You are on page 1of 38

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
I. Layunin UNANG ARAW

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
Pagganap

C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko
Pagkatuto. Isulat ang o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. EsP7PS-Ie-3.1
code ng bawat 2. Nakasusulat ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig.
kasanayan 3. Nakapagbabahagi ng mga hilig at kung paano ito pauunlarin.

II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

1
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333
mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga Larawan mula sa internet


Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Papagbigayin ang mga mag-aaral ng sariling opinyon sa sumusunod na tanong. (Gawin sa loob
aralin at pagsisimula ng ng 5 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin. 1. Naniniwala ka ba sa mensahe ng pahayag na “Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin
ang mga bagay na iyong minamahal”?
2. Kaya mo bang gumawa ng isang bagay sa loob ng maghapong kakaunti lamang ang pahinga
ngunit hindi gaanong nakakaramdam ng pagod?

B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.

Paunang Pagtataya
Isulat sa notbuk ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na pagsusulit.
1. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig MALIBAN sa:
a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya
bilang isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang ama at napansin niyang
nagkakainteres na rin siya sa matematika, pagguhit at pagdidisenyo.
b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kanyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang
makasama nang madalas ang kanyang mga kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro
nito sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas ang gawaing ito nang sama-sama.
c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa
kanilang patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong gawin. Natutuwa sa kanya ang
kanyang ina

2
dahil mahusay na siyang magdisenyo ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo.
d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nang
makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga
nakaaangat sa buhay para sa mga nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa
mga outreach programs at relief operations.

2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawaing kinahihiligan?


a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap

3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig MALIBAN sa:


a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang
larangan ng kanilang kinahihilig?

 Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
 Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya
ang nagdesinyo at nagsaayos.
 Si Jennelyn palagiang nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
 Si Jenica, palagiang nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.
a. Persuasive, Outdoor, Clerical, Mechanical
b. Naturalist, Visual, Existential, Intrapersonal
c. Outdoor, Artistic, Mechanical, Social Service

3
d. Bodily/Kinesthetic, Naturalist, Interpersonal, Visual

5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji?
a. Larangan: musical
Tuon: tao
b. Larangan: musical, artistic
Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, datos, ideya

6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/bokasyunal?


a. Makatutulong ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay
sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan
sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag-aaral upang maitaas
ang antas ng pagkatuto.
d. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang-akademiko o teknikal-
bokasyonal.

7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?


a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo
bilang tao.
d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.

4
8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kakalase ay gumagawa nito
kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Makalipas ang
ilang buwan nakita naman niya na uuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili
rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang linggo ay
nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang makatuwirang gawin ni Liza?
a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang-pansin ang nauuso.
c. Suriin ang kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa
na nakapagpapasaya sa kanya.
d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang matulungan siyang mataya kung ano
talaga ang nararapat na pagtuunan ng pansin.

Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas oras, maluwag na oras, malayang
panahon o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o
para sa recreation. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong
paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao
ang isang hilig, marami pa itong ibang kahalgahan. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng
pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na
ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang
hilig. Maaari ring ipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng
bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng
natatanging kasanayan. (http://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-3.html)
9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?
a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal at pandamdamin.
b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.
c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig.
d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig.

5
10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki.
Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay.
c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa.
d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makaimit ang
mga ito.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin 1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
2. Nakikilala ang:
a. Mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga hilig
b. Mga hakbang sa pagpapaunlad ng hilig
3. Nakapagbabahagi ng mga hilig at kung paano ito pauunlarin.
4. Nakasusulat ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig.

B. Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang propesyong ipinakikita. Ibigay ang mga gawaing
kanilang kinahihiligang gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)

6
C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa ang case study gamit ang PowerPoint presentation. Tumawag ng mag-aaral upang sagutin
halimbawa sa bagong ang mga tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin
Mula pagkabata, nakasanayan na ni Leslie na panoorin ang kanyang ina sa
paggawa ng oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kanyang gustong gawin
sa kanyang libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap.
Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla.
Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.
Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga
kaibigan bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang “Home for the Aged”
dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas.
Sa edad na 15, nagtayo na siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang
dahil sa kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)

