You are on page 1of 16

Slide 1

Paksa: Mga Patakarang Pangwika sa Edukasyon

Pag-uulat

Introduksyon

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat ako po si Ginoong Reynaldo R. Domingo at naatasang akong talakayin sa
inyo ngayon ang mga PATAKARANG PANGWIKA SA EDUKASYON, Layunin ng pagtalakay na ito na:

Slide 2

Layunin
1. Taluntunin ang mga patakarang pangwika sa edukasyon kaugnay ng mga wikang panturo.

2. Tukuyin ang mga kadahilanan o salik na ginawang batayan ng mga patakarang pangwika sa edukasyon sa iba’t ibang
yugto ng kasaysayan hanggang sa kasalukuyan.

Slide 3

Pokus ng Talakayan

 Patakarang Monolingguwal na edukasyon

 Patakarang Bilingguwal na Edukasyon

 Patakarang Multingguwal na Edukasyon

Basa: Hindi maitatanggi na ang mga patakarang pangwika sa Pilipinas ay isang isyung malimit na mapag-usapan lalo na
sa mga pagtitipon, mga seminars at iba pang iskolarling mga talak, bagamat mayroon ng mga batayan hinggil dito mula
sa ating mga saligang batas marami parin ang mga isyu at usapin hinggil sa mga patakarang pangwika, Mahalaga rin ang
papel na ginagampanan ng wika sa edukasyon dahil isa itong salik sa pagtamo ng layunin ng edukasyon na magpaabot sa
mga mag-aaral ng kaalaman, kakayahan at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging produktibo
at maaasahang mamamayang makapag-ambag sa kaunlaran sa lipunang kinabibilangan. Isinasaad nito na hindi lamang
sa pakikipagkomunikasyon ng bawat indibidwal o grupo ginagamit ang wika kundi nagiging dahilan din ito upang
mabigyang halaga ang kakayahan ng bawat isa.

Slide 4

Ayon kay Tollefson (2002), mahalaga ang papel na ginagampanan ng patakarang pangwika sa edukasyon sa buong
daigdig. Ang pagbuo ng patakarang pangwika ay madalas nagiging kontrobersiyal at pinag-uusapan dahil madalas
kasangkot ang malalim at komplikadong ugnayan ng kultura sa pulitika, kurikulum, at gawaing pang-edukasyon.

Basa: Ang patakarang pangwika ang pinakaugat ng kultura sa pamamahala na nagpapatatag at lumilikha. Lumalabas sa
mga pag-aaral na ang wika ay lumilinang sa kultura at napapanatili nito ang orihinal na kondisyon. Sa puntong ito,
malinaw ang gampanin ng edukasyon sa pagtamo ng epektibong pamamahala ng mga tao. Ang patakarang pangwika ay
epektibo sa pagtamo ng edukasyon. Sa patakarang pangwika, itinatakda ang wikang gagamitin sa isang institusyon sa
pagtamo ng misyon nito sa lipunan. Ito ang wikang gagamitin sa komunikasyon at panturo sa mga institusyong pang-
edukasyon.

Ang paggamit ng wika sa pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan sa kapwa ay isang katangiang unique o natatangi
lamang sa isang tao, ayon pa kay Chomsky ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala
sa ibang mga nilalang tulad ng sa hayop,

Slide 5

ang wika rin ang nagsisilbing susi at puso ng isang indibidwal, at tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa ayon kay Marisol
Mapula.

Slide 6

PATAKARANG MONOLINGGWAL

Basa: Bago pa man tayo sakupin ng mga Espanyol mayroon na tayong mga wikang umiiral sa ating bansa o mayroon na
tayong likas na wika. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong napakaraming wika. Ayon sa Tala ni Grimes at
Grimes (2000), mayroong nakatalang 168 buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000, mayroon
tayong 144 na buhay na wika. Gayunpaman, ayon kay Sibayan (1974), humigit-kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay
nagsasalita ng isa sa walong pangunahing wika. Sa mahigit tatlong daang taong pananakop ng mga Espanyol sa ating
bansa o sa Pilipinas naging hangarin nila o naging naging hangarin ng pamahalaan na ituro at ipagamit ang kanilang wika
sa buong kapuluan kaya naman ang iba’t ibang mga dikreto at kautusan ang inilabas ng Espanya upang magkaroon ng
iisang wika na gagamitin sa bansang Pilipinas saan mang larang sa edukasyon, sa politika, sa pamahalaan ipinatupad nila
ang paggamit ng iisang wika, wikang panturo sa Pilipinas sa larang ng edukasyon pumasok dito ang patakarang
monolinngwal na Edukasyon, kapag sinabi nating monolinggwal na patakaran ito ay:

Slide 7

MONOLINGGUWAL na EDUKASYON

 Pagpapatupad ng IISANG wika sa isang Bansa.

 Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.

 May iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.

Basa: Ito yong gustong mangyari ng pamahalaan ng mga Espanyol o pamahalaang kastila ng sila ay dumating sa ating
bansa.

Slide 8 KASTILA

 Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, kaagad na ipinag-utos ni haring Carlos I noong 1550 ang
pagtatayo ng mga eskwelahan at ang pagtuturo ng Espanyol sa mga katutubo.

Basa: Dahil nga gusto nila na maramdaman ng mga katutubong Pilipino na sila ang namumuno at sakop nila ang bansang
Pilipinas, nais rin nilang pangunahan kung ano yong mga wika na gagamitin pagdating sa edukasyon.

Slide 9 KASTILA

 Noong Ika-2 Ng Marso taong 1634, at gayundin noong Nobyembre 1636, nilagdaan ni Haring Filipe ang mga
batas na nag-uutos sa pagtuturo ng wikang Espanyol at ang pagpigil ng mga wikang katutubo.

Basa: Makikita natin na talagang ipinagbawal nila ang paggamit ng mga katutubong wikang umiiral noon sa ating bansa
at ang gagamitin lang ay ang wikang espanyol sa larang ng pagtuturo at iba pa.

Slide 10 KASTILA

 Naulit pa ang mga kautusang ito sa Royal Decree ng 1642 ni Corcuera; ng 1696 nina Cruz at Gregorio; at ng
mga Royal Decree na nilagdaan noong 1770,1772,1774, at 1792.

Basa: Mababanaag talaga natin dito na seryoso ang pamahalaang Espanya na ipagamit ang kanilang wika ang wikang
espanyol bilang midyum ng edukasyon sa panahon ng kanilang pananakop, walang ibang wikang gagamitin maliban sa
wikang espanyol.

Slide 11. KASTILA

 Noon namang 1863, itinatag ng Reyna ng Espanya ang isang Sistema ng edukasyong primary at muli,
binigyang-diin ang pagtuturo ng wikang Espanyol at ang pagpigil sa pagtuturo ng katutubong wika.

