You are on page 1of 9

MODYUL 13

GEED 10123
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

Rubrikong Pamantayan ng Pagmamarka bilang Gabay ng mga Mag-aaral sa mga Gawain at


Pagtataya.

Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Kraytirya
95-100 puntos 90-94 puntos 85-89 puntos 80-84 puntos

Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming


Nilalaman Komprehensibo nilalaman kakulangan sa kakulangan sa
ang nilalaman talata/sulat. nilalaman ng nilalaman ng
ng sulat/talata. Wasto talata/sulat. talata.
Wasto ang ang lahat ng May
lahat ng impormasyon ilang maling
impormasyon impormasyon
sa
nabanggit
Maayos ang Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na
Presentasyon daloy. nailahad ang maayos na nailahad ang
nga talata/sulat. nailahad ang sulat/talata. Hindi
paglahahad. Nauunawaan sulat/talata. gaanong
Nauunawaan ang Hindi nauunawaan ang
ang nilalaman. gaanong nilalaman.
nilalaman nauunawaan
talata / sulat ang
nilalaman.
Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos ang
Organisasyon malinaw, maayos presentasyon presentasyon ng
simple at may ang ng mga ideya.
tamang presentasyon mga Maraming bahagi
pagkakasunud- ng mga ideya pangyayari at ang hindi malinaw
sunod ang sa ideya. May sa paglalahad ng
presentasyon sulat. Malinaw bahaging di kaisipan.
ideya sa ang gaanong
talata/sulat. daloy ng malinaw.
paglalahad ng
kaisipan.
Baybay ng mga Malinaw ang Tama ang Maayos ang Hindi maayos ang
salita at daloy at baybay pagbabaybay grammar at
grammar, organisado ang ng mga salita, ng pagbabantas. Hindi
capitalization at paglalahad ng grammar, mga salita maayos ang
pagbabantas at kaisipan. capitalization subalit pagkakasulat.
gawi ng Malinaw, at may kaunting
pagkakasulat. maayos at pagbabantas. kamalian sa
tama ang Maayos ang grammar at
baybay ng mga pagkakasulat pagbabantas.
salita, Hindi
grammar, gaanong
capitalization at maayos
pagbabantas. ang
Maayos ang pagkakasulat.
pagkakasulat

Module 13: Aralin sa Pagpaplanong Pangwika:


Teritoryalidad at Pokus

PANIMULA

Ang papel na ito ay tungkol sa Aralin sa Pagpaplanong Pangwika (APP). Layunin naming
maipakita sa inyo ang mga sumusunod: Ang APP bilang erya ng Aralin sa Wika at Disiplinang Filipino
(AWDF). Ang akademik na konsern ng APP sampu ng mga erya at sab-erya nito kaugnay ng
pagpaplanong pangwika sa Filipinas (P P F), Pagpaplanong Pangwikang Filipino (P P F),
Transnasyonal na Pagpaplanong Pangwika (T P P), at Internasyonal na Pagpaplanong (OPP). Ang P
PF at ang Istatus mto sa pangkalahatang pagpaplanong pangwika sa Filipinas at sa APP at ang
relasyon ng dalawang ito sa TPP at IPP. Ang pagsasahn o paglllipat ng mga akademik na konsern ng
APP, P PF at P PF sa kurikula na programa at mga kurso bilang sangay ng karununqan, at Ang mga
angkop at napapanahong riserts, proyekto at publikasyon na dapat isulong ng Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Filipinas.

INAASAHANG PAGKATUTO
Matapos ang pagtalakay sa paksa ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Nasasabi ang mga mahahalagang layunin para sa pokus at sakop nito.


 Naisaalang-alang ang pag-uuri ng heograpikal na saklaw at teorya ng pagpaplanong
pangwika.
 Nakikita ang malinaw na alokasyon at disenyo ng programang pangwika.
Layunin:
1. Nailalarawan ang wika habang umuusbong at nalilinang sa APP at PPF.
2. Naipakilala ang apat na component ng APP.
3. Natutukoy ang isa pang sab-erya ng PP bilang deskriptibong pagpaplanong pangwika.

