You are on page 1of 5

ESP ROLE PLAY

Narator: Isang araw naisipan kumain ng pamilya sa labas ngunit wala silang mapili kung saan
ba sila kakain kaya naisipan nilang umuwi nalang

Amelie: Anak! Andito na ang ulam kain na tayo pakitawag narin ang papa Ramon mo
Alex: sige po ma (tinawag ni alex ang kanyang ama upang kumain na)
Ramon: Ano ulam natin mahal
Amelie: Since na wala tayong mahanap na restaurant nag order nalang ako , ayan kfc ulam
Ramon: Sarap naman nyan
Alex: Kaya nga pa mukang mapaparami kain natin dito
Amelie: osha tara na at kumain na tayo

Narator: kumain na ang pamilya dela cruz at makalipas ang ilang oras bumili ang ina ni alex ng
damit

Amelie: Anak alex eto na bagong damit mo


Alex: ma bakit ganito bakit pink to
Amelie: kasi alex gusto ko ng bagong silbi para sayo hindi naman kasi problema kung iba iba
kulay ng damit mo diba?
Alex: sige po ma maraming salamat po

Narator: bago pumasok si alex sinuot nya ang pink na damit na binigay sakanya ng kanyang ina

Alex: ma pa papasok na po ako


Amelie: sige anak ingat ka ha

Narator: tuluyan ng nakapasok na si alex sa kanilang paaralan malapit sakanila

Teacher(Unknown): so class any other question? If none class dismissed


Alex: hay nako sa wakas natapos din ang hirap ng pinapagawa ni maam

Narator: palabas na si alex ng iskwelahan ng biglang mabangga sya ng bike ni Christian

Christian: ano ba ginagawa mo di ka ba tumitingin sa daan?!


Alex: Pasensya na pagod kasi ako kakatapos lang ng klase
Samantha: ayos kalang ba?
Alex: oo ayos lang ako konting sugat lang naman
Samantha: good , btw im samantha you can call me sam for short
Alex: salamat sa pag tulong samantha ako nga pala si alex
Samantha: Nako christian alam mong labasan na harurot ka pa ng harurot hays
Christian: pasensya na
Alex: okay lang yun wala kang kasalanan ako yung may kasalanan di kasi ako nakatingin sa
daan
Christian: di ako talaga may kasalanan ambilis ng patakbo ko maraming tao
Samantha: Nako wag na kayo mag talo pareho lang kayo may mali
Nathan: oh samantha ano nangyari dito
Samantha: eto si christian naka bunggo
Nathan: yan harurot pa nakabangga ka tuloy
Nathan: anyway im nathan nice to meet you
Alex: ako nga pala si alex nice to meet you too

Narator: tuluyan na ngang umuwi si alex sa kanilang bahay at nag pahinga

Amelie: oh nak napano yang tuhod at braso mo bat may galos


Alex: wala to ma nadapa lang ako
Amelie: nako parang anlala ng sugat mo di tumitigil sa pag dugo mukang kailangan natin ipa
tingin yan baka ma infection ka pa
Ramon: oh anyare sayo alex
Alex: nadapa lang ho
Ramon: alex yung totoo
Alex: nabangga po ako ng bike
Ramon: sabi sayo mag i-ingat ka eh tara ipatingin natin yan

Narator: pumunta na nga ang pamilya dela cruz sa hospital upang ipatingin ang sugat ni alex

Amelia: Doc pwede po bang ipatingin ang sugat ng anak ko ayaw po kasi tumigil sa pag dudugo
Dr Maria: Sure
Dr Maria: so ano nangyari dito alex
Alex: nabunggo po ako ng bike medjo malakas po yung impact
Dr Maria: malala nga yung sugat mo since malakas impact lalagyan natin ng bandage yan and
bibigyan kita ng reseta bibilin mo lang pain killer pampatanggal sakit
Alex: Maraming salamat po Doc Maria

Narator: umuwi na ang pamilyang dela cruz at si alex ay nag pahinga na para makapasok
bukas

Alex: ma pa papasok na po ako


Ramon: mag ingat ka alex tignan mo dinadaanan mo ha
Amelie: tama ang papa ramon mo wag ka basta basta tumawid

Narator: nakapasok na si alex at may hindi magandang nangyari sakanya nabully sya dahil sa
kanyang itsura at pananamit

Andrea: uy tignan nyo to ambaduy manamit


Gabriel: kaya nga eh bakla ata to tara lapitan natin
Andrea: hoy bakla sino ka dito
Alex: uhm sorry bago lang ako dito
Gabriel: kilala mo ba kami dito?
Alex: sorry bago lang talaga ako dito
Andrea: kilalanin mo binabangga mo ha (sinampal si alex)
Alex: pasensya na di mauulit
Gabriel: tara na amboring baduy naman to

Narator: pumasok na si alex sa kanilang silid-aralan


at ng matapos ang klase dumiretso na sya pauwi ng makasalubong nya uli ang kaniyang bully

