You are on page 1of 1

Kapatid na ROMER D.

GALANG
Tagapangasiwa ng Distrito
Templo Central

Mahal na Kapatid:

Kami po sa kapisanang SCAN ng Lokal ng Sagana, Distrito ng Central ay magalang


pong humihiling kung inyo pong mamarapatin na kami po ay makapagsagawa ng isang
Refresher Seminar patungkol po sa Basic Life Support – Cardio-Pulmonary
Resuscitation, at First Aid, at ang karagdagan po na patungkol sa Disaster
Management. Ito po ay pangungunahan ni kapatid na Archibald Ligad at kapatid na
Jenar Espiritu, kapuwa po sila Certified EMT (Emergency Medical
Technician/Ambulance Technician). Kung maaari, ito po ay maganap sa Pebrero 16,
2020, dakong 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa amin pong lokal. Ang 8AM-
12NN ay para po sa Didactic, samantala ang 1PM-4PM ay para naman po sa
Application on Return Demonstration at Written Examination. Pagkakalooban po ng
gawad pagkilala o sertipiko ang mga kapatid na dadalo sa seminar na ito at ang aming
pangunahing tagapagsalita.

Ang mga pamunuan po ng SCAN sa lokal ng Sagana ang magtutulong-tulong po sa


mga kakailanganin para sa maayos na video/powerpoint presentation, materyales sa
pagsusulit, at mga gugol sa sertipiko at pagkain. Makikipagtulungan din po ang
Barangay New Era sa pagpapahiram nila ng mga CPR - Dummies na gagamitin sa
pagtuturo ng Basic Life Support.

Ito po ay may layuning makipagkaisang mapataas ang uri at kalidad ng paglilingkod ng


mga miyembro sa SCAN at ng mga magiging bagong kaanib nito, higit lalo po sa
napapanahong mga kaganapang sakuna at kalamidad.

Hanggang dito na po lamang. Anuman po ang inyong maging pasya sa bagay na ito ay
amin pong susundin. Kami po ay buong pusong magpapasakop at magpapasalamat.

Ang inyong mga kapatid sa Panginoon,

Jenifer Mane P. Jimenez John Bull C. Melchor John Carlo S. Labrador


Kalihim II – Pangulo Pangulo

Vicente A. Cabangon Febert Eraño L. Guiang Rodeme R..Aterrado


PD Tagasubaybay KSKP ng Lokal Pastor ng Lokal

Binigyang pansin nina:

Oliver D. Dela Cruz Romer D. Galang


KSKP ng Distrito Tagapangasiwa ng Distrito

You might also like