You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 8
Matag-ob Stand Alone Senior High School
Matag-ob District
Brgy. San Guillermo, Matag-ob, Leyte

GAWAING PAGKATUTO AT SANAYANG PAPEL


(LEARNING ACTIVITY/WORKSHEET)
SA
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)

Kasanayang Pampagkatuto:
Sulating Akademiko (Replektibong Sanaysay)
“Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.”
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)
IKALAWANG KWARTER
Ikalimang Linggo (Modyul 13)

FORMATIVE/SUMMATIVE ASSESSMENT

Pangalan: __________________________________________ Lebel: ___________________

Seksiyon: __________________________________________ Edad: ___________________

Address: ___________________________________________ Phone No.: ______________

Pirma ng Magulang: ________________________________ Petsa: ___________________

Panuto: Ang mga katanungan sa mga pagsusulit (5 puntos) at sulating akademiko (20 puntos) ay
may kinalaman sa mga paksang iyong napag-aralan at kasanayang pampagkatuto sa Linggong
nabanggit sa itaas. Sagutan ang mga katanungan sa kabilang pahina ng sipi na ito at
isulat ang mga sagot dito mismo sa LAS na ito. Ang portfolio output naman ay sa short bond
paper (pwedeng sulat-kamay, typewritten o computer output). Siguraduhing maibabalik ito sa
iyong guro matapos masagutan (kasama ang mga portfolio output na naka-stapled o pasted at
naka-sequenced o nakaayos nang magkakasunod ayon sa panuto I-II).

Prepared by:

George D. Acidre
SHS Teacher II, MSASHS

Page 1 of 2
I. Pagsusulit: Sulating Akademiko (Replektibong Sanaysay o Relflective Essay)
Bilugan ang tamang sagot. (5 Puntos)
1. Ito ay sumusuri at umaarok sa isip at damdamin ng manunulat.
a. Larawang Sanaysay c. Lakbay-Sanaysay
b. Replektibong Sanaysay d. Posisyong Papel
2. Alin ang hindi kabilang na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay.
a. Nagtataglay ng patunay o patotoo.
b. May tiyak na paksa o tesis.
c. Walang pormat na kailangang sundin sa pagsulat.
d. Organisado, Lohikal, at sumusunod sa tamang pormat o bahagi sa pagulat.
3. Ayon sa kanya ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng
isang tao....
a. Michael Stratford c. Kori Morgan
b. Nestor Lontoc d. Noel Cabangon
4. Anong panauhan ng panghalip ang dapat gamitin sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
a. Ikaapat na Panauhan c. Ikalawang Panauhan
b. Ikatlong Panauhan d. Unang Panauhan
5. Ang replektibong sanaysay ay gumagamit ng tekstong ekspositori upang __________ ?
a. Maglantad c. Maglahad
b. Magkubli d. Magpaliguy-ligoy

II. Sanaysay: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Sumulat ng praktikal na aplikasyon ng iyong natutuhan sa Replektibong Sanaysay base sa
“Karagdagang Gawain” sa pahina 10 ng modyul 13, Ikalimang Linggo para sa Ikalawang
Kwarter. Gawing batayan ang rubrik o pamantayan sa pagmamarka. Isulat sa isang (1) Short
Bond Paper ang iyong nabuong Replektibong Sanaysay at ito ay kabilang sa iyong Portfolio
para sa Ikalawang Kwarter. Tandaan: Para makamit ang sapat na puntos sa rubrik,
mahalagang maisakatuparan ang mga hinihingi dito. Pwedeng sulat-kamay, typewritten o
computer output. Huwag kalimutang isulat sa itaas ng bond paper ang mga sumusunod:

Pangalan: __________________________________________ Lebel: ___________________

Pirma ng Magulang: ________________________________ Seksiyon: _______________

Subject: Filipino sa Piling Larang – Akademik Akademikong Sulatin: Replektibong Sanaysay

Paksa at Pamagat (Pumili ng isa sa mga pagpipilian sa pahina 10):


“Replektibong Sanaysay: _____________________________________”
Rubrik o Pamantayan sa Pagmamarka

Page 2 of 2

You might also like