You are on page 1of 4

Sangay ng Masbate

PAMBANSANG MATAAS NG PAARALAN NG CATAINGAN


Cataingan,Masbate
TP: 2021-2022
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Filipino
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Pinal na Pagsusulit- Kwarter 4
Pangalan: _______________________________________________ Baitang:_________________________

Guro: ______________________________________ Petsa: ______________________ Puntos: ___________


I. Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba.
A. Panuto:Tukuyin at isulat sa patlang ang angkop ng tamang sagot.

a. Impormatibo b. Prosidyural c . Persweysib d. Naratibo e. Deskriptibo


____1.Ito ay tekstong naglalahad ng kuwento ng mga pangyayari ayon sa
pagkakasunod-sunod.
____2.Mahahalagang bagong impormasyon, kaalaman, panin iwala at tiyak na
detalye ang laman ng tekstong ito.
____3.Wastong pagkakasunod -sunod ng mga hakbang ang pokus ng tekstong ito.
____4.Naglalahad ng katiyakang pananaw na nakatuon sa saloobin at opinyon
ng may-akda ang tuon ng tekstong ito.
____5.Ginagamit sa tekstong ito ang ating paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pandama.
B. Panuto: Kaugnay ng suliranin sa COVID-19, isulat kung anong katangian ng teksto ang mga ito.
__________________ 1. Proseso sa Pagkuha ng Travel Pass
__________________ 2. Balik- Probinsiya Program: Dapat ba o hindi dapat?
__________________ 3. Mga Katotohanan ng Corona Virus
__________________ 4. Kahalagahan ng Pagsunod sa Protocol ng IATF-
Pananatili sa Bahay
__________________ 5. Sanggalang ng Mamimili laban sa COVID-19

C. Panuto: Basahin ang bawat bahagi ng talata, suriin at tukuyin kung anong uri ito ng teksto. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
Ang kanyang na mumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy na lalong nagpapaganda sa kanyang
mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang
malalantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang mata.
- Halaw sa “ Huwag Po, Itay…Bernales, et al
1. Ito ay halimbawa ng tekstong _____. a. Impormatibo b. deskriptibo c. persweysib d. naratibo
Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina, nagtimpla ako ng kape. Bubuksan ko sana ang TV pero
mas pinili ko mas pinilli kong maupo na lamang malapit sa hapag-kainan. Napansin ko ang dyaryong
nakakalat sa mesa. Ibinaba ko muna ang tasa upang makapagbasa. October 12, 2007, bago,
ngayong araw lang ito.
- halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc

2. Ang iyong binasa ay tekstong _____. a. Impormatibo b. deskriptibo c. persweysib d. naratibo


Para sakin iba’t iba ang kahulugan ng salitang ‘FOREVER’ pero naniniwala akong mayroon nito. Ang
‘FOREVER’ ay hindi literal na habambuhay kundi isa lamang itong pagpapakahulugan ng matinding
emosyon o damdamin na hindi ko kayang isipin kung kelan matatapos. Halimbawa nito ay mamahalin
kita ‘forever’ ibig sabihin hangga’t kaya ko at gusto ko, sinasaad ito ng may
matinding damdamin.
https://jeininallysie.wordpress.com/2016/08/24/blog-post-title-3/
3. Ito ay tekstong _____. a. argumentatibo b. naratibo c. prosidyural d. impormatibo
Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan:  Isusulat ng chairman ng BEI ang serial
number ng balota sa EDCVL
 Pipirmahan ng botante ang balota at ang EDCVL
 Ipapasok ng BEI sa Scerecy folder anf balota at ibibigay sa botante
 Tanging ang chairman ng BEI ang magbibigay ng balota
-Halaw sa “Paano Bumoto” mula sa Pinoy Weekly Staff, Mayo 5, 2010
4. Ito ay tekstong _____. a. Persweysib b. naratibo c. prosidyural d. impormatibo
Ayon sa UNICEF, ang bata ay sinumang ang edad ay mula 18 taon pababa. Ang mga kategorya nito
ay Unborn child o nasa sinapupunan pa lamang o mula 0 hanggang 9 na buwan; pre-school o mula
tatlo hanggang anim na taon, school age o mula anim hanggang 13 taon; adolescent o juvenile, mula
hanggang 16 na taon; at young adult, mula 16 hanggang 21 taon.
-Halaw sa “Sipi mula sa Pagsulat ng Kuwentong Pambata” Rene O. Villanueva
5. Ang talata ay isang tekstong _____. a. Persweysib b. impormatibo c. naratibo d. deskriptibo

D. Panuto: Suriin ang mga bahagi ng teksto at ibigay ang katangian at kalikasang nakita mo na
magpapatunay ng uri nito.
KATANGIANG NAKITA NA
TEKSTO MAGPAPATUNAY NG URI NITO
Ang Corona viruses ay isang malaking pamilya ng mga virus
na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERSCoV) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (NCoV) ay
isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao.
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirusfacts-tl.aspx
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/publichealth-orderstl.aspx
Isang proseso ng pagbabagong-bihis ng lokal at rehiyonal na
daloy ng pandaigdigang pamilihan ang globalisasyon. Sa
kasalukuyan, ginagamit ito upang tukuyin ang mga globalisasyon
at internasyonal na ekonomiya. Sinasabi ng mga tagapagsulong
nito na makatutulong ito sa pamamagitan ng pagtapat sa mga
bago at iba’t ibang internasyonal na pamilihan. Samantala,
sinasabi naman ng mga kritiko ng globalisasyon na
namamanipula at naiimpluwensiyahan ng mga internasyonal na
kompanya ang maliliit na lokal na negosyo.
Sa iyong pananaw, nakatutulong ba ang globalisasyon sa
lokal na negosyo at ekonomiya?
-Bandril et al 2016
Isang piging ng ligaya ngiti’y mala-gintong butil,
Sa landas ng liwanag yakap ang langit na inaliw.
Sa mala-rosas na labi ay kay tamis nap ag-amin,
At kung ilarawan ay kadugtong ng buhay marahil.
-Alma Tang Bautista
Magtungo sa barangay kung saan naistranded para kumuha
ng clearance. Dalhin ito sa municipal health office para sa
medical certificate na natapos mo ang 14day quarantine. Isumite
ang medical certificate sa pinakamalapit na istasyon ng Pulis para
mag-aplay ng travel pass.
Ang istasyon ng pulis ang bahalang magproseso ng police
unit kung saan patungo ang aplikante. Aabisuhan individual)
para kunin ang kanyang travel pass o ipadadala na lang ito sa
kanyang e-mail.
#EagleNews
II. Suriin ang mga pahayag sa ibaba.
A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng pahayag na deskriptibo at ekis (X) kung hindi deskriptibo.

