3 q4 Filipino

You might also like

You are on page 1of 29

10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 3
“Ang Banghay ng El Filibusterismo”
Panimula
Tunay na kahanga-hanga ang tapang na ipinamalas ni Dr. Jose Rizal sa
pagsulat niya sa nobelang El Filibusterismo. Sa pamamagitan ng kanyang talino at
di matatawarang kakayahan sa pagsusulat ng mga akda kagaya ng nobelang ito ay
napukaw niya ang damdamin ng mga Pilipinong ipaglaban ang kalayaang ninakaw
ng mga Español sa napakahabang panahon. Si Rizal ang tanging Pilipino na
lumantad at tumanggap ng hamon at nakahandang ibuwis ang buhay upang
maisakatuparan ang dakilang adhikain.
Tuntonin mo ang mga mahahalagang pangyayari na inilatag niya sa kanyang
pangalawang nobela at alamin ang mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa panahon
ng pananakop ng mga Kastila. Gayundin tunghayan mo ang mga paglalantad na
isiniwalat niya sa nobelang ito, gamit ang mga matatalighagang pahayag na nasa sa
bawat kabanata.
Sa pag-unawa sa mga mahahalagang bahagi ng banghay, at
matatalinghagang pahayag, isaalang-alang mo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto:

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


F10PT-IVb-c-83 -Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa
F10PD-IVb-c-82 -Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip
ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda
F10PS-IVb-c-86 -Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang
akda batay sa:
- pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
- tunggalian sa bawat kabanata
- katangian ng mga tauhan
F10PU-IVb-c-86 -Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata
F10PU-IVb-c-86 -Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay,
bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga
pangungusap/ talata

1
SUBUKIN

Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna


ang paunang pagtataya.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa
sagutang papel ang inyong napiling sagot.

Para sa bilang 1-3. Basahin ang buod ng Kabanata 1-2.

Umaga ng Disyembre, ang Bapor Tabo ay binabaybay ang ilog Pasig kung saan sa itaas
na kubyerta ay nag-uusap sina Don Custodio, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina,
Kapitan Heneral at si Simoun kaugnay sa pagpapalawak ng ilog upang makadaan nang
maayos ang bapor. Pawang napapabilang sa mayamang antas o makapangyarihan ang
nakaaapak sa bahaging ito ng bapor.

Samantala sa ibabang kubyerta ay masasaksihan ang mainit, masikip at abang


kalagayan ng mga Indio at Intsik. Makikita ang karaniwang eksena kapag bakasyon ng mga
mag-aaral. May mga tahimik at magugulong estudyante kapag nagsasama-sama. Mamamalas
rin ang masisipag, pagod, at puyat na mga abang mangangalakal. Ang iba namang mga
pasahero ay nanonood ng tanawin sa ilog, nagbabaraha at may iilang mga tulog. Sa kabilang
dako, hindi naman alintana ng magkaibigang Basilio at Isagani ang paligid dahil taimtim silang
nakikipag-usap sa mayamang si Kapitan Basilio na taga-San Diego. Isinusulong ng
magkaibigan at ng iba pang mag-aaral ang pagtatatag ng akademya para sa pagtuturo ng
wikang Kastila. Ayon sa kapitan, wala raw mararating ang kanilang panukala. Marami rin daw
ang hindi nanininiwalang maitatayo ito at maging ang makapangyarihang mag-aalahas na si
Simoun ay sumasalungat sa hangarin nilang ito.

Subalit matatag at pursigido si Isagani dahil alam niyang mabuti ang layunin ng mga
kabataan at nakahanda na rin ang lahat na kakailanganin sa pagpapatayo, pahintulot na
lamang ang kulang.

1. Aling makatotohanang pangyayari ang ipinapakita ng mga kabanata?


A. Lantarang agwat ng mahihirap at makapangyarihan
B. Kawalan ng boses ng mga kabataan sa usaping politikal
C. Paghihiwalay ng mga negosyante at mga indiyo
D. Pagkakapantay-pantay ng mga hamak at nakaaangat sa buhay
2. Sa mga nabanggit na tauhan, sino ang maituturing na may maalab na puso
para sa pagpapatayo ng akademya?
A. Kapitan Basilio C. Padre Irene
B. Isagani D. Simoun
3. Ano ang tinuran ni Kapitan Basilio kaugnay sa hangarin ng mga kabataan sa
akademya?
A. Ikinababahala niya ang hangarin ng mga kabataan.
B. Maipapatayo ang akademya nang may kalugdan
C. Walang mararating ang hangarin ng mga kabataan.
D. Yumuyuko ang mga kabataan sa Espanya sa kanilang hangarin.

2
4. Ayusin ang mga pangungusap upang maipakita ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa banghay ng nobelang El Filibusterismo.
I. Sugatan na lumapit si Simoun kay Padre Florentino at inamin ang
kanyang mga kasalanan bago pa man nalagutan ng hininga.
II. Nailantad ang totoong katauhan ni Simoun nang bumisita sa puntod ng
ina si Basilio at nakilala ang nauna na si Juan Crisostomo Ibarra.
III. Matapos ang pagsabog ay tuluyang tumakas si Simoun na agad na
pinaghahanap ng mga guwardiya sibil samantalang naging usap-usapan
kung sino ang lalaking nagnakaw sa lampara at itinapon sa ilog.
IV. Ang nagdaramdam na si Placido Penitente ay napadpad sa daungan sa
kagustuhang makausap si Simoun para siya’y makapunta sa Hongkong at
napansin niya ang paghahanda ni Smoun sa himagsikan.
V. Ganap nang nakahanda ang lahat alinsunod sa plano ni Simoun na
pangasiwaan ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito na idinaos sa
dating tahanan ni Kapitan Tiyago, maging ang regalo para sa bagong
kasal at pag-iimbita sa lahat ng malalaking tao sa lipunan.
A. I, II, III, IV at V C. III, IV, I, II at V
B. II, IV, V, III at I D. IV, II, III, V, at I
5. Anong bilang ang nagsasaad ng kapana-panabik na pangyayari?
I. Sugatan na lumapit si Simoun kay Padre Florentino at inamin ang
kanyang mga kasalanan bago pa man nalagutan ng hininga.
II. Nailantad ang totoong katauhan ni Simoun nang bumisita sa puntod ng
ina si Basilio at nakilala ang nauna na si Juan Crisostomo Ibarra.
III. Matapos ang pagsabog ay tuluyang tumakas si Simoun na agad na
pinaghahanap ng mga guwardiya sibil samantalang naging usap-usapan
kung sino ang lalaking nagnakaw sa lampara at itinapon sa ilog.
IV. Ang nagdaramdam na si Placido Penitente ay napadpad sa daungan sa
kagustuhang makausap si Simoun para siya’y makapunta sa Hongkong at
napansin niya ang paghahanda ni Smoun sa himagsikan.
V. Ganap nang nakahanda ang lahat alinsunod sa plano ni Simoun na
pangasiwaan ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito na idinaos sa
dating tahanan ni Kapitan Tiyago, maging ang regalo para sa bagong
kasal at pag-iimbita sa lahat ng malalaking tao sa lipunan.
A. II C. IV
B. III D. V
6. Anong bilang ang nagpapakita sa bahaging panimula?
I. Sugatan na lumapit si Simoun kay Padre Florentino at inamin ang
kanyang mga kasalanan bago pa man nalagutan ng hininga.
II. Nailantad ang totoong katauhan ni Simoun nang bumisita sa puntod ng
ina si Basilio at nakilala ang nauna na si Juan Crisostomo Ibarra.
III. Matapos ang pagsabog ay tuluyang tumakas si Simoun na agad na
pinaghahanap ng mga guwardiya sibil samantalang naging usap-usapan
kung sino ang lalaking nagnakaw sa lampara at itinapon sa ilog.
IV. Ang nagdaramdam na si Placido Penitente ay napadpad sa daungan sa
kagustuhang makausap si Simoun para siya’y makapunta sa Hongkong at
napansin niya ang paghahanda ni Smoun sa himagsikan.
V. Ganap nang nakahanda ang lahat alinsunod sa plano ni Simoun na
pangasiwaan ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito na idinaos sa

