You are on page 1of 2

1 Mahal ang abono. Maging madiskarte sa pagpapataba.

Subukan ang
2 combo-sustansiya 2 ng Abonong Swak
3

4 Combo-sustansiya 2 ang para sa’yo kung ang karaniwang ani mo ay 5,000-


5 6,000 kilo o 100-120 sako bawat ektarya.
6

7 Sa mahal ng presyo ng abono, ipinapayong subukan ang Abonong Swak. Sa


8 Abonong Swak, pinagsasama ang organiko at inorganikong pataba kaya
9 naman mas tipid! Ayon sa mga eksperto, maaaring makatipid ng P2,000
10 hanggang P4,000 bawat ektarya sa pagsunod sa Abonong Swak.
11

12 Sundin ang rekomendasyong Abonong Swak. Swak sa badyet. Swak sa palay.


13

14 Ikalat sa palayan o pabulukin ang pinaggapasang dayami tatlumpung araw


15 bago maglipat-tanim.
16

17 Maglagay sa palayan ng 10 sako pinatuyo sa hangin na dumi ng manok,


18 komersyal na organikong pataba o vermicompost, 14 araw bago maglipat-
19 tanim.
20

21 Maghalo naman ng 1-2 kilong zinc sulfate sa punlaan mula 7-10 araw
22 pagkasabog ng binhi. Maglagay naman 2-4 kilong 14-14-14 sa punlaan
23 makalipas ang 10-14 araw pagkasabog ng binhi o pagkapunla.
24

25 Para sa barayting 100-110 araw ang paggulang, maglagay ng 2 sako ng 14-14-


26 14 o 16-20-0 mula 0-14 pagkalipat-tanim o 10-14 pagkasabog-tanim. Sundan
27 naman ng 1 sakong urea mula 18-22 araw pagkalipat-tanim o 24-28 araw
28 pagkasabog-tanim. Sa panahon naman ng paglilihi, maglagay ng 1 sako urea
29 at 0.5 sakong 0-0-60 makalipas ang 28-32 araw pagkalipat-tanim o 38-42
30 araw pagkasabog-tanim.
31

32 Para sa barayting 111-120 araw ang paggulang, maglagay ng 2 sako ng 14-14-


33 14 o 16-20-0 mula 0-14 pagkalipat-tanim o 10-14 pagkasabog-tanim. Sundan
34 naman ng 1 sakong urea mula 22-26 araw pagkalipat-tanim o 32-36 araw
35 pagkasabog-tanim. Sa panahon naman ng paglilihi, maglagay ng 1 sako urea
36 at 0.5 sakong 0-0-60 makalipas ang 32-36 araw pagkalipat-tanim o 48-53
37 araw pagkasabog-tanim.
38

39

40

41 Para naman sa barayting 121-130 araw ang paggulang, maglagay ng 2 sakong


42 14-14-14 o 16-20-0 makalipas ang 0-14 araw pagkalipat-tanim o 10-14 araw
43 pagkasabog-tanim. Sundan naman ng 1 sakong urea mula 26-31 araw
44 pagkalipat-tanim o 36-40 araw pagkasabog-tanim. Sa panahon naman ng
45 paglilihi, maglagay ng 1 sako urea at 0.5 sakong 0-0-60 makalipas ang 36-40
46 araw pagkalipat-tanim o 58-62 araw pagkasabog-tanim.
47

48

49 Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa


50 PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice Facebook
51 page nang updated ka sa usaping pagpapalayan! Maaari ring mapanood ang
52 mga rice technology videos sa Youtube. Hanapin lamang ang PhilRice TV.

You might also like