You are on page 1of 3

"Vicenteng Bingi"

ni Jose Villa Panganiban

Grade Two lamang ako noon, batang munti, isip na paslit, damdaming mababaw at
panarili, mga matang walang paninging pang-ilalim. Umga noong nakaraan ng isag malakas na
bagyo. Palabas ang Papa ko sa kusina, nang matagpuan niya ang isang lalaking nakatimbuwang,
maputik ang mukha, katawan at damit, at sa dibdib ng lalaking nagdidiliryo sa init ng lagnat ay
isang sisiw ang maingay na siyap nang siyap.

Apat na araw at gabing nagmangmang sa lalaking hatid sa amin ng bagyo. Ang lahat ng
magagawa ng doktor at gamot ay buong tiyagang inilapat sa maysakit. Sa ikalimang araw, ang
mahiwagang tao sa papag ng aming kusina ay nagmulat ng mata, na ako ang unang nakapakuan
ng tingin. Siya'y ngumiti. Pinulsuhan agad siya ng aking ama."Ligtas ka na", sabi ng Papa ko.
"Magpasalamat ka sa Diyos!"

Itinuro ng maysakit ang kanyang tainga at umiling. "Vicente puing, lagyu ku" ang sabi. At
mula noon ay tinawag namin siyang Vicenteng Bingi.

Nang gumaling na si Vicente ay pinagsabihan siya ng aking ama na maari nang makauwi
sa kanila sapagkat napag-alaman naming sa buong bayan ng Paniqui(Tarlac) ay walang
nakakakilala kay Vicenteng Bingi. Ngunit iling lamang ng iling si Vicenteng Bingi na animo'y hindi
naririnig ang sabi ng Papa o kaya'y tumatangging umalis. "Yakung mag-alaga kay Pipitu ampong
kang sisi," ang sabing patawa sa magkahalong Tagalog at Kapampangan. Hindi namin siya
mapaalis.

Kahit walang anumang inuutos sa kanya (at hindi naman mautusansapagkat hindi
marinig ang utos), maraming tungkulin ang kanyang ginanap sa aming bahay-- nagpastol siya ng
mga kamibing na ginagatasan din niya araw-araw, pinatutuka ang sisiw na kasabay niyang
dumarating at ang mga ibang manok, pato't gansa namin, at sa tuwing papasok ako sa paaralan,
sinusundan niya ako't binabantayan.

Sa gabi, bago matulog,kinukwentuhan niya ako. Sa kanya ko naririnig ang maraming mga
alamat ng mga Kapampangan at ang mga kuwento ng mga nuno, multo, aswang, tikbalang,
kapre, iki, tiyanak at mga iba pang malignong nakatira sa Pampanga at Tarlac. At dahil sa
kahintakutan ko pagkatapos ng kwento, natutulog siya sa ilalim ng katre, at kahit bingi, munting
gumalaw ako'y bumabangon siya't tinitingnan kung nawawalan ako ng kumot, napapabingit kaya
sa katre, napapasukan ng lamok sa kulambo, o napapalayo ang aking abrasador.

Dahil sa pakita niyang mahigt na pag-aalaga at pagmamahal sa akin, sabi ng Papa ko'y:
"Sige na nga, pabayaan mo na nga siyang matira riyan." Nang malaman ito ni Vicenteng Bingi,
ang kislap ng kanyang mata ay parang araw na biglang namitak sa pagliliwanag at ang ngisi niya
sa tuwa ay parang malaking wahak sa mukha na sagad sa magkabilang tainga.

Kaya, bukud-tangi ako sa lahat ng mga bata sa buong bayan ng Paniqui, kaypala'y sa

This study source was downloaded by 100000819779264 from CourseHero.com on 08-17-2023 21:50:22 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95263514/Vicenteng-bingi-storydocx/
buong lalawigan ng Tarlac, o sa buong Piipinas man, ako lamang ang batangmay badigard. Hatid
niya ako sa pagpasok at paglabas kahit saan. Sa pakikipagtaguan ko'y siya ang pumipili ng
mabuting taguan, kaya hindi ako mahuli. At kung ako naman ang tagahuli, inihuhudyat niya sa
akin ang pinagtataguan ng kalaban,kaya madali akong makahuli. Kung nakikipagsuntukan ako,
habang nakakalamang, hindi siya nangingialam. Ngunit kapag natatalo ako, inaawat niya at siya
ang aking sinusuntok,sinisipa, hinahampas, binabato, ngunit tinatanggap niyang lahat at hindi
man lamang umiilag, at hindi rin gumaganti, ni nagagalit. Kapag uuwi kaming pasa ang kanyang
mata o nagdurugo ang kanyang ilong dahil sa aking suntok at hampas, ang Papa ko ay nagagalit
sa akin, ngunit humaharap si Vicente sa Papa at nagsasabing "Yaku pu ing makikisalanan."

Isang gabi sa aking pakikipaghabulan sa kalaro, lumundag ako sa bakod. Ngunit


napasabit ang aking paa sa kawad na may tinik at patuwad akong napabitin. Ang hiyaw ni
Vicente ay nakagulantang sa kapitbahay. Sinaklot niya ako't tinanggal ang paa ko sa tinik ng
kawad, habang malakas at pahagulgol na nagdarasal:"Ginuku! Ginuku!"