Mga Tanong:
1. Ano ang kinagigiliwang gawin ni Leslie?
2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Leslie?
3. Paano nakatutulong sa kanya at sa ibang tao ang taglay niyang hilig? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng bagong Ipakita ng guro ang mga larawan ng mga kilalang tao sa bansa at sa buong mundo. Tukuyin at
konsepto at paglalahad isulat sa notbuk ang mga bagay na kinagigiliwan nilang gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
ng bagong kasanayan #1 (Reflective Approach)

7
Pangalan: Heidi Mendoza
Bagay na minamahal gawin:

Pangalan: Albert Einstein


Bagay na minamahal gawin:

Pangalan: Juan Luna Bagay


na minamahal gawin:

Pangalan: Gary Valenciano


Bagay na minamahal gawin:

8
E. Pagtalakay ng bagong Ipatala sa mga mag-aaral ang mga bagay na ginagawa nila sa kanilang libreng oras gamit ang
konsepto at paglalahad pormat na nasa ibaba. Iranggo ito ayon sa pinakagusto hanggang sa pinakahuling gustong gawin.
ng bagong kasanayan #2 (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Ano ang ginagawa mo sa


iyong libreng oras?

Hilig Rango
1. Isulat ang sampung gawaing
2. gusto mong gawin sa iyong libreng
3. oras. Iranggo mo ito mula sa iyong
4. pinakagusto (Ranggo 1) hanggang
5. sa pinakahuling gusto (Ranggo 10).
6.
Maaaring ginagawa mo ito
7.
sa bahay, paaralan, o pamayanan.
8.
9.
10

9
F. Paglinang sa Suriin ang isinulat na mga pinagkakaabalahan. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa notbuk ang
Kabihasahan (Tungo sa kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Formative Assessment) 1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong ginawang talaan? Sa iyong ginawang pagraranggo sa mga
ito?
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? Ang pagpapaunlad ng mga ito?

G. Paglalapat sa aralin sa Itala ang mga pansariling pamamaraan ng pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng mga Hilig. (Gawin
pang-araw-araw na sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
buhay 1.
2.
3.
4.
5.

H. Paglalahat sa aralin Ang pagpapaunlad ng sariling hilig ay mahalaga. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao
ang isang hilig, marami pa itong ibang kahalagahan. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng
pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na
ginagawa ito nang nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig.
Maaari ring ipagbili ang produkto ng isang hilig.

I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng islogan na binubuo ng 15-20 salita tungkol sa “Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng
Sariling Hilig.” (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

10
J. Karagdagang gawain para Isagawa ang alinman sa sumusunod:
sa takdang-aralin at 1. Magsaliksik sa internet, gumupit sa mga pahayagan at magasin o magsagawa ng
remediation panayam/interbyu ng kuwento ng tagumpay ng isang kilalang tao dahil sa pagpapaunlad ng
sariling hilig.
2. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong

11
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
G. Anong kagamitang
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
panturo ang aking IKALAWANG ARAW
nadibuhong nais kong
I. Layunin
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
Pagganap

C. Mga kasanayan sa 1. Nasusuri ang sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito. EsP7PS-Ie-3.2
Pagkatuto. Isulat ang 2. Nakasusulat ng sanaysay kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling hilig
code ng bawat kasanayan 3. Nakapagsasadula ng mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig at kung papaano
ginamit at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay.

II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39


Guro
12
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333


mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Sa pamamagitan ng concept web, isulat sa mga tatsulok ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng
aralin at pagsisimula ng mga hilig. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
bagong aralin.

Kahalagahan ng
Pagpapaunlad
ng mga Hilig

13
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nasusuri ng sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito.
2. Nakasusulat ng sanaysay kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling hilig
3. Nakapagsasadula ang mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig at kung papaano ginamit
at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay.

