You are on page 1of 28

ANG BAGONG DAAN NG KRUS

Lahat: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu


Santo. Amen.

Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito


ngayon upang pagnilayan ang iyong Misteryong
Pampaskuwa, pagkalooban mo kaming lahat ng biyaya na
kasuklaman ang kasalanan tulad ng iyong ginawa, at
gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa
iyong halimbawa. Sa gayon, kami ay maaaring makibahagi
hindi lamang sa iyong paghihirap, kundi maging sa iyo ring
Muling Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpakailanman. Amen!

UNANG ISTASYON
ANG HULING HAPUNAN

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa

Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y


ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at
pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na
inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos
maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang
kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo.
Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa
akin.”
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at
iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan
ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya. (1 Cor
11: 23- 26)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Panalangin (Lahat)

Panginoong Hesus, minahal mo kami nang lubus-


lubusan. Minahal mo kami hanggang sa katapusan. Ikaw
ay nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain at
inuming nagbibigay buhay na walang hanggan. Nananatili
ka sa aming piling upang maging patuloy na palatandaan
ng nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali ng
aming buhay.

Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali na


kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong paghahandog sa
amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan
sa Banal na Eukaristiya.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKALAWANG ISTASYON
ANG PAGDURUSA NI HESUS SA HALAMANAN

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa

Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at


nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga
alagad. Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila,
“Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.”
Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato,
saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung
maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y
hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban
mo.” Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong
taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y
malalaking patak ng dugo. Tumindig siya
pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad.
Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng
dalamhati. (Lu 22: 39-45)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)

Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon.


Ni isa sa iyong mga alagad ay nagkaroon ng lakas na
samahana ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas
mo ay ang iyong matibay na hangaring tuparin ang
kalooban ng Ama, maging anuman ang halaga.
Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging
hanggang sa kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga
walang kaibigan, ng mga walang tahanan, ng mga
walang kinabukasan. Puno ang aming lipunan ng katulad
nila, ngunit patuloy kaming nagkukunwaring walang
malay at natutulog habang sila ay namamatay na biktima
ng kapabayaan.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKATLONG ISTASYON
SI HESUS SA HARAPAN NG SANEDRIN

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng


kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang Mesisyas,
ang Anak ng Kataas-taasan? “Ako nga,” sagot ni Hesus.
“At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan
ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siya’y
dumarating, nasa alapaap ng langit.” Winasak ng
pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi,
“Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang
nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang
pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan.

Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong


saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at
ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si
Hesus, at dinala kay Pilato. (Mc 14: 60-64. 15: 1)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Panalangin (Lahat)

Panginoong Hesukristo, ikaw ang hukom ng


sangkatauhan, ngunit tinanggap mong litisin ng mga
hukom na di makatarungan. Ikaw ang pinakabanal,
tanging walang sala sa daigdig, ngunit tiniis mo ang
pagpaparatang ng mga sutil na makasalanan.
Patuloy pa rin ang walang katarungang paglilitis na
inuulit sa bawat di-makatarungnang paghatol kung saan
pinarurusahan ang mga walang sala at pinalalaya ang may
sala.
Ikaw pa rin ang biktima ng ganitong kawalan-katarungan
laban sa mga mahihina, mga walang lakas na ipagtanggol
ang sarili at ang mga walang tinig sa lipunan. Sa kanila,
patuloy kang nabubuhay at nagdurusa.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKA-APAT NA ISTASYON
ANG PAGHAMPAS AT PAGPUPUTONG NG
KORONANG TINIK

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang


gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?” Suamgot
ang lahat, “Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama ang
ginawa niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang
isinigaw, “Ipako sa krus!”

At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang


ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng
gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon
sa paligid niya. Naglikaw sila ng halamang matinik at
ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa
kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran
at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” (Mt 27:22-30,
passim)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Panalangin (Lahat)

Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang


malaking pulutong kaya’t ninais nilang ikaw’y ipapatay,
mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na
mahalagang panindigan ang katarungan at ipagtanggol
ang iyong pagiging walang sala. Kaya’t nagtagumpay ang
mga hibang. Gayundin naman ang mga kawal na
Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong
katawan at pinutungan ang iyong ulo ng koronang tinik at
pag-aalipusta.

Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong


lahat iyon, tulad ng isang maamong tupang kakatayin;
walang imik tulad ng milyun-milyong mga simpleng taong
pinagsasamantalahan, inaapi ng mga halang ang
kalooban, habang marami sa amin ang nagbubulag-
bulagan sa harap ng walang pakundangang
paglapastangan sa katarungan.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKALIMANG ISTASYON
TINANGGAP NI HESUS ANG KANYANG KRUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal,


sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
(Mt 27:31)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)
Minamahal kong Panginoon, ang krus ay siyang
parusa para sa mga kriminal at mga manghihimagsik. Sino
ang maniniwala na ipinatong ito sa balikat ng Anak ng
Diyos, ang puno ng lahat ng kabanalan at kabutihan?

Sa kabila ng lahat, tinanggap mo ito nang buong


kababaang-loob sapagkat alam mo na ito lamang ang
paraan upang kami ay mailigtas sa walang hanggang
kaparusahan.

Krus namin ang krus na tinanggap mong pasanin —


ang krus ng aming mga kasalanan, ang krus ng aming
mga kahinaan, ng aming mga pagkasira ng loob, ng
aming mga pagkabigo at ng aming kasamaan.

Hanggang sa mga araw na ito, pasan ng mga


walang- malay na kalalakihan, kakababaihan, at kabataan
ang krus ng mga pagkakamali, kasakiman, pagmamataas,
kahalayan.

Ipagkaloob mo sa amin, mahal na Panginoon, ang


biyayang di kailanman magbigay ng mga pasanin sa
aming kapwa dahil sa aming mga pagkukulang. Magiting
nawa namin pasanin kasama mo ang krus ng aming mga
pang-araw- araw na tungkulin.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKA-ANIM NA ISTASYON
SI HESUS AY NADAPA SA BIGAT NG KRUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Habang sumusuray ang hakbang ni Hesus patungo


sa Kalbaryo halos madurog si Hesus sa bigat ng Krus na
kanyang pasan-pasan. Higit pa marahil, napuspos si
Hesus sa panunuya at panlilibak ng mga tao na para
bagang siya ay isang kriminal. Halos igupo ng pagod dahil
sa kawalan ng tulog sa magdamag at pagpapahirap na
kanyang dinanas, si Hesus ay nalugmok sa bigat ng Krus
at pag-aalipusta na kanyang dinanas.

Panalangin (Lahat)

Di malayo ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang


daang metro lamang. Ngunit, natagalan ka, Panginoon,
na tahakin ang daang iyon, hirap na hirap at bigung-
bigong umaasang may tutulong. Matagal nang naglaho
ang iyong lakas. Lubak-lubak ang daan. Malupit ang mga
tao. Pabigat nang pabigat ang krus hanggang di mo na
ito makayanan, at ikaw’y nalugmok na sa lupa!

Tulad mo, Panginoon, napakarami sa amin ang


nadarapa at napapasubasob dito sa mahirap na daan ng
krus ng buhay dahil sa mga pagsubok at kabiguang
dumadagok sa amin.

Kapag kami ay nadarapa at nalulugmok, Panginoon,


tulungan mo kami!

At kapag hindi na kayang pasanin ng aming mga


kapatidang maraming pagsubok na dumarating,
Panginoon, pagkalooban mo kami ng pusong mahabagin
upang kami’y di na makabigat pa sa kanilang pasanin.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKAPITONG ISTASYON
TINULUNGAN NI SIMON SI HESUS SA PAGPASAN NG
KRUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid,


si Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit
nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. (Mc 15:21)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)

Napadaan lamang si Simon habang pauwi na siya


mula sa bukid. Napilitan siyang mag-iba ng landas isang
paglihis na nagbago ng takbo ng kanyang buhay.
Napilitang pasanin ang iyong krus, siya man ay biktima
ng pang-aapi at kawalan ng katarungan. Naranasan niya
ang iyong sakit, Panginoon, kung kaya’t natuklasan niya
ang ibig sabihin ng buhay, kapag nagnanais na tumulong
sa kapwa.

Magsugo ka pa ng maraming tulad ni Simon ng


Cirene, Panginoon. Padalhan mo kami ng mga taong may
lakas ng loob upang pasanin ang krus ng iba nang may
pakikiisa at pagtitiyaga tulad ng magkakapatid. Gawin mo
kaming tulad ni Simon, Panginoon. Bigyan mo kami ng
lakas at kagandahang-loob na magdamayan, sapagkat
ang aming lipunan ay puno ng nagdurusang Kristo na
hindi na makaagapay sa bigat ng kanilang pasang krus na
may iba’t ibang hugis at bigat.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…

IKAWALONG ISTASYON
NASALUBONG NI HESUS ANG KABABAIHAN NG
JERUSALEM

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.
Pagbasa

Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang


mga babain nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya.
Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga
kakabaihan ng Jerusalem, hiwag ninyo akong tangisan.
Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga
anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin
nila, ‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang
hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’
Sa mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga
bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol,
‘Tabunan ninyo kami!’ Sapagkat kung ganito ang ginagawa
sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa
tuyo? (Lu 23: 27-31)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Panalangin (Lahat)