Basa: Sa taong ito muli na namang ipinagbawal ang paggamit ng ibang wika, dahil sa kautusang ito ang lahat ng mga
mag-aaral na papasok sa paaralang primarya ay tanging Espanyol lamang ang gagamitin o iisang wika lamang ang
gagamitin bilang midyum ng pagtuturo. Kung kaya’t nagkaroon talaga ng monolingguwal na Sistema o patakaran sa
edukasyon. Ayon kay Frey mula 1867 hanggang 1889 patuloy pa ang pag-isyu ng dikreto sapagkat patuloy paring hindi
lumalawak ang gamit ng Espanyol sa ating bansa, kabilang dito ang

Slide 12 KASTILA

 Royal Decree noong 1867, ukol sa pagbuo ng gramatikong espanyol na isusulat sa iba’t ibang wika sa Pilipinas
para gamitin sa pagtuturo ng Espanyol.

Basa: at bilang insentibo pa nagbigay pa sila ng mga parangal noong 1885 para sa pinakamahusay na naisulat na
gramatika, ito yong mga gramatikong espanyol na naisulat sa tagalog ni Frey Turibio Mengella at nailathala noong
1886. Talagang makikita dito na seryoso sila na ipagamit o gamitin ang kanilang wika para mabilis nila tayong
maimpluwensyahan sa iba’t ibang aspeto ng buhay dahil sa nagbibigay pa sila ng mga benipisyo at insentibo sa mga
pinakamahuhusay na manunulat ng mga sulatin na nakasulat sa wikang Espanyol. Ilan sa mga dahilan na nakita nila
kung bakit kailangang ituro ang Espanyol sa mga Pilipino ay ang mga sumusunod.

Slide 13

Basa: Nakita nila na sa dinami-rami ng mga umusbong na wika sa pilipinas ito ay naging hadlang sa pagpapalago at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo dahil nga ang kanilang layunin dito sa pananakop ay 3g (GOD, GOLD, AND GLORY)
Isa nilang tinitingnan dito na dahilan ay mahihirapan sila na palaganapin ang Kristiyanismo kung mayroon iba’t ibang
wikang umiiral na gagamitin sa pakikipagtalastasan gayon din sa edukasyon.

1. Hadlang ang dami ng mga wika sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo

2. Hadlang din ang mga katutubong wika sa pangangasiwa sapagkat hindi marunong ng mga wikang ito ang mga
kastilang adminidrador ng bawat lugar.

Basa: Mayroong mga adminisdrador ang bawat lugar at sa bawat lugar dito sa Pilipinas ay may mga wikang umiiral
din at dahil dito nahihirapan silang makipag-usap sa mga lugar na kanilang pinamumunuan at nahihirapan din silang
magpatupad ng mga batas na nais nilang gawin dahil hindi sila nagkakaintindihan sa isat isa sapagkat magkaiba ang
wika nilang ginagamit .

3. at isa pa maaring magkamali sa interpretasyon at pagpapaliwanag ng doktrina ng kristiyanismo ang mga pari
kung wikang katutubo ang gagamitin ng mga ito.

Basa: dahil hindi nila gamay kung ano yong mga wikang ginagamit ng mga katutubo, hindi sila ganon kagaling sa
mga wikang ginagamit ng ating mga ninuno kaya maaaring magkaroon ng maling interpretasyon kung ibang wika
ang gagamitin, kaya pursigido ang espanya na ituro o ipagamit ang wikang espanyol sa mga Pilipino.

Slide 14.

Bakit nga ba hindi natuto ng Espanyol ang mga Pilipino?

Basa: Ngunit sa kabila nito, hindi parin natuto ng wikang Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino maliban sa mga
illustrado o anak ng mga maykaya dahil narin sa hindi sinunod ng mga paring kastila o ng mga prayleng kastila ang
mga dekrito mula sa espanya. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi sinunod ng mga prayleng kastila ung dikreto ng
espanya na ipagamit lang ang isang wika sa Pilipinas una ay dahil gusto nilang panatilihin:

Slide 15

1. Kontrol at kapangyarihan sa ating bansa

2. Hindi sila mababalewala ng gobyerno sa Espanya dahil sila ang magsisilbing tagapamagitan sa mga Pilipino

3. Mapapanatili at Konserbatismo at reaksyonaryong posisyon. (sa gitna ng lumalawak na liberalismo sa Europa


at Espanya, gayon din kung matuto ang mga Pilipino ng wikang Espanyol maaring maging dahilan ito upang
sila ay

Slide 16

4. (Mag-alsa) Pag-aalsa ng mga Pilipino

5. Nais din na panatilihin ng mga prayleng Espanyol ang kanilang Superyoridad bilang isang lahi ng mga Kastila
at Europeo

6. At syempre ang huling dahilan nila Ayaw talagang nilang matuto ang mga Pilipino. Kaya nga kung ating
titingnan gusto nilang manatiling ignorante ang mga Pilipino dahil ang kanilang itinuturo lang ay katekismo,
nais lang nila na ang mga Pilipino ay matutong magdasal, magsaka at matutong maging masunurin sa pari,
pero yong mas mataas na antas ng pagkatuto gamit sana noong wikang nais ipatupad at ipagamit ng Espanya
ay hindi sinunod ng mga prayleng kastila na nagsilbing mga administrador sa ating bansa.

Basa: Ang mababang pagtingin ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katutubong wika ay hindi naging
pangkalahatang pananaw ng mga Kastila sa Pilipinas, sa panahong lumalawak ang liberismo noong ikalabing-
siyam na siglo may mga kastila rin na nagpapahayag ng ibang posiyon at nagtataguyod sa mga wikang katutubo,
sa katunayan iminungkahi din ni Senivaldo De Mass noong 1842 na isang dayalekto o isang wika lang sana sa
simula pa lang sana ang ginamit na wika ng gobyerno at korte, dahil ang mga alkalde mula sa Espanya ay di natuto
ng mga wika sa Pilipinas, Hindi isinama dito ang wika sa Eskwelahan, gayunman ngunit sa ulat din ni Juan manuel
de Lamata noong 1843 inirekomenya ang pagkakatatag ng mga akademya ng mga tagalog upang matuto ang mga
opisyal at sarhentong mga kastila ng katutubong wika na mayroon dito sa Pilipinas. Ang masasabing opisyal na
nagtaguyod para sa katutubong wika ay si Vicente Barrantes na noong 1870 ay nagpanuka ng pagtatatag ng isang
eskwelahan sa bawat probinsya na magtuturo ng wika ng lugar at isang normal school na may iba ibang wika ng
bansa at espanyol at tagalog lamang ang ituturo. Mula dito isang dikrito ang ipinalabas noong 1870 na nagtatag
ng publikong instruksyong sekundaryo sa Maynila na magtuturo para sa mga propesyong industriyal ng mga
wikang pranses, ingles, tagalog at bisaya, kung titingnan kung natupad man ang mga mungkahi ni Barrantes at
dekrito nito noong 1870 ay hindi rin natiyak , ngunit ang tiyak lang ay monolingguwal talaga ang patakaran sa
Espanyol na hindi naman ipinatupad ng malawakan sa Pilipinas.

