You are on page 1of 7

MODYUL 11

GEED 10133
Panitikang Filipino

Rubrikong Pamantayan ng Pagmamarka bilang Gabay ng mga Mag-aaral sa mga Gawain at


Pagtataya.
Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
Kraytirya 95-100 puntos 90-94 puntos 85-89 puntos 80-84 puntos

Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming


Nilalaman Komprehensibo nilalaman kakulangan sa kakulangan sa
ang nilalaman talata/sulat. nilalaman ng nilalaman ng
ng sulat/talata. Wasto talata/sulat. talata.
Wasto ang ang lahat ng May
lahat ng impormasyon ilang maling
impormasyon impormasyon
sa
nabanggit
Maayos ang Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na
Presentasyon daloy. nailahad ang maayos na nailahad ang
nga talata/sulat. nailahad ang sulat/talata. Hindi
paglahahad. Nauunawaan sulat/talata. gaanong
Nauunawaan ang Hindi nauunawaan ang
ang nilalaman. gaanong nilalaman.
nilalaman nauunawaan
talata / sulat ang
nilalaman.
Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos ang
Organisasyon malinaw, maayos presentasyon presentasyon ng
simple at may ang ng mga ideya.
tamang presentasyon mga Maraming bahagi
pagkakasunud- ng mga ideya pangyayari at ang hindi malinaw
sunod ang sa ideya. May sa paglalahad ng
presentasyon sulat. Malinaw bahaging di kaisipan.
ideya sa ang gaanong
talata/sulat. daloy ng malinaw.
paglalahad ng
kaisipan.
Baybay ng mga Malinaw ang Tama ang Maayos ang Hindi maayos ang
salita at daloy at baybay pagbabaybay grammar at
grammar, organisado ang ng mga salita, ng pagbabantas. Hindi
capitalization at paglalahad ng grammar, mga salita maayos ang
pagbabantas at kaisipan. capitalization subalit pagkakasulat.
gawi ng Malinaw, at may kaunting
pagkakasulat. maayos at pagbabantas. kamalian sa
tama ang Maayos ang grammar at
baybay ng mga pagkakasulat pagbabantas.
salita, Hindi
grammar, gaanong
capitalization at maayos
pagbabantas. ang
Maayos ang pagkakasulat.
pagkakasulat

Module 11: Panitikan sa Panahon ng mga Kastila

PANIMULA

Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyong Katolika Apostolika Romano


(Katolisismo) sa kanilang pangingibang-pook kaya naunang ginanap ang pagmimisa at pagbibinyag sa
mga katutubo, hindi gaanong nabanggit na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at
mapalawak at ang mapagbibilhan ng kanilang produkto. Noong panahong iyo ay war’y hinati na ng
mga Kastila at Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop.

INAASAHANG PAGKATUTO

Matapos ang pagtalakay sa paksa ang mga mag-aaral ay inaasahang;


 Naipaliwanag at maipakikilala ng malawak na pag-unawa sa mga paksa.
 Nagkaroon ng malalim na pagdalumat sa panitikan ayon sa pagtalakay nito mula sa kasaysayan.
 Nauunawaan ang dahilan at pinagmulan ng mga kinagisnang kultura at tradisyon ng pamayanang
kinabibilangan.

Aralin 1: Kaligirang Pangkasaysayan

Layunin:
1. Nababalikan ang pinagmulan ng Panitikan sa Panahon ng Kastila.
2. Naipakilala ang mga mahahalagang tao kaugnay ng panahon ng panitikang tinalakay.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng Panitikan ng kastila sa pamumuhay ng mga Pilipino.
PARAAN NG PAGKATUTO

Basahin:

Narito ang link na makatutulong sa iyo upang magkaroon ka ng mga datos at malawak na
impormasyon sa kasaysayan ng panitikan sa panahon ng kastila.
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-kastila.html
at https://www.slideshare.net/mobile/GinoongGood/panitikan-sa-panahon-ng-kastila

MGA GAWAIN AT PAGTATAYA:

Panuto: Unawain at sagutin ang mga gabay na tanong at isulat ito sa isang malinis na papel, lakipan ng
pamagat ng pinagkunan ng datos, halimbawa; aklat o websites.

1. Ano-anong mga impluwensiyang naidulot ng panahong tinalakay sa aspeto ng pamumuhay ng mga


mamamayang Pilipino?

