You are on page 1of 2

Isang Kakaibang Araw

Iba't ibang tao ang sumasakay sa dyip ni Tatay. May mga


estudyanteng papasok ng eskuwela. May aleng
mamamalengke. May nanay na may kasamang anak. Pero
may isang taong sumakay na bukod-tangi. Ang suot niya'y
makulay at maluwang na damit. Napakalaki ng sapatos
niyang pula! Pula rin ang ilong niya. Puting-puti ang mukha
niya at asul ang kulot niyang buhok. Hindi ko siya mapigilang
tingnan. Tinititigan din siya ng katabi niya.Ngumiti siya
sabay-labas ng limang bola mula sa kaniyang bulsa. Isa-isa
niyang itinapon ang mga bola pataas at sinalo. Paulit-ulit
niya itong ginawa. Napapalakpak kaming lahat!
Ang Pagong at ang Kuneho
"Ako ang pinakamabilis tumakbo, ”sabi ni Kuneho. “Wala nang bibilis pa
sa akin!”
“Naku, Kuneho, wala ka nang ibang sinabi kung hindi gaano ka kabilis
tumakbo, ”sabi ni Pagong. “Hinahamon kita sa isang paligsahan."
“Hindi mo ako matatalo! ”sabi ni Kuneho. “Dahil mas mabilis akong
tumakbo!"
"Malalaman natin ‘yan bukas ng umaga, ”sabi naman ni Pagong.
“Kapana-panabik ito! ”sabi ni Buwaya.
“Kawawa naman si Pagong kasi ang bagal niyang gumalaw, ”sabi naman
ni Elepante.
“Kahit mabagal siya ay hindi naman siya tumitigil, ” sabi ni Unggoy.
Kinabukasan, dumating ang lahat ng hayop upang manood ng paligsahan.

You might also like