B. Tumawag ng 1-5 mag-aaral na magtatala ng mga hilig at epektong dulot nito sa sarili.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba. (Reflective Approach)
Mga Hilig Epektong dulot sa Sarili

C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa sa mga mag-aaral ang Larangan ng Hilig na nasa pahina 65-68 ng Kagamitan ng Mag-
halimbawa sa bagong aaral at pasagutan ang mga tanong na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
aralin Approach)

Mga Larangan ng Hilig

OUTDOOR
Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor
• Pagsakay ng bisikleta
• Pag-aalaga ng hayop o halaman
• Pagsali sa mga laro o outdoor

14
MECHANICAL
Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools. Paggawangmgabagay (hal.: silya) gamit ang martilyo at
lagare
• Pag-aayos ng mga sirang bagay
• Masaya at gustong tumulong sa pag repair ng sasakyan
• Pagmonitor ng perang natipid at naipon sa bangko

COMPUTATIONAL
Nasisiyahang gumawa gamit
• Pag-solve ng mathematical ang bilang o numero equations
• Pag-aaral ng mga bituin, bato, Nasisiyahan sa pagtuklas ng klima, halaman at hayop

SCIENTIFIC
Bagong kaalaman, pagdisenyo
• Pag-imbento ng mga bagay at pag-imbento ng mga bagay at produkto
• Pamamahala ng isang opisina o pangkat
• Pag-oorganisa ng isang party o komite

PERSUASIVE
Nasisiyahan sa pakikipagugnayan sa ibang tao o klase
• Pamumuno sa isang pangkat o pakikipagkaibigan

ARTISTIC
Nasisiyahan sa pagdidisenyo
• Paggawa ng mga bagay (hal.; painting, awit)
• Pagdrowing ng mga larawan o pagdoodle
• Paggawa ng mga bagay na pansining
• Paggawa ng handicraft ng mga bagay

15
LITERARY
Nasisiyahan sa pagbabasa
• Pagbabasa ng mga nobela o fiction
• Pagsusulat ng mga kuwento, tula pagsusulat
• Pagbubuo ng crossword puzzle

MUSICAL
Nasisiyahan sa pakikinig o musical instrument
• Pakikinig sa o paglikha ng awit
• Pagtutugtog ng piano o iba pang paglikha ng awit o pagtugtug ng musical instrument
• Pag-awit
• Pagsasayaw

SOCIAL SERVICES
Nasisiyahang tumulong sa kamag-aral sa
• Pagbisita sa kaibigang may sakit ibang tao
• Nakikinig sa mga problema ng ibang tao o kaibigan
• Paglilista ng perang tinanggap at ginastos

CLERICAL
Nasisiyahan sa pagbabasa at paggawa ng takdang-aralin
• Paglilista ng mga bagay na paperworks na gagawin
• Paggawa nang maayos ng report na isusumite sa klase

Ganap mo na bang naunawaan ang iba’t ibang larangan ng mga hilig? Sa pagkakataon namang ito
ay sikapin mong unawain ang iba’t ibang tuon ng mga hilig. Pag-aralan ang ilustrayon sa ibaba.
May inihandang mga halibawa para sa iyo.

16
Mga Tuon Ng Mga Hilig

Mga Gawain tuon sa tao (May kinalaman sa Tao) tuon sa bagay (Gamit ang tools at machines)

Tuon sa Ideya
(Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya)

Tuon sa Data
(May kinalaman sa facts, records, files, numero, detalye) Hal.: Paglalaro ng badminton

(Outdoor Interest)
Pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro ng badminton
Paggamit ng rocket at shuttle cock
Pag-iisip ng technigue o paraan para pumasok ang shuttle cock
Pagsusuri kung paano makashoot sa ring

(Artistic Interest)
Pagpipinta ng larawan
Pagtuturo sa kamag-aaral kung paano magpinta
Paggawa ng frame para sa larawan
Pagsubok ng bagong kulay para mapaganda ang larawan
Pagcheck kung tama ang mga paraan sa pagpipinta

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa limang grupo. Balikan ang mga itinalang bagay na pinagkakaabalahan sa
konsepto at paglalahad libreng oras. Pumili sa isa sa mga tala ng miyembro at gawin ang panuto na nasa ibaba at ibahagi
ng bagong kasanayan #1 ng lider sa klase ang natapos na gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)

17
a. Isulat sa unang kolum ang mga gawaing iyong iniranggo sa unang Gawain.
b. Lagyan ng tsek ang angkop na larangan (interest area) sa ikalawang kolum.
c. Lagyan ng tsek ang angkop na tuon sa huling kolum.