Hinugasan niya ng gaas ang madugong sugat ng paa ko, ngunit sapagkat sa bawat daing
ko'y lalong malakas ang kaniyang sigaw, ang hapdi ay tiniis ko't pinag-igting ang aking mga ngipin.
Ito'y hinangaangmabuti ni Vicente at mula noo'y ipinaghambog ako sa lahat ng tao sa buong
Paniqui, "Matapang ing sinyuritu ku!"

Dahil sa kapilyuhan ng aking kabataan, sa galit ng aking ama'y di-mamakailang


pinagtangkaan niya akong parusahan ng palo. Tuwing hahampas ng palo ang aking ama, si
Vicenteng Bingi ay biglang lumulukso sa aking piling.

Ngunit ako noo'y paslit na isip at may pusong di-marunong umunawa sa kahalagahn ng
pag-ibig at pagmamahal ng tao sa kapwa tao.

Minsa'y nagtago ako sa paghithit ng tabako sa kasilyas. Nagkamali akong ang nagniningas
na palito g posporo ay sa dingding sa kugon naitapon. Nasunog ang kasilyas. Itinuro ko si
Vicenteng Bingi na siyang may kasalanan. Nang bugbugin siya nga aking ama, lumuhod siya't
nagsubsob ng ulo sa sahig at pahagulgol na nagsabi, "Tawad pu! Tawad pu!"

Kaytigas at kaylupit ng aking loob noon!

Isang gabi, sa lutrina ng mga bata, parang inalihan yata akong maligno. Bawat masundan
kong batang babae ay sinulsuhan ko sa buhok ng kandilang may ningas. Nagkagulo sa lutrina.
Nang ipahuli ako sa pulis ay agad kung itinuro si Vicente na may gawa kaya dinakip si Vicente at
nabilanggo.

Sa laki ng galit ng aking ama, dinala niya ako sa Seminario de San Javier sa Maynila at
doon pinapag-aral ng maraming taong walang kabaka-bakasyon.

Dahil sa muling pag-aasawa ng aking ama, ako'y inilabas sa Seminario at pinahintulutang


makauwisa Paniqui. Halos nalimutan ko na si Vicenteng Bingi, ngunit pagtuntong ko sa lupain ng
Paniqui ay siya ang una kong itinanong: Nasaan si Vicente?

Ang itinuro sa ay ang kanyang libingan.

Nang makalabas daw si Vicenteng Bingi sa pagkabilanggo niya dahil sa eskandalo sa

This study source was downloaded by 100000819779264 from CourseHero.com on 08-17-2023 21:50:22 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95263514/Vicenteng-bingi-storydocx/
lutrina at hindi ako dinatnan sa amin, lumayas siya't isang buwang nawala. Nagbalik siya
sapagkat walang mapasukangtrabaho at gutom na gutom. Gayon man, wala siyang inatupag sa
aminkundi ang magpastol ng mga kambing at mag-alaga sa mga naging anak ng sisiw na kasabay
niyang dumating sa amin. Dumami ang mga kambing at marami siyang gatas na naipagbili araw-
araw. Ang sisiw ay lumaking inahing kantunis, mabilis mangitlog at mamisa at pinanggalingan g
makapal na manukang pinakinabangang mabuti ng Papa ko. Ngunit si Vicenteng Bingi ay di-
nakihalo ni nakipag-usap kanino man, kahit sa aking ama. At kahit sa pagkain, kapag walang
ibang tao sa kusina, saka lamang siya papasok upang kumain.

Isang bagyong malakas uli ang nagdaan. Nagkahiwalay ang mga kambing at mga manok
hanggang sa matipong lahat sa silong ng kusina. Ngunit kinaumagahan, natagpuan siya ng aking
ama sa piling ng mga kambing at manok, at nagmamangmang sa taas ng lagnat. Kinapitan siya ng
pulmonya. Sa paghihingalo raw ni Vicente'y ganito ang bilin:"sabyan yo pu kang sinyuritu Pipitu,
dalawin ang hukay ko."

Mga isa o dalawang patak na lua at kaunting kirot ng damdamin ang tanging naiukol ko
kay Vicenteng Bingi sa sandaling yaong tumindig ako sa tabi ng kanyang libingan... libingang
hinukay sa lupa at tinabunan ng lupa. Sa krus na palatandaa'y walang nakasulat kundi: Vicente.
Walang apelyido. Walang nakaaalam ng apelyido ni Vicente at ayaw ng Papa ko ng Bingi.

Tinaya ko sa mga daliri ng kamay ang mga lumipas na taon mula nang bagyong yaong
naghatid sa buhay ko ng isang sisiw at isang pag-ibig. Ang nabilang ko ay apatnapu't isang taong
buhay ng isang pag-ibig na kahit hindi matumbasab ay hindi mapapagwakas ng libingan. Lahat ng
siyap ng mga sisiw sa bakas ng alin mang bagyo, para sa akin ay kaluluwang walang-kamatayan
ng pag-ibig na yaon.

"Ibig ko pong magpamisa, Padre," ang sabi ko.

"Ukol kanino?" ang tanong ng pari.

"Kay Vicente po."

"Vicente..ano? Anong apelyido?"

Ngunit, "Vicenteng Bingi po," ang sabi ko, na pinagtawanan ng pari.

"Mayroon bang apelyidong ganyan?"

Pagkarinig sa aking kuwento, ang pari ay marahang bumulong sa akin ng "Patawarin mo


ako", nagbukas ng kanyang talaan ng mga pamisa at ganito ang isinulat na pangalan. Vicenteng
Bingi.

This study source was downloaded by 100000819779264 from CourseHero.com on 08-17-2023 21:50:22 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95263514/Vicenteng-bingi-storydocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like