Aralin 1: Teritoryalidad, Pokus at Pagpaplanong Pangwikang Filipino (PPF)

PARAAN NG PAGKATUTO
Basahin:

APP ay isanq umuusbong na sangay ng na nauukol sa ad natural, i.e., likas na pag-unlad


delibereyt at sinadyang paglutas at/o pagdulog sa mga problema sa wika lalo na sa aspekto ng pagbuo
ng desisyon at palising linggwistik, kodipikasyon, elaborasyon, estandardisasyon, implementasyon,
ebalwasyon, at maging ng ekonomiks nito.
Hindi lang moobserbahan at sinisinop dito ang mga teorya, lapit, metodo, hakbang at iba pang
kaugnay dito kundi may teridensiya pang likhain at tuklasin ang mga pagkatapos, tinatasa at sinusuri
para sa functional, makabuluhan, at praktikal na tipoloji. Inaasahan ang pagsisikhay na ito sa APP sa
Filipino ang titiyak hindi lang sa heograplkal na hugis at anyo, sa akademik na pokus at korelasyon ng
mga larangan, at lalo na sa teoretikal na direksiyon at sistematikong Iskema ng mga kaalaman bilang
sistema ng karunungan.
Sa ganitong tunguhin at pagpapahalaga ng Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas, unti-unting
uusbong at sisibol ang PPF. Ang Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas ay mas masaklaw kaysa sa
PPF. Itong huli na siyang pinakamahalagang bahagi ng Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas, ang
objek at pokus ng PPF.
Nakatuon ang PPF sa layunin, gamit at gampanin ng wikang pambansa ng Filipinas lalo na ang
wikang Filipino. Ang Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas ay maaaring sumaklaw at
pumaksa„ halimbawa, sa pagpaplanong pangwika sa Ingles bilang midyum sa internasyonal na
pakikipagtalastasan ng mga Filipino o kaya'y sa paglinang sa larangang ito para sa espesyal na silbi
nito sa bansa. Maaari ding paksain dito ang pagpaplano kaugnay ng lingua franca bilang rehiyonal na
wikang panturo sa sjstema ng edukasyon sa bansa.
Maaari ding halimbawa na matalakay dito ang magiging silbi at magiging gamit pa ng wikang
Kastila. Anupa't ang PPF ay hindi lang isang perspektiba, isang oryentasyon kundi isang kabuuan at/o
sisidlan ng kaalaman katulad ng mga patern sa pagtrato ng mga lingguwistik, semi-lingguwistik at
ekstra-lingguwistik na layunin at silbi ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wikang panturo at
opisyal na wika ng sambayanang Filipino na pinagmulan at pinaglalaanan nito.
Kaparalel ng PPF ang Pambansang Pagpaplanong Pangwika sa iba't ibang sulok ng daigdig.
Sa pagdya-juxtapose ng PPF sa mga pambansang pagpaplanong pangwika, nalilikha di kawasa, ang
Transnasyonal at Komparatibong Pagpaplanong Pangwika (TPP at KPP). Iba ito sa Internasyonal na
Pagpaplanong Pangwika na masyado ang konsern sa Ingles bilang panlahatan at pangunahing wika sa
buong daigdig. Kasama sa IPP ang konsern ng mga siyentista sa pagbuo ng wika para dito tulad ng
Esperanto, Pratov, at Vulapoks.
Samakatuwid, habang umuusbong at nalilinang sa APP ang PPF, lalo pa itong nalilinawan,
nagkakahugis, at nagkakadireksiyon sa mga pagtuturo, talakayan, riserts, iskolarsyp, at publikasyon sa
konteksto ng wikang Filipino sa ibang sosyo-kultural, politikal at ekonomik na variable at agregate at sa
juxtaposition ng pagpaplano nito sa mga pambansa at internasyonal na pagpaplanong pangwika na
mahalagang papel kaugnay nito.
Kapag ganap nang nadevelop, ang PPF ay katumbas ng mga Aralin sa Sikolohiyang Filipino,
Lingguwistikang Filipino at iba pang akademik na aralin na pambansa ang saklaw at Filipino ang
karakter pero siyentipiko ang lapit, metodo, at tunguhin.

Batay dito, apat na uri ng pagpaplanong pangwika ang kinikilala at pinag-iiba namin sa Aralin sa
Pagpaplanong Pangwika (APP): (l) Pangkalahatang pagpaplanong Pangwika sa Filipinas; (2)
Pagpaplanong Filipino; (3) Pambansa at Transnasyonal/Tawid-bansang Pagpaplanong Pangwika, at
(4) pagpaplanong Pangwika para sa Global na komunidad at/o Internasyonal na pagpaplanong
Pangwika. Totoong may mga ugnayan at komon na konsern ang mga ito subalit marami ring
pagkakaiba at pagsasalungatan batay sa laman, anyo, direksiyon, layunin at gamit.