Mga Larangan ng Hilig Tuon


(Interest Areas) (Focus)

Social Service
Computation
Mechanical

Persuasive
Scientific
Outdoor

Musical
Literary

Clerical
Artistic

Bagay

Ideya
Data
Tao
10 Gawaing Iniranggo

E. Pagtalakay ng bagong Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
konsepto at paglalahad (Reflective Approach)
ng bagong kasanayan #2 1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong mga hilig?
2. May pagkakatulad ba ang larangan ng iyong hilig sa mga uri ng talentong natuklasan mo

1
batay sa resulta ng isinagawa mong Multiple Intelligence Survey sa ikalawang modyul?
Ipaliwanag.
3. Sa kabuuan, ano-ano ang tuon ng iyong mga hilig? May kaugnayan ba ng mga ito sa:
a. Pagtupad ng iyong mga tungkulin? Ipaliwanag.
b. Pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag.
c. Sa pagtulong sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan? Pangatuwiranan.

F. Paglinang sa Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo 75-100 salita tungkol sa Ang Aking Hilig, Susi ko sa
Kabihasahan (Tungo sa Aking Tagumpay. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Formative Assessment) Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

G. Paglalapat sa aralin sa Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Mula sa mga isinulat na mga hilig gawin, pumili ng isa at isadula ito.
pang-araw-araw na buhay Ipakita kung papaano ginamit at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay. (Gawin sa loob
ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya:
a. Husay ng pagganap 40%
b. Kooperasyon at Disiplina 30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan) 30%

H. Paglalahat sa aralin Ang mga hilig ay mga bagay na nakapagpapasaya sa atin habang ating ginagawa. Ito rin ang
nagdidikta ng hanapbuhay o trabaho na maaari nating makuha o pasukan sa hinaharap.

I. Pagtataya ng Aralin Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach

11
Clerical Social Service Musical Persuasive
Artistic Literary Computational
Mechanical Scientific Outdoor

1. Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas.


2. Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools).
3. Nasisiyahang gumawa gamit ang bilang o numero.
4. Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, pagdisenyo at pag-imbento ng mga
bagay at produkto.
5. Nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan.
6. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
7. Nasisiyahan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga akdang pampanitikan.
8. Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog.
9. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
10. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.

J. Karagdagang gawain para Sumulat ng isang Tagline sa notbuk tungkol sa pagpapaunlad ng hilig.
sa takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na

11
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

11
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
Pagganap

C. Mga kasanayan sa 1. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatuon sa pagtupad ng mga
Pagkatuto. Isulat ang tungkulin, paghahanda tungo sa pagpipili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-
code ng bawat kasanayan bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.
EsP7PS-If-3.3
2. Nakabubuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig.
3. Napangangatuwiran kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig.
II. Nilalaman
Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

11
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang portal ng Learning Resource


Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng Gamit ang graphic organizer, isa-isahin ang mga larangan ng hilig. Tumawag ng mga mag-aaral na
bagong aralin. magbibigay ng kasagutan. Talakayin ng guro ang kahulugan ng bawat isa. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

Larangan ng Hilig

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatuon sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo

11
o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.
2. Nakabubuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig.
3. Napangangatuwiranan kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig.

B. Ipabasa ang mga larangan ng hilig na nakasulat sa flashcards. Tumawag ng ilang mag-aaral na
magbigay ng sariling opinyon at paliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
a. kahulugan ng hilig
b. kahalagahan ng hilig
c. ang dalawang aspekto ng hilig
d. ang sampung larangan ng mga hilig
e. ang apat na tuon ng mga hilig
f. pagsusuri ng sariling mga hilig
g. pagpapaunlad ng mga hilig

C. Pag-uugnay ng mga Gamitin ang PowerPoint presentation, basahin at talakayin ang teksto tungkol sa Mga Hilig. (Gawin
halimbawa sa bagong sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin
Mga Hilig

May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon o
pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo bang
magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng magagandang ideya na gagamitin mo sa iyong
sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang
pagsusulat. Ano ba ang ibig sabihin ng hilig?
Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang gumaganyak
sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon dahil gusto mo ang iyong
ginagawa, hilig mo ito at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-