3
dating tahanan ni Kapitan Tiyago, maging ang regalo para sa bagong
kasal at pag-iimbita sa lahat ng malalaking tao sa lipunan.
A. II C. IV
B. III D. V
Para sa bilang 7-9 Basahin ang Kabanata 4- Si Kabesang Tales
Nilinang at pinayabong niya ang dating madawag na bahagi ng kagubatan sa kanilang
lugar ngunit ang mga lupang ito ay inangkin ng mga prayle kahit wala silang kasulatang
magpapatunay na sa kanila nga ang nasabing lupa. Ngunit dahil sa kanyang pagiging
matimpi ay pumayag na lamang siyang buwisan sa prayle na halos taon-taon namang
tumataas kaya’t umabot sa hangganan ang kanyang pagtitimpi at natutong lumaban. Dahil
sa mapait at kawalang-katarungang napagdaanan ay natutong lumaban at inilagay sa
sariling mga kamay ang batas upang makapaghiganti.
7. Ano ang mahalagang kaisipan ang makatotohanang ipinapakita sa kabanata?
A. Kapag ang tao ay napupuno na at nababalot ng matinding galit; napipilitan
siyang gumamit ng karahasan
B. Likas sa tao ang magsumikap at mangarap na magkaroon ng sariling
pagmamay-ari.
C. May mga taong mapang-abuso sa kabaitang ipinapakita ng iba
D. Lahat ng nabanggit
8. Ang sumusunod maliban sa isa ay patuloy pa ring nagaganap sa kasalukuyan
ayon sa nakasaad sa kabanata.
A. Pagiging mahangin ng mga Pilipino
B. Pagiging mapagpakumbaba ng mga Pilipino
C. Pagiging masipag ng mga Pilipino
D. Pagiging matiisin ng mga Pilipino
9. Sa pangungusap na “Dahil sa mapait at kawalang-katarungang napagdaanan ay
natutong lumaban at inilagay sa sariling mga kamay ang batas upang
makapaghiganti.”, ang matalinghagang pahayag na may salungguhit ay
nangangahulugang ______________
A. Gumawa ng sariling hakbang para ipaglaban ang sarili
B. Humingi ng tulong sa kanyang mga kababayan
C. Lumagda ng isang kasulatan para ipagtanggol ang sarili
D. Nakianib sa kanyang kamag-anak o kalahi

Para sa bilang 10-15 ibigay ang ibig ipakahulugan ng mga matalinghagang pahayag.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
A. problema o balakid C. mapangasawa E. pagsilang ng karahasan
B. susugan para mailabas ang D. mabait o mabuti F. labis na nasisiyahan
taglay na kakayahan

10. “Isang malaanghel na kamay ang kumalinga sa sugatang si Simoun.”


11. “Tila naging isang tinik sa lalamunan ng mga prayle si Kabesang Tales nang
siya’y maghimagsik.”
12. “Pinangarap ni Isaganing makaisang dibdib si Paulita.”
13. “Ang duwag ay magbubunga lamang ng alipin.”
14. “Parang nakalutang sa ulap si Padre Salvi sa tuwing makikita o maalala si María
Clara.”
15. “Kailangang alugin o basagin ang sisidlan upang humalimuyak ang bango.”
4
Aralin “El Filibusterismo”

3
Ang Banghay
Nobela sa Filipinas
ni Dr. Jose P. Rizal

ALAMIN

Pagtutuonan ng modyul na ito ang pagkakabalangkas ni Dr. Jose Rizal sa


mga mahahalagang pangyayari sa kanyang ikalawang nobela na El Filibusterismo.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang kang:


1. nakapagbibigay-kahulugan sa mga matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa;
2. nakapag-uugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip sa
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda;
3. nakapagbabahagi sa ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda
batay sa:
- pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
- tunggalian sa bawat kabanata
- katangian ng mga tauhan;
4. nakasusulat ng buod sa binasang mga kabanata at
5. nakagagamit sa pagbubuod ng tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba
pa), gayundin sa wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata

BALIKAN/PAGGANYAK

GAWAIN 1: Tauhang Hinahangaan, Ilarawan


Mula sa mga ipinakilalang karakter sa huling modyul. Magtala ng dalawang kilalang
tao sa kasalukuyan, isang babae at isang lalaki na maiuugnay ang katangian sa mga
karakter na nilikha ni Dr. Jose Rizal sa nobelang El Filibusterismo. Ilarawan ang
kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.

Tauhan mula sa Paghahambingan na Paglalarawan o


El Filibusterismo Katauhan o Personalidad Paghahambing
sa Kasalukuyan

5
TUKLASIN

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Subukin mong sagutin ang kasunod na gawain.

GAWAIN 2: Suriin Mo
Balikan ang nobelang Noli Me Tangere. Ilang kabanata mayroon ito? Aling
kabanata ang maituturing mong naglalaman sa Panimula, Saglit na Kasiglahan,
Kasukdulan, Kakalasan at Wakas. Maari mo ring panoorin ang buod ng Noli Me
Tangere gamit ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=ehNhAhITM_o

Panimula

Saglit na Kasiglahan

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

Gabay na Tanong:
Ano-ano ba ang katangian na makikita sa bawat bahagi? Ipaliwanag ang iyong mga
tugon sa bawat bahagi.

BAHAGI KATANGIAN
Panimula

Saglit na Kailahun

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

6
SURIIN/ TALAKAYIN

Ang Noli Me Tangere ay binubuo ng 64 na kabanata samantalang may 39 na


kabanata naman ang El Filibusterismo. Ngayon, basahin, unawain at bigyang pansin
mo ang mga buod ng bawat kabanata ng ikalawang nobela.

EL FILIBUSTERISMO
ni José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Kabanata 1: Ang Bapor Tabo


Umaga ng Disyembre, ang Bapor Tabo ay binabaybay ang ilog Pasig kung saan sa
itaas na kubyerta ay nag-uusap sina Don Custodio, Padre Irene, Padre Salvi, Donya
Victorina, Kapitan Heneral at si Simoun kaugnay sa pagpapalawak ng ilog upang
makadaan nang maayos ang vapor kahit luma, pantal-pantal ang kulay ng pintura ito at
manwal na pinaandar ng mga timon.

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Sa ibabang kubyerta ay masasaksihan ang mainit, masikip at abang kalagayan ng mga


Indio at Intsik. Makikita ang karaniwang eksena kapag bakasyon ng mga mag-aaral. May mga
tahimik at magugulong estudyante kapag nagsasama-sama. Mamamalas rin ang masisipag,
pagod, at puyat na mga abang mangangalakal. Ang iba namang mga pasahero ay nanonood ng
tanawin sa ilog, nagbabaraha at iilang mga tulog. Sa kabilang dako, hindi naman alintana ng
magkaibigang Basilio at Isagani ang paligid dahil taimtim silang nakikipag-usap sa mayamang si
Kapitan Basilio na taga-San Diego. Isinusulong ng magkaibigan at ng iba pang mag-aaral ang
pagtatatag ng akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila. Ayon sa kapitan, wala raw
mararating ang kanilang panukala. Marami rin daw ang hindi nanininiwalang maitatayo ito at
maging ang makapangyarihang mag-aalahas na si Simoun ay sumasalungat sa hangarin nilang
ito.

Subalit matatag at pursigido ang magkaibigan dahil alam nilang mabuti ang kanilang
layunin at nakahanda na rin ang lahat na kakailanganin sa pagpapatayo, pahintulot na lamang
ang kulang.

7
Kabanata 3: Ang Alamat

Iba’t ibang kuwento ang narinig ng mga manlalakbay sa kubyerta tungkol sa alamat ng
Ilog Pasig nang hamunin ni Simoun ang mga ito na sawa na siya sa magagandang tanawin at
mas gusto niya ay ang tanawing may kaakibat na kuwento. Buong pagmamalaking
sinimulan ng kapitan ng bapor ang alamat tungkol sa “Malapad na Bato”.

Pagkatapos niyang maisaysay ito ay buong galang na ipinasa ang pagkukuwento kay
Padre Florentino na nagbahagi naman ng alamat tungkol sa kuweba ni Donya Geronima.
Nang masukol ni Simoun si Padre Salvi kaugnay ng nangyari kay Donya Geronima sa alamat
na itinago gaya ng pagtago kay Maria Clara ay nagkuwento na rin siya tungkol sa milagro ni
San Nicolas upang malihis ang usapan. Pagkatapos ng pagtatanungan tungkol sa mga
napakinggang alamat at habang papalapit ang bapor sa nakaeengkantong ganda ng lawa ng
Laguna ay humantong ang usapan sa pag-ungkat sa nangyari kay Crisostomo Ibarra sa lawa
labintatlong taon na ang nakalipas.

Kabanata 4: Si Kabesang Tales

Mabuti, mapayapa at tahimik ang anak ni Tata o Tandang Selo na si Telesforo Juan
de Dios. Tinawag din siyang Kabesang Tales, sapagkat siya ang naunang umunlad sa
kanilang lugar dahil sa kanyang kasipagan at kagandahang-asal. Siya ang nangolekta ng
taripa o buwis sa kanilang baranggay at kung hindi makabayad ang ilan ay kanyang
inaabonohan.

Nilinang at pinayabong niya ang dating madawag na bahagi ng kagubatan sa kanilang


lugar ngunit ang mga lupang ito ay inangkin ng mga prayle kahit wala silang kasulatang
magpapatunay na sa kanila nga ang nasabing lupa. Ngunit dahil sa kanyang pagiging
matimpi ay pumayag na lamang siyang buwisan sa prayle na halos taon-taon namang
tumataas kaya’t umabot sa hangganan ang kanyang pagtitimpi at natutong lumaban. Dahil
sa mapait at kawalang-katarungang napagdaanan ay natutong lumaban at inilagay sa
sariling mga kamay ang batas upang makapaghiganti.

Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Natagalan sa pag-uwi si Basilio sa tahanan ni Kapitan Tiyago sa San Diego dahil


nadakip ng guwardiya sibil ang kutsero ng kanyang sinakyang kalesa sa paglabag sa batas.
Hindi na lamang ininda ng kutsero ang sakit na naranasan sa kamay ng mga ito at bagkus
ay walang tigil na nagkuwento ng pag-asa tungkol sa isang haring magliligtas sa kaniya. Sa
ikalawang pagkakataong nahuli ang kutsero ay naglakad na lamang si Basilio pauwi sa
tahanang sisilungan. Iniwan niya ang kutsero sa malulupit na mga guwardiya sibil upang
hindi na muling maantala sa pag-uwi.

8
Kabanata 6: Si Basilio

Mauunawan sa kabanatang ito na, kapag ang tao ay nagsumikap, nagtiyaga kahit
noong bata pa sa kabila ng walang pamilyang makakapitan o kamag-anakan at
pinahalagahan niya ang kanyang pag-aaral ay talagang magtatagumpay!

Ulila, walang kapatid at may matinding takot sa mga may kapangyarihan, si Basilio ay
lumuwas pa Myanila at doon nakipagsapalaran. Nang siya ay makatanggap ng salapi mula
sa taong hindi kilala pagkatapos magkatulungan sa lupaing hindi niya alam kung sino ang
may-ari, siya’y nagpalaboy-laboy sa lansangan hanggang sa siya’y kinaawaan sa kahabag-
habag na anyo. Tinulungan siya ni Kapitan Tiyago, kinupkop, naging tagasilbi kapalit ng
kanyang pag-aaral.

Kabanata 7: Si Simoun

Makapangyarihan ang mayamang mag-aalahas na si Simoun. Kilala rin siya sa


taguring Indiong Ingles, Portuges, Kardinal Moreno at maitim na tagapayo ng Kapitan
Heneral. Dahil siya ay makapangyarihan, wala siyang kinatatakutan maging ang Kapitan
Heneral. Matalim siyang magsalita at laging naghahamon ng kakayahan sa mga
nakakausap. Bumalik siya ng Pilipinas pagkatapos ang labintatlong taon upang maghiganti
at maghasik ng himagsikan sa mapaniil at tiwaling pamahalaan.

Si Basilio ay dumalaw sa puntod ng kanyang ina, habang naghuhukay naman sa


kalapit na lugar si Simoun. Nang papauwi na si Basilio ay narinig ang ingay ng paghuhukay ni
Simoun sa madilim na kagubatan. Nang tanggalin ni Simoun ang itim na salamin ng mga
mata ay nakilala ni Basilio na ang nasa likod ng pagkatao ni Simoun ay walang iba kundi si
Juan Crisostomo Ibarra na tumulong sa kanya sa paglibing ng kanyang ina at sa bangkay ni
Elias, labintatlong taon na ang nakalilipas.

Upang hindi mabunyag ang kanyang pagbabalatkayo ay inisip na wakasan ang buhay
ni Basilio subalit nabatid niyang hindi siya mapapahamak o ipagkakanulo ng binata sa
makapangyarihan. Sa halip ay hinimok ni Simoun si Basilio na umanib at makiisa sa kanyang
adhikain at pakay sa pagbabalik, ngunit mariing tumanggi si Basilio sapagakat ang nais niya
ay makapagsimula at manirahan ng mapayapa at tahimik na buhay. Sinubukang muli ni
Simoun na imulat si Basilio sa totoong mga pangyayari at ang magiging kinabukasn ng
bayan kung silang mga kabataang may mahuhusay na kaisipan ay malilihis ng adhikain.
Patuloy na hinamon ni Simoun si Basilio na gisingin ang diwa tungkol sa kasawian ng
kanyang pamilya na nakapagpaalab ng kalooban ng nakababatang ginoo. Bukas pa rin ang
usapan at hiling ni Simoun kay Basilio at sinabihang makipagkita sa kanya sa pagbalik nito
sa Maynila at tuluyan silang naghiwalay.

9
Kabanata 8: Ang Masayang Pasko
Pasko na, maagang gumising si Juliana o Huli upang tupdin ang kasunduang siya ay
manilbihan kay Hermana Penchang. Nang gabing nakaraan, si Huli ay taimtim na nanalangin at
umasa ng milagro na mahango sa kinakaharap na suliranin pagkagising subalit ang tangi niyang
nakita ay ang sulat-kamay ng amang humihingi ng limandaang pisong pambayad sa mga tulisang
dumukot sa ama.
Samantala, hindi maipaliwanag ang kalungkutan ni Tata Selo sa pagpapaalipin ng apong si
Juliana. Pilit na pinagaan ng apo ang kalooban ng kanyang lolo kahit siya mismo ay sasabog ang
dibdib sa matinding kalungkutan. Inalala na lamang ni Huli ang mga pangako ni Basilio sa kaniya
kaugnay sa kanilang magiging buhay. Lumisan si Huli nang hindi man lamang nababati ng
“maligayang pasko’ ang kanyang lolo na sa palagay ng matanda ay sinadya ng dalaga para hindi
maipakita ang bigat ng loob na nararamdaman.
Sa paglisan ni Huli ay pilit na pinaglubag ni Tata Selo ang loob sa panonood sa bintana ng mga
dumaraang bihis na bihis para magsimba. Higit pang nagdamdam ang matanda dahil wala siyang
maibigay na aginaldo sa mga kamag-anak nang dalawin siya ng mga ito at nang magtangkang batiin
man lamang sila ay nahintakutan si Tandang Selo sapagkat naglaho ang kanyang tinig na ikinasindak
rin ng lahat na nasa kanyang tahanan.

Kabanata 9: Si/ Ang Pilato


Natalo sa kaso si Kabesang Tales kaugnay sa usaping karapatan sa lupang pagmamay-ari.
Napilitang magpaalipin ni Huli at napipi ang matandang Selo sa matinding kapighatian. Walang
maiturong may kasalanan sa matinding kasawiang naganap sa buhay ng mag-anak na de Dios.

Ang tenyenteng guardiya sibil at ang tagapangasiwa ng mga prayle ay naghugas kamay sa mga
kasawian ng buong mag-anak. Maging ang panginoon o amo ni Huli na si Hermana Penchang ay
hinusgahan silang pinatikim ng parusa ng diyos sa kanilang mga kasalanan na tila sinasabing:
“Nararapat lamang ang kasawiang sinapit sa inyong buhay!”

Kabanata 10: Ang Kayamanan at Karangyaan


Sadyang nakituloy ang mag-aalahas sa tahanan ni Kabesang Tales na ipinagtaka ng nakararami.
Doon siya magbebenta ng alahas dahil tiyak marami ang bibili ng kanyang alahas dahil nasa pagitan
ito ng Tiani at San Diego.
Sinilaw ni Simoun ang mga tao ng natatangi at ipinagmamalaki niyang mga hiyas at maging si
Kabesang Tales ay nakiusyuso. Marami nga ang bumili at ang iba ay nagbenta sa kanya ng mga
antigong alahas na hindi na nila ginagamit. Nahimok rin niya si Kabesang Tales kung may gusto itong
ipagbili kaya naungkat ang laket ni Maria Clara na nasa pangangalaga ni Huli na ibinigay dati ng
ketongin kay Basilio nang siya ay mapagaling nito.
Napagpasiyahan ni Kabesang Tales na ibenta ang laket dahil sa taas na presyong sinabi ni
Simoun ay matutubos nito ang anak ngunit kailangan muna nitong magpaalam sa anak.
Nang papunta na si Kabesang Tales sa anak ay tinuya siya ng prayle at ang mag-asawang
bagong magsasaka ng kanyang pinaghirapang lupain. Matinding galit ang naramdaman ni Kabesang
Tales kaya bumalik siya sa kanyang tahanan at kinuha ang rebolber ni Simoun nang walang
paalam kapalit ang laket o agnos ni Huli at nag-iwan ng liham na humihingi ng paumanhin
Kinabukasan, tatlong patay ang nabalitaan sa bayan.

10
Kabanata 11: Si/ Ang Pilato

Sa isang malaparaisong lugar sa Los Baños ay nagtipon-tipon ang Kapitan Heneral, si


Simoun, Don Custodio, Ben Zayb, mga prayle at iba pang kawani at opisyal ng pamahalaan. Pinag-
usapan nila ang mahahalagang bagay—paglipat at pagtatanggal sa mga posisyon ng mga
namumuno sa bayan; pagpapasa ng mga panukala; at iba pang usapin para sa bansa habang
naglalaro ng barahá. Ang pinakahuli nilang pinagtalunan ay ang kahilingan ng mga mag-aaral
tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila. Magkakaibang mga pananaw at paniniwala ang nagpalit-
palitan mula sa mga taong kabilang sa pulong. Sa kabanatang ito masasalamin ang paraan ng
pamumuno ng Kapitan Heneral at kung paano siya makitungo sa kanyang mga nasasakupan.

