You are on page 1of 5

Si Eula At Ang Mahiwagang Lagusan

Si Eula ay isang prinsesa sa isang kaharian sa Teyvat kung saan siya ay


tinitingala sa natatanging ganda. Siya ay anak ni Haring Barbatos at ni Reyna Regina.
Siya ang panganay na anak ng hari at reyna kaya naatasan siyang magkaroon ng
maayos na pag-uugali at husay sa Academia. Pero mas pinili ni Prinsesa Eula ang
pagliban sa klase upang pumunta sa iba’t ibang kagubatan sa kaharian ng Mondstadt
at kung minsan ay nalalamanm ng kaniyang magulang ang kaniyang pinaggagawa sa
tuwing siya ay pinapapasok ng kaniyang mga magulang.Ngunit sa araw ng kanilang
pagsusulit ay siyang lumiban naman sa klase upang pumunta sa gubat upang
maglibang at magsaya.

Ngunit sa paglalakbay niya sa gubat ay may nakita siyang nagsisiliparang mga


kumikinang na mgaq diwata at sa sobrang kausisaan niya ay kaniya itong sinundan
papasok sa isang lagusan. Sa pagpasok niya sa lagusan ay nakita niyang nagbagong-
anyo ang dalawang diwata at siya ay namangha sa ganda ng lugar. Ngunit nakita siya
ng dalawang diwata at nagtaka kung bakit andito ang isang bata na galing sa mundo
ng mga tao, Si Eula ay tinanong kung sino siya at bakit siya napadpad sa lugar na iyon
at sinagot na siya ay napunta doon sa lugar na iyon sa kadahilanang sa sobrang
pagiging mausisa niya ay sinundan niya ang dalawang diwata. Nagpakilala silang
dalawa kay Eula at sabi ng isang diwata ay “ako si Kiana ang diwata ng kagubatan eto
naman si Seele ang diwata ng buhay”

Habang sila ay nag-iikot sa kagubatan ng Sumeru ay patuloy na namamangha si


Eula dahil puno ng magaganda at nagsisilakihang bulaklak ang lugar. At habang sila
ay naglalakbay ay nakita na nila ang lagusan papuntang mundo ng mga tao ngunit
paglapit nila dito ay bigla itong naglahong parang isang bula. Sa patuloy nilang
paglalakbay ay may mga nakasalubong silang mga halimaw na tinangkang kunin si
Eula ngunit siya ay pinrotektahan ni Kiana at Seele gamit ang kanilang
kapangyarihan. At nakalabas sila ng buhay sa kagubatang iyon dahil sa tulong ng
dalawang diwata. At sa patuloy nilang paglalakbay ay nakarating sila sa Akademiya
de Mahika ng Sumeru kung saan ang tanging pinag-aaralan rito ay mahika at ang mga
mahihiwagang halaman sa Sumeru.
Sa pagbabasa nila sa mahiwagang aklatan ng Akademiya de Mahika ay may
mga nabasa silang mga libro na naglalaman ng isang mahalagang impormasyon
upang mapauwi si Eula sa mundo ng mga tao at nalaman nilang tatlo na isang
bulaklak lamang ito at ang pangalan ng bulaklak na ito ay Flower of Paradise Lost at
ang lokasyon nