You are on page 1of 3

GREETINGS

Erline: Upang pormal na simulan ang programa, magsitayo po ang lahat para sa doksolohiyang
pangungunahan ng Hand Warriors.

Jaynard: Na susundan naman ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sa pagkanta nina Pia Francis A. Deguito,
Chidralei Andrea R. Rumbaoa, at Shelley Ellyssa M. Benedicto

Erline: mapagpalang hapon po sainyong lahat! Ako po si Erline Gail E. Zamudio!

Jaynard: At ako naman po si Jaynard A. Ambrosio!

Erline at Jaynard: At kami ang inyong Guro ng Palatuntunan!

Erline: Malugod namin kayong binabati ng maligayang pagdating sa loyalty day! Ang Loyalty Day ay isa
pong tradisyon na ang bawat kagawaran ay magpapakita ng kanilang angking talento at husay!

Jaynard: Sumasangayon ako sayo, maihahantulad ito na para bang regalo sapagka’t ito’y ang kanilang
huling pagtatanghal.

Erline: Ngayon ay tinatawagan po namin ang butihing tagapagpatnubay ng Multiple Intelligences upang
magbibigay ng Pambungad ng Pananalita, Gng. Cherry B. Mingoa salubungin po natin siya ng
masigabong palakpakan!

Jaynard: Maraming salamat po Gng. Mingoa sainyong _____ na mensahe! At ngayon, tinatawagan po
namin ang minamahal nating punongguro ng Basic Education si Dr. Nieva J. Discipulo. Bigyan po natin
siya ng masigabong palakpakan para sakanyang pampasiglang mensahe!

Erline: Maraming salamat po, Dr. Nieva J. Discipulo! Alam naming kayo’y naiinip na para sa
presentasyong inihanda ng bawat kagawaran… Kaya hindi na namin patatagalin pa ang inyong
pananabik! Ang unang magpapakita ng husay at magpapaaliw gamit ang kanilang talentong taglay sa
pagkanta!

Erline at Jaynard: Inihahandog po sainyo, ang HIMIG SILANGAN!

Jaynard: At dahil natunghayan natin ang ______ na presentasyong inihanda ng Himig Silangan *INTRO
ABT SA M.I* ngayon, tunghayan natin ang bawat kagawaran kung paano nga ba naiiugnay ang M.I sa P.T
ng bawat asignatura.

Erline: Ang unang asignatura ay kilalang kilala sa pagtalakay ngating sariling wika kung saan nagbibigay
ito ng kaalaman ukol sa ating lenggwahe at panitikan, at habang inaaral ang asignaturang ito nahuhubog
nito ang kaisipan ng bawat kamag-aral ang pagiging makabayan. Ito’y ang natatanging asignaturang
Filipino! Tinatawagan po namin si Bb. Mylah Manansala para sa Filipino! Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan!

Jaynard: Maraming salamat po Bb. Manansala para saiyong presentasyon, at ngayon ang susunod na
asignatura ay sumasalamin sa obhektibong paningin at pag-eeksperimento upang makatuklas ng
katotohanang sam ga misteryong bumabalot sa ating mundo. Ito ay asignaturang Agham. aming
tinatawagan naman ay si G. Jeff Sherwin D. Francisco para sa asignaturang AGHAM! Salubungin po natin
siya ng masigabong palakpakan!

Erline: Maraming salamat G. Francisco! At ngayon ihanda niyo ang inyong mga sarili… Dahil sila ay
magpapakita ng galing at angas sa kanilang pagsasayaw! At sila ay ang..

Jaynard at Erline: SIGLANG GALAW DANCE TROUPE!!

Jaynard: At dahil napanood na natin ang nakaaaliw na sayawan na naganap, at ang pagtalakay sa
dalawang asignatura: ang Filipino at ang Agham. Ngayon naman pakinggan natin ang asignaturang
tumatalakay sam ga kontemporaryong issue na umiikot sa ating lipunan at suliraning pang-ekonomiya,
at nagpapamulat sa ating mundong kinagagalawan. Ito’y walang iba kundi ang asignaturang A.P.
tinatawagan po namin sa entablado si G. Franz Josef Buendia para sa Araling Panlipunan. Bigyan po
natin siya ng masigabong palakpakan!

Erline: Maraming salamat po G. Buendia para saiyong presentasyon, at ngayon ang susunod na
asignatura ay humuhubog sa ating kakayahan at tayo’y sinasanay sam ga binibigay na impormasyon na
ating kakailanganin sa pagharap sa ating realidad at upang mabuhay. At ang epekto ng asignaturang ito
sa atin ay ginagawa tayo nito bilang mabubuti at responsableng mamamayan! aming tinatawagan
naman ay si Gng. Maria Cherry C. Ganzagan para sa asignaturang TLE! Salubungin natin siya ng
masigabong palakpakan.