Sa mga rebolusyonaryo naman, bagamat isinama ni mabini sa kanyang burador ng konstitusyon ang tagalog
bilang panturo sa elementarya, dalawang kurso sa ingles at dalawang kurso sa Pranses sa mataas na edukasyon at
ingles bilang wikang opisyal kapag lumalaganap na ito, hindi ito sinunod sa konstitusyon ng Malolos noong 1899
kayat nanatiling espanyol ang opisyal na wika at walang binanggit ukol sa wika ng Edukasyon.

Basa: Sa panahon naman ng mga Amerikano sinimulan ng noo’y Pangulong Willian Mac Kenly ng amerika ang programa
sa edukasyon sa tagubilin sa Ikalawang komisyon na pinanguluhan ni William Howard Taff ayon sa:

Slide 22

Amerikano

 Schuman Comission noong Enero 1900 ituro ang Ingles sa mga eskwelahang primarya. Binago nila yong
wikang gagamitin sa edukasyon bagamat ipinatupad ng mga Espanyol na kastila ang wikang gagamitin
pinalitan ito at hindi na muling ipinagamit ang kastila bagkus pinalitan ito ng ibang wika at ito ay ang Ingles,

 ayon naman sa : Komisyon Taft 1901

Ang Pagtuturo ng Ingles bilang tanging midyum sa lahat ng eskwelahang pampubliko sa Pilipinas, so mula doon sa
salitang TANGING makikita natin doon na monolingguwal parin yong patakarang pangwika pagdating sa panahon
ng mga Amerikano. Ingles lang ang tanging wikang gagamitin sa pagtuturo.

Basa: Pagkatapos maitatag ang batas na ito, nagtatag din ng mga Sistema ng mga pampublikong edukasyon sa
Pilipinas ang Philippine Commission noong ika-21 ng Enero 1901, na sunod-sunod na ang mga naging
implementasyon ng paggamit ng ingles bilang wikang panturo sa larang ng Edukasyon.

Slide 23

Nagtayo ng mga normal school at iba pang eskwelahan. (

Nagtayo ng mga paaralang elementarya at industriyal hgamit ang Ingles bilang midyum ng patuturo, gaya ng
nauna nagkaroon ng parehong dahilan ang amerikano at ang kastila kung bakit gusto nilang ipagamit ang wikang
dala nila sa kanilang pananakop.

Basa: Nagkaroon ng English speak only policy na nagtatakda ng mga parusang m,ay halaga ang sinumang gagamit ng
katutubong wika sa eskwelahan. Sa panahon ng Amerikano nakakatakot dahil ay Ingles lang ang pwede mong
gamiting wika sa loob ng paaralan kung hindi ka makasusunod sa implementasyon ito may kaakibat na halaga bilang
parusa sa paggamit ng katutubong wika, ang mga debate, mga paligsahan ay idinaos gamit ang wikang Ingles, ang
mga textbook na ginamit ay inangkat mula sa Amerika at Ingles din ang naging pangunahing kailangan para
makapagpatayo ng mga munisipyo, gayon din yung mga pagsusulit sa civil Service ay isingawa gamit ang wikang
Ingles.

Slide 24:

Sa panahon ng mga amerikano HINDI makukuha sa Trabaho kung hindi marunong ng Ingles

Basa: Strikto ang mga Amerikano sa pagpapatupad ng monolinggwal na patakaran sa larangan ng edukasyon,
pagpapatupad ng wikang Ingles bilang iisang wikang panturo sa mga larang ng edukasyon. Isa sa kanilang mga patakaran
ay hindi ka talaga makakahanap o matatanggap sa trabaho kung di ka marunong magsalita ng ingles, kaya napilitan ang
Pilipino na matuto at pag-aralan ang Ingles kahit angdaming transisyon na nangyari na paiba-iba sa bawat panahon ang
wikang ginagamit sa loob ng paaralan. Ang mga nagsilbing guro sa Pilipinas upang ituro ang ingles ay ang mga sundalong
amerikano na huling pangkat na dumating dito sa Pilipinas sakay ang barkong Thomas kaya sila tinawag na Thomasites
sila ang naging boluntaryong naging guro mula sa Amerika upang magturo at sanayin ang mga Pilipino sa ingles.

Slide 25

Dahil nga sa pagnanais ng mga amerikano na burahin lahat ng impluwensyang Espanyol sa kanilang pananakop
ipinagbawal noon ang paggamit ng wikang pambansa ang wika na mayroon sa Pilipinas gayon din ang wikang
Espanyol ito ay nagresulta ng unti-unting pagkamatay ng kulturang Pilipino pagdating sa wika at Panitikan.
Slide 26

GENRE ng PANITIKAN: Oda, Fairy Tale SINING: Radyo, Pelikula, Telebisyon, At silent Films

Basa: Kasi nga mayroong ibang genre ng panitikang ipinakita ang mga amerikano, nais nilang baguhin lahat dahil nais
nilang burahin yong lahat ng impluwensyang iniwan ng mga Espanyol, pagdating sa panitikan itinuro nila ang oda at Fairy
Tale, pagdating naman sa sining marami silang binago at idinagdag tulad ng Radyo, pelikula, tebisyon, at silent films.

Slide 27: Mga Dahilan sa Pagpapagamit ng Ingles sa Edukasyon

Basa: Ilan sa mga dahilan sa pagpapagamit ng ingles sa Edukasyon sa panahon ng mga Amerikano ay ang sumusunod:

Slide 28 1. Naniniwala ang mga Amerikano na Ang mga wika ng Pilipinas ay mga “ Barbaro” kumbaga mababa ang
kanilang pagtingin sa ating wika, walang kakayahang umunlad at hindi intelekwalisado at kapag ginagamit ng mga
Pilipino ay magbabalik sila sa kakitirang sumasaklaw sa kanila nang ilang siglo (Taft 689-690)

Slide 29 2. At ang tingin rin nila Hindi magkakaroon ng pag-unlad sa pampanitikan ang mga wikang katutubo (Barrows
1903, nasa Hayden 589) o ang mga wikang mayroon sa ating mga bansa.

Slide 30 3. Matatagalan at mababagalan ang implementasyon ng Sistema ng edukasyon kung mga wika ng bansa ang
gagamitin dahil mga Amerikanong guro ang mga unang magtuturo (Barrows 1903, nasa Hayden 589) dahil nga ang
mga guro ay Amerikano hindi sila magkakaintindihan.

