You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
Sorsogon
TIONG HEN SO MEMORIAL HIGH SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit sa


FILIPINO SA PILING LARANG- 11 TVL

Pangalan: __________________________________ Marka: ________________

Guro: _____________________________________ Petsa: ________________

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Alin sa sumusunod ang gagamiting manwal sa pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong
bahagi?
A.Manwal-Serbisyo C. Manwal sa Pagbuo B.Teknikal Manwal D. Manwal Para sa Pagsasanay
2. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang halimbawa ng __________.
A. Babala B. Feasibility study C. Menu ng pagkain D. Promotional Materials
3. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang ________________________.
A. Makapagbigay ng pagpipilian ng pagkain na mayroon ang isang restawran.
B. Pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o proseso sa paggawa ng isang produkto.
C. Makapanghikayat ng mamimili at makapagbigay ng impormasyon gamit ang papel.
D. Matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.
4. Obhetibo isa sa mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Ano ang ibig sabihin ng
salitang obhetibo?
A.pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay na hindi humahadlang sa pansariling
saloobin tulad ng emosyon at pagpili B.pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay at
magdesisyon C.may abilidad na tingnan ang mga bagay ayon sa pansariling saloobin tulad ng
emosyon at pagpili D.may sariling kakanyahan at kumikiling ayon sa pansariling saloobin
5. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon na pinagmumulan ng
liham? A.lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat 6. Anong uri ng anyo ng sulatin
napabilang ang manwal sa paggamit ng produkto?11 A.sulating inter-institusyonal B.sulating
pabatid-publiko at sulating promosyonal C.sulating ukol sa pagkain D.sulating ukol sa isang
produkto
7. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo. Ano ang ibig
sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A.pormal ang pananalita C. tamang gramatika B.tama ang detalye D. wasto ang balangkas
8. Anong anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang tumutukoy sa sulating ibinibigay sa isang
indibidwal, organisasyon o institusyon upang maipabatid ang hangarin, impormasyon o datos na
makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.
A.sulating ukol sa pagkain B.sulating ukol sa isang produkto C.sulating interpersonal o inter-
institusyonal D.sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
9. Anong bahagi ng liham pangnegosyo makikita ang layunin ng pagsulat nito?
A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat
10. Iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa liham pangnegosyo. Kahit malapit ang
pagtuturing o kaugnayan sa taong pinadadalhan ng liham. Aling katangian ng mabisang liham
pangnegosyo ito makikita?
A. tiyak C. maganda sa paningin B. malinaw ngunit magalang D. maikli ngunit buong-buo
11. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin komprehensibo?
A.malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw B.maliit ang saklaw D. payak ang saklaw
12. Anong uri ng manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o
binubuo bago gamitin?
A. employees’ manual o handbook C. training manual B. user’s manual o instruction manual D.
technical manual
13. Anong uri ng manwal na nagsisilbing gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon
sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang
pinapasukan.
A. employees’ manual o handbook C. training manual B. user’s manual o instruction manual D.
technical manual
14. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas?
A. balangkas B. saknong C. sulat D. talata
15. Alin sa sumusunod na sulatin ang naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa
mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan?
A.sulating ukol sa pagkain B.sulating ukol sa isang produkto
C.sulating interpersonal o inter-institusyonal D.sulating pabatid-publiko at sulating
promosyonal

II. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung hindi.
__________ 16. Tinatawag na kalatas o sulat ang liham.
__________ 17. Isa sa mga uri ng liham ang liham pangnegosyo.
__________ 18. Hindi maaaring maglagay ng kalakip kung susulat ng liham.
__________ 19. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsusulat ng liham.
__________ 20. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung kailan sususlat ng liham-
pangnegosyo.
__________ 21. Kalimitang nagtataglay ng logo ng isang kompanya o institusyon sa bahaging
ulong-sulat ng liham pangnegosyo.
__________ 22. Sa bahaging patunguhan ng liham pangnegosyo, inilalagay ang katungkulan ng
taong ibig pagbigyan ng liham.
__________ 23. Ang bating pambungad sa liham-pangnegosyo ay laging nagtatapos sa kuwit.
__________ 24. Sa pagsulat ng liham pangnegosyo, mahalagang matiyak ang layunin sa
pagsulat nito.
__________25. Ang liham-aplikasyon ay isang halimbawa ng liham pangnegosyo.
__________26. Ang brochure ay nakatupi ayon sa pagkahati-hati ng mga impormasyon.
__________27. Higit na detalyado ang nilalaman ng poster kung ihahambing sa brochure.
__________28. Mahalaga ang paglalagay ng address at numero ng telepono sa mga leaflets at
flyers.
__________29. Mabisa ang paglalagay ng mga tagline sa mga promotional materials.
__________30. Ang pangalan ng produktong nais ipakilala o ikampanya ay nakalagay sa flyers
at hindi na kailangan sa mga poster dahil nakapokus ang huli sa mga larawan.
__________31. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gumagamit ng pangangatwiran ang
manunulat.
__________32. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto.
__________33. Mahalaga ang deskripsyon ng produkto upang higit na masuri at makilatis ang
isang produkto.
__________34. Inilalagay sa deskripsyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito.
__________35. Marapat na panatilihing payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap kung
susulat ng deskripsyon ng produkto.

III. Panuto: Mula sa pagpipilian sa ibaba, tukuyin ang tamang katawagang inilalarawan
upang mabuo ang bawat pahayag.

makahikayat brochure flyer/leaflet poster promotional materials billboard

36. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at may
pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.
37. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng
impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.
38. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng mga
mamimili.
39. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o
ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.
40. Ang flyer/leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ___________.
GOODLUCK!!!

Inihanda ni: Nirebyu at inaprobahan ni:

DONNA G. MENESES SALVE G. OLAZO

T-III ESP-I

You might also like