You are on page 1of 1

Jake Armond D.

Mondaya

BSME_2B

RETORIKA

GAWAIN I
Turan ang mga sumusunod na Katanungan:
1. Ano ang pangunahing instrument sa pagpapahayag o komunikasyon? Bakit itinuturing
itong pangunahin?
 Ang wika ay nagsisilbing pangunahing instrument sa pagpapahayag o komunikasyon sa
paraan na kung saan ginagamit ito ng mga tao upang maipahayag ang kanilang mga
saloobin at damdamin sa isa't isa. Naituturing pangunahing instrumento ang wika dahil
tinutulungan tayo nitong makipag-usap nang mas mabisa. Tinutulungan tayo nitong
maunawaan ang mga bagay at bigyan ito ng kahulugan sa pamamagitan ng mga salita at
simbolo na ating nakikita, naririnig, at nababasa.

2. Paano nagiging makapangyarihan ang wika? Magbigay ng mga halimbawang sitwasyon?


 Ang wika ay makapangyarihan dahil ito ay makapagbibigay kahulugan sa ating buhay at
makatutulong sa atin na makipag-ugnayan sa iba. Bukod dito, ang wika ay nagiging palatandaan
ng kasarinlan ng isang bansa at kalayaan nito. Ang wika ay lalong mahalaga para sa paghahatid
ng impormasyon, na nagbibigay sa mga komunidad ng maraming kaalaman at karunungan.

3. Ano ang retorika? Bakit itinuturing itong isang sining? Ano-ano ang mga katangian nito bilang
isang sining? Ipaliwanag ang bawat isa.
 Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga
diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay na
kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa. Ang
retorika ay maituturing isang uri ng sining dahil naisasagawa laman ito sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan. Ang mga katangian ng retorika bilang sining ay ang mga
sumusunod. Una, ito ay Isang Kooperatibong Sining dahil hindi ito maaaring gawin ng nag-iisa.
Pangalawa, ito ay isang Pantaong Sining dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng tao,
ang retorika ay nagiging isang eksklusiboring sining ng tao para sa tao. Pangatlo, ito ay isang
Temporal na Sining dahil ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwaheng ngayon ,hindi ng
bukas o kahapon. Pang-apat, ito ay isang ‘di Limitadong Sining dahil maaring paganahin ang
ating imahinasyon at gawing possible ang mga bagay na imposible saating isipan. Panglima, ito
ay isang May Kabiguang Sining dahil hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika at may
mga tuntuning masalimuot at sadyang nakakalito. Ang panghuling katangian ng retorika ay ang
Nasusupling na Sining dahil ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.

4. Talakayin ang kahalagahan ng retorika sa pagsasakatuparan ng mabisang pahaya.


 Ang Retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayagna tumutukoy sa sining ng
maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang
makapagpahayag tayo ng ating mga nararamdaman sa mga bagay-bagay. Mahalaga ito sa pang
araw-araw dahil kapag walang retorika, magiging napakatahimik ng mundo at walang
komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wikang bawat
isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwalat higit sa lahat mawawala ang ating
pagkakaisa.

You might also like