You are on page 1of 4

Learning Activity Sheets (LAS)

IKALIMANG BAITANG – Edukasyon sa Pagpapakatao


Pangalan ________________________________Petsa ________Iskor ___________

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Kaugaliang Pilipino, Naiiba Ito


Maraming mga katangian at kaugalian ang mga Pilipino na namumukod-
tangi sa ibang lahi. Ilan sa mga ito ay ang mabuting pakikisama sa mga kapwa
Pilipino, paglahok sa bayanihan, at pagiging magiliw sa bisita. Madalas marinig
na kakaiba ang pakikisama ng mga Pilipino. Ito ay ang pagbibigay ng tulong
nang walang hinihinging kapalit kahit hindi personal na kilala ang isang tao.
Minsan lamang, ito ay naaabuso at hindi nagagamit nang tama.

Ang paglahok naman sa bayanihan o palusong ay tradisyon na minana pa


sa mga ninuno. Ito ay ang pagtulong, kadalasan ay mga kalalakihan, sa paglilipat
ng bahay sa mga probinsya. Hindi lamang ang mga kagamitan ng pamilyang
lilipat kundi ang buong kubo o bahay. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay
nagkakaroon ng malawak na kahulugan. Hindi na lamang ito tumutukoy sa
paglilipat-bahay kundi pati na rin sa sama-samang pagbibigay ng tulong sa mga
nangangailangan tulad ng mga nasalanta ng kalamidad sa ating bansa.
Ang pagiging magiliw sa mga bisita ay isa rin sa kaugalian na hindi
nawawala sa mga Pilipino. Itinuturing na espesyal ang mga taong bumibisita sa
mga tahanan, maikli man o matagal ang kanilang pagdalaw. Sinisigurado na sila
ay kumportable sa ating mga tahanan. Kailangan lamang na maging maingat sa
mga taong pinapapasok sa bahay o maging limitado ito. Dapat sundin ang mga
itinakdang pamantayang pangkalusugan ngayong panahon ng pandemya upang
masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.
Sa paglipas ng panahon, ang mga kaugaliang ito ay nakikita at nagagawa
pa rin ng mga Pilipino. Panatilihin at ipagmalaki pa rin natin ang mga ito.
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Anu-anong kaugalian ng mga Pilipino ang nabanggit?

2. Ano ang naidudulot ng mga ito sa pamilya, sa komunidad at sa bansa?

3. Anu-ano pang pagpapahalaga ang nakikita sa bawat kaugalian?

4. Bakit mahalaga na ito ay mapanatili?

5. Sa iyong munting paraan, paano mo maipakikita ito?

______________________________________________________________
Week 1
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino tulad ng
pakikisama sa kapwa Pilipino, paglahok sa bayanihan at palusong, at
magiliw na pagtanggap ng panauhin EsP5 PPP IIIa-23
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
Learning Activity Sheets (LAS)
IKALIMANG BAITANG – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat ang epekto nito sa iyong
kapuwa.

Sitwasyon Epekto sa Kapuwa


1.Hinihinaan ko ang tunog ng telebisyon tuwing
umaga hanggang hapon.
2. Itinuturo ko ang pamamaraan sa pagsagot ng
takdang aralin sa mga nagtatanong sa akin.
3.Inilalagay ko sa tapat ng aming bahay ang
basurahan upang makuha.
4.Pinahihiram ko ang aking bisikleta tuwing
namamalengke si Tito.
5.Nananatili lamang ako sa loob ng bahay dahil sa
banta ng COVID- 19.

Gawain 2
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga salitang maaaring iugnay sa salitang
bayanihan.

______________________________________________________________
Week 1
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino tulad ng
pakikisama sa kapwa Pilipino, paglahok sa bayanihan at palusong, at
magiliw na pagtanggap ng panauhin EsP5 PPP IIIa-23
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
Learning Activity Sheets (LAS)
IKALIMANG BAITANG – Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng mga paraan upang maipakita ang pagiging magiliw sa bisita
sa bawat sitwasyon. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

1. Natapos ang quarantine period ng iyong kamag-anak na galing sa ibang


bansa at siya ay inihatid sa inyong tahanan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Napadaan sa inyong bahay ang katrabaho ng iyong kuya dahil may naiwan
itong gamit sa inyong bahay.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Pumunta ang nanay ng iyong kaklase upang itanong ang tungkol sa aralin at
gawain kaugnay sa paaralan.

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

4. May mga volunteers mula sa pribadong samahan ang nagbahay- bahay


upang ibigay ang ilang mga gamit sa paaralan.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Dumaan ang kawani ng barangay sa iyong bahay upang ipaalala ang ilang mga
hakbang pangkaligtasan kaugnay sa COVID- 19.

_____________________________________________________

_____________________________________________________

______________________________________________________________
Week 1
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino tulad ng
pakikisama sa kapwa Pilipino, paglahok sa bayanihan at palusong, at
magiliw na pagtanggap ng panauhin EsP5 PPP IIIa-23
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
Learning Activity Sheets (LAS)
IKALIMANG BAITANG – Edukasyon sa Pagpapakatao
MAIKLING PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng bituin ( ) ang patlang sa bawat bilang kung ito ay


nagpapakita ng mabuting pakikisama sa kapwa, pagtulong sa bayanihan
at magiliw na pagtanggap sa panauhin. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Inalok ni Dina ng inumin at tinapay ang mga volunteers na naglilibot sa


barangay upang matiyak na ang mga bata ay nasa loob ng bahay.
_____2. Pinatuloy ng pamilya ni Mang Tino ang mga kapitbahay na nasiraan ng
bahay dahil sa dumaang bagyo.
_____3. Bumili si Pedro ng higit sa kinakailangang pagkain at alcohol matapos
malaman na isasailalim muli sa lockdown ang kanilang barangay.

_____4. Nagpapatugtog nang malakas na musika si Mica kahit alam niyang may
mga kapitbahay na naka-online class at may naghahanap-buhay sa loob
ng kani-kanilang tahanan.
_____5. Nagbigay ng pagkain at pinagliitang damit ang pamilya ni Aling Lina sa
mga nasunugan sa kalapit na barangay.

______________________________________________________________
Week 1
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino tulad ng
pakikisama sa kapwa Pilipino, paglahok sa bayanihan at palusong, at
magiliw na pagtanggap ng panauhin EsP5 PPP IIIa-23
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)

You might also like