You are on page 1of 2

Para

Isang araw na naman para mamuhay sa mundong ibabaw


Pagbati ang salubong mula sa sinag ng haring araw
Agad bumangon para masimulan ang panibagong yugto
Ang magsikap at magkumahog upang mabuhay sa mundong 'to

Datapwa't sansaglit, hindi kailangang pilitin, ngunit kailangan gawin upang matungo ang
lalakarin
Hakbang ng biyas papansinin susuungin ano mang suliranin.

Patungo ako sa isang lugar na puro pangako


subalit walang kasiguraduhan ang katungkulan nito.
Ang init ng simoy ng hangin ay aking sinagupa
Matiyak lamang na makasampa
Sa sasakayang animo'y hari ng kalsada
sari-saring mukha ang tumambad sa yaring mata.

Nakaupo, nakatigil, nag mumuni-muni


Tinitignan at kinikilatis mga wangis na tila bagwis na hindi mapakali

Sa 'di kalayuan ay napatingin ako


"Ate, kuya hindi po kaming masamang tao pangkain lang po"
humakbang paitaas, isang paslit na nagtatambol tila isang palaboy na hindi maalindog

Isang kahig isang tuka, yan ang tawag sa kanila


nakakaawa ma'y hindi mabigyan sapagkat ako din ay walang wala

Lumipas ang mga oras, umarangkada na ang sasakyan, isang ulo ang dumantay sa balikat yaong
lupaypay
Tila pagod si kuya ay ate pala dapat
Hindi ko alam pero nagagalit si kuyang masokista
Nagbabadyang manunontok akala mo'y magaling sa suntukan

Maya maya pa'y lumingon ako pakaliwa


upang ang daan ay makita
malayo layo na rin pala ang aking nilalakbay
sabay tanong sa sarili "ang katapusan ba'y malapit na sa aking pagbabaybay? "

Kaunti pa ay may teleponong tumunog sa di kalayuan, isang estudyanteng tila walang tulog
kakaaral
'Di ko man batid ang sinasabi ng nasa kabilang linya, tanaw mo ang pagsaklob ng langit at lupa
sa kaniyang mukha
nagpapahiwatig na ang pagpapatuloy hindi na maaari pa

Malapit na ba ako sa babaan? hindi pa pala


may isa pang lalaki na nakaputi ang aking napagmasdan sa aking tabi
nakatingin sa pitakang larawan lang ang nakasingit
Ilang araw nagtatrabaho hindi man lang sapat ang sahod

Ano na nga ba ang nangyayari sa mundong kinagagalawan ko?

Malapit na ba ako sa babaan? Oo malapit na, pero tila ako naman ang pinupuntirya ng tadhana
Mainit na araw na naman ang tumama sa aking mukha

Haring araw na tila simbolo... ng mga taong nasa itaas


Nakakabulag, labis ang lakas, sobra ang liwanag
Nakakasilaw, Nakakasilaw, Nakakasilaw

At sa pagmulat ng mga mata ko


ang tangi kong naalala
Kung paano naging perpektong halimbawa
Ang pagkasilaw ng aking mata
sa pagkasilaw sa kapangyarihan na inaabuso nila

Pagkasilaw sa pera't kapangyarihan


dahilan kung bakit ang pagkabulag ay 'di na mapigilan
alipin ng liwanag na tinatamasa niyo
habang ang bayan ay 'di na maaninag dahil sa pang aabuso

Ngunit sa kabilang banda ay may napagtanto ako


Liwanag rin pala ng araw ang siyang tanging simbolo
Liwanag sa dilim
Mula sa mga taong sakim
Init ng araw
damdaming ayaw nang magpaalipin
Sa sarili kong bansa
tulad ng araw
Ako, Siya, Ikaw at Tayo ay babangon
Papalapit, sumusulong at tumitindig
Lahat tayo ay babangon

At tulad nga ng aking pagbyahe


ito ay may destinasyon, kaya sa problema ng bansa
ating wakasan na
Para sayo, Para sakin, Para sa Lahat.
halika tayo na't pumara!

You might also like