Isinaalang-alang naming sa ganitong pag-uuri ang heograpikal na saklaw at/o teorya ng


responsabilidad nito. Mapapansing bagama't layunin ng alinmang uri ng PP ang paglutas ng iba't ibang
klase ng mga problema sa wika, may awtonomiya naman sa pagsisikhay at gawain ang bawat 'isa.

Aralin 2: Ang Aralin sa Pagpaplanong Pangwika/ Bilang Erya ng Aralin sa Wika at


Disiplinang Filipino.

PARAAN NG PAGKATUTO
Basahin:
Paano namin titingnan at tinitingnan ang APP bilang sistemik at sistematik na sangay ang
karunungan ng AWDF?

Base sa paradaym na nabanggit, mapapansing tiniyak na namin ang apat na komponent ng


APP. Sa bahaging ito, uulitln namin ang mga ito. Ang mga erya ng APP ay ang mga sumusunod:

(l) Aralin sa Teoretikal na Pagpaplanong Pangwika


(2) Aralin sa Historikal na Pagpaplanong Pangiwika
(3) Aralin sa Deskriptibong Pagpaplancng Pangwika
(4) Aralin sa Komparatibong Pagpaplanong Pangwika

Sa typology na ito na nakatuon sa lapit at metodo sa pagdulog sa na mga problema at


pagtatrato dito gayundin sa mga paksa, at ng penomenon sa PP, ay ang isang paraan sa
pagpoproseso, pag-uuri at pagsasama-sama ay ang pagleleybel ng mga kaalamang nagkalat, sabog at
walang kapararakan, subalit available para sa riserts, pag-aaral, at pagtuturo sa typology na ito.
Mapapansin ang pagtatangka na malinaw na delinasyon, ganoon din, naipakita ang pagsasanib at
korelasyon ng mga teorya at praktis. Malinaw ito sapagkat, malay man o hindi, nauugnay kaagad sa
pagtuturo, riserts, at iskolarsyip ang mga Ito, i.e. sa teorya at praktis/praxis sa PP at gayundin ang mga
pagdulog nito: teoretikal. historikal, deskriptibo, at komparatibo. Kalaunan, magiging maalwan sa mga
estudyante ang pagdulog ng mga ito na mahalaga sa mga akademik na gawain lalo na sa mga
nagpapakadalubhasa, i.e., ang mga nasa Ph.D. lebel.

Aralin 3: Teoretikal na Pagpaplanong Pangwika at Historikal na Pagpaplanong Pangwika

PARAAN NG PAGKATUTO
Basahin:
Sa teoretikal na pagpaplanong pangwika mahalagang pagtuonan ng pansin ang depinisyon,
teorya, lapit, uri, komponent, pokus, hakbang, gamit, at mga parametro na may kinalaman sa paggawa
ng patakaran, pagpili ng norm, kodipikasyon, elaborasyont e standardisasyont implementasyon,
ebalwasyon, at ekonomiks ng PP at iba pang salik na gustong isangkot o nakataya. Konsern nito ang
pagkatuto, pag-aaral, riserts, at iskolarsyip kaugnay sa buong PP o ibang katangian at/o elemento nito.
Sa historikal na pagpaplanong pangwika, ang tuon ay nasa P PF at mga pambansang
pagpaplanong pangwika. Dito samakatwid, ginagabayan ng dayakronik na lapit, metodo, pagtingin, at
perspektiba, ang pangangalap, pagtalakay, pagpoproseso, at pag-uuri ng kaalaman at/o karunungan
na may kinalaman sa PP sa Filipinas bilang isang bansa at sa pambansang wika, midyum ng
pagtuturo, at opisyal na wika ng mga nasyonal na komunidad sa iba't ibang lugar sa mundo.
Matutugaygayan sa ganitong pagpapakasakit na hindi lang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga patern
sa pagtrato ng mga problema sa wika ng mauunlad nang bansa, kundi lalong higit ng mgqpapaunlad
pang bansa na kinabibilangan ng Filipinas. Totoo ngang magagamit sa pagtalakay ng pambansang
pagpaplanong pangwika ang komparatibo at dayakronik na lapit, subalit sa historikal na P P,
tinatalunton ang ebolusyon at mga developmental na yugto at proseso ng PP sa konteksto ng
pambansang pagsulong at karanasan ng mga pambansang komunidad.
Basahin ang nilalaman ng link na ito para sa karagdagang impormasyon at kaalaman upang
maisagawa ang iyong produkto ng pagkatuto.