Slide 31 4. Walang librong nasulat sa alinman sa napakaraming wika sa Pilipinas na magagamit sa pampublikong
pagtuturo (Barrows 1903, nasa Hayden 589) dahil nga konti lang ang naipalimbag dahil sa panahon ng Espanyol ang
wikang ipinagamit ay wikang kastila, paano makakalimbag o makakasulat ng maraming libro ay walang kasanayan
ang mga Pilipino sa wikang ipinapatupad pati ang ang pagiging limitado sa kanilang karapatan, pagdating naman sa
panahon ng mga Amerikano ganon din limitado ang kanilang karapatan dahil kinakailangan nilang sumunod sa utos
kung ayaw nilang maparusahan.

Slide 32 5. Ang ilang pahayagan sa katutubong wika ay wlaang maibibigay na intelektuwal na kaalaman na kailangan
ng mga mamamayan (Barrows 1903, nasa Hayden 589) dahil nga ang kanilang paniniwala ay ating mga wika ay
barbaro.

Slide 33 6. Ang mga pasilidad na magagamit kung ituturo ang mga lokal na wika ay gagamitin ng mga maimpluwensiya
at mayayaman sa pag-aaral ng Ingles upang lalong magkamit ang mga ito ng dagdag na kapangyarihan (Moses 27)

Slide 34 7. Impraktikal na gamitin ang mga wikang ito dahil mangangailangan ng maraming tagasalin ng mga libro
(Atkinson 1900)

Slide 35.

Ayon kay Njeeb M. Saleeby, Salin Ni Pamela Constantino

Ang wika ng edukasyon at ang mga kagamitan sa edukasyon ay dapat na (tumungo sa sitwasyong) ang isang
nagtapos sa paaralang primarya ay makakatutulong sa kanyang sarili para makakuha ng mas maraming kaalaman at
mapapag-aralan pagkatapos iwan ang paaralan. Ang gayong gamit ng edukasyon sa pamumuhay pagkatapos mag-aral
ay dapat pakinabangan, maabot at magamit ni Juan Dela Cruz.

Basa: Dapat may aplikasyon, kung ano yong kanyang natutunan, dapat hindi yon tumigil sa loob lamang ng klasrom
bagkus dapat maiaplay nya ito sa kanyang buhay at mapakinabangan niya ito para sa ikakahubog ng kanyang sarili sa
mundong kanyang ginagalawan, Na kung ating titingnan sa panahon ng Amerikano at Espanyol masyadong limitado yong
karapatan umunlad ng mga Pilipino, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong umunlad para sa kanilang mga sarili bagkus
bagamat sila ay nakakapag-aral gamit ang mga wika o gamit ang iisang wikang ipinatupad ng bawat mananakop so
tingnan natin sa panahon ng HAPON kung ano yong naging transisyon, kung ano yong nabago at naging lagay ng
patakarang pangwika sa ating Bansa.

Slide 36

HAPON

Sa panahong ito Ang wikang opisyal na magsisilbing pampublikong gamit ay wikang Hapon at wikang Tagalog – ayon
ito sa Military Ordinance N0. 13- na ipinatupad noong Ika-13 ng Hulyo taong 1942).
Basa: Samakatwid, hinayaan ng mga hapon na gamitin yong ating katutubong wika na umiiral sa ating Bansa na tagalog
at yong wikang mayroon sila ang wikang Nihonggo, So Makikita dito na hindi nya sya Monolinggwal papasok na dito ang
paggamit ng dalawang wika, ang paggamit ng dalawang wika ay tinatawag nating Bilinggwal O BILINGWALISMO.

Ayon sa naging probisyon sa konstitusyon ng Republika noong 1943, itinuro ang Nihonggo mula 1943 ang mga
bernocular ay ginamit sa pagtuturo ng pagbasa at pagsasalita sa baitang 3 at 4 at tagalog naman sa baitang 5 at 6,
sinunod din ang unang direktiba ayon sa Department order No. 1 series of 1940 na ang pagtuturo ng tagalog sa ikaapat
na taon sa hayskul at sa mga normal school pansamantalang ginamit ang parin ang wikang Ingles, maaaring naging
malaki ang naging papel ng mga dati ng nagtataguyod sa wikang tagalog na mga dayuhan at mga Pilipinong opisyal, mga
samahang pangwika, mga eksperto, mga pahayagan at mga manunulat at grammarian sa pagpili sa tagalog bilang
wikang pambansa at wikang opisyal sa panahong ito, ngunit maaaring planong transisyon lamang ito patungo sa totoong
paggam it ng Nihonggo, ngunit mapapansin na hindi nga nagtagal ang panahong ito kung kaya’t hindi napatunayan na
ang pagpapagamit ng mga hapon ng wikang tagalog eh transisyon sa pagpapatupad ng monolinggwal na gamit ng wika
sa edukasyon na kung saan idinagdag pa ang wikang Nihonggo, ang pagsuporta sa katutubong wika sa panahong ito ay
panandaliaan lamang dahil sa maikling panahon ng pananakop ng hapon, lingid naman na sa ating lahat na ang Hapon
ang may pinakamaikling panahon ng pananakop sa ating bansa, sa panahon ng hapon nagsimula ang pagkakaroon ng
patakarang BILINGGUWALISMO na edukasyon o yong paggamit ng dalawang wika dahil nga hinayaan tayo ng mga hapon
na gumamit ng sarili nating katutubong wika at ang kanilang wika na Nihonggo.

Slide 38

 Ayon kay Leonard Bloomfield (1935), ito ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ang kanyang katutubong wika.

 Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na Bilinggwalismo at ang taong gagamit ng
mga wikang ito ay matatawag na Bilingguwal. (Uriel Weinreich 1953).

Basa: Mayroon din tayong tinatawag na BALANCED BILINGUAL na isang indibidwa na kung saan,

Slide 39 BALANCED BILINGUAL

 Nagagamit ang dalawang wika ng halos hindi matukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika.
Sa katotohanan,

 Mahirap mahanap ang mga taong nakakagawa nito dahil karaniwang nagagamit ang bilingual ang wikang mas
naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap (Cook at Singleton; 2014)

Basa: noong 1974 ay nagkaroon ng BEP o Bilingual Education Policy isang polisiya na pagpapatupad ng paggamit ng
dalawang wika sa larang ng edukasyon.

Slide 40

Bilingual Education Policy (BEP)

 The Policy was first implemented in 1974 when DECS issued Department order No. 25 series of 1974 titled “
Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education”

Slide 41

Ito ay binigyan ng pakahulugan na paggamit ng magkahiwalay o magkaibang wika ito ay FILIPINO at Ingles as a

 Bilingual education in the Philippines is defined operationally as the separate use of Filipino and English as the
Media of Instruction in specific subject areas. As embodied in the DECS order No. 25, Pilipino (changed to
Filipino in 1987) shall be used as medium of instruction in social studies/ social sciences, music, arts, physical
education, home economics, practical arts, and character education. English, On the other hand is allocated to
science, mathematics, and technology subjects. The same subjects allocation is provided in the 1987 Policy on
Bilingual Education which is disseminated through Department Order No. 52, series of 1987.

