You are on page 1of 1

KATRE KO, OPISINA KO

May mga tao talaga na puno ng determinasyon at kasipagan sa buhay. Kahit gaano man kabigat ang
buhay na nakapasan sa atin ay patuloy parin tayong uusad para pilit na makasabay sa agos ng buhay.
Ang larawang nasa itaas ay isang larawan ng determinasyon at kasipagan sa buhay ng isang lalaki
sa Camiguin na si Jerome. Si Jerome ay paralisado and kalahating katawan ngunit siya ay nag hahanap
buhay. Si Kuya Jerome ay determinado sa buhay dahil kahit paralisado ang kalahati ng katawan niya ay
kumakayod pa rin siya sa pamamagitanng pagkokopra kahit pahiga niyang binabalatan ang mga niyog.
Sa isang katre o papag na may lumang kutson nakapako ang mundo ni Jerome na nagsilbing
kaniyang opisina. May kapansanan man kung sabihin at ituring pero daig pa ang isang kumpleto at
walang disabililidad kung kumayod. Makikita natin na sa bawat pag taga ng niyog ni Kuya Jerome ay
nagpapakita at sumisimbolo ng pag-asa sa buhay. Sampung dekada na siyang nag tratrabaho sa kaniyang
sariling opisina at kahit isang katiting na pagsasawa mula sa kaniya ay hindi namin masilayan. Yan ang
tunay na nagtratrabaho.
Si kuya Jerome ay isang huwaran at “pride” sa mga PWD (Person with Disability), hindi lang sa
mga PWD pero maging sa lahat ng tao na naniniharan sa mundong ibabaw. Isang napakandang yugto ng
buhay ni Kuya Jerome na mag-trabaho sa gitna ng kaniyang kapansanan. Nakikita naming kay kuya
Jerome ang salitang “Pag-asa”.
Ayon kay Kuya Jerome “Tayo mismo ang makapagbibigay ng pag-asa sa ating mga sarili”. Ito ay
katagang bihira mo lang maririnig sa isang tao. Isang napakalaking respeto sa kaniya dahil kahit tinakuran
siya ng kaniyang pamilya na sinabihan siyang magpakamatay na lang ay pinili pa niyang ipagpatuloy ang
buhay at huwag maging tamad.
Ang kuwento ni kuya Jerome ay nagsilbing inspirasyon sa amin na kailangan kong mag-sikap para
sungkitin ang aking mga pangarap. May kapansanan ka man o wala ay dapat manatiling nakasentro ang
iyong paniniwala sa Diyos at sa sarili. Saludo kami sa pinakitang tapang na ipinakita ni kuya Jerome at
aaminin naming na dumating kami sa parte ng buhay namin na gusto ko na naming sumuko dahil sa
Sistema ng buhay na meron kami ngunit pinag isipan at pinili naming ipagpatuloy ang aming nasimulan.
Oo, mahirap nga ang buhay pero mananatili ba tayong nakakulong sa nakaraang walang pangarap?
Kung kami ang tatanungin, ang aming tugon ay hindi. Isang determinadong lalaki na minsan ng
bumagsak pero pinili paring bumawi at bumangon mula sa hirap ng buhay.
May mga aral akong natutuhan mula sa kuwento ni Kuya Jerome, isa na rito ang huwag basta
susuko. Oo, si Kuya Jerome ay hindi sumuko ay naging repleksiyon ito sami para huwag basta sumuko sa
buhay ng basta-basta kaya manatili tayong determinado sa buhay.

You might also like