagdaraos nito at sa lahat ng
residente ng barangay. Ilan sa mga maaaring gawin upang
makapagpalaganap ng impormasyon hinggil sa community drill
ay ang pagsasagawa ng mga pulong barangay, mga pulong
Disaster Preparedness

sa bawat sona, o kaya ang pagbibisita sa bawat kabahayan.


Maari ring magsagawa ng mga build-up activity tulad nang
pagdidikit at pagpapaskil ng mga poster, pamamahagi ng
mga flyer at leaflet, pagtatatak sa t-shirt, at iba pa;
. Dry run sa ruta upang malaman kung gaano katagal
bago makarating sa ligtas na lugar ang mga lilikas;
. Paglilinaw ng sistema o paraang susundin sa pagpatakbo ng drill;
. paglilista ng mga rekursong gagamitin;
. paghahanda ng pagkain at inumin;
. pagsasagawa ng mga pagsasanay sa first aid; at
. iba pang mahahalagang bahagi ng buong drill.

• Pagbabalik-aral sa contingency plan


. Babalik-aralan ng komunidad sa pamumuno ng kanilang
konseho at BDCC ang nilalaman ng contingency plan
upang muling maalala, lalo na ang mga indibidwal na
may responsibilidad na dapat gampanan sa panahon
ng paglikas, ang mga mahahalagang bahagi nito.
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

• Pagbuo ng drill scenario


. Ang control group ang may responsibilidad para buuin
ang drill scenario. Ang worst-case scenario sa CRA ang
basehan sa paggawa ng drill scenario. Ang drill scenario
ay ang kunwaring magaganap na sitwasyon na hawig sa
karanasan ng komunidad. Mula dito, dinidisenyo ang
mga aksyong inaasahang gawin ng komunidad, mga
lider, BDCC, at iba pang kalahok sa community drill.

• Paggawa ng script at pagdidisenyo ng community drill


Ang control group ang may responsibilidad para buuin ang script at
disenyo ng community drill. Sa bahaging ito, binubuo ang konsepto
ng drill kabilang ang mga sumusunod:
. pagtutukoy ng mga susing indibidwal mula sa
mga opisyal ng barangay at pagtatalaga sa
kanila ng mga partikular na tungkulin;
. pagtutukoy ng iba pang magiging kasapi ng drill team mula sa
mga lider sa sona at iba pang mga susing tao sa komunidad,
at pagtatalaga sa kanila ng mga partikular na tungkulin;
. pagtatalaga ng evacuation site at rutang daraanan patungo dito;
. Pagbubuo ng grupo ng mga tagamasid o taga-obserba at
pagbigay ng mga alituntunin o guidelines sa pagmamasid; at
. Paglilinaw ng mga pamamaraan ng pagsasadokumento
(documentation) at mga bagay na tinitiyak
para sa epektibong pagdodokumento.

SA ARAW NG DRILL
• Mga gawain sa mismong araw ng drill
. Pagbibigay ng oryentasyon para sa lahat ng kasapi ng drill team
. Paglalahad ng prosesong susundin sa pagsasagawa ng drill
. Pagbalik-aral sa mga itinalagang evacuation center
. Pagbalik-aral sa warning signal
. Pagbalik-aral sa mga gawain ng bawat kasapi ng drill team
. Pagpunta ng mga kasapi ng drill team
sa kani-kanilang mga pwesto
. Pag-antabay ng lahat sa hudyat ng babala
(warning o stand-by at aktwal na paglikas)
. Aktwal na paglikas
Disaster Preparedness

• Gawain pagdating sa evacuation center


. Pagrerehistro sa mga papasok sa evacuation center
. Paglalagom ng aktibidad - hahalawin ang mga aral
sa ginawang aktibidad ng may pagbibigay-diin sa
mga kasanayan ng drill team at ng buong komunidad,
sistema sa pagpapalikas, at pagbibigay ng serbisyo
. Pamamahagi ng meryenda na inihahalintulad
sa pamamahagi ng relief goods
. Paghihintay sa atas na maaari nang bumalik sa komunidad
. Pagbalik sa kani-kanilang mga bahay
. Pagtiyak na naisa-dokumento ng mahusay ang buong aktibidad

PAGKATAPOS NG DRILL
• Paghahalaw ng Aral at pagpapahusay/pag-
aangkop (revision) ng Contingency plan.
Pagkatapos ng drill, magsasagawa ng hiwalay na pagtatasa ang control
group, mga nagmasid, mga nagdokumento at BDCC. Mula sa mga aral
na nakalap batay sa isinagawang paglalagom pagkatapos ng drill,
babalikan ng grupo ang contingency plan at pauunlarin ito.