Panginoong Hesus, tunay ang pagdadalamhati ng mga


babae ng Jerusalem para sa iyo. Buong tapang silang
sumunod sa iyo sa daan patungong Kalbaryo. Subalit
tinawag mo ang kanilang pansin sa dahilan ng kanilang
pagdurusa — ang KASALANAN at ang kaparusahan na
dulot sa lahat ng hindi pagsisisi. Sana’y naging tapat din
kaming tulad nila sa pagdadalamanhati sa hindi
makatarungang pagpapahirap sa iyo. At sana’y kaawaan
din ang aming puso sa mga pagdurusa ng aming kapwa
— lalo na ng mga iskwater, walang hanapbuhay, walang
tahanan, at ng lahat ng mga biktima ng kawalan ng
katarungan at pagsasamantala. Ang lahat ng uri ng mga
kasalanng ito ang nagdadala ng mga karapat-dapat na
pagpaparusa ng Diyos sa ating lipunan.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
IKASIYAM NA ISTASYON
SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa
Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo,
ipinako nila sa krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang
salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. sinabi
ni Hsus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila
nalalaman ang kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila
upang malaman
kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa’t
isa. Ang mga tao’y nakatayo roon at nanonood; nililibak
naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas
niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang
sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng
Diyos!” (Lu 23: 33-35)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)

Panginoon, ang mga kamay mong dati’y humahaplos


sa mga bata, nagbabasbas sa mga maysakit, at
nagpapalayas sa mga demonyo, ngayo’y nakapako na sa
krus. Ang iyong mga paa na nagdala sa iyo sa maraming
bayan upang ihatid ang Magandang Balita ng Kaharian sa
lahat, ngayo’y di na maaaring makagalaw pa
magpakailanman. Hinahamon ka ng iyong mga kaaway na
bumaba sa krus. Subalit di mo pinansin ang kanilang
panunukso. Hindi dahil sa ikaw ay nakapako, kundi dahil
sa pag-ibig mo sa mga makasalanan. Pag-ibig ang
naghatid sa iyo roon. Pag-ibig ang pumipigil sa iyo roon.
Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng biyaya na
makatupad sa maing tungkulin nang buong pagmamahal,
kahit na ang mga ito ay magdulot pa sa amin ng pait tulad
ng pagkapako sa krus.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKASAMPUNG ISTASYON
ANG NAGTITIKANG MAGNANAKAW

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi,


“Hindi ba ikaw na gMesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati
na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama,
“Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarusahang
tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang
ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y
walang ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus,
alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si
Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa
Paraiso.” (Lu 23: 39-43)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)
Panginoong Hesus, puspos ng katapatan sa pagsisisi
ang nagtitikang makasalanan sa harap ng marami,
punung- puno ng panananampalataya at pagtitiwala ang
kanyang mga sinabi sa iyo. Naniniwala siya sa iyong
Kaharian, at hindi mo siya binigo.

Madalas na kami ay makatagpo ng mga taong


nagkamali at nagnanais na magbagong-buhay, Panginoon.
Ipahintulot mong kami ay maging bukas sa kanila, katulad
mo sa nagtitikang magnanakaw. Sa ganitong paraan, kami
rin ay papanaw sa mundong ito nang may
pananampalataya at pagtitiwala tulad ng mabuting
magnananakaw, at nakikinig sa pngako ng buhay na
walang hanggan.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKALABING-ISANG ISTASYON
SINA MARIA AT JUAN SA PAANAN NG KRUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus
at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

Pagbasa

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at


ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni
Cleopas.
Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang
kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito,
kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi
sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira
ng alagad na ito sa kanyang buhay. (Jn 19: 25-27)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)

“Tulad ng isang sibat, ang paghihirap ay tatarak sa


iyong puso.” Ito ang hila ng matandang Simeon. Sa
Kalbaryo, naranasan ni Maria ang katuparan ng huland ito.
At muli niyang binigkas sa kanyang puso: “Maganap nawa
sa aking ang iyong salita.”

Walang sinuman sa balat ng lupa ang umibig sa iyo


nang higit pa sa iyong Ina, Panginoon. Gayundin naman,
wala kang inibig sa balat ng lupa nang higit pa sa kanya.
Naroroon siya, saksi at kabahagi ng iyong pagdurusang
naghatid ng kaligtasan. Sa paghahabilin mo sa kanya kay
Juan, binigyan mo ng katiwasayan ang mga nalalabi pa
niyang araw dito sa lupa; sa paghahabilin mo naman kay
Juan sa kanya, binigyan mo kami ng katiwasayan habang-
buhay, sapagkat ibinigay mosa amin ang lahat, ang iyong
ina at amin ding Ina.

Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKALABING-DALAWANG ISTASYON
SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa
Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa
buong lupain at nawalan ng liwanag ang araw hanggang
sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May
isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog
nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at
idiniit sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak
ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Sumigaw nang malakas
si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko
ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang
hininga. (Jn 19: 28-30; Lu 23: 44-46)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)

Kaming lahat ay hinatulang mamatay dahil sa aming


mga kasalanan, at inako mo ang parusang ito, ikaw na
hindi karapat-dapat na tumanggap nito

Iisa lamang ang iyong buhay, Panginoon, tulad


naming lahat, ngunit malaya mo itong inialay upang
kami’y magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pinatay
ka ng mga kasalanan namin, dahil sa labis mong
pagmamahal sa amin, pinakamamahal na Hesus.
Bago ka nalagutan ng hininga, sinabi mong ikaw’y
nauuhaw — uhaw sa pagibig. Tanggapin mo ngayon ang
aming nagtitikang pag-ibig sa iyo, Panginoon. Nais ka
namin mahalin alang-alang sa mga ayaw magmahal sa
iyo. Nawa, sa katapusan ng aming pagkikibaka sa buhay,
kami ay mamatay na nagtitiwala habang inuulit namin ang
iyong winika, “Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking
kaluluwa!”

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKALABING-TATLONG ISTASYON
SI HESUS AY INILIBING

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang


taga- Arimatea, na ang ngala’y Hose. Siya’y alagad din
ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay
ni Hesus.
Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. Kaya’t
kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong
lino. Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa
nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong
niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka
umalis. (Mt 27: 57-60)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Panalangin (Lahat)

Panginoong Hesus, binalot ka ng kadiliman ng


kamatayan. Ang tangi mong maliwanag na tanglaw ay ang
malambing na pagmamahal ng iyong Ina, ang katapatan ni
Juan, ang pakikipagkaibigan ni Jose ng Arimatea, at ng ilan
pa. Inihimlay ka sa libingan tulad ng isang
napagkahalagang kayamanang itinago sa baul, tulad ng
isang butil na ibinaon sa lupa.

Binigyan ng kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang


aming libing. Salamat sa iyo, naging isang mapayapang
pamamahinga ito sa kandungan ng inang lupa, na
naghihintay ng isang masayang paggising sa pagdating ng
bukang- liwayway na muling pagkabuhay na wawasak sa
mga tanikala ng kamatayan magpakailanman.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…
IKALABING-APAT NA ISTASYON
ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS

Gabay: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,


Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang
sandaigdigan.

Pagbasa

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-


liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa
libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang
Maria. Biglang lumindol nang malakas Bumaba mula sa
langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang
batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon.
Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at
kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot
ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita
ang anghel.

Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong


matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako
sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay
tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang
pinaglagyan sa kanya.” (Mt 28: 1-6)

Gabay: Ang Salita ng Diyos.


Lahat: Salamat sa Diyos.

Panalangin (Lahat)

Hesus, hindi maaring mabulok ang iyong banal


nabangkay sa libingan. Hindi ka maaaring pigilan ang higit
pa sa kinakailangan sa loob ng iyong libingan. Ngayon,
pinatutunayan ng naigulong na malaking bato na nagpinid
sa iyong libingan at ng pagpapatunay ng anghel na ang
iyong muling pagkabuhay ay totoo. Pinagtitibay rin nila ang
katotohanang kami man sa darating na panhon ay
babangong muli sa kamatayan.

Ang iyong muling pagkabuhay, Panginoon, ang ang


huwaran ng aming muling pagkabuhay, maging ngayon pa
man. Isang hamon ito para sa aming lahat na bumangon
mula sa kamatayang dulot ng kasalanan para sa
pinagpalang buhay.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…
PANALANGIN PARA SA INTENSIYON NG SANTO PAPA

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Luwalhati…

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, namatay at


matagumpay na muling nabuhay ang Iyong Bugtong na
Anak para iligtas kami sa aming mga kasalanan. Sa Iyong
kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na
nananampalataya upang makiisa sa kanya sa buhay na
walang hanggang sa langit, kung saan nabubuhay siya at
naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Sumaatin at manatili nawa ang pagpapala ng


Makapangyarihang Diyos:
Ama, Anak at Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen

Lahat: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu


Santo. Amen.

You might also like