Basa: So kung ating titingnan dito sa Bilingual Education Policy mas malaki yong bahagdan na binigay nila sa paggamit ng
Filipino kumpara sa Ingles pero parehong gagamitin ang dalawang wikang ito sa larang ng edukasyon.

Slide 42

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

 Makikita sa Artikulo 15, Seksiyon 2 at 3 ng Saligang batas ng 1973 ang probisyon para sa Bilingguwal o
pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal
na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.
Basa: Ito ay ang Filipino at Ingles, samakatwid ang dalawang wika na ito ay gagamitin bilang wikang panturo sa mga
paaralan at wikang opisyal ano nga ba yong hangarin ng Bilingguwal na Edukasyon.

Slide 43

HANGARIN NG BILINGGWALISMONA EDUKASYON

Slide 44

1. Enhanced learning through two languages to achieve quality education as called for by the 1987 constitution.

2. The Propagation of Filipino as a language of literacy

3. The development of Filipino as a linguistic symbol of national unity and identity

Slide 45

4. The cultivation and elaboration of Filipino as a language of Scholarly discourse, that is to say its continuing
intellectualization; and

5. The maintenance of English as an international language for the Philippines and as a non-exclusive language of
science and Technology.

Slide 46 narito naman ang MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG BILINGGWALISMONSA EDUKASYON 1974

Basa: Sa panahon ng aktibismo at demonstrasyon, o simula ng pag-unlad ng wikang pambansa:

Slide 47

 Sa UP pinagtibay ng dating Pangulong Salvador P. Lopez ang tinaguriang malayang Bilingguwalismo.

O paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sino mang mag-aaral sa UP ay makakagamit ng Ingles o
Filipino sa anumang larangan ng asignatura o aralin, gayon din noong

Slide 48

 Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E Marcos ang Exexcutive Order No. 202 na bubuo sa
Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa
pagpapabuti ng Sistema ng Edukasyon tulad ng inaasahan, ang wika ng pagtuturo ang siyang nakita ng
komisyon na nangangailangan ng atensyon.

Slide 49

Dahil dito pinagtibay na:

Pinagtibay ng PCSPE na:

1. Ang Filipino ang pangunahing midyum sa elementarya, at ang Bernakular ay pantulong na wika sa unang
dalawang taon sa mga lugar na di-tagalog.

2. Ang Filipino at Ingles ang mga Midyum sa sekundarya at tersiyarya

Slide 50

 Noong 1971 sa bisa ng Exsecutive order 318 Saligang batas ng 1971, binuo ng Pangulo ng Pilipinas ang
Educational Development Projects implementing Task Force (EDPITAF) sa ilalim ng pamumuno ng kagawaran
ng Edukasyon upang bumuo ng programa para sa implementasyon ng mga rekomendasyon sa komisyon. Sa
mga resulta ng implementasyon nito Bilingual na Edukasyon

Slide 51

Kasunod nito pinagtibay noong 1973 ang palisi sa edukasyon sa pamamagitan ng bagong Konstitusyon na
nagsasaad sa Sekyon 3, Artikulo 14 na:

Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng
isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino. Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang
Ingles at Filipino ang dapat na mga wikang opisyal.

Slide 52
 Noong ika-27 ng 1973 batay sa probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng lupon ng Pambansang
Edukasyon ang Bilingguwal na patakaran sa Edukasyon sa Resolusyon Blg. 73-7 ng lupon noong ika- 7 ng
Agosto taong 1973, at pinagtibay ang mga sumusunod (Bernabe 1987-159)

Slide 53

 Na ang Ingles at Filipino ay magsisilbing midyum ng Pagtuturo at ituturo bilang mga asignatura sa kurikulum
mula Baitang 1 hanggang sa Unibersidad sa lahat ng mga paaralang pampubliko at pribado.

Basa: Ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal ay nakabatay sa kautusang pangkagawaran bilang 25 ang
nakasaad dito ay:

Slide 54

Bilingguwal na Edukasyon

 Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na
nagsimula sa taong panuruan 1974-1975. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng
Filipino at Ingles bilang midyum ng Pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya, intermedia, at
sekondarya.

Slide 55

Ang edukasyong Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong transisyon mula 1974-1978 na uumpisahan ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga asignaturang tulad ng AP (social studies), agham panlipunan (social
science), Edukasyong panggawaan ( work Education), Edukasyon sa Wastong Pag-uugali ( Character Education,
Edukasyong Pangkalusugan ( Health Education).

Nagpalabas din ng:

Slide 56

Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975 ipinag-utos ang sumusunod:

Courses in English and Filipino shall be offered in tertiary institution as part of appropriate curricula pursuant to the
policy and Bilingual education; furthermore, by school year 1984, all graduates of tertiary institutions should be able
to pass examinations in English and /or Filipino for practice of their profession.

Kaya naman:

Slide 57

 Nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ang Filipino sa antas ng Tersyarya (MEC Orde No. 22, s. 1978

 Simula sa taong panuruan 1979-1980, magsasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersyarya ng
anim (6) na yunit ng Filipino.

Basa: Sa pagpapatupad ng Bilingguwal na edukasyon ay nagkaroon ng Ebalwasyon at sarbey kung ano ba o kamusta ba
ang implementasyong ng Bilingguwal na edukasyon ng patakarang pangwikang ito.

Slide 58

Ebalwasyon at Sarbey kaugnay ng Edukasyong Bilingguwal 1974

Ang sensus ng 1970 at 1980 ay nagbigay ng impormasyon sa total ng bilang ng mga ispiker sa Tagalog/ Filipino at
Ingles na nagbibigay ng ilang indikasyon sa naging lawak ng bilingguwalismo sa bansa. Or pagpapatupad ng Biligguwal
na edukasyon sa ating bansa

Slide 59
Basa: makikita dito na mula 1970 hanggang 1980 limamput limang bahagdan o halos kalahati ng pupulasyon ng bansa
ang gumagamit ng Pilipino/Tagalog at pitongput pitong bahagdan ang gumamit noong taong 1980 kung titingnan natin
mas marami ang gumagamit ng Pilipino/tagalog sa mga taong ito kumpara sa mga gumagamit ng Ingles sa panahon na
ipinapatupad ang patakarang Bilinguwal na edukasyon.