____1.Lumaki siyang sanay sa lahat ng gawain sa bahay, mahirap man ito o


madali ay kinakaya niyang gawin.
____2.Mabigat ang damdamin ng inang nagpaalam sa kaniyang tatlong maliliit
na anak
____3.Hatinggabi na’y gising pa rin si Renzy, nakaharap sa kaniyang laptop,
ngunit tila hindi mapakali sa kaniyang ginagawa.
____4.May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan
niya ang siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa.
____5.Nang minsang sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad
ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo. Maalon ang dagat at
malakas ang ihip ng hangin.

B. Panuto: Hanapin mula sa kahon ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
loob ng pangungusap. Isulat ang letra sa nakalaang guhit sa unahan ng pangungusap.

a. magkatotoo ang sinabi b. pagkukwento c . malungkot d. maraming iniisip e. napagmasdan

____1.Hindi na ako mag-aalala, nawa’y magdilang–anghel ka sa sinabi mong


iyan.
____2.Habang kami’y naglalakad, isang mahabang pagsasalaysay ang narinig ko
mula sa’king kasabay.
____3.Habang nagbibyahe ay lumilipad ang isip ko. Anong kapalaran ang
naghihintay sa’kin sa ibang bansa?
____4.Malamlam ang mga titig niya sa akin. Isang titig nang pamamaalam.
____5.Sa aking pag-uwi ‘y muli kong nasilayan ang kagandahan ng lugar namin.

C. Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba at sabihin kung ang


paglalarawan ay: (A) masining o (B) karaniwan. Titik lamang ang isulat.

____1.Salamat sa matapat na paglilingkod mo sa bayan, ipagpatuloy mo ito.


____2.Higit na mapalad ang mga taong nagbibigay sapagkat lalo pa silang
pagpapalain.
____3.Huwag mong pasanin ang gabundok na problema, sa halip ay ipagkatiwala
mo ito sa Diyos.
____4.Pinanghahawakan ko ang pangako mong isang magandang kinabukasan para
sa amin.
____5.Katulad ng malawak na karagatan ang pang-unawa niya sa’yo.

D. Panuto: Basahing mabuti ang tekstong nasa loob ng kahon. Pagkatapos ay suriin kung saang
uri ito ng teksto kabilang.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit ayaw ko pa ring pumasok sa aming bahay.
Nakapako ang aking paningin sa dakong lulubugan ng araw. Nakita kong tila kumakaway na
nagpapalam ang paglubog nito. May lungkot na pumintig sa aking puso kasabay ng pagpatak
ng mga perlas na luha mula sa’king mga mata. Muling nagbalik sa aking alaala ang mapait na
kahapon na akala ko’y tunay ko nang nakalimutan.

Ganito rin ang senaryo nang ipinagkait ko sa kanya ang aking pagpapatawad. Binabagabag ako ng
aking kahapon. Ngayon, ganap ko nang naunawaang huli na ang lahat! Paano na ang aking
bukas?
1. Sino ang nagsasalita sa binasa mong teksto?
a. Isang dalagang iniwan ng kaibigan
b. Isang binatang hindi napatawad ng kasintahan
c. Isang taong iniwan ng minamahal dahil sa di pagkakaunawaan
d. Isang babaeng hindi marunong magpatawad

2. Alin sa mga pahayag ang masasabing hindi masining?


a. Nag-aagaw ang liwang at dilim.
b. May lungkot na pumintig sa aking puso.
c. Nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon.
d. Ganap ko nang naunawaan na huli na ang lahat.

3. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito “Nakita kong tila kumakaway na
nagpapaalam ang paglubog nito”.
a. simili o pagtutulad b. personipikasyon
c. metapora d. pagmamalabis

4. Paano mo ilalarawan ang damdamin ng nagsasalita sa teksto?


a. Labis ang kalungkutan
b. Nanghihinayang sa kahapong nagdaan
c. Naiinis sa mga nangyari sa nakaraan
d. Nalulungkot na may halong pagsisisi at panghihinayang.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng nagsasalita sa teksto, anong gagawin mo


upang makapag-moved-on ka?
a. Muling maghahanap ng bagong kasintahan.
b. Pipiliting kalimutan sapagkat walang kuwenta ang kahapon.
c. Tanggapin ang kapalaran at harapin ang bukas nang may pagasa.
d. Umasa na muling magtatagpo sila sa darating na panahon.

PAGBUTUHIN !!!
BINABATI KITA

Inihanda ni: Inaprubahan ni:


BB. JOVELYN F. SESE GNG. JANICE A. MARTIN
GURO PANGALAWANG PUNONG-GURO

You might also like