You are on page 1of 2

Ang migrsyon ay proseso ng paglipat sa ibang bagomg lokasyon upang doon tumira,

pansamantala man o permate. May iba’t ibang dahilan sa likod ng migrasyon. Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito:
a. Economic migration – pangingibnag bansa para makahanap ng trabaho o para
sundan an propesyon.
b. Social migration- paglipat tungo sa ibang lugar para sa mga magandang kalidad ng
buhay o upang makasama ang mga kaibigan at kapamilya.
c. Political migration- pag- alis patungo sa ibang bansa dahil sa pampolitikang pag-usig
o digmaan.
d. Environmental- paglipat tungo sa isang lugar dahil sa mga natural a kalamidad tulad
ng pagbaha, paglidol, at iba pa.

Sa Filipinas, naging normal na ang kultura ng migrasyon at marami na ang tumatanggap at


nagsasagawa nito. Base sa isinagawang National Migration Survey noong taong 2018,
tinatayang 55 percent ng Filipino na may edad na 15 at pataas ay lumipat ng bahay o
residente sa ibang lugar, barangay, municipality at lungsod, rehiyon. 49 percent naman ang
lumipat g lugar sa bansa (internal migrants), 3 percent naman ang nangibang bansa
(international migrants), at apat na percent naman ang parehong internal at international
migrants.
Tinatayang nasa 1.77 milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) o
manggagawang Pilipino na nagtrabaho sa ibang bansa noong Abril hanggang Setyembre
2020. Ang mga Overseas Contract Workers (OCWs) o may mga kasalukuyang kontrata sa
trabaho ay binubuo ng 96.4 porsyento o katumbas ng 1.71 milyon ng kabuuang OFW sa
parehong panahon. Ang ibang OFW na nagtrabaho sa ibang bansa nang walang working
visa o work permit tulad ng turista, bisita, estudyante, medikal, at iba pang uri ng non-
immigrant visa ngunit kasalukuyang nagtatrabaho at nagtatrabaho ng full time sa ibang
bansa ay may 3.6 porsiyentong bahagi.
Bumaba ang bilang ng mga OFW ng -18.6 percent, katumbas ng 405.62 thousand overseas
workers mula 2019 hanggang 2020. Bago sumiklab ang COVID-19 pandemic noong 2019,
ang mga OFW ay nakarehistro sa 2.18 milyon, 2.11 milyon ang OCW at humigit-kumulang
69 libo ang iba pa. Mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa na may validly working visa
at work permit
Sa kasarian, mas maraming kababaihan ang naiulat na nagtatrabaho sa ibang bansa, na
nagkakahalaga ng 59.6 porsiyento o 1.06 milyon noong 2020. Sa kabilang banda, 40.4
porsiyento o 0.72 milyon ang mga lalaking OFW. Ang parehong trend ay naobserbahan
noong 2019 kung saan 55.4 porsyento ng kabuuang 2.18 milyong OFW ay kababaihan
habang 44.6 porsyento ay lalaki.
Sa buong 17 rehiyon ng bansa, ang CALABARZON ang nag-ambag ng pinakamalaking bilang
ng mga OFW, na tinatayang nasa 18.5 porsiyento o 185 sa bawat 1,000 OFW noong 2020.
Ayon sa lugar ng trabaho, ang mga OFW na nagtatrabaho sa Asya ay umabot sa 83.6
porsyento ng kabuuang OFW sa bansa. Humigit-kumulang 26.6 porsiyento ng kabuuang
1.77 milyong OFW ang nagtrabaho sa Saudi Arabia, na sinundan ng United Arab Emirates
sa 14.6 porsiyento. Ang iba pang bansa sa Asya na may malaking bilang ng mga OFW ay
kinabibilangan ng: Kuwait (6.4%), Hongkong (6.3%), Qatar (5.4%), at Singapore (5.3%).
Umabot sa 134.77 bilyong piso ang kabuuang remittance na ipinadala ng mga OFW sa
panahon, Abril hanggang Setyembre 2020. Kabilang dito ang cash na ipinadala (113.08
billion pesos), cash na naiuwi (18.98 billion pesos), at in kind (2.71 billion pesos).

https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/survey-overseas-filipinos
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-force/sof-index

You might also like