Ayon sa naging resulta ng mga ebalwasyon at mga pag-aaral sa biligguwal na edukasyon nakita nila na:

Slide 60

Ebalwasyon sa Bilingguwalismo bilang wikang Panturo

 Hindi seryosong ipinatupad ng mga paaralan ang programang edukasyong Bilingguwal

Basa: Negatibo ang mga paaralan sa paraan o paraan ng paggamit ng Filipino sa mga paaralan, ngunit hindi sa Filipino
bilang pambansang wika. Inilahad din ng resulta ng pag-aaral na ang mga mag-aaral sa buong bansa ay napakahina ng
performance sa mga paaralang pampubliko o pangpribado, magagaling o mahihina ang paaralan ang dahilan ng
malungkot na sitwasyong ito ay ang mga guro mismo na walang sapat na kaalaman sa asignaturang kanilang itinuturo.

 Ipinakita sa kinalabasan ng Ebalwasyon na ang edukasyong Bilingguwal ay hindi prayoridad sa antas sa


tertsarya.

Basa: Sa karamihan ng mga Institusyong pangtersyarya ang pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal ay walang
masusing disenyo, bilang pagbubuod ang pag-aaral ay nagkaroon ng konklusyon na bumaba ang achievement score
ng mga elementarya at sekondarya na kung titingnan hindi dapat isisi sa patakaran ng edukasyon bilinggwal kundi sa
kakulangan ng kakayahan ng mga guro, o sa mahinang pamamahala ng mga paaralan, at kakulangan ng mga aklat at
iba pang mga kagamitan sa pagkatuto. Ito ay ilan lamang sa mga salik na iniuugnay sa mababang resulta sa
ekonomikong antas at kakulangan ng suportang pinansyal. Dahil sa mga resulta ng mga pag-aaral na ito nakita nila na
hindi naging matagumpay ang edukasyong bilinggwal, nagkaroon ng iba’t ibang rekomendasyon:

Slide 61

REKOMENDASYON

1. Pagpapatuloy ng kasalukuyang patakaran sa Edukasyong Bilingguwal sa primarya.

2. Mas maluwag at flexible na implementasyon sa antas sekundarya lalo na sa mga lugar na di-tagalog.

3. Ang development ng Filipino bilang wika ng klasrum at iskolarling Gawain sa unibersidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng insentibo sa mga propesor na gamitin ang Filipino sa kanilang pagtuturo, pananaliksik, at
pagsusulat upang makabuo ng mga reperensya sa Pilipino na magagamit sa mga paaralang elementarya at
sekundarya.

Slide 62

4. Inirekomenda rin na magkaroon ng pagsasanay ang mga guro na pre-service at in-service, kailangang bigyang-diin
ang pagkakaroon ng kaalaman nila sa nilalaman ng mga asignaturang itinuturo upang maging epektibo ang pagtuturo.

5. Iminungkahi rin na magsagawa ng pag-aaral na ang mga mamamayan ay dapat bigyan ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa patakaran sa wika ng edukasyon at ito ay maipatutupad sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan.

SLIDE 63 and 64

PATAKARANG MULTILINGGWALISMO NA EDUKASYON


Basa: Sa panahong kolonyal, sa panahon ng kastila at Amerikano nanaig ang Espanyol at Ingles at nihonggo bagamat
nagsimula palang at kahit na maikli ang panahong ito tagalog ang ipinampalit sa Ingles, Neokolonyalismo ang pumalit sa
kolonyal na patakaran, nagpatuloy ang ingles at nagdagdag ang Filipino sa 1974 bilingguwal na patakaran ng edukasyon
dahil sa anti- emperyalismong kilusan noong dekada 90, ngunit sa kabila ng pagdodomina ng Ingles nitong mga huling
taon ng dekada 90 hanggang 2000 patungo sa kasalukyang panahon na 21 st century naging neoliberal ang tendesiya ng
Gobyerno sa patakaran pangwika bunga ng pagsali nito sa daloy ng globalisasyon. Gaya ng Philippines 2000 at
millennium development goal ng United Nations tungo sa mas matatag na bansa, kaunlarang pangekonomiya, at
pagpasok ng mga banyagang kapital. Samantala, patuloy paring napipilitang gamitin ang mga lokal na wika sa pagtuturo
ng ibat ibang asignatura sa mga probinsya upang maipahatid ang kaalaman at kakayahang mag-isip sa mga mag-aaral
dahilan ito upang magsagawa ng mga pag-aaral at mga eksperimento para patunayan ang matagal ng naoobserbahan
na kakulangan ng kaalaman at kasanayan sa iNgles, gayon din ang kakulangan ng pangkalahatang kaalaman at
kasanayan ng mga mag-aaral kaya noon pang 1948 hanggang 1954, 1961 hanggang 1964 nagkaroon na ng iba’t ibang
eksperimento gamit ang unang wika ng bata kung sya ay epektibo ba sa pagkatuto. Ilan dito ay ang:

Slide 65

Lubuagan First Language Component Multilingual Education Pilot Project noong 1996

Basa: Na lumabas sa pag-aaral na mabisa ang unang wika sa pagkatuto lalo na sa unang taon ng pag-aaral ng bata dito
na papasok ang patakarang pangwika sa Edukasyong Multilinggwalismo o ung multilinggwal na patakarang pangwika sa
edukasyon, dahil sa nakita nilang bisa sa paggamit ng unang wika ng bata, idadagdag ito sa Filipino at Ingles bilang
wikang ginagamit sa paaralan lalo na sa mga unang taon ng pag-aaral ng bata.

Slide 66

Ayon kay Pangulong Benigno III

“We should become tri-lingual as a country, learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and
connect to our country, Retained your dialect and connect to your heritage.”

Basa: Kailangan nating maging maunlad at makisabay sa tawag ng globalisasyon magkaroon tayo ng patakarang
Multilingguwal na edukasyon ano ba pag sinasabing multilinggwal na edukasyon ito yung :

Slide 67

MULTILINGGUWAL na Edukasyon

 Pag-aaral at paggamit ng higit sa dalawang wika, bilang wikang panturo, at bilang asignatura sa iba’t ibang
yugto ng pag-aaral.

 Dahil sa napakaraming wika na umiiral sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal, kaya’t
nahihirapang umiral sa atin ang Sistema ng pagiging monolingguwal.

Slide 68

MULTILINGGUWAL na Edukasyon

Isa itong ideya, konsepto, paradaym na pinagkakaabalahan ngayon ng mga edukasdor, guro at mga mag-aaral sa
wika at edukasyon. Pag-aaral at paggamit ito ng higit sa dalawang wika, bilang wikang panturo at bilang asignatura sa
iba’t ibang yugto ng pag-aaral ng mag-aaral. Nakabatay ito sa prinsipyong “Unang-wika-muna” (First-Language-First),
at transisyon sa iba pang wika (mga) Pangalawang wika.