https://journals.upd.edu.php/index.php/djwf/article/view/4500/0

Aralin 4: Deskriptibong Pagpaplanong Pangwika at Komparatibong Pagpaplanong


Pangwika
PARAAN NG PAGKATUTO
Basahin:
Ang isa pang sab-erya ng PP ay ang deskriptibong pagpaplanong pangwika. Sapagkat
nakatuon ito sa iba't ibang kilusan, organisasyon, gawain, at ideolohiya ng mga institusyon, tinatawag
din itong Institusyonal na Pagpaplanong Pangwika. Sa sab-eryang ito, mahalaga ang paghimay,
pagsusuri, at pagtataya sa watak-watak at sabog-sabog na kaalamang may kinalaman sa Wika batay
sa praktis ng institusyon. Mahalagang maipakita dito hindi lamang anq korelasyon mga datos na
linggwistik, semi-linggwistik at sa isa't isa bilang isang kabuuan para sa institutional coherence, kundi
sa iba pang variable sa loob ng kultural, sikolohikal, atbp., at maging sa mga institusyonal na Impra-
estruktura at milyu, sa proseso at praktis. Dumarami rin ang ganitong tunguhin sa pag- aaral sa level
na teoretikal, applied, empirikal. Kaugnay nito, matagal nang nasimulan ito. Kabilang dito ang mga
(JinaM ni Ramos (1974), Atienza (1996), Catacataca, atbp.
Sa huling sab-erya, ang KPP ay hindi lang magdedevelop komparatibong at riserts. Maaaring
tuon dito: ang inter-institusyonal na komparison at tawid-bansang pag-aaral mula sa bibig ng
komparativist na si Lyydia Liiwanag. Kaugnay ng una, i.e., inter-institusyonal na pag-aaral, kabilang dito
ang ginawa na Jouta Orara at Preciosa Navarro. Sa pangalawa, kabilang ang mga pag-aaral nina
Pamela Constantino at Liwanag. Bagama't tinawag ni Constantino na komparatibong pag-aaral ang
kaniyang pagsusuri sa mga PP sa Hongkong, Indonesia, at Filipinas, halos ganito rin ang tawid-
bansang pag-aaral ni I-iVNanag sa PP sa Hongkong, Brunei, at Filipinas. Ang esensiya ng mga
ganitong pag-aaral ay nasa rasyonal, lohikal, at siyentipikong paghimay batay sa komparatibong lapit
ng mga repetisyon, baryasyon, at kontras ng mga PP sa mga bansang sangkot sa pag-aaral.
Sa kabuuan, tulad ng nasabi na sa unahan, malinaw na bagama't tinitingnan ang mga
delinasyon ng teorya sa praktis, hale, sa PPF sa T PP at IPP o kaya'y sa historikal, deskriptibo at
komparatibong P P, may juxtaposition at korelasyon naman ang moa ito sa Isa't Isa. Ang ganitong
pagtrato ang titiyak sa pagkakaugnay c interrelatedness ng mga ito sa tinatawag na akademik at/o
disiplinal na coherence o pagkabuo; kundi man lilinang ito ng mga makabuluhang tecrya, lapit at
metodo sa pag-aaral, riserts, at pagtuturo.