Kabanata 12: Si Placido Penitente

Palaisipan sa magulang at kababayan ni Placido Penitente ang kanyang pasyang huminto sa


pag-aaral. Hindi basta-bastang estudyante si Placido. Matalino at bantog siya sa paaralan ni Padre
Valerio. Wala siyang bisyo at kasintahan na maaaring magyaya sa kanyang magpakasal.
Isa sa mga kaklase niya ay si Juanito Pelaez na madalas sumubok sa kanyang pasensiya bilang
mag-aaral. Si Placido ang tanungan niya tungkol sa leksiyong pinag-aralan sa klase. Sa akda ay
mababasa ang ilang mga tagpo sa kanilang paaralan at gayundin ang iba’t iban uri ng mag-aaral dito.

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika

Isang propesor sa Kimika at Pisika si Padre Millón. Ito ay isang araling nangangailangan ng
praktikal na pagtuturo at mga pagsasanay sa kaalaman para sa pagsubok sa panlaboratoryo. Hindi
karaniwang silid-aralan ng Kemika at Pisika ang makikita sa kanyang silid-aralan. Wala itong larawan
o anumang kagamitang pang-agham o iba pang gamit-pampagtuturong kakailanganin ng mga mag-
aaral upang higit na matuto at mapakinabangan nila ang aralin. Hindi naman hinanap ng mga mag-
aaral ang mga kagamitang ito dahil tinanggap lamang nila ang anumang paraan ng guro sa
pagtuturo. Makikilala rito ang iba’t ibang uri ng mag-aaral sa pagharap nila sa kakaibang sistema ng
edukasyon na ipinakilala ni Padre Millon.

Kabanata 14: Ang Tirahan ng Mag-aaral

Nagsama-sama ang makabagong mag-aaral sa tahanan ni Makaraig . Dito sila nagpahayag


ng kani-kanilang damdamin sa kalalabasan ng kanilang kahilingan sa pag-aaral ng wikang Kastila.
Mauunawaang magkakaiba ang pananaw ng mga kabataan sa pagbubukas ng akademya kung kaya
nag-isip sila ng iba’t ibang paraan kung paano nila mapahihinuhod ang mga nasa katungkulan na
pagbigyan ang kanilang kahilingan. Matututuhan din dito ang buhay ng mga estudyante noon at kung
paano ang mabuhay sa panahong iyon. Mabubuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa
pamamahala ng mga prayle sa paaralan.

11
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Isang bantog na manananggol si Ginoong Pasta. Siya ang sinasangguni ng matataas na tao
tungkol sa mahahalagang pasiya kaya lumapit si Isagani sa kanya upang magpatulong kung paano
makukumbinsi ang mga nasa katungkulan na pagbigyan ang kanilang kahilingan.
Naging seryoso ang naging pag-uusap nina Isagani at Ginoong Pasta. Sinikap ng binata na
maipaliwanag nang maayos sa abogado ang kanyang pakay sa pag-asang sasang-ayon ito sa
kanilang plano.
Ngunit nabigo si Isagani. Pinili ni Ginoong Pasta na manahimik at ipaunawa sa binata na ang
pamahalaan ang higit na nakaaalam kung ano ang makabubuti sa mga mamamayang nasasakupan
nito. Ang mga pananaw na ito ay labis na nakapagdulot ng panlulumo sa binata at sila’y naghiwalay
na kapwa naninimdim.

Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik

Nagdaos ng isang handaan si Quiroga, isang Intsik na mangangalakal. Dinaluhan ng mga


kilalang tao tulad ng mga prayle, mayayaman, may mga katungkulan sa lipunan, kapwa negosyante
at maging ng mga tagatangkilik ng kanilang negosyo ang handang ito. Dumalo rin si Simoun na lubos
na hinahangaan ni Quiroga.
Mataas ang pagpapahalaga ni Quiroga kay Simoun hindi lamang dahil sa lubha itong
mayaman kundi dahil sa pagiging malapit nito sa Kapitan Heneral. Nagkaroon ng pagkakataong
makapag-usap ng sarilinan ang dalawa at natalakay ang mga dahilan ng pagkalugi ni Quiroga sa
negosyo. Nag-alok si Simoun ng tulong kay Quiroga na siya na ang magpapahiram ng pera sa mga
opisyal at maniningil sa mga taong may pagkakautang sa kanya. Nakumbinsi rin ni Simoun ang Intsik
na tulungan siyang maipuslit sa daungan ang ilang kahong puno ng armas na dumating nang gabing
iyon. Takot man si Quiroga ay napahinuhod pa rin ito dahil sa paniniwalang kikita siya mula rito gaya
ng ipinangako sa kanya ni Simoun.

Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo

Nailarawang mabuti rito ang perya sa Maynila—masaya dahil sa tugtugan at awitan; maraming
makukulay at magagandang bagay na paninda; at naggagandahang mga babae. Naglabasan din ang
mga kabinataan at karamihan ng taumbayan upang maglibang. Higit pang nakikilala rito ang mga
katangian ng mga prayle kapag nakakikita ng magagandang binibini lalo na nang masilayan nila si
Paulita Gomez.

Kabanata 18: Ang Kadayaan

Husay ng isip, bilis ng kamay at galling ng kagamitan ang nakapagpamangha sa mga tao sa
palabas ni Ginoong Leeds. Isa sa lubhang naapektuhan ay si Padre Salvi na napatunayan ang
kanyang kaugnayan sa kasawian ng buhay ni Ibarra. Mahusay na naitago ni G. Leeds ang lihim ng
kanyang kadayaan at matagumpay namang nasaling si Padre Salvi sa pagkakagusto niya kay Maria
Clara.

12
Kabanata 19: Ang Mitsa

Labis na nasaktan si Placido sa panlilibak na ginawa ng kanyang gurong prayle kaya naisipan
niyang huminto sa pag-aaral at balikan ang prayle. Dumating ang kanyang ina na si Kabesang
Andang at agad nitong naramdaman ang problema ng anak. Kinausap ng ina ang anak at hinimok na
humingi na lamang ng paumanhin sa mga prayle upang matupad ang pangarap nito.
Naisip ni Placidong pumunta na lamang sa Hongkong sa tulong ni Simoun upang matakasan
ang mapait na sinapit sa kanyang guro ngunit sinagot siya ng mag-aalahas ng pagpapakita sa balak
nitong paghihimagsik.

Kabanata 20: Ang Nagpapasiya

Mula sa isang karaniwang kawani, naiangat ni Don Custodio ang sarili upang siya ay
pagkatiwalaan sa mahahalagang posisyon sa pamahalaan. Sa huli, siya ang nahirang na opisyal na
tagapayo ng Kapitan Heneral kaya ang magpapasiya sa hinihiling ng mga kabataan sa pagbubukas
ng akademya sa pag-aaral ng wikang Kastila ay nasa kanyang mga kamay. Tatambad dito ang
katotohanan sa pagkatao ni Don Custodio at sa paraan ng kanyang pagpapasiya kaugnay sa
pagpasa o pagbasura ng mga panukalang batas na siyempre ang isinasaalang-alang niyang hindi
manganganib ang kanyang posisyon.

Kabanata 21: Mga Ayos ng Maynila

Nailarawan dito ang iba’t ibang kaugalian ng mga taong manonood sa teatro sa isang
kontrobersyal na palabas mula sa Pransya. Halos lahat ay nais makapanood nito. Ipinagbawal ito ng
mga prayle ngunit ang ilan sa kanila mismo ay naghahangad na masaksihan ang palabas. Bantog
raw ang grupo ng operetang Pranses dahil bukod sa ginintuan nilang tinig at magagandang hubog ng
katawan ay malalambing pa sila. Dahil sa abala at sabik ang mayayaman at kilalang tao sa lipunang
nanonood ay hindi nila alintana ang mga misteryosong taong naghahanda sa nalalapit na rebolusyon.
Tanging si Camaroncocido ang nakapuna sa mga ito at nakarinig sa lihim na plano subalit siya ay
nagkibit-balikat lamang. Ipinagwalang-bahala niya ang napipintong panganib sa bayan.

Kabanata 22: Ang Palabas

Nagsama-sama mula sa iba’t ibang antas ng lipunan ang mga mamamayan sa isang palabas.
Muling nailarawan dito ang kaugalian ng mga manonood sa teatro. Maging ang prayle na hindi
inaasahan sa ganitong palabas ay aktibong nakiugnay sa palabas. Si Isagani na isa sa mga
manonood ay tahimik na nagtitimpi ng kanyang galit at paninibugho nang makita si Paulita at Juanito
na magkasama. Samantala, si Donya Victorina ay nagsimula nang magkagusto kay Juanito at iniisip
na maging kapalit ng kanyang asawa kung sakaling mamatay ito. Sa kabilang dako, nadismaya
naman ang mga mag-aaral dahil sa kabiguang mapapayag ni Pepay si Don Custodiong maipasa ang
isinusulong nilang panukala.