2. Bilang isang kabataan sa kasalukuyang panahon masasabi mo bang nanatili o nagpapatuloy pa rin
ang mga impluwensiyang nabanggit sa aralin? Oo o Hindi at bakit? Pangatwiranan mo ang iyong mga
kasagutan.

SANGGUNIAN

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-kastila.html
https://www.slideshare.net/mobile/GinoongGood/panitikan-sa-panahonngkastila

PANIMULA

Napasama sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila nakapamayani rito. Isa
pa sa dahilan nila sa panggagalugad sa ibang panig ng mundo’y ang paghahanap ng mga pampalasa
(spices). Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo sinunog nila ang mga
nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang iyon daw ay likha ng mga demonyo.

INAASAHANG PAGKATUTO
Matapos ang pagtalakay sa paksa ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Naipaliwanag at maipakikilala ng malawak na pag-unawa sa mga paksa.


 Nagkaroon ng malalim na pagdalumat sa panitikan ayon sa pagtalakay nito mula sa kasaysayan.
 Nauunawaan ang dahilan at pinagmulan ng mga kinagisnang kultura at tradisyon ng pamayanang
kinabibilangan.
Aralin 2: Anyo ng Panitikan

Layunin:
1. Nababalikan ang pinagmulan ng Panitikan sa Panahon ng Kastila.
2. Naipakilala ang mga mahahalagang akda kaugnay ng panahon ng panitikang tinalakay.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng Panitikan ng kastila sa gawi ng mga Pilipino.

PARAAN NG PAGKATUTO

Basahin:

Basahin ang nilalaman ng link na ito upang malaman mo ang mga anyo ng panitkan sa panahon ng
Kastila https://prezi.com/ujxruocm5kmf/pantikan-sa-panahon-ng-kastila
at https://www.slideshare.net/mobile/jmpalero/filipino-8-mga-akdang-lumaganap-sa-panahon-ng-
espanyol
.

Dagdag impormasyon;

Paksain sa Panahon ng mga Kastila, maaaring mahati ang paksain noon sa:
1.Panahon ng Panitikang Pamsimbahan na kinabibilangan ng mga dalit, nobena, buhay-buhay ng mga
santo’t santa, mga tulang pansimbahan, mga sermon at mga nauukol sa kagandahang-asal.

2.Panahon ng awit at korido na kinabibilangan ng tulad ng tulang pandamdamin, mga tuluyan at


gayundin ang mga dulang pang-aliw.

Ang mga Dula at Dula-dulaan, kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng dula noong
panahon ng Kastila nahahati ito sa tahanan, sa labasan at tiyak na entablado.

1.Sa Tahanan- ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o pamamanhikan.

2.Sa Labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa, santakrusan, tibag,


moriones at hugas-kalawang.

3.Sa Tiyak na Tanghalan- ginaganap ang moro-moro, carillo, senakulo at sarzuela.


Panulaan:
1. Ladino
Tulang halong Kastila at Tagalog ang wika. Sa mga panahong ito ang mga salmo ay naisulat ng
mga prayle at makikita ang mga katibayan ng pagpapaliwanag nila ng kanilang mga wika bukod sa
pagpapalaganap ng kanilang relihiyon. Ang mga dalit nila’y wawaluhing pantig.

2. Pasyon
Isang naratibong tula ng Pilipinas na nagsasaad ng buhay ni HesuKristo mula kapanganakan,
pagkapako niya sa krus hanggang sa muling pagkabuhay, ito ay may saknong na limang linya sa
bawat linya at pagkakaroon ng walong pantig.

3. Dalit
Gaya ng pasyon na inaawit din ngunit ito ay nagsasalaysay ng buhay ni Mariang Birhen, dahil siya
ang simbolo ng kalinisan ng puri na siyang hinahandugan tuwing buwan ng Mayo at tinatawag ding
Flores de Mayo.

4. Awit at Korido
Korido- Mga tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod, karaniwang may mahaba at
mahusay na banghay ng mga pangyayari ng isinasalaysay. May himig na mapanglaw at malimit na
may paksang kababalaghan at maalamat.

MGA GAWAIN AT PAGTATAYA:


Panuto: Unawain at sagutin ang mga gabay na tanong at isulat ito sa isang malinis na papel, lakipan ng
pamagat ng pinagkunan ng datos, halimbawa; aklat o websites.