• Documentation. Buuin ang dokumentasyon ng community


drill upang makatulong sa pagpapa-unlad ng contingency plan
at sa paglulunsad ng susunod pang mga community drill.

 Pamamaraan at daloy

1. Maglunsad ng maikling earthquake drill bilang bahagi


ng disaster preparedness training (DPT).

EARTHQUAKE DRILL
Sa simula ng paglulunsad ng DPT, ipa-aalam na sa lahat ng kalahok
na anumang oras sa loob ng dalawang (2) araw na pagsasanay ay
magkakaroon ng earthquake drill. Ang malakas na tunog ng bell o
megaphone ang magsisilbing hudyat ng kunwaring paglindol. Tatagal
ang tunog ng isang minuto. Sa loob ng panahong ito kailangang
proteksyunan ng mga kalahok ang kanilang mga sarili sa mga epekto
Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning

ng kunwaring lindol. Kabilang dito ang: (1) pagsukob sa matitibay


na bahagi ng lugar na pinagdarausan ng training; at (2) pagtakip sa
ulo upang maproteksyunan sa anumang bagay na maaaring mahulog.
Pagkatapos ng lindol ay pupunta ang mga kalahok sa tinukoy na ligtas
na lugar.

Bahagi ng paglulunsad ng halimbawang earthquake drill, lihim


na kakausapin ng tagapagpadaloy ang ilan sa mga kalahok upang
umakto bilang senior citizen, buntis, o bata. Kakausapin ang mga ito
ilang minuto bago ang drill. Magdidikit ng karatula sa kanila habang
isinasagawa ang earthquake drill.

Habang isinasagawa ang DPT, patutunugin ang bell o megaphone sa


napagkaisahang oras ng mga tagapagpadaloy. Pagkatapos ng isang
minuto, kailangang makalikas ang mga kalahok patungo sa napag-
usapang ligtas na lugar. Ang hindi makarating sa tinakdang ligtas na
lugar sa loob ng isang minuto ay ituturing na casualty.

2. Pagkatapos ng karanasan, ipoproseso ang naging takbo ng earthquake


drill. Sa pagpoproseso, mahalagang masagot ang sumusunod na
tanong:
. Ano ang mga naging pangyayari sa isinagawang earthquake drill?
. Ilan ang casualty at bakit nagkaroon nito?
. Ano ang naramdaman ng mga kalahok at bakit?
. Ano ang mga naging aksyon ng mga kalahok bilang pagtugon sa
mga pangangailangan ng mga bulnerableng sektor?
. Ano ang mga dapat at di-dapat na nangyari o nasunod?
. Ano ang mga natutunan sa ehersisyong ito?

3. Mula sa earthquake drill sisimulan ang talakayan tungkol sa community


drill. Kung may karanasan na ang komunidad sa paglulunsad ng
community drill mahalagang mahikayat silang ibahagi ito.

4. Mula sa pagbabahaginan, tumuloy sa talakayan ng mga susing


mensahe.

5. Magpalabas ng video o mga litratong kuha sa mga naisagawa nang


Disaster Preparedness

community drill.

6. I-grupo ang mga kalahok sa pagsasanay sa dalawa at maglista ng mga


kailangang gawin bilang paghahanda sa kanilang community drill.
Ibabahagi ang resulta ng workshop sa lahat ng kalahok.

7. Pag-iisahin ang plano ng dalawang grupo. Ito ang magiging


panimulang listahan ng mga gagawing paghahanda para sa community
drill.

Materyales na Kailangan
• Mga materyales para sa in-training drill (scenario, mga karatula o
palatandaan na nagsasabi na ligtas at di-ligtas na lugar sa ruta
at ilang sagabal sa daan katulad ng sirang tulay, at iba pa.);
• kartolina;
• manila paper/Kraft paper;
• marker o pentel pen;
• masking tape; at
• gunting
• video film showing o mga litrato

 Tagal ng sesyon

Dalawang oras

Pinagsanggunian :

1. Manwal sa Pagsasanay ng Disaster Preparedness ng CARE Phil.


2. Mga nakadokumentong proseso ng pagdadaos ng Drill sa St. Bernard at Calabanga ng Proyektong ACCORD, 2007-
2008.

You might also like