13
Kabanata 23: Isang Bangkay

Hindi dumalo sina Simoun at Basilio sa dulaan dahil mas naging abala sila sa kani-kanilang
gawain. Nang gabing iyon, nag-alala si Basilio sa nag-ampon sa kanyang si Kapitan Tiyago kaya
inalagaan niya itong mabuti. Pagkatapos asikasuhin ang maysakit, itinuon niyang mabuti sa pag-aaral
ang isip kaya nagulantang siya nang makita si Simoun sa kanyang silid. Muling hinimok ni Simoun
ang binata na sumanib sa himagsikan upang hindi siya mapahamak kapag sila ay nagtagumpay
subalit nang matanong kung ano ang tiyak niyang partisipasyon sa gagawin ay si Simoun ang
nanlumo sa hatid nitong balita na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na si Maria Clara.

Kabanata 24: Mga Pangarap

Narinig ni Isagani ang iba’t ibang balitang nangyari raw kay Simoun at nag-isip na dahil
mayaman ang mag-aalahas ay nag-alala ang lahat para sa kanya kaysa sa mga sundalong
nasugatan sa labanan sa Carolinas. Isa ito sa mga dumapo sa kanyang isip habang hinihintay ang
katipan na nakipagkasundong makipagkita upang mapag-usapan ang nangyari sa kanila nang
nakaraang palabas. Matulain at malikhaing inihayag ni Isagani sa iniibig ang kanyang pagmamahal
sa bayan at pangarap niya rito at sa kanyang kasintahang makapiling sa kanyang paraíso—sa
kabundukan. Bumuo ng mga pangarap si isagani sa kabanatang ito. Makatulong at makasama kaya
niya ang kanyang katipan sa pag-aabot ng mga pangarap na ito?

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Iba-iba ang naging balita kay Simoun nang hindi na ito laging nakikita ng mga mamamayan.
Pinag-usapan ito ng mga mag-aaral na nabigong makamit ang kahilingang paaralan sa wikang
Kastila. Sa pansiterya nila ibinuhos ang sama ng loob subalit may mga kahina-hinalang mga taong
nakikinig sa kanilang pambabatikos laban sa mga opisyal; kawani ng pamahalaan; at sa mga prayle.

Kabanata 26: Mga Paskin/ Paskil

Nakadetalye na ang gagawin ni Basilio. Bibisitahin niya ang kanyang mga pasyente; aalamin
sa unibersidad ang kanyang pagtatapos; at manghihiram ng salaping kailangan niya mula kay
Macaraig. Subsob sa sariling alalahanin kaya hindi niya pansin ang tensiyon ng mga mag-aaral at
kakaibang nangyayari sa kanyang paligid.
Nakita niyang takot ang mga estudyante; umiwas ang ibang matanong; pinapangako siyang
maging saksi ng isang duwag at sabihing wala itong kinalaman sa pakana; at pinag-ingat siya ng
kaibigang propesor. Nang makita ni Basilio ang kaibigang si Isagani ay nagtaka siya. Namumutla ito
bagamat naringgan niyang lalahok at sasapi kung kapareho raw ng kanilang layunin ang utak ng mga
paskin.
Lubusang nagkalinaw kay Basilio ang lahat nang makarating sa tahanan ni Macaraig at nang
maipaliwanag ito sa kanya habang papunta sa pamahalaang sibil nang madawit siya sa pagkakahuli
kay Macaraig na kanya sanang uutangan.

14
Kabanata 27: Ang Prayle at Ang PIlipino
Malaki ang paggalang nina Padre Fernandez at Isagani sa isa’t isa subalit dumating ang
napakahigpit na pangyayaring kailangan nilang harapin at pag-usapan ang suliranin ng mga mag-
aaral at kanilang korporasyon. Kinatawan ni Padre Fernandez ang mga prayle sa bansa at Isagani,
ang mga mag-aaral na Pilipino. Nagtalo sila nang pangkalahatan. Mahusay na nailahad ng mag-aaral
ang katayuan ng mga Pilipino sa kamay ng mga prayle subalit pinasinungalingan ito ng mga prayle.
Idiniin ng bawat isa ang kanilang panig at kapwa nagpasiyang tapusin ang tungggalian ng kaisipan
upang manumbalik sa kani-kanilang layunin at tungkulin.

Kabanata 28: Pagkatakot


Pagkatakot ang naging bunga sa lahat sa balitang mapaghimagsik ang mensahe ng paskin
lalo na nang kumalat na may unawaan ang mga mag-aaral at ang mga tulisan sa kabundukan.
Dinoble ang pag-iingat ng karamihan ng mga may negosyo; may katungkulan; ng mga
makapangyarihan; at maging ng katas-taasan. Sa ganitong kaguluhan si Simoun ay hindi masilayan.
Ayaw niyang magpagambala kaninuman.
Masama naman ang nangyari kay kapitan Tiyago dahil sa nakapangingilabot na balitang hatid
ni Padre Irene na tila sinasadya niyang gawin. Nakausap naman nina Placido at ng taong dalubhasa
sa paggawa ng pulbura ng paputok ang mga tao sa kanilang lugar at kanilang pinagwikaan sila na
magsipaghanda sakaling maganap ang inaasahang himagsikan.

Kabanata 29: Ang Huling Salita Tungkol Kay Kapitan Tiyago

Nang sumakabilang buhay si Kapitan Tiyago ay maraming naging usap-usapan tungkol sa


kanya—ang gagawing pamisa sa kanya, paboritong pagkain, bisyo, at hanggang kung ano ang
isusuot o idadamit sa kanya. Dahil si Padre Irene ang tagapangasiwa at tagapagtupad ng huling
habilin ng mayamang si Kapitan Tiyago, hindi nasunod ang mga suhestiyon ng iba kung ano ang
ipasusuot sa namatay. Sia ang nagpasiyang ang lumang kasuotan ang ibihis sa labi ng mayamang
nakahimlay na nagtiwala sa kanyang pangangasiwa. Hindi raw mahalaga ang kasuotan pag-akyat sa
langit. Hindi nasunod lahat ng huling habilin ng kapitan lalo na ang para sa nag-aruga sa kanyang si
Basilio. Nasaksihan ang pinakamaringal na libing sa kasaysayan ng lungsod kaya maging ang
kanyang karibal ay nagnais na ring mamatay. Kinabukasan upang magkaroon din ng ganoong
karangyang libing.

Kabanata 30: Si H/Juli

Napakasaklap na balita ang dumating kay Huli patungkol sa pagkakakulong kay Basilio. IIsa
lamang ang inisip ng lahat na maaaring maging padrino at makatutulong kay Basilio ang kura
parokong si Padre Camorra. Noong una’y hindi maatim ni Huli na lumapit dito dahil alam niya ang
hangad nito sa dalaga. Ayaw niyang masira ang kanyang puri subalit sa balitang si Basilio na lamang
ang naiwan sa kulungan at ayon sa usap-usapan ay maaari pa itong mapatay o madala sa Carolinas
ay wala nang magawa ang dalaga. Sinamahan siya ni Hermana Bali sa kumbento at nang hapong
iyon, isang nakapanghihilakbot na balita ang kumalat sa buong bayan pagkatapos ng pagbisitang
iyon.

15
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

Mataas ang pagpapahalaga ng Mataas na Kawani sa mga Pilipino. Siya ang nagtanggol kay
Basilio at nais niyang tulungan itong ilabas ng kulungan subalit higit na nadidiin si Basilio dahil
tahasang sinasalungat ng Kapitan Heneral ang Mataas na Kawani. Si Basilio na lamang ang naiwan
sa piitan o kulungan dahil walang padrino. Ipinaalalng mabuti ng Mataas na Kawani sa Kapitan
Heneral ang wastong pamamahalang dapat taglayin na kanilang sinumpaan sa pamahalaang
Español. Ikinagalit lalo ng Kapitan Heneral ang ginawang ito ng Mataas na Kawani na humantong sa
pagpapabalik sa kanya sa España subalit handa ang kawani sa anumang kahihinatnan ng kanyang
ginawa at ito ay nagretiro.

Kabanata 32: Ang Ibinunga ng Paskin/l

Naiba ang takbo ng buhay ng mga tao sa siyudad lalong-lalo na ang buhay ng mga mag-aaral
na sangkot sa kaguluhang kaugnay ng mga paskin—ang iba ay pinahinto at pinagsaka na lamang ng
mga magulang; ang hindi nakapasa sa pagsusulit ay nagplanong magtrabaho na lamang; may
nawalan ng kasintahan at iba pa.
Nagkaroon ng walang saysay na pagpatay sa mga Indio na hindi na nabigyan ng
imbestigasyon at katarungan. Ang mamamahayag na si Ben Zayb ay malaya pa rin sa paksang
inilathala na pabor pa rin sa mga Español.