Slide 69

MULTILINGGUWAL na Edukasyon

Sa Pilipinas, ito ang isinusulong ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) kakabit ng programang K-12 na
kasalukuyang ipinatutupad sa bansa. Tinugon ng pamahalaan ang panawagang Education for All (EFA) o edukasyon
para sa lahat, kaugnay ng Millenium Development Goals nang United Nations. Pinalawak at pinalalim ng DepEd ang
kurikulum ng batayang edukasyon. Mula Baitang 1-10, na naging K-12 na ito. Pinagtibay ng DepEd Order No. 74 noong
2009 na tungkol sa Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE).

Slide 70

MULTILINGGUWAL na Edukasyon

Ang MTB-MLE na component ng K-12 Programa sa Pilipinas ay nagsisilbing tulay mula unang wika (L1) tungo sa
Pambansang wika, Filipino (L2) at banyagang wika, Ingles (L3).
Basa: Samakatuwid ang L1 ang unang magiging wika at lilinangin ng bata o yung tinatawag nating rehiyunal or Mother
tongue na wika, magiging ikalawang wika ng bata ay yung kanyang pambansang wika patungo sa L3 na iba pang mga
wikang matutuklasan at matutunan ng bata habang siyay lumalaki.

Slide 71

Sinabi ni Taufeulungaki:

Language can be both the tool to strengthen Individual and group identity leading to high self-esteem and
self-confidence, the prerequisites to effective learning, and the acquisition of additive education. By promoting and
developing mother tongue education, cognitive development will be enhanced and a sound basis will be provided for
the acquisition of a second language, the vehicle of modern development and participation in the world community.

Basa: pinaniniwalaan din ng ibang manunulat at mananaliksik na ang pagkatuto ng bata at paggamit ng bata ng
kanyang unang wika ay ang magkokonekta sa kanya o magdadalasa kanya sa pangmundong komunidad o
globalisasyon. Kaugnay ng isyu tungkol sa edukasyong multilingguwal dito sa Piiipinas noon pang 1948, nagsagawa na ng
mga eksperimentong pagtuturo sa wikang bernakular. Simula noon, nagkaroon na ng mga pagtatangka at pagsisikap na
isama ang wikang bernakular sa kurikulum ng edukasyong elementarya. Noong Abril 2000, ang rekomendasyon ng
Presidential Commission on Educational Reform (PCER) ay nagsasaad ng paggamit ng lingua franca at mga bernakural.

Slide 71

Kaugnay pa rin ng isyu sa edukasyong multilingguwal, mababanggit dito ang resulta ng 2006 NAT Grade 3
reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampling ng distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may First Language
Component, ibig sabihin, ang unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura maging sa Science
at Math. Ang natitirang siyam na distrito ay sumailalim sa regular ng edukasyong bilingguwal. Ipinakita sa resulta ng
reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino
(76.44%) na lampas sa itinalagang standard rate ng DepEd. Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor
ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7%
sa Filipino.

Basa: So napakalayo ng naging resulta ng paggamit ng multilingguwal na edukasyon sa bilingguwal na edkasyon,


dahil sa hangarin ng ating bansa na makasabay sa pangmundong pag-unlad at bilang tugon sa Millenium Development
Golas ng united Nations na kasama ang ating bansa mas pinaigting nila yong paggamit ng Ingles pagdating sa mas
mataas na Edukasyon dahil sa laganap at muling pagtingin sa ingles na ito ang makapagsasalba sa ekonomiya ng bansang
Pilipinas kapansin-pansin na nagkaroon ng mga patakarang pangwika sa sector ng edukasyon na makaingles, ayon kay
Abad, noong 2007 nagaganap ang marketisasyon ng wika at makikita ito sa mga sumusunod na polisiya na may
kinalaman sa wika at Edukasyon isa na rito ang :

Slide 72

Executive Order Blg. 210 na nilagdaan noong May 2003 sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Gloria
macapagal Arroyo na may pamagat na “Establishing the Policy to strengthen the use of English in the Educational
System”

Basa: Na naglalaman ng mga utos at probisyong palakasin ang Ingles. Bilang patakaran, ayon sa kautusang ito,
ituturo ang English simula sa unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa English. Matematika, at Agham. English
ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at
hindi bababa sa 70% ng kabuoang panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time allotment para sa
paggamit nito. Sa mga institusyong pantersyarya man ay English ang gagamiting pangunahing wikang panturo, ayon sa
kautusan. Bunga nito, nalimitahan ang gamit ng Filipino at itinakda na lamang ito bilang wikang panturo ng mga
asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.

Slide 73

Pinatupad din ang CHED Memo Blg. 59 s. 1996 na paggamit sa general education kurikulum sa kolehiyo kung saan
Hindi pantay na bilang ng yunit sa pagtuturo ng Filipino at Ingles halimbawa lamang nito ay ang Filipino ay may 6
hanggang 8 unit lamang ngunit ang Ingles ay ay hanggang labing dalawang yunit na kadalasan ay nadadagdagan pa
dahil sa mga remedial class.

Slide 74

Binalak ding ipatupad ang House Bill 4701 na may pamagat na “An Act Prescribing English as the Medium of
Instruction in Philippine Schools.”
Basa: Tinangkang ipanukala ang batas na ito sa kongreso sa ilalim ng panunungkulan ng dating pangulong Gloria
Macapagal arroyo, ipinanukala ng batas ang pagtatanggal ng Filipino bilang asignatura at bilang wikang panturo rin sa
lahat ng antas ng edukasyon, sa kabutihang palad hindi naman naipasa ang bill na ito ng isang batas ang panukalang ito.
Gayunpaman kapansin-pansin nanatili sa hanay ng mga namamahala sa gobyerno ng bansa ang matinding pagkiling sa
Ingles at kawalan ng interes na paunlarin ang wikang pambansa.

Slide 75

Inilabas din ang CHED Memo Order 20, Series of 2013

Pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo

Basa: Ito ang pinakabagong memorandum ng Commission of higher education kaugnay ng pagpapalit ng general
education kurikulum sa kolehiyo, sa bagong kurikulum na ibinunga ng K-12 kurikulum sa batayang edukasyon inaaalis na
ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo, Naimplementa ito mula taong 2016 ngunit bilang bahagi parin ng neoliberal na
programa ng gobyernong Pilipino, pagkaraan ng mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan inadap ang
programang MTB-MLE kaugnay nga tinawag nating Millenium development golas ng United Nations muling bumabalik
ang ideyang multilinggwal na edukasyon ngunit sa pagakakataong ito mismong gobyerno na ang nagtataguyod sa kabila
ng mahabang panahong hindi pagkilos.

Slide 76

Ang Mother Tongue-based Multilingual Education ay:

 Ipinatupad ng DepEd ng K-12 Kurikulum ag paggamit ng unang wika bilang panturo particular sa kindergarten
at baitang 1-3.

 Napatunayan sa isinagawang pag-aaral nina Ducher at Tucker (1977) na mas epektibo ang pagkatuto ng bata
kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.

