You are on page 1of 2

SULONG PILIPINO

By Pangkat 5

Sa pamahalaang matagumpay at marangal


May mga mamamayang lumalaban at nagmamahal
Dugo’t pawis sa bawat parangal
Nagkakaisa at may dangal

Sa paglipas ng panahon
Pagbagsak ay tila alon
Mga pinaghirapa’y ‘di na malingon
Tayo pa ba’y makakaahon?

Mag-ingat at piliin ang iboboto


Manindigan at panigan ang totoo
Itigil ang diskriminasyon sa kapwa tao
Para sa kaayusan ng mga Pilipino

Puksain ang pagkakaiba


Tayo’y makilahok at magkaisa
Ipakita ang pagka-makabansa
Mga Pilipino’y susulong na
AKTIBONG KABATAAN
By Pangkat 9

Maunlad na pamayanan
Tinatamasa ng bawat kabataan
Ginagabayan at binibigyang kahalagahan
Upang sila’y maging magagaling na mamamayan.

Aktibo rin sa politika at pamamahala


Upang maunlad na bansa ating matatamasa
Naniniwala na ang demokriasya’y mahalaga
Bumoto at ipahayag ang kanilang boses, dahil ito ay mahalaga.

Ako’y isang aktibong mamamayan


Laging handing magmalasakit at tumulong sa nangangailangan
Sa pag-asam na umunlad at magtagumpay ang ating bayan
Ating ipagpatuloy ang tungkulin natin bilang mabuting mamamayan sa
ating pamayanan.

Hindi lamang sa loob ng tahanan nagkakaisa


Kundi pati na rin sa bayan at ating bansa
Sa pamamagitan ng kooperasyon at pagkakaisa
Makakamit natin ang maunlad na bansa.

You might also like