Kabanata 33: Ang Huling Matuwid

Matapos matulungan si Basilio ni Simoun na makalaya sa piitan ay agad nagtungo sa tahanan


ng huli ang binata. Kakaibang Basilio ang nabasa ni Simoun sa kanya. Sa labi mismo nito nanggaling
ang buong pusong pagsuporta at paghahangad na ipaghiganti ni Simoun ang kaapihang kanyang
sinapit. Lubhang nagalak ang mag-aalahas sapagkat natagpuan niya ang isa pang taong
makatutulong sa kanyang minimithi . Ipinaliwanag na mabuti ni Simoun kay Basilio ang magyayaring
pagsabog sa mina ng mga pulbura na siyang magiging hudyat ng isang madugong rebolusyon na
papawi sa lahat ng masasama sa kasalan.

Kabanata 34: Ang Kasal

Sa dating tahanan ni Kapitan Tiyago idaraos ang kasalan nina Juanito at Paulita. Nabili ito ni
Don Timoteo sa murang halaga lamang kay Padre Irene. Ginastusang mabuti ng ama ang kasal ng
anak mula sa perang inutang niya kay Simoun.
Inabangan ng lahat ang piging. Hindi ipinaalam ni Simoun kay Basilio ang tungkol rito at ang
tanging bilin ng mag-aalahas ay umiwas siya sa kalye Anloague kung saan idaraos ang piging. Nang
makita ni Basilio ang bagong kasal ay nahabag siya para sa kaibigang si Isagani na una niyang
hinanap bago magtungo kay Simoun.

16
Kabanata 35: Ang Piging

Nagdatingan ang mga panauhin mula sa mababa hanggang sa may pinakamataas na


katayuan sa buhay at tungkulin. Hindi malaman ni Don Timoteo ang gagawing pag-eestima sa mga
panauhin lalo na sa Kapitan Heneral.
Samantala dahil likas ang kabutihang loob ni Basilio, nahirapan siyang pigilan ang sarili. Ilang
ulit niyang sinubukan at binigyang-babala ang mga panauhing inosente na madadamay sa pagsabog
subalit hindi niya ito ginawa nang makita ang mga sanhi ng kanyang kabiguan at kapighatian. Nang
marinig niya si Simoun na galit na nag-uutos sa kutsero na tila sa kanya ipinararating na
magmadaling lumisan sa kinaroronan. Sa pagkakataong ito ay lilisanin na sana niya ang lugar nang
makita sa di kalayuan ang kaibigang si Isagani na tulalang nakatingin at nagmamasid sa
nangyayaring piging. Pinigilan niya ito at sinabihang huwag magtungo roon subalit tumangging
sumunod kaya napilitan si Basiliong ilantad kay Isagani ang magaganap na pagsabog sa lihim ng
regalong gintong lampara.
Hindi kakayanin ni Isagani kung may mangyayaring masama sa iniibig na si Paulita kaya
ginawa niya ang pagliligtas sa dalaga. Inagaw ang lampara sa pareng magtataas na sana sa mitsa at
itinapon sa ilog kasabay ng kanyang paglusong.

Kabanata 36: Ang Kagipitan ni BenZayb

Humangos na umuwi si Ben Zayb sa kanyang tinutuluyan kahit hindi pa man natatapos ang
pagdaraos upang isulat ang natatangi niyang lathalain na pumupuri sa katapangan ng Kapitan
Heneral at ng mga prayle sa nabigong “nakawan.” Hindi siya natulog hangga’t hindi ito natatapos
subalit pinabago kaagad-agad ito ng patnugot pagkatapos niyang maipasa. Ayaw ipabanggit ng
Kapitan Heneral ang nangyari sa piging. Mahirap at masakit para kay Ben Zayb na ginawa ang lahat
upang maging “mahusay” at “tapat” na tagapamahayag ngunit siya ay napahinuhod rin. Lumabas sa
imbestigasyon na si Simoun ang may utak ng nabigong pakana.

Kabanata 37: Ang Hiwaga

Nakikinig lamang si isagani sa mga alingasngas o usap-usapan tungkol sa nangyari sa piging


Isang saksi ang nagpatunay sa balita at sinabihang ipinid o isara ang bibig ng mga naroroon subalit
naibunyag rin niya sa usapan nila. May mga nagalit kay Simoun at sinabihan ng masasakit na salita.
Ang iba naman ay nagpahayag ng panghihinayang na “ninakaw” ang lampara, dapat daw ay ubos na
ang masasamang Español. Hindi na nakatiis si Isaganing ipaliwanag ang panig ng “magnanakaw” at
nagsabing kung alam daw sana nito ang layunin ng may pakana ay baka raw hindi nito ninakaw ang
lampara.

Kabanata 38: Ang Kasawian

Tila lawin sa talas ang mga mata ni Kabesang Tales kaya Matanglawin ang naging bansag sa
kanya. Naging mabangis ang dating mapayapang tao. Wala siyang sinasanto sa mga ayaw sumapi
sa kilusan at sa mga ayaw magbigay ng kanilang kailangan. Naging kilabot siya ng Luzon. Kapag
hindi mahuli-huli ng mga guwardiya sibil sina Matanglawin at ang kanyang pangkat, ang mga
magsasakang nais mabuhay sa napakahirap na panahong iyon ang kanilang hinuli, binihag at
pinasakitan . Lahat ay takot kay Matanglawin at sa kanyang pangkat. Isang napakasakit na tagpo ang

17
dudurog sa puso ng mga nakasaksi kung paano nakita ng kanyang amang si Tandang Selo bajo ng
bawian ng buhay ang kadugong tatapos sa kanya sa kalagayang pareho silang mga biktima. Hindi
sinasadyang nabaril ng anak na si Tano ang nuno nito.

Kabanata 39: Ang Katapusan

Bigo si Simoun na maisakatuparan ang kanyang paghihiganti. Sa mapagkalingang kamay ni


Padre Florentino siya nagkanlong at humingi ng sagot sa kanyang pag-aalinlangan. Ipinabatid ng
butihing paring Pilipino na hinayaan siyang mabigo ng Maykapal kahit mabuti ang kanyang layunin
dahil ang kanyang pamamaraan ay buktot at hindi naaayon sa pamamaraan ng Diyos. Iba ang
pamamaraan ng tao sa Tagapaglikha. Hindi napangangatuwiranan ng mabuting layunin ang
masamang pamamaraan.
Pagkatapos malagutan ng hininga ni Simoun sa pag-inom ng lason ay dinala ni Padre
Florentino ang maleta na naglalaman ng kayamanan ni Simoun at itinapon sa dagat Pasipiko at
sinambit ang pahayag na “ Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat , na kasama ng
mga korales at mga perlas sa walang katapusang dagat. Kung sa isang banal at dakilang layunin ay
kakailanganin ka ng tao, matututuhan kang kunin ng Diyos sa sinapupunan ng mga alon. Samantala,
diyan ay hindi ka na maghahasik ng kasamaan, hindi mo ililiko ang katwiran, at hindi ka mag-uudyok
ng kasakiman.”

TANDAAN

Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod -sunod ng mga pangyayari sa isang


kuwento. May tiyak na mga bahaqgi ang isang tipikal na banghay ng isang kuwento, gaya
ng panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas. Ano nga ba ang
inaasahang makita sa bawat bahaging ito?

Panimula/ Simula- Ang paglalahad o paglalarawan/ pagpapakilala ng/ mga tauhan na


masasangkot sa kuwento/ mga pangyayari at sa tagpuang ginamit. May mga pagkakataon
din na kahit sa bahaging ito ay ipinapakita na rin ang suliranin.

Saglit na Kasiglahan/ Papataas na Aksyon- Sa bahaging ito ipinapakita ang SULIRANIN


na nagpapadaloy o nagbibigay interes sa istorya. Isinasaad sa bahaging ito ang nagiging
reaksyon o hakbang ng/ mga tauhan (pangunahin) sa ipinapakitang suliranin.

Kasukdulan- Itinuturing na pinakamasidhi o pinakamaigting na bahagi ng kuwento na labis


na kinapananabikan ng mga mambabasa. Mailalarawang natatali ang mga mambabasa na
basahing maigi o ipagpatuloy ang pagbabasa dahil sa mga kapana-panabik na mga
pangyayari. May mga pagkakataon na ang bahaging ito ang nagiging wakas na rin ng
kuwento.

Kakalasan- Sa bahaging ito, binibigyan ng kasagutan ang suliranin. Masasagot ang lahat ng
mga katanungan ng mambabasa kaugnay sa kinahinatnan ng problema. Madalas itong
makita sa kumbensyonal na kuwento na maaaring nasolusyunan o naging bigo ang
pangunahing tauhan sa pagharap ng kanyang suliranin.

18
Wakas/ Katapusan- Dito makikita kung magiging masaya ba o malungkot ang huling
bahagi ng kuwento o nagbubukas ng bagong ideya para sa susunod na mga pangyayari
kung ito ay madudugtungan sa isipan ng mga mambabasa.