Jaynard: Maraming salamat po Gng. Ganzagan, at ngayon! Upang paantigin ang inyong damdamin at
magbigay mensahe sa pamamagitan ng pagtugtog at pagkanta…

Erline at Jaynard: SALUBUNGIN NATIN ANG MUSIC AFFICIONADO!

Jaynard: Maraming salamat, Music Afficionado! Sa pagkakataon na ‘to, ang asignaturang susunod na
tatalakayin ay kilala sa larangan ng pagaanalisa, binubuo ng mga paterno, numero, lohikal na pagiisip at
pagsasapormula ng mga bagong konhektura. At alam ko na may ideya kung anong asignaturang ito.
Kaya ‘wag na natin patagalin pa… tinatawagan po namin si Gng. Monalisa S. Polancos para sa kanyang
presentasyon sa asignaturang Matematika!

Erline: Maraming salamat po Gng. Polancos para saiyong presentasyon, at ang sumusunod naman ay
ang asignaturang kilala bilang isang unibersal na wika. Ito’y ating ginagamit upang makipagusap sa iba’t
ibang lahi. Dito ay pinapairal ang tamang gramatiko sa bawat pangungusap na ating binubuo upang
maipamalas an gating kakayahan na makipaghalubilo sa iba’t ibang tao. At ito’y ang natatanging
asignaturang Ingles. Aming tinatawagan naman ay si Bb. Swisa E. Almeyda para sa asignaturang Ingles!
Salubungin natin siya ng palakpakan.

Erline: Maraming salamat po Bb. Swisa E. Almeyda! Ngayon, ihanda niyo muli ang inyong mga sarili!
Dahil sila’y magbibigay ng saya, lungkot at takot! Dahil ang susunod na magppresenta ay ang…

Erline at Jaynard: TEATRO SILANGAN!!

Jaynard: Maraming salamat sa matinding dula Teatro Silangan!, At ngayon, natunghayan natin ang
asignaturang Filipino, Agham, Araling Panlipunan, TLE, Sipnayan, at Ingles! Ang susunod ay ang
asignaturang humuhubog saating pagkatao at moralidad, inaalam ang dahilan ng bawat kilos na
isinasagawa natin, tinutulungan ‘din nito tayong kilalanin ang ating sarili sa aspetong mapapisikal o
emosyonal at higit sa lahat tayo’y ginagawa nito na maging isang mabuting mamamayan. Aming
tinatawagan naman ay si Bb. Karen Pamposa para sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao!
Salubungin po natin siya ng masigabong palakpakan.

Erline: Maraming salamat po Bb. Pamposa para saiyong presentasyon, at ang panghuling asignatura ay
nagpapakita ng kaalaman sa pisikal na aspeto. Ang layunin nito ay ihubog ang pisikal na kumpentensya,
karunungan sa galaw habang nananatiling ligtas at ang kanilang kakayahan. Musika na nagbibigay
naman ng kaalaman sa pagtugtog. Sining, na tinuturuan tayo na ipakita an gating kultura sa
pamamagitan ng pagpinta, pagguhit, at iba pa. Kalusugan, na ipinagtatanto satin na ito ang mahalaga
sapagka’t ang bawat impormasyon ang nagbibigay kaalaman sam ga sakit at aksidente. Dito ay
natututunan nating maging ligtas. Ang panghuling asignatura ay ang MAPEH! Aming tinatawagan naman
ay si Gng. Lovelyn Yee para sa asignaturang MAPEH!

Jaynard: Maraming salamat po, Gng. Lovelyn Yee! Napakabilis pala ng panahon, Binibining Erline at
malapit na tayo sa katapusan!

Erline: Siyang tunay G. Jaynard, pero bago muna tayo tumumgo sa maenganyong pagtatapos, ating
salubungin ang ating dakilang ikalawang punongguro na si Propesor Gerardo V. Venturina!

Jaynard: Salubungin natin siya ng masigabong palakpakan bago niyang ibigay ang Pangwakas na
Pananalita!

Erline: Maraming salamat po Prop. Gerardo V. Venturina sainyong makabuluhan at taos pusong
mensahe! At ngayon, hindi na kami magpapaligoy ligoy pa!

Jaynard: Dahil isa ito sainyong pinakahinihintay na pagkakataon, ang magarbong pagtatapos! Walang
iba kundi ang…

Erline at Jaynard: KABUUANG PAGTATANGHAL NG M.I PERFORMING CLUBS!

Erline: Maraming salamat sa napakagandang pagtatanghal na inyong inihanda!

Jaynard: At dahi lang ating programa ay nagtatapos na ako nga po ulit si G. Jaynard A. Ambrosio!

Erline: At ako si Bb. Erline Gail E. Zamudio!

Erline at Jaynard: At kami ang inyong Guro ng Palatuntunan!

Jaynard: Upang pormal na tapusin ang programa, magsitayo po ang lahat para sa Loyalty Hymn.

Erline: At manatili paring nakatayo para sa Himno ng Pamantasan, at maraming salamat po sainyong
panonood at partisipasyon!

You might also like