1. Sa kasalukuyan o modernong panahon, ano-anong mga pamanang kultura ang patuloy na


isinasabuhay ng mga Pilipino batay sa nilalaman ng paksang tinalakay sa aralin? Magkaroon ng isang
maikling panayam sa mga nakatatandang miyembro ng iyong pamilya ukol sa mga dahilan ng
pagpapatuloy ng mga gawaing ito.

2. Bakit bilang isang indibidwal o kabilang sa mga mamamayang Pilipino kailangan mong maunawaan
at pahalagahan ang mga dapat matutuhan sa aralin? Maghanay ng mga halimbawang patunay ng
iyong kasagutan.
3. Sa iyong pamayanang kinabibilangan, magsuri kung ang mga bagay na natuklasan sa loob ng aralin
ay pinahahalagahan pa rin ng tulad mong miyembro ng kabataan? Ilarawan ang kanilang mga gawain
at pagkilos ukol dito.

4. Ano ang mga bagay-bagay na nagiging dahilan upang manatiling buhay ang mga kulturang
natutuhan sa paksang aralin, gayundin naman ang mga dahilan kung bakit may mga indibidwal na
hindi na nakikiisa o nakikilahok dito? Ilahad ng maayos ang iyong mga paliwanag o obserbasyon sa
gawaing ito.

SANGGUNIAN
Rubin, Ligaya Tiamson et. Al (2006) “Panitikan sa Pilipinas” Rexbook Store.
Lungsod ng Quezon https://pinoypanitik.weebly.com
https://prezi.com/ujxruocm5kmf/pantikan-sa-panahon-ng-kastila
https://www.slideshare.net/mobile/jmpalero/filipino-8-mga-akdang-lumaganap-sa-panahon-ng-
espanyol.

PANIMULA

Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya, nag-aral ang mga prayle ng wika sa
kapuluan at sumulat sila ng gramatika at diksyunaryo.

INAASAHANG PAGKATUTO
Matapos ang pagtalakay sa paksa ang mga mag-aaral ay inaasahang;
 Naipaliwanag at maipakikilala ng malawak na pag-unawa sa mga paksa.
 Nagkaroon ng malalim na pagdalumat sa panitikan ayon sa pagtalakay nito mula sa kasaysayan.
 Nauunawaan ang dahilan at pinagmulan ng mga kinagisnang kultura at tradisyon ng pamayanang
kinabibilangan.
Aralin 3: Panulaan

Layunin:
1. Nababalikan ang pinagmulan ng Panitikan sa Panahon ng Kastila.
2. Naipakilala ang mga mahahalagang gawain kaugnay ng panahon ng panitikang tinalakay.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng Panitikan ng kastila sa paniniwala ng mga Pilipino.

PARAAN NG PAGKATUTO
Basahin:

Basahin ang nilalaman ng link na ito at unawaain para sa mga nakalaang gawain upang
mabigyan ng patunay ang parodukto ng iyong pagkatuto sa araling ito.
https://prezi.com/amaq_dhim-zpanulaan-sa-panahon-ng-kastila/?fallback=1

MGA GAWAIN AT PAGTATAYA:


Panuto: Unawain at sagutin ang mga gabay na tanong at isulat ito sa isang malinis na papel, lakipan ng
pamagat ng pinagkunan ng datos, halimbawa; aklat o websites.

1.Ano-ano ang mga santo at santa na pinagdadalitan at saang lugar idinaraos ang mga ito?
a. Kailan at paano ito ito isinasagawa?
b. Sino-sino ang karaniwang nagsasagawa ng mga dalit?

2. Sa mga awit at korido ang kahulugan ng katuringan? Ilarawan ang katangian nito.

3. Ano ang kaugnayan nina dela Costa at Trinidad Pardo de Taverra sa awit at korido?

4. Ano ang naiambag ni Francisco Balagtas sa larangan ng awit at korido? Ihanay ang mga halimbawa
nito.

5. Sumulat ng buod ng mga sumusunod na awit at korido;


a. Kabayong Tabla
b. Don Juan Tinoso
c. Ang Dama Ines at Prinsipe Florinio

SANGGUNIAN
Rubin, Ligaya Tiamson et. Al (2006) “Panitikan sa Pilipinas” Rexbook Store.
Lungsod ng Quezon https://pinoypanitik.weebly.com

You might also like