SLIDE 77

A NG ILAN SA MGA WIKANG PANTURO

Wikang Panturo sa Unang Taon ng MTB-MLE AY ANG WALONG PANGUNAHING WIKANG UMIIRAL SA BANSA

1. TAGALOG 8.WARAY

2. KAPAMPANGAN

3. PANGGASINENSE

4. ILOKANO

5. BIKOLANO

6. CEBUANO

7. HILIGAYNON

Slide78,79,80

Mother tongue-based Multilingual Education

Ilang patunay na ang unang wika ay mabisa bilang wika sa pagkatuto lalo na sa mga unang taon ng pag-aaral ayon
sa BESRA (2006)

a. Mas may gamit at kabuluhan sa mga mag-aaral ang natutunan sa paaralan.

b. Mapapanatili at mapapayaman ang kanilang kultural na identidad

c. Mas magkakaroon sila ng higit na kumpyansa sa sarili

d. Mas makakapagpahayag at maiintindihan ang leksyon

e. Magsisilbi itong pundasyon sa pag-aaral ng iba pang wika

f. Mas mabisa ang paglipat ng kaalaman at magpapatuloy ang pag-unlad ng pag- iisip dahil din sa walang
hadlang sa wika.

g. Mas makabuluhan at masigla ang pag-aaral dahil alam nila at sanay sila at mahusay sila sa wikang ginagamit
sa pag-aral.
h. Nakakabahagi ang mga magulang sa pag-aaral ng bata dahil hindi kaila sa mga magulang ang wikang
ginagamit sa pag-aaral

i. Mas sanay ang mga guro sa katutubong wika mas madali nilang naipaliliwanag sa mga mag-aaral yong mga
aralin gamit ang katutubong wika

Slide 81

Basa: Ang kabuuang wikang ginamit sa pagtuturo ng MTB-MLE ay labing siyam

Basa: Inaasahan ng DepEd ang programa sa katutubong wika bilang asignaturang at wikang panturo kinder hanggang
baitang tatlo ang Filipino mula Baitang Isa at unang semsetre at Ingles mula Baitang 1 hanggang ikalawang semester
hanggang baitang anim matutupad na ang multilinggwal na edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng MTB-MLE sa ilalim
na K-12 na programa. Inaasahan gayunman na magpapatuloy ito at mabibigyan ng sagot at atensyong pisikal pagdating
sa mga impraestruktura, administratibo at pinansyal upang mas maging matumpay sa kabila ng neoliberal na mga
layunin nito. Kaugnay nito ilang mga mungkahi ang inilatag ukol sa ipinatutupad na multilingguwal na edukasyon at ito
ay patuloy na magtagumpay:

Slide 82

Mungkahi:

1. Magkaroon ng taunang ebalwasyon ang programa

2. Magtalaga ng magagaling na guro na tunay na katutubong tagapagsalita ng wika

3. Siguraduhing awtentiko ang mga material na gagamitin at hindi lang salin ng akdang orihinal na sinulat sa
ibang wika

Slide 83

Mungkahi:

4. Maglaan ng malaking pondo mula sa taunang badget ng pamahalaang nasyonal at lokal.

5. Makipag-ugnayan ang DepEd sa mga NGO, pribadong mga kompanya at mga organisasyon upang mapaunlad at
mapaigting pa ang pagpapatupad sa programa.

Basa: Bagamat maraming hamon sa mga patakarang Pangwika dito sa Pilipinas, pagdating sa monolingguwal,
bilingguwal, at lal’ot ngayon sa multilingguwal na patakarang pangwika sa edukasyon dito sa ating bansa Pilipinas, hindi
dapat manghinawa ang mga guro, ang mga tagapagtaguyod ng wika sa pagtataguyod ng wikang pambansa bilang wika
ng edukasyon dahil ito ang magsisilbing sentesis at tagapagbuo ng mga galansyang makukuha sa MTB-MLE at tutulong
upang manatiling malakas ang kultura sa gitna at sa kabila ng globalisasyon.
Slide 84

Ayon nga sa National indigeneous People’s valuation Policy Framework na inihanda ng DepEd batay sa konsultasyon
sa mga stakeholder:

...” isang kagustuhan at pangarap ng mga komunidad ang edukasyon na angkop at ugnay sa kultura ng mga mag-
aaral , rerespeto sa kanilang identidad, at kikilala asa kahalagahan at kabuluhan ng kanilang tradisyunal at
katutubong kaalaman, kasanayan at iba pa pang aspekto ng kanilang yamang kultura”…

Basa: Dagdag pa ito sa uri ng edukasyong magbibigay sa mga-aaral ng sapat na literacy, higit na malalim na kaalaman at
sanayan, mataas na kumpyansa sa sarili , pagkamalikhain at makapag-aalis ng anumang hadlang upang makilahok ng
makabuluhan sa iba’t ibang antas at bahagi ng lipunan at maisagawa ang kanilang tungkulin bilang mamamayan ng
kumunidad ng isang lahi, ng isang bansa, ng isang rehiyon at ng buong mundo, bagamat mayroon tayong iba’t ibang
wika, marami tayong mga patakarang pangwika:

Last slide
Sanay Huwag manatiling isang Bidasari na mabuhay-mamatay ang programang ito.
Pamela Constantino

Muli isang magandang


hapon at maraming
salamat sa inyong
pakikinig!
Sa kabila ng pagiging linguistically diverse na bansa natin, mula pa noong 1974 ang ating edukasyon ay nakatutok sa
patakarang bilingguwal, paggamit ng Filipino at English bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.

Sa sektor ng pamahalaan, noon pang 1969 sa panahon ng Pangulong Marcos, hinikayat na ang paggamit ng wikang
pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensiya, sa katunayan, noon pa man ay nagkaroon na ng mga
pagsasanay para dito sa pamumuno ng dating Surian sa Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.
Sinundan ito ng E.O. 335 noong 1988, na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang
upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensiya.

Subalit noong 2003, ang Panguiong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-atas na ibalik ang English bilang pangunahing
wikang panturo. Ito ay kaugnay pa rin sa pakikilahok ng ating bansa sa pandaigdigang pamilihan na sa ngayon ay English
ang dominanteng wika ng pandaigdigang ekonomiya at komersiyo. Ayon pa sa Pangulo:

Ang patuloy na pagkilos tungo sa tinatawag na globalisasyon, at habang umuunlad ang isang global language, ay lalong
pinahahalagahan ng bawat bansa ang kani-kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan partikular na ang language and
cultural identity. Lalo din namang pinahahalagahan at kinikilala ng mga ahensiyang pang-internasyonal tuiad ng
UNESCO, ang tinatawag na cultural and linguistic diversity, kasunod ang pagkilala sa karapatan sa wika at kultura ng
bawat pangkat o bansa.

You might also like