You are on page 1of 3

Ikatlong Markahan

Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (Unang Linggo)

Mga Personalidad na Kilala sa Iba’t ibang Larangan sa ating bansa

Maria Corazon Cojuangco Aquino(babae)


Pebrero 25, 1986- Hunyo 30, 1992
Kauna-unahang babae na pangulo ng Pilipinas.

Gloria Macapagal Arroyo(babae)


Enero 20, 2001- Hunyo 30, 2010
Ikalawang babae na naging pangulo ng Pilipinas.

PABLO "Chef Boy" LOGRO (Lalaki)


Siya ay nakilala sa kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa Kusina
at Chef Boy Logo: Kusina Master.

Monique Wilson (Lesbian)


Si Monique ay isa sa mga gumanap na Kim sa Miss Saigon.

GERALDINE B. ROMAN (Transgender)


- Isang mamamahayag at politiko na nagsisilbing kinatawan ng 1st District ng
Bataan mula noong 2016.
- Ang unang transgender woman na naluklok bilang kinatawan ng Kongreso.
- Sa kabila ng kaniyang kasarian, hindi ito naging hadlang upang maglingkod
sa kaniyang mamamayan.

DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay)


- Isang aktor at komedyante na nahalal bilang Vice Mayor ng Abucay, Bataan
mula 2007- 2010 at naging Board Member ng 1st District ng Bataan.
- Siya ay isang halimbawa na sa kasalukuyang panahon, may puwang na ang
LGBTQIA+ sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.
Ellen DeGeneres Parker Gundersen

Elton John Carol B. Tomé 

DISKRIMINASYON SA MGA KALALAKIHAN, KABABAIHAN, AT LGBTQIA+


-Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian
na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
-Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o
UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin
at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan.
Karahasan sa Kalalakihan
 Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito sa kanilang
pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging bata man o matanda.
 Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring
emosyonal at seksuwal.

Karahasan sa Kababaihan
 Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay
anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa
kanilang kalayaan.
 Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women. Maaari rin
itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.

Karahasan sa LGBTQAI+ (Lesbian, Gay, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual


 Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang relasyon o ang
tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.
 Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o kilalanin.
 Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso.
 Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.

You might also like