You are on page 1of 3

PAROKYA NI SAN LUIS OBISPO

Lucban, Quezon
Pamparokyang Sanggunian ng Pamanang Pangkalinangan
ng Simbahan, Ebanghelisasyon at Debosyon

(PARA SA MGA COMMENTATORS:MAKIKIBASA PO SA LAHAT NG ORAS NG MISA)

Mga minamahal na Kapatid kay Kristo,

Pagbati ng Kapayapaan!

“Itinatag ni Jesus ang Kanyang Simbahan noong narito Siya sa mundo ang mga miyembro ay tinawag

na mga Banal” ( Mga Taga Efeso 2:19–20).

Kaugnay po sa nalalapit na Kapistahan ng ating santo patron San Luis Obispo at upang higit natin

mapayabong ang ating pagdedebosyon sa kanya ay malugod pong ipinababatid sa bawat

mananamplataya na ang atin pong parokya ay magtatatag ng isang samahan na tatawaging

CONFRADIA DE SAN LUIS. Kaya po sa mga nagmamay-ari po ng imahen ni San Luis at sa mga

nagdedebosyon kay San Luis at sa mga nagnananis na magdebosyon sa ating Santo Patron kayo po

ang inaasahan na maging aktibong miyembro ng nasabing itatatag na bagong samahan. Na ito ay

nasa pamamahala ng Lupon ng Ebanghelisasyon at Debosyon na sa ilalim ng Pamparokyang

Sanggunian ng Pamanang Pangkalinangan ng Simbahan, Ebanghelisasyon at Debosyon . Sa mga

nagnananais pong maging kasapi ang mga miyembropo ng Lupon ng Ebanghelisayon at Debosyon ay

nasa likurang bahagi ng simbahan malapit sa pinyuan at mamimigay po ng fliers para sa inyong mga

impormasyon at ito ay maaari ninyong ibalik sa opisina ng simbahan at ilagay ninyo sa kahon at doon

po kukunin ito ng nakatalagang lupon .

Lubos po ang aking paniniwala na kayo ay makakaisa naming sa banal na gawaing ito.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtugon.

Ang inyong kapatid kay Kristo;

Lupon ng Ebanghelisasyon at Debosyon


PAROKYA NI SAN LUIS OBISPO
Lucban, Quezon
Pamparokyang Sanggunian ng Pamanang Pangkalinangan
ng Simbahan, Ebanghelisasyon at Debosyon

Hunyo 26,2022

Mahal na Kapatid kay Kristo,

Pagbati ng Kapayapaan!

“Pasanin ang Krus at sumunod kay Kristo”(Mateo16:24)

Nais ko pong ipahayon sa inyong Samahan na ang ating Parokya ay nagtalaga ng isang Lupon na

Pamparokyang Sanggunian ng Pamanang Pangkalinangan ng Simbahan, Ebanghelisasyon at

Debosyon na pinagtibay noong Pebrero 27, 2022.

Kaugnay po nito ay malugod pong ipinababatid sa inyo na ang Samahan ng Carucaruhan de

Lucban, Cofradia de la Virgen Maria at Camareros de Cuaresma de Lucban ay mapapasa ilalim sa

Lupon ng Ebanghelisasyon at Debosyon. Ito po ay nakapaloob sa Konstitusyon at ng mga Batas ng

nasabing Lupon na pinagtibay ng Samahan. Naniniwala po ako na ang inyong layunin at adhikain at

layunin ng Parokya ay iisa sa aspetong paglilingkod at dahil dito, ipinahahayon po na ang lahat ng

inyong mga pagpupulong, pagpaplano ng mga gawain at pagbubuo ng mga prokyekto ay mangyari na

ipagbibigay alam sa sanggunian nabanggit .

Lubos po namin inaasahan ang inyong pakikiisa sa banal na gawaing ito.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtugon.

Ang inyong kapatid kay Kristo;

REB. MONS. MELECIO V. VERASTIGUE, P.C.


Lingkod Pari
Parokya ni San Luis Obispo

You might also like