You are on page 1of 2

Grade 5 – AP 2nd Quarter – SA #2

Panuto: Basahin ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga ito ang pangunahing dahilan ng pagpapatupad ng Reduccion sa mga katutubo noon?
a. Uunlad agad ang buhay ng mga katutubo.
b. Magkaroon ng masayang pamayanan.
c. Madali ang pagpapalaganap ng kristiyanismo.
2. Alin sa mga sumusunod ang naging negatibong bunga ng reduccion sa pamumuhay ng mga katutubo?
a. Nawalan ng kakayahang pamunuan ang sariling komunidad.
b. Napaganda ng mga katutubo ang kani-kanilang tahanan.
c. Natutong magdasal sa Panginoon araw-araw.

Panuto: Suriin ang mga pahayag tungkol sa mga paraan ng pagsasailalim sa kapangyarihan ng Espanya. Isulat sa
loob ng hugis puso ang numero ng pahayag na makatarungan o tama at isulat naman ang numero ng pahayag sa
loob ng bilog kung ito ay hindi makatarungan.

3. Pagkumpiska o pagkuha ng mga produkto ng mga katutubo kung hindi sila nakababayad ng buwis sa mga
Espanyol.
4. Nagkaroon ng paaralan, ospital, at daanan ang bansa dahil sa buwis na binabayad.
5. Maraming mga polistang Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pagtatrabaho sa
malayong mga lugar.
6. Nagkaroon ng permanenting tirahan ang mga katutubo at natutunan nilang pagandahin ang kanilang mga
tahanan noong sila ay pinalipat sa sentro ng pamayanan.

Panuto: Suriin ang bawat pahayag at sagutin ang mga tanong.


Sa pamumuno ni Loaisa narating nila ang Mindanao ngunit nahirapan silang pasukin
ito dahil s amalakas na pwersa ng mga pinunong Muslim.

7. Ayon sa pahayag sa itaas, ano sa palagay mo ang naging perspektibo ng mga Muslim sa mga Espanyol
bakit ganoon na lamang ang kanilang pakikipaglaban sa mga ito? Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag.
8. Ang sistemang reduccion ay ang sapilitang pagpapalipat sa mga katutubo sa Pueblo. Paano ito nakatulong
sa madaling pagpapalaganap ng katolisismo sa sinaunang lipunan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ang mga polista noon ay gumagawa ng mga tulay, kalsada, at simbahan sa mga bayan. Bunga nito
ay nagkaroon ang pamayanan kagaya ng tulay, hospital, simbahan, paaralan at iba pa na magagmit ng
mga mamamayan ditto.

9. Paano kaya nakatulong ang sistemang ito sa matagumpay na pagtatag ng kolonya ng Espanya ditto sa
Pilipinas noon?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like