11
unlad (Santamaria, 2006).
Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay
nababagot. Iiwasan mo ang mga gawaing di mo gustong gawin o ipagpapaliban mo ang mga ito.
Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga kagamitang pinatatakbo ng kuryente tulad ng coffee
maker o juicer, ngunit ayaw mong subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang
pagbubutingting (tinker) ng mga bagay.
Ang ibang hilig ay maaaring:
a. Natutuhan mula sa mga karanasan
b. Minamana
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang
taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa
gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili, gayundin
nagpapaunlad ng kanyang tiwala sa sarili.
Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama nang aptityud, potensyal at pangkalahatang
karunungan (general intelligence) tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng
kasanayan, kakayahan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil
palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan sa iyo bilang tao.
Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makatutulong sa iyo ang kasunod ng mga
hakbang:
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
May dalawang aspekto ng mga hilig: ang larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon
ng atensyon (Abiva, 1993)

Narito at ating balikan ang sampung larangan ng hilig:


1. Outdoor
2. Mechanical

11
3. Computational
4. Scientific
5. Persuasive
6. Artistic
7. Literary
8. Musical
9. Social Service
10. Clerical

Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. Ito ay
maaaring sa tao, datos at bagay.
1.Tao
2.Datos
3. Bagay
4. Ideya
Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at
may higt sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika (musical)
at pagsulat (literary). Ito ay may tatlong tuon- tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang awit sa
kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya
(paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit.
Kung may mga panahong kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay
kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang
pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri
ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw
sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan
din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman
kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga
kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.

11
D. Pagtalakay ng bagong Pasagutan ang mga tanong sa Tayahin ang Iyong Pag-unawa na makikita sa PowerPoint
konsepto at paglalahad ng presentation. Isulat ang sagot sa notbuk.
bagong kasanayan #1
1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?
2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
4. Ipaliwanag ang dalawang aspeto ng mga hilig?
5. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at tuon ng mga ito?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa limang grupo. Gawin ang sumusunod na panuto.
konsepto at paglalahad ng 1. Sagutin ang tanong at isulat ang kasagutan sa Manila paper.
bagong kasanayan #2 Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
2. Punan ang graphic organizer sa ibaba.
3. Maghanda ang lider sa pagbabahagi sa klase ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
Pagtupad ng mga tungkulin

Paghahanda tungo sa pagpili ng


propesyon (kursong akademiko
Ang pagpapaunlad o teknikal-bokasyonal)
ng mga hilig ay nakatutulong sa

11
F. Paglinang sa Piliin sa kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Kabihasahan (Tungo sa Approach)
Formative Assessment)
Ideya Social Service Minamana
Data Clerical Artistic
Galing sa ating mga pagpapahalaga Scientific
Natutuhan mula sa mga karanasan Outdoor

1. May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye


2. Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya
3. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
4. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
5. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
6. Dahil sa pagtulong sa negosyo ng pamilyang pagtitinda ng mga lutong pagkain,
nakahiligan mo na rin ang pagluluto.
7. Labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso
sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan.
8. Nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-aalaga ng
halaman.
9. Nasisiyahan sa gawaing panlabas.
10. Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo, at pag-imbento
ng mga bagay o produkto.

G. Paglalapat sa aralin sa Ipatala ang mga natatanging hilig at isulat kung paano ito ibabahagi at palalaguin. (Gawin sa loob
pang-araw-araw na ng 5 minuto) (Reflective Approach)
buhay

1
Mga Hilig Ko Ibabahagi at papalaguin ko ito sa
pamamagitan ng:
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

H. Paglalahat sa aralin Mahalagang tandaang ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at
may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika
(musical) at pagsulat (literary). Ito ay may tatlong tuon; tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang
awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya
(paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit).
Kung may mga panahong kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay
kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang
pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri
ng mga gawain, kurso o trabahong magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa
iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din
ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman
kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga
kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.

I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na nagpaliliwanag tungkol sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng hilig sa pagpaplano ng buhay, negosyo o hanapbuhay. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Kraytirya:
a. Nilalaman -50%

12
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita -20%
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking

12
naranasang
solusyunan sa tulong
ng aking punung-guro
at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

12
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
Pagganap

C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig.


Pagkatuto. Isulat ang code 2. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig. EsP7PS-If3.4
ng bawat kasanayan
a. Nakabubuo ng Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig.
b. Nakapagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.
3. Naibabahagi ang pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at pagpapaunlad ng
pagkatao.

