You are on page 1of 9

3

PAGGAWA NG PRINT
(Ikalawang Bahagi)

Modyul ng Mag-aaral sa Arts 3


Kwarter 3 ● Modyul 4

JOSEPHINE L. RUFINO
Developer

Redeveloped for DepEd LMS by:


JACQUELYN C. TAYAB

Department of Education • Cordillera Administrative Region

1
Tuklasin
Pag-aralan ang bawat larawan. Ano ang tawag sa mga ito?
Saan kayo nakakakita ng mga ganitong larawan?

Ang mga ito ay mga disenyong nagbibigay ng


mensahe at tatak na nagiging inspirasyon para sa ating
pamayanan at kapaligiran sa pamamagitan ng
paglilimbag.

Suriin
Ang paglilimbag o printmaking ay isang uri ng gawaing sining na
ginagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas o marka sa anumang bagay
katulad ng papel, tela, o mga bagay na makikita sa kalikasan. Ito ay puwedeng
makatotohanan o realistic at di makatotohanan o abstract. Sa pamamagitan nito
ay maipapahayag natin ang ating damdamin o kaisipan at maipapamalas mo ang
iyong pagkamalikhain.

A. Paggawa ng Nilimbag na Logo

2
Ang logo ay isang tatak na karaniwang ginagamit sa pangkomersiyong
pagawaan, organisasyon, at ng mga indibidwal upang makapagtaguyod ng
publikong pagkilala o recognition.

Halimbawa: Logo ng DepEd

Pansinin ang poster na nasa ibaba. Ang poster ay ginagamitan ng purong


larawan para iparating ang mensahe sa publiko.

Ang poster-islogan ay kombinasyon ng larawan at mensahe ng isang


disenyo. Narito ang halimbawa ng poster-islogan.

Maaaring gumamit ng mga patapong bagay sa paglilimbag sa paggawa ng


logo para sa kamalayang pangkapaligiran (environmental awareness) at sa
makabuluhan at malikhaing sining.

Ang isang kaakit-akit na disenyo ng logo ay malilikha sa pamamagitan ng


paggamit ng pagsusunod-sunod o pagsasalit-salit o repeated pattern gamit ang
paglilimbag ng tatak o stamp printing.

3
4
B. Pag-iistensil ng Pangalan

Ang pag-iistensil ay isang uri ng paglilimbag ng paulit-ulit na disenyo na


ipinadadaan o inililipat ang tinta, pintura o wax sa mga butas o hiwa sa
kardbord o metal. Maaaring gamitin nang paulit-ulit sa iba’t-ibang bagay,
kagamitan, o damit. Puwede ring maibahagi ang disenyo sa iba.

Pag-aralan ang halimbawa ng istensil na ito.

C. Paggawa ng Islogan o Logo

Ang islogan ay maaaring parirala o phrase o maikling pangungusap na


naglalarawan o nagpapaliwanag ng isang tema o paksa. Ito rin ay isang paraan
ng paghatid ng mensahe sa publiko.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng islogan:
1. Gawing maikli ang pangungusap.
2. Gumamit ng ritmo kung kinakailangan.
3. Ang kaisipan o ideya ay may kaugnayan sa tema o paksa.

Ang logo ay disenyo na nagpapakita o naglalarawan na ginagamit ang


mga hugis, titik, kulay at mga larawan.

Mga dapat tandaan sa paggawa ng logo:


1. simple o payak
2. madaling tandaan
4. makabuluhan

5
5. tumpak
3. maaaring gamitin sa anumang oras o panahon

Ang mga islogan o logo ay maaaring ilimbag sa poster, tarpolin, banner,


t-shirt, o bag.

6
Pagyamanin
Tingnang maigi ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang mga
ginamit na disenyo. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1.
a. poster
b. Islogan
c. Poster-Islogan

a. Logo
2. b. Poster
c. Poster-Islogan

3.

a. logo
b. Poster
c. Poster-Islogan

4.
a. Islogan
b. Poster
c. Poster-Islogan

Isagawa- (Performance Task)


Ihanda ang mga nakasulat na kagamitan at isagawa ang mga
pamamaraan sa paggawa ng istensil.

7
Mga Kagamitan:
1. bond paper 3. gunting
2. kardbord 4. pangkulay na water color/
water based na pintura

Paggawa ng Istensil ng Pangalan


Pamamaraan:
1. Isulat sa kardbord ang iyong pangalan.
2. Gupitin ang mga titik na mag-iiwan ng mga butas sa kardbord.
3. Ang mga butas na ito ay magiging istensil at lalagyan ng kulay.
4. Ilagay ang istencil design sa ibabaw ng bond paper.
5. Lagyan ng kulay.
6. Marahang tanggalin ang istensil sa bond paper.
7. Patuyuin ang disenyo. Ang rubric sa ibaba ang siyang gagamitin sa
pagbibigay ng iyong marka.

Puntos Krayterya
5 Naisagawa ang paggawa ng istensil o stencil making na makulay
at maayos ang pagkakalikha ng disenyo.
3 Naisagawa ang stencil making ng maayos ang pagkakalikha ng
disenyo.
1 Naisagawa ang istensil na walang maayos na disenyo.

Tayahin – (Written Work)


Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Upang higit na maging maganda at makahulugan ang islogan at logo,
gumamit ng mga __________.
a. bato b. larawan c. kulay d. tubig

2. Suriin ang larawan. Ano ang tawag sa ganitong paglilimbag?

a. logo b. islogan c. stamp d. istensil

8
3. Ang ginamit sa disenyo ng larawan ay paglilimbag ng tatak. Alin ang
katawagan dito?

a. logo b. islogan
c. stamp printing d. istensil

4. Pag-aralan ang larawan. Ito ay ginamit upang makapaghatid ng mensahe


sa publiko. Ano ang tawag sa ganitong paglilimbag?

Ang a. logo b. islogan


Kalusugan ay c. stamp printing d. istensil
Kayamanan.
5. Ito ay isang poster. Alin ang tamang pangungusap na naaayon dito?

a. Ang mga basura ay itapon kung saan-saan.


b. Ang bata ay nagdodroga at siya ay masayang-masaya.
c. Iwasan ang bawal na gamot para sa kinabukasan.
d. Iwasan ang mga bisyo para sa magandang kinabukasan.

You might also like