You are on page 1of 1

Katangian na Dapat o Hindi Dapat

Taglayin ng mga Batang Asyano


Margaret Louise F. Malabanan

Sa aking tingin, ang isa sa mga katangian na hindi dapat taglayin ng mga kabataang Asyano

ngayon ay ang pagiging masyadong istrikto sa sarili. Importante ang pagiging responsable ng bata, pero

ang mga ibang bata ay nasosobrahan. Dapat ang mga bata ay nakikipag-laro at nakikipag-usap dahil ito ay

importante sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Mahirap din ang pag-laki ng walang mga kaibigan, kaya

mahalaga talaga ang ito. Basta hindi ito masosobrahan, dahil ang lahat ng sobra ay masama.

At ayos lang naman ang makinig sa payo ng mga magulang, pero kailangan rin matutunan ng

bata ang magdesisyon para sa sarili niya. Minsan, sa sobrang pag-kinig sa magulang, nakakalimutan na

makinig sa sarili. Importante ang pag-hihiwalay ng sarili sa magulang, para hindi maligaw ‘pag tumira

mag-isa. Kailangan matutunan ang pagiging tao, kabilang ang pagiging sarili.

Mahalaga rin ang pagiging magalang, pero dapat sa lahat ng edad. Kahit mas bata ang ito keysa

sa iyo, dapat ikaw ay magalang pa rin. Gumamit pa rin ng “po” at “opo” kapag ang kausap mo ay bata.

Para matutunan na rin ng bata ang pag-respeto sa lahat ng tao.

Iyon lamang po ang aking mga tigin na kailangang katangian ng mga batang Asyano. Salamat po

sa pagkikinig.

Filipino 9 | 1

You might also like