II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89


Kagamitang Pang-Mag-

12
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: flash cards, Manila paper, marker
Panturo
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Pangkatin ang klase sa limang grupo. Gamit ang flash card, ayusin ang mga letra upang mabuo
aralin at pagsisimula ng ang mga salita at ibigay ang kahulugan nito: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative
bagong aralin. Approach)
1. CIESTINCIF
2. TISARTCI
3. RYLIARTE
4. RELICCLA
5. TIOTAOCMUPANL

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig.
2. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig.
a. Nakabubuo ng Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig.
b. Nakapagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang
mga hilig.
3. Naibabahagi ang pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at
pagpapaunlad ng pagkatao.

12
B. Basahin ang sumusunod na kasabihan at ipaliwanag ito: (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
“Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”― Bob Ong

C. Pag-uugnay ng mga Tumawag ng ilang mag-aaral na magbibigay ng mga sariling paraang ginagamit upang mapabuti at
halimbawa sa bagong mapaunlad ang kanilang hilig. Itala sa Manila paper ang kasagutan at ipaliwanag ito sa klase.
aralin (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1.
2.
3.
4.
5.

D. Pagtalakay ng bagong Punan ang Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig na nasa ibaba. Magtala ng limang hilig at
konsepto at paglalahad ng isulat sa inyong notbuk. Pumili ng 3-5 mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa. (Gawin sa
bagong kasanayan #1 loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

TSART NG PAGPAPAUNLAD NG AKING MGA HILIG

Mga Hilig Paano ko Mga Taong Panahong Mga Maaaring Paano


Papaunlarin Hinihingan ng Ilalaan Pangarap Balakid malalampas
ito ? Tulong/ na Gusto an ang mga
Suporta o kong ito?
Kokounsultahi Makamit
n Gamit ang
Hilig
Halimbawa: * Tutugtog Mga kaibigan at Isang oras Tuturuan Baka Ipangangako
Pagtugtog ako sa loob guro araw-araw ng may ko sa aking

12
ng gitara ng isang pagtugtog ipagawa magulang na
oras araw- ng gitara sa aking pagbubutihin
araw ang mga gawain ko ang pag-
* Mag- kapitbahay sa bahay aaral, para
eenrol ako upang payagan nila
sa isang mapaunlad ako sa mga
guitar ang aming hilig ko.
school ugnayan at
mailapit ko
sila sa
Diyos.

E. Pagtalakay ng bagong Sumulat ng talaarawan (diary) ng mga ginawa sa buong maghapon tungkol sa pagpapaunlad ng
konsepto at paglalahad ng sarili at mga hilig. Ibahagi sa klase ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
bagong kasanayan #2 (Reflective Approach)

Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

12
F. Paglinang sa Sagutin ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment) 1. Ano ang pakiramdam mo nang natapos mo ang gawain?
2. May mga bago ka bang natuklasan tungkol sa iyong sarili?
3. Paano makatutulong ang iyong mga hilig sa iyong paghahanda sa susunod na yugto ng buhay?
4. May mga bago ka bang natutuhan o insights?
5. May mga karagdagang kaalaman ka ba na nasaliksik o mga tanong tungkol sa hilig?

G. Paglalapat sa aralin sa Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa inyong notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
pang-araw-araw na buhay Approach)

Mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig sa paghahanda sa pag-aaral, pagnenegosyo at


paghahanapbuhay dahil

H. Paglalahat sa aralin Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga hilig, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil
palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o
kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa
pagiging abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking
suweldo ngunit di naman kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig,
makikilala mo ang mga kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.

I. Pagtataya ng Aralin Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Limang puntos sa bawat
katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano mo iuugnay ang mga natuklasan mong hilig sa gusto mong kurso o negosyo?

12
Ipaliwanag.
2. Ano-anong hilig ang kailangan mong pag-ibayuhin o baguhin? Ipaliwanag.
3. Paano makatutulong ang iyong mga hilig sa paghahanda sa iyong pinaplanong kurso
akademiko o teknikal-bokasyonal o hanapbuhay o negosyo? Pangatuwiranan.

J. Karagdagang gawain para Humanda para sa Pagsusulit.


sa takdang-aralin at Ihanda rin ang sumusunod:
remediation a. Portfolio
b. Notbuk
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

12
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like