Gabriel: uy tignan mo nga naman nag kita pa tayo


Andrea: Coincidence nga ba
Alex: ayoko ng gulo layuan nyo nalang ako
Andrea: aba nag sasalita kana ha
Gabriel: dapat dito binibigyan ng leksyon eh
Andrea: tara upakan na natin to

Narator: bago makauwi si alex sa kanilang bahay ay nabugbog muna sya ng kanyang bully

Alex: ma nakauwi na po ako


Amelie: oh anyare sa muka mo bat may sugat
Alex: ah wala to ma tumama lang sa pinto
Amelie: nako kasi sabing mag ingat ka pang ilang sugat mo na yan
Alex: mga nasa isang libo de joke lang ma
Amelie: tara na kumain na tayo tawagin mo na papa ramon mo

Narator: kumain na ang pamilyang dela cruz at kinabukasan pumasok na si alex sa kanilang
paaralan at sabay sabay silang pumasok ni samantha at nathan

Samantha: oh alex ikaw pala yan


Nathan: tara sabay sabay na tayo pumasok
Alex: sige tara na

Narator: makalipas ang isang oras nakaramdam si alex ng kalungkutan dahil sa nambubully
sakanya dahil nga sa kanyang pananamit at pormahan

Samantha: oh alex bat umiiyak ka


Alex: ha wala to masakit lang ulo ko teka mag cr lang ako
Samantha: sige

Narator: pag kauwi ni alex dumiretso agad sya sa kanyang kwarto upang mag pahinga at
umiyak hindi sya nakatulog at umiyak lang sya mag damag hanggang umaga di na sya
nakapag pahinga

Nathan: oh alex bat namumula mata mo


Alex: ah wala to kinamot ko lang makati kasi
Nathan: parang hindi kamot yan eh umiyak ka ba?

Narator: hindi na sinagot ni alex ang tanong ni nathan at tuluyan nalang pumunta ng cr para
umiyak ulit at di na nga nya nakayanan at nag collapse na sya dahil sa walang tulog at mag
damag na umiyak
Narator: pag gising ni alex nakita nalang nya na nasa kwarto sya at may nakita nya si doc Maria

Doc Maria: as we can see si alex ay depressed sa di natin alam na rason at kailangan nyang
mag pahinga for like 3-5 days
Alex: ma ano meron
Amelie: anak nag collapse ka kasi sa school nyo sa cr buti nalang nakita ka ni christian
Ramon: may problema ba anak na hindi namin alam?
Alex: wala naman po ma pa

Narator: tinago ni alex ang kanyang pag ka depress at nag pahinga nalang hindi muna
pumasok si alex dahil sa pag ka depress nya makalipas ang limang araw pumasok na muli si
alex at may nakilala syang mag papabago sana sa buhay nya kaso ito ay nabigo
Althea: hi ako nga pala si althea matanong ko lang san dito yung room 12 C?
Alex: uhh dun yun sa kabilang building second floor
Althea: pwede mo bako samahan kasi bago lng ako dito
Alex: sige²
Althea: salamat

Narator: sinamahan na ni alex si althea sa room 12 C at parang nag kagusto si althea kay alex
dahil na sa kanyang kabaitan

Alex: dito na yon


Althea: salamat nga pala ano pangalan mo?
Alex: ako nga pala si alex nice to meet you
Althea: salamat nga pala alex

Narator: ikalawang araw na nga at pinuntahan ni althea si alex sa kaniyang room upang ayain
itong kumain sa labas

Althea: alex pwede ka bang ayain kumain sa labas?


Alex: sige

Narator: kumain na nga sila sa labas at makalipas ang isang linggo nag confess na si althea
kay alex

Althea: uhm alex may sasabihin ako


Alex: ano yon?
Althea: gusto kasi kita alex
Alex: ha pano at bakit?
Althea: mabait ka kasi at matulungin
Alex: sorry althea pero..
Athea: pero?
Alex: diko kasi alam kung babae ba gusto ko o lalake.
Althea: ay ganon ba still can we be friends nalang?
Alex: sure..

Narator: umuwi na si alex at nalilito sya sa kanyang nararamdaman kayat


lumabas muna sya saglit upang mag pahangin

Narator: kinabukasan pumasok si alex at nakita nya si christian

Alex: christian sabay na tayo


Christian: tara

Narator: nakapasok na sila at nang uwian nag talo si alex at christian sa nararamdaman ni alex

Alex: mali ka sa sinasabi mo christian


Christian: anong mali?! Totoo naman tanggapin mo nalang na bakla ka talaga!
Alex: hindi ko na alam nalilito nako sa kung sino talaga at sino ang gusto ko
Christian: alex maniwala ka tanggapin mo kung ano nilalaman ng puso mo kahit bakla ka
tanggap ka namin ni samantha at nathan wag mo ipilit ang sarili mo
Alex: salamat christian dahil sayo alam ko na kung sino talaga ako

Narator: makalipas ang pitong taon naging malaya na si alex sa kung ano man ang maging
gusto nya at suporta ang kanyang mga magulang at mga kaibigan.

                                                    THE   END

You might also like