Sa nobelang El Filibusterismo, kung saan binubuo ito ng tatlumpo’t siyam na kabanata,


anong mga kabanata kaya ang masasabing nagpapalutang sa tiyak na mga bahagi ng
banghay? Sa pamamagitan ng pagbusisi ng mga pangyayari o pagbuo sa banghay ay
nakagagawa ka rin ng buod.

Handa ka na bang tukuyin ang mga kabanatang bubuo sa banghay ng El Filibusterismo?

GAWAIN 3: Mahalagang Kaisipan sa Kabanata, Tukuyin!


Matapos mong basahin at unawain ang bawat buod ng kabanata, hanapin
ang tiyak na mahalagang kaisipan na ipinapakita nito. Sundin ang format at isulat
ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Para sa Kabanata 1-10 Paglalantad ng Katotohanan

Paglalarawan sa kalagayan at posisyon ng Kab. 6


Kab. 1 mga makapangyarihan
Kab. 2 Paglalarawan sa kalagayan ng aba at Kab. 7
nakapagitan sa kanila ng mayayaman
Kab. 3 Inilalarawan ang isang lugar bago nasakop Kab. 8
at naimpluwensyahan

Kab. 4 Kab. 9
Kab. 5 Kab. 10

Para sa Kabanata 11-18 Pagkamulat ng Isipan at Paglulunsad ng Pagbabago

Kab. 15
Kab. 11

Kab. 12 Kab. 16

Kab. 13 Kab. 17

Kab. 14 Kab. 18

19
Para sa Kabanata 19-25 Ang Mapapait na Katotohanan

Kab. 19
Kab. 20
Kab. 21
Kab. 22
Kab. 23
Kab. 24
Kab. 25

Para sa Kabanata 26-32 Ang Mga Pagtutuos Tungo sa


Pagkakamit ng Pagbabago

Kab. 26 Kab. 30
Kab. 27 Kab. 31
Kab. 28 Kab. 32
Kab. 29 Kab. 39

20
Para sa Kabanata 33-39 Ang Kinahinatnan ng mga Pagpapakasakit

Kab. 33 Kab. 37

Kab. 34 Kab. 38

Kab. 35 Kab. 39

Kab. 36

Lutang na lutang rin ang pagkamapili ni Rizal sa mga ginamit na mga salita o pahayag. Ang
paggamit ng matatalinghagang salita o pahayag ay lalo raw na nagpapakita ng
pagkamalikhain at pagka-orihinal ng panitkang ito. Ang di lantarang pagbabahagi sa
mahalagang kaisipan ay gumigising lalo sa kuryusidad ng mambabasa para unawain ang
nais niyang iparating. Nababalot ng matatalinghagang salita o pahayag ang bawat kabanata
gaya ng sumusunod:

Kabanata 6-Si Basilio


“Nagsunog ng kilay si Basilio upang makakuha ng matataas na marka sa kanyang pag-
aaral.”
Kahulugan: nagsipag sa pag-aaral

Kabanata 7- Si Simoun
“Ang duwag ay magbubunga lamang ng alipin.”
Kahulugan: pagsilang ng karahasan sa pag-iral ng karuwagan

Kabanata 10- Si Kayamanan at Karalitaan


“Tila naging isang tinik sa lalamunan ng mga prayle si Kabesang Tales nang siya’y
maghimagsik”
Kahulugan: naging sagabal o problema

Kabanat 19- Ang Mitsa


“Iniligtas ko siya mula sa pagkakapatapon na walang ginawa kundi ang magpungos ng mga
niyog.”
Kahulugan: putulin o pigilin ang pag-unlad o pagyabong ng isipan/ kakayahan

21
Kabanata 22- Ang Palabas
“Parang nakalutang sa ulap si Padre Salvi sa tuwing makikita o maalala si María Clara.”
Kahulugan: nasa matinding kaligayahan

Kabanata 25- Tawanan at Iyakan


“Kung ang busog na tiyan ay pumupuri sa Diyos, ang gutom na tiyan ay pumupuri sa mga
prayle.”
Kahulugan: paglapit o paghingi ng tulong sa kung sino ang may kapangyarihan o kakayahan

Kabanata 33 -Ang huling Matuwid


“Kailangang alugin o basagin ang sisidlan upang humalimuyak ang bango.”
Kahulugan: kailangang engganyuhin o sanayin upang lumabas o maipakita ang
kakayahan o katangian

Kabanata 34-Ang Kasal


“Pinangarap ni Isaganing makaisang dibdib si Paulita.”
Kahulugan: mapakasalan

Kabanata 39- Ang Katapusan


“Walang lihim na hindi nabubunyag.”
Kahulugan: pagsiwalat sa katotohanan
“Isang malaanghel na kamay ang kumalinga sa sugatang si Simoun.”
Kahulugan: mabuting tao

ISAGAWA

GAWAIN 4: Matalinghagang Pahayag, Ipaliwanag


Pagtuonan mo ng pansin ang mga piling matalinghagang pahayag ng mga
tauhan at ipaliwanag ang nais nitong ipakahulugan. Gamitin ang matalinghagang
pahayag sa sariling halimbawang pangungusap. Kopyahin ang format at ilagay ang
iyong sagot sa hiwalay na papel .

Mga Piling Pahayag Pagpapaliwanag Halimbawang


Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

22
GAWAIN 5: Show Time, Iugnay!
Pumili ng mga pangyayaring iyong napanood sa youtube na maiuugnay mo
sa panahon ng pagkakasulat ng nobelang El Filibusterismo. Ibigay ang link ng video
at ipaliwanag ang pagkakaugnayan ng mga ito.

Link: ____________
Pagpapaliwanag; ________________
_______________________________
_________________________ .

ISAISIP

Mahalagang matutuhan mo ang paglimi ng mga mahahalagang mga


pangyayari para mailahad nang maayos ang mahalagang kaisipan o ideya na
nakapaloob sa iyong binabasa. Nagagawa mong maisaaayos ang iyong ideya
sa pagsasagawa ng buod. Sa paggawa ng buod ng isang nobela, mainam na
mapagtuonan at masuri mo ang banghay ng akda na isinasaalang-alang ang
bahaging simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas ng
pangyayari. Sa gagawing pagsusuri sa buod, maganda ring maipakita mo ang
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian sa bawat kabanata at
katangian ng mga tauhan.

PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG GAWAIN

Ang obrang ito ni Rizal ay naging daan upang pukawin ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino magpahanggang ngayon sa kasalukuyan. Maraming
mga mahahalagang pangyayaring pampulitika na lantaran niyang ipinakita. Bilang
isa kang mag-aaral paano mo ito ibabahagi sa iyong kakilala?
Binibigyan ka ngayon ng pagkakataon upang mailahad mo ang
mahahalagang pangyayaring ito sa pamamagitan ng paggawa ng buod. Bigyang
pansin mo ang kabanata 7-Si Simoun, Kabanata 19- Ang Mitsa, Kabanata 34- Ang
Kasal, Kabanata 35- Ang Piging at Kabanata 39-Ang Kataposan.
Bumuo ka ng buod ng nobela at isaalang-alang mo ang pamantayan.
23
Pamantayan:

Ang kwentong nabuo ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan:


• Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - 15 puntos
• Wasto ang pag-uugnay ng mga pangungusap at talata - 15 puntos
• May tamang baybay o ispeling - 10 puntos
• May tamang gamit ng mga bantas - 10 puntos

Kabuuan - 50 puntos

24
TAYAHIN

Para sa bilang 1-5 ibigay ang ibig ipakahulugan ng mga matalinghagang pahayag. Hanapin
ang sagot sa loob ng kahon.
A. problema o balakid C. maging kabiyak E. pagsilang ng karahasan
B. susugan para mailabas ang D. mabait o mabuti F. lubos na nagagalak
taglay na kakayahan

1. “Isang malaanghel na kamay ang kumalinga sa sugatang si Simoun.”


2. “Tila naging isang tinik sa lalamunan ng mga prayle si Kabesang Tales nang siya’y
maghimagsik.”
3. “Pinangarap ni Isaganing makaisang dibdib si Paulita.”
4. “Ang duwag ay magbubunga lamang ng alipin.”
5. “Parang nakalutang sa ulap si Padre Salvi sa tuwing makikita o maalala si María Clara.”
6. “Kailangang alugin o basagin ang sisidlan upang humalimuyak ang bango.”

Para sa bilang 7-9. Basahin ang buod ng Kabanata 1-2.

Umaga ng Disyembre, ang Bapor Tabo ay binabaybay ang ilog Pasig kung saan sa itaas
na kubyerta ay nag-uusap sina Don Custodio, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina,
Kapitan Heneral at si Simoun kaugnay sa pagpapalawak ng ilog upang makadaan nang
maayos ang bapor. Pawang napapabilang sa mayamang antas o makapangyarihan ang
nakaaapak sa bahaging ito ng bapor.

