You are on page 1of 21

ARALIN 8:

Kalakalang Panlabas
Hindi na bago ang kalakalang
panlabas sa Pilipinas, noong unang panahon
pa lamang ay nakikipagkalakalan na ang
mga Pilipino sa iba’t ibang bansa para
punan ang mga kakulangan at
pangangailangan ng mga mamamayan sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.
Ayon sa Oxford Dictionary of Economics , ang
Kalakalang Panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng
mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa.
Hindi matatagpuan sa isang bansa ang lahat ng
kakailanganin nito. Kailangang makipag-ugnayan sa
ibang bansa upang makuha nito ang mga produkto at
serbisyong kailangan na wala ito. Maaring maipamahagi
ang mga produkto sa ibang bansa kapalit ng mga
produktong wala sa kanila at ito ay tinatawag na
Exportation. Kailangang umangkat ang isang bansang
salat sa pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
kanyang mga pangangailangan.
IMPORTASYON
Ang import ay tumutukoy sa pagbili o pag-
aangkat ng mga produkto galing ibang
bansa sa lokal na pamilihan.

EKSPORTASYON
Ang export naman ay tumutukoy sa
pagluluwas o pagbebenta ng mga produkto
o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan.
Mga Prinsipyo sa Likod ng Kalakalang Panlabas
1.Absolute Advantage
2.Comparative Advantage
Absolute Advantage
Comparative Advantage
Mga Patakarang Umaapekto sa
Kalakalang Panlabas
Quota o Kota – ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng kalakal o
produktong inaangkat o iniluluwas upang mapangalagaan ang lokal
na produkto sa pagdagsa ng maraming produktong dayuhan, sa
ganitong paraan patuloy na natatangkilik ang sariling produkto.
Halimbawa : Kung gusto ng gobyerno na pangalagaan ang local na
industriya ng sapatos laban sa mga sapatos na mula sa Italy, maaaring
iutos ito na huwag papasukin sa bansa ang sobra sa 10,000 pares ng
sapatos mula sa Italy.

Subsidy o Sabsidi- Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyerno upang


bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal na produkto
Halimbawa: Kung nasusuportahan ng gobyerno ang isang produkto
sa ating bansa, maaaring magbaba o magbawas ng buwis para dito.

Tariff o Taripa – ang taripa ay espesyal na buwis na ipinapataw


lamang sa mga kalakal na inaangkat. Ang pagpataw ng buwis sa mga
angkat na kalakal ay nagpapataas sa presyo nito. Kapag lubhang
mataas ang taripang ipinataw sa isang kalakal, posibleng napipigil
ang pag-aangkat o kaya tuluyang napahihinto ang operasyon sa
kalakalang ito.
Mga Pandaigdigang Pang-ekonomiko
Mga Epekto ng Panlabas na
Kalakalan
Negatibong Epekto ng Pakikipagkalakalan

You might also like