You are on page 1of 3

NUEVA ERA ELEMENTARY SCHOOL

CABATUAN WEST DISTRICT


NUEVA ERA, CABATUAN, ISABELA

THIRD QUARTER SUMMATIVE


ARTS 3
A. MARAMIHANG PAGPILI. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanoong. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
______ 1. Ito ay isang proseso ng paglimbag ng mga bagay o teksto na ginagamitan ng tinta.
a. pagguhit b. pagpinta c. pagdisenyo d. pag-imprinta
______ 2. Bago idikit sa papel, sa aling bahagi ng dahon dapat ito lagyan ng poster paint o water color?
a. sa harapang bahagi ng dahon c. sa sanga ng dahon
b. sa likurang bahagi ng dahon d. sa dyaryo
______ 3. Alin sa mga sumusunod na disenyo ay nagmula sa hayop?

______ 4. Alin sa sumusunod na disenyo ang HINDI sa halaman?

______ 5. Sa anong bagay nagmula ang disenyong ito?

______ 6. Ito ay isang pamamaraan ng paggawa ng disenyo na kung saan ang papel o tela ay idinidikit sa
tubig na mayroong mga pintura.
a. paper marbling c. pagpinta
b. pag imprinta d. pagguhit
______ 7. Ito ay inihahalo kung masyadong malapot ang pintura.
a. gaas b. batya c. oslo paper d. patpat o stick
______ 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kagamitan sa paggawa ng paper marbling?
a. pintura b. dahon c. oslo paper d. tubig

______ 9. Alin sa mga sumusunod ang MALI?


a. Mahalaga ang pagpili ng mga kulay na gagamitin sa paggawa ng mga disenyo.
b. Kailangan na mas malapad ang batya kaysa papel na gagamitin mo
c. Habang gumagalaw ang pintura, hawakan sa magkabilang dulo ng bahagi ang oslo paper
at dahan-dahang ilagay sa ibabaw ng tubig.

Page 1 of 3
Arts
d. Huwag ingatan ang pagdiin sa oslo paper upang malinis ang pagkadikit ng pintura.
______ 10. Sa anong bagay pwede maihahalintulad ang paper marbling?
a. kabibe b. mesa c. bote d. makinis na marble
______ 11. Ito ay isang simpleng gawain na ginagamitan ng mga daliri sa halip na brush.
a. finger printing b. paper marbling c. stencil d. finger painting
______ 12. Ang mga sumusunod ay ginagamit sa finger printing MALIBAN sa _________.
a. watercolor b. poster paint c. paint brush d. acrylic
______ 13. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa fingerprinting?
a. daliri b. siko c. tuhod d. balikat
______ 14. Ito ay isang simpleng gawain na ginagamitan ng mga daliri sa halip na brush.
a. finger printing b. paper marbling c. stencil d. finger painting
______ 15. Sa anong paraan ginagawa ang finger printing?
a. pag-uulit b. pagkula c. stencil d. finger painting
______ 16. Ano ang mas mainam gamitin na disenyo para sa paggawa ng istensil?
a. etniko b. bahay c. bulaklak d. halaman
______ 17. Ito ang pinakasimpleng paraan ng pag-iistensil?
a. makina b. pagpicture c. mano-mano d. pagphotocopy
______ 18. Ang nalikhang sining sa pag-iistensil ay tinatawag na ________.
a. print design b. tela c. etniko d. mano-mano
______ 19. Sa pag-iistensil, isa sa pinakasimpleng pamamaraan ng pagdoble ay ________.
a. print design b. mano-mano c. painting d. makina
______ 20. Ito ay isang paraan upang makapagparami ng mga disenyo.
a. print design b. pag iistensil c. painting d. finger printing
______ 21. Ito ay isang parirala o maikling pangungusap na may mensahe na naaayon sa nagawang logo o
paksa
a. islogan b. logo c. poster d. pangungusap
______ 22. Ito ay simbolo na ginagamit upang mas madaling makilala at matandaan ng publiko ang isang
produkto o organisasyon.
a. islogan b. logo c. poster d. pangungusap
______ 23. Alin sa mga sumusunod ang MALI?
a. Sa paggawa ng logo ay kinakailangang madali nitong makuha ng atensyon ng mga tao.
b. sa paggawa ng logo ay kinakailangang madali itong maintindihan ng mga tao.
c. Sa paggawa ng logo ay maaaring gamitin ang mga bagay na patapon na tulad na lamang ng
mga plastic spoons.
d. Sa paggawa ng logo ay dapat mahirap itong maintindihan
______ 24. Sa paggawa ng islogan o logo, laging isaalang-alang ang iyong _______.
a. layunin b. sarili c. kaibigan d. kulay
______ 25. Maaaring gamitin ang mga patapong bagay sa paglikha ng logo at islogan sa pamamagitan ng
_______.
a. stamp printing b. stamp painting c. finger painting d. finger printing
______ 26. Ito ay isang paraan ng pag-imprinta nang paulit-ulit na disenyo sa pamamagitan ng pagpapadaan
ng pintura sa ginawang pattern.
a. stencil art b. slogan c. poster d. finger printing
______ 27. Ano ang tawag sa pattern mula sa binutas na karton na gagamiting pandisenyo sa pag-iimprinta?
a. istensil b. slogan c. poster d. logo
______ 28. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi kabilang sa paggawa ng istensil?
a. gunting b. karton c. bote d. pintura
______ 29. Bakit kailangang gumamit ng iba’t ibang kulay sa pag imprinta ng istensil?
a. upang mas kaakit-akit ang iyong ginawang disenyo
b. sapagkat iyon ang batas na sinusunod ng mga artist
c. dahil sayang naman kung hindi gagamitin ang ibang kulay
d. sapagkat ito ay naaayon sa ginawang disenyo ng isang artist.

Page 2 of 3
Arts
______ 30. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa paggawa ng istensil?
a. Gupitin ang disenyo sa karton.
b. Lagyan ng mga detalye ang iyong iginuhit sa karton.
c. Gumuhit ng disenyo na nais mo sa isang makapal na papel o karton.
d. Ilapat ang iyong istensil sa tela o papel at kulayan ang bahagi na may butas
B. TAMA O MALI. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama. MALI naman kung hindi.
______ 31. Ang kahalagahan ng paggawa ng islogan o logo tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran ay isa
ring panawagan sa mga tao na gumawa ng aksiyon upang maisalba ang kapaligiran.
______ 32. Ang logo ay binubuo ng hugis, kulay, titik at larawan.
______ 33. Sa paggawa ng isang logo hindi na dapat pag - isipang mabuti ang gagamiting simbolo o icon.
______ 34. Ang logo ay isang disenyo na nagbibigay ideya o impormasyon upang mapaabot ang tema nito
______ 35. Sikaping magkaroon ng tugma ang iyong islogan.
______ 36. Ang pagpipinta ay isang sining na karaniwang makikita sa mga eksibit at patimpalak.
______ 37. Ang pagsasayaw o dancing ay uri ng sining.
______ 38. Ang pagtutula at itinatanghal sa entablado kung saan ang mga kalahok ay magsasalita na may
tugma at layunin.
______ 39. Ang pag awit ay hindi kabilang sa sining.
______ 40. Sa buwan ng Enero dinadaos ang National Arts Month.

Page 3 of 3
Arts

You might also like