Samantala sa ibabang kubyerta ay masasaksihan ang mainit, masikip at abang


kalagayan ng mga Indio at Intsik. Makikita ang karaniwang eksena kapag bakasyon ng mga
mag-aaral. May mga tahimik at magugulong estudyante kapag nagsasama-sama. Mamamalas
rin ang masisipag, pagod, at puyat na mga abang mangangalakal. Ang iba namang mga
pasahero ay nanonood ng tanawin sa ilog, nagbabaraha at may iilang mga tulog. Sa kabilang
dako, hindi naman alintana ng magkaibigang Basilio at Isagani ang paligid dahil taimtim silang
nakikipag-usap sa mayamang si Kapitan Basilio na taga-San Diego. Isinusulong ng
magkaibigan at ng iba pang mag-aaral ang pagtatatag ng akademya para sa pagtuturo ng
wikang Kastila. Ayon sa kapitan, wala raw mararating ang kanilang panukala. Marami rin daw
ang hindi nanininiwalang maitatayo ito at maging ang makapangyarihang mag-aalahas na si
Simoun ay sumasalungat sa hangarin nilang ito.

Subalit matatag at pursigido si Isagani dahil alam niyang mabuti ang layunin ng mga
kabataan at nakahanda na rin ang lahat na kakailanganin sa pagpapatayo, pahintulot na
lamang ang kulang.

7. Aling makatotohanang pangyayari ang ipinapakita ng mga kabanata?


A. Lantarang agwat ng mahihirap at mayayaman
B. Kawalan ng boses ng mga kabataan sa usaping pulitikal
C. Paghihiwalay ng mga negosyante at mga indiyo
D. Pagkakapantay-pantay ng mga hamak at nakaaangat sa buhay

25
8. Sa mga nabanggit na tauhan, sino ang maituturing na may maalab na puso
para sa pagpapatayo ng akademya?
A. Kapitan Basilio C. Padre Irene
B. Isagani D. Simoun
9. Ano ang tinuran ni Kapitan Basilio kaugnay sa hangarin ng mga kabataan sa
akademya?
A. Ikinababahala niya ang hangarin ng mga kabataan.
B. Maipapatayo ang akademya nang may kalugdan
C. Walang mararating ang hangarin ng mga kabataan.
D. Yumuyuko ang mga kabataan sa Espanya sa kanilang hangarin.
10. Ayusin ang mga pangungusap upang maipakita ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa banghay ng nobelang El Filibusterismo.
I. Sugatan na lumapit si Simoun kay Padre Florentino at inamin ang kanyang
mga kasalanan bago pa man nalagutan ng hininga.
II. Nailantad ang totoong katauhan ni Simoun nang bumisita sa puntod ng ina
si Basilio at nakilala ang nauna na si Juan Crisostomo Ibarra.
III. Matapos ang pagsabog ay tuluyang tumakas si Simoun na agad na
pinaghahanap ng mga guwardiya sibil samantalang naging usap-usapan
kung sino ang lalaking nagnakaw sa lampara at itinapon sa ilog.
IV. Ang nagdaramdam na si Placido Penitente ay napadpad sa daungan sa
kagustuhang makausap si Simoun para siya’y makapunta sa Hongkong at
napansin niya ang paghahanda ni Smoun sa himagsikan.
V. Ganap nang nakahanda ang lahat alinsunod sa plano ni Simoun na
pangasiwaan ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito na idinaos sa
dating tahanan ni Kapitan Tiyago, maging ang regalo para sa bagong kasal
at pag-iimbita sa lahat ng malalaking tao sa lipunan.
C. I, II, III, IV at V C. III, IV, I, II at V
D. II, IV, V, III at I D. IV, II, III, V, at I
11. Anong bilang ang nagsasaad ng kapana-panabik na pangyayari?
I. Sugatan na lumapit si Simoun kay Padre Florentino at inamin ang kanyang
mga kasalanan bago pa man nalagutan ng hininga.
II. Nailantad ang totoong katauhan ni Simoun nang bumisita sa puntod ng ina
si Basilio at nakilala ang nauna na si Juan Crisostomo Ibarra.
III. Matapos ang pagsabog ay tuluyang tumakas si Simoun na agad na
pinaghahanap ng mga guwardiya sibil samantalang naging usap-usapan
kung sino ang lalaking nagnakaw sa lampara at itinapon sa ilog.
IV. Ang nagdaramdam na si Placido Penitente ay napadpad sa daungan sa
kagustuhang makausap si Simoun para siya’y makapunta sa Hongkong at
napansin niya ang paghahanda ni Smoun sa himagsikan.
V. Ganap nang nakahanda ang lahat alinsunod sa plano ni Simoun na
pangasiwaan ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito na idinaos sa
dating tahanan ni Kapitan Tiyago, maging ang regalo para sa bagong kasal
at pag-iimbita sa lahat ng malalaking tao sa lipunan.
C. II C. IV
D. III D. V
12. Anong bilang ang nagpapakita sa bahaging panimula?
I. Sugatan na lumapit si Simoun kay Padre Florentino at inamin ang kanyang
mga kasalanan bago pa man nalagutan ng hininga.

26
II. Nailantad ang totoong katauhan ni Simoun nang bumisita sa puntod ng ina
si Basilio at nakilala ang nauna na si Juan Crisostomo Ibarra.
III. Matapos ang pagsabog ay tuluyang tumakas si Simoun na agad na
pinaghahanap ng mga guwardiya sibil samantalang naging usap-usapan
kung sino ang lalaking nagnakaw sa lampara at itinapon sa ilog.
IV. Ang nagdaramdam na si Placido Penitente ay napadpad sa daungan sa
kagustuhang makausap si Simoun para siya’y makapunta sa Hongkong at
napansin niya ang paghahanda ni Smoun sa himagsikan.
V. Ganap nang nakahanda ang lahat alinsunod sa plano ni Simoun na
pangasiwaan ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito na idinaos sa
dating tahanan ni Kapitan Tiyago, maging ang regalo para sa bagong kasal
at pag-iimbita sa lahat ng malalaking tao sa lipunan.
C. II C. IV
D. III D. V
Para sa bilang 13-15 Basahin ang Kabanata 4- Si Kabesang Tales
Nilinang at pinayabong niya ang dating madawag na bahagi ng kagubatan sa kanilang
lugar ngunit ang mga lupang ito ay inangkin ng mga prayle kahit wala silang kasulatang
magpapatunay na sa kanila nga ang nasabing lupa. Ngunit dahil sa kanyang pagiging
matimpi ay pumayag na lamang siyang buwisan sa prayle na halos taon-taon namang
tumataas kaya’t umabot sa hangganan ang kanyang pagtitimpi at natutong lumaban. Dahil
sa mapait at kawalang-katarungang napagdaanan ay natutong lumaban at inilagay sa
sariling mga kamay ang batas upang makapaghiganti.
13. Ano ang mahalagang kaisipan ang makatotohanang ipinapakita sa kabanata?
A. May mga taong mapang-abuso sa kabaitang ipinapakita ng iba
B. Likas sa tao ang magsumikap at mangarap na magkaroon ng sariling
pagmamay-ari.
C. Kapag ang tao ay napupuno na at nababalot ng matinding galit; napipilitan
siyang gumamit ng karahasan
D. Lahat ng nabanggit
14. Ang sumusunod maliban sa isa ay patuloy pa ring nagaganap sa kasalukuyan
ayon sa nakasaad sa kabanata.
A. Pagiging mahangin ng mga Pilipino
B. Pagiging mapagpakumbaba ng mga Pilipino
C. Pagiging masipag ng mga Pilipino
D. Pagiging matiisin ng mga Pilipino
15. Sa pangungusap na “Dahil sa mapait at kawalang-katarungang napagdaanan ay
natutong lumaban at inilagay sa sariling mga kamay ang batas upang
makapaghiganti.”, anong salita ang nagsasaad ng talinghaga?
A. dahil sa
B. inilagay sa sariling mga kamay ang batas
C. mapait at kawalang-katarungang napagdaanan
D. upang makapaghiganti

Sanggunian:
Pluma 10 El Filibusterismo
Ang Pilipinas at ang mga Pilipino Noon at Ngayon ni Teodoro A. Agoncillo
Rizal Life, Works, and Ideals ni Francisci M. Zulueta
Rizal Without the Overcoat ni Ambeth R. Ocampo
Noli Me Tangere niña Domingo De Guzman
Francisco Laksamana, Maria Odulio De Guzman

27
Ang “Filibusterismo” ni Maria Odulio de Guzman
Ang “El Filibusterismo” ni Maria Odulio de Guzman

Susing mga Sagot


Gawain 1
Maraming posibleng sagot

Gawain 2
Maraming posibleng sagot

Gawain 3

Maraming posibleng sagot

Gawain 4

Maraming posibleng sagot

Gawain 5
Maraming posibleng sagot

28

You might also like