Aralin 5: Kurikular na Kurso at Alokasyon Kurso para sa Programang MA, Kurso para sa
Programa sa PhD at Adyenda sa Riserts para sa Aralin sa Pagpaplanong
Pangwika
PARAAN NG PAGKATUTO
Basahin:
Matapos ano akademik na konsern ng APP tingnan naman natin kung paano tayo
makakapagdisenyo ng kurilular na programa at kung paano natin ito maisasalilin sa mga tiyak na
kurikular na kurso. Kaugnay nito, alam nating lahat na may tatlong akademik at kurikular, masteral at
doktoral. Samakatwid, maitatanong marahil kung ilang porsiyento halimbawa o anong kaalaman sa
APP ang ibibigay sa batsilyer, masteral at doctoral? Tawagan nating alokasyon o distribusyon ng mga
kurso tawid sa mga lebel ng pag-aaral. Ito ang pag-ayon-ayon ng mga dayakronik at singkronik na
kaalaman sa tatlong programa sa pag-aaral.
Sa masteral na level nama'y malaking pakinabang siguro kung mauunawaan na ng mga
estudyante ang PP sa pamamagitan ng pagsuysoy sa mga yugto ng kasaysayan ng PP sa Filipinas.
Sapagkat tinitingnan ang iba't ibang yugto ng PP simula sa panahon ng Kastila hanggang sa
kasalukuyan, hindi lamang lalalim ang dayakrönik na pagkaunawa sa mga historikal na pagsulong ng
PP sa Filipinas kundi makikita at mapag-aaralan din nila ang mahahalagang konsepto ng PP sa
konteksto ng lipunan at kultura ng Filipino at sa pambansang pagsulong. Mahalaga na malalim ang
pagkagagap dito sapagkat mula dito uusbong ang pananaw sa mundo, perspektiba, at oryentasyon ng
mga mag-aaral sa mga kurso at sa disiplina mismo. Ang ganitong world- view, oryentasyon, at
perspektib ang magsisilbing durungawan at/o grid sa pag-aaral, pagsusuri, at pagtaya sa mga
kaalaman sa PP sa T PP at IPP habang sila ay nagpapakadalubhasa sa panahong nasa PhD Filipino.
Sa PhD lebel, kung saan ganap nang nagpapakadalubhasa ang mga estudyante, marapat na
malangoy ng mga ito nang buong lawak at lalim hindi lang ang Aralin sa Pagpaplanong Pangwikang
Filipino na objek ng APP kundi maging ang transnasyonal at internasyonal na konsern din. Dapat na
harapin at maging malinms sa kaniya hindi lang ang teoretikal na pagtingin dito at ang mga praktis
mismo sa larangang Ito, i.e., institusyonal at rehiyonaly kundi maging ang mga pagdulog, metodo sa
pagtrato, at pagproseso ng mga karunungan, kaalaman at mga datos sa paraang historikal/deskriptibo
at komparatibo. kapag nagkagayon, tiyak na hindi poproblemahin ng mga estudyante ang anumang
gawaing akademiko sa larangang ito lalo na ang panghuling kallangamn sa programa ng PhD, I.e., ang
kaniyang disertasyon. Sa ganito'y tuloy-tuloy at madali ang pagtatapos sa PhD Filipino na PP ang erya
ng espesyalisasyon.
Batay sa papel na ito, magiging madali ang pag-aaral, pagtuturo at pagdidisenyo ng adyenda
para sa rierts. Kaugnay ng riserts, napagkasunduan ng mga may-akda na uriin sa tatlo ang riserts at
publikasyon: (l) indibidwal; (2) panggrupo; at, (3) pangdepartamentong pananaliksik. Hindi lang
nakatuon ito sa macro at micro. kundi sa teoretikal, applied, at empirikal na riserts.

Kaugnay ng departamental na riserts magsasagawa ang grupo ngPP ng bibliyograpiya o


annotated na bibliyograpiya ng lahat na nagawa na, nasulat at nalathala tungkol sa PP at/o may
kinalaman dito ayon sa apat na sabe-erya ng APP. Ipinagpapatuloy din ang paghahanda ng teksbuk sa
PP at pagsulat at paglalathala ng mga artikulo ukol dito.
MGA GAWAIN AT PAGTATAYA
Panuto: Gawin at sagutin ang mga gabay na tanong.
A. Magkaroon ng pagsasaliksik sa mga nabanggit na paksa at isulat ito sa isang malinis na papel,
lagyan ito ng mga taong naging sangkot sa pagtalakay mga gabay tanong gayundin ang mga batayang
aklat o internet na pinagmulan ng datos o sagot.

1. Mga metodo at tunguhin para sa pagpaplanong pangwika?


2. Pangkasalukuyang istatus ng pagpapplanong pangwika ukol sa relasyong TPP at IPP?
3. Mga resirts na naisagawa ukol sa pagpoproseso ng pagpaplanong pangwika?

B. Unawain ang mga sumusunod na tanong, sagutin ito ng may malawak at maayos na paliwanag.
1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naidulot sa iyong kaisipan ng mga paksang
natalakay?
2. Paano nabuksan ang iyong isipan ukol sa wika ng mga indibidwal na nabanggit sa loob ng
pagtalakay ng mga paksang aralin? Bigyang paliwanag at halimbawa ang iyong mga
kasagutan.
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo isasabuhay o gagampanan ang mga mahahalagang
impormasyong Nakita at natutuhan sa aralin?
4. Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang isa naimpluwensiyahan ng pagpapalaganap ng wikang
Ingles sa kabila ng pagpapanatili ng Wikang Tagalog sa ating bansa?

SANGGUNIAN

Flores,Melania L. (2015) https://journals.upd.edu.php/index.php/djwf/article/view/4500/0

Ramos, Jesus F. Ph. D et.al (2005), Filipino at Pagpaplanong Pangwika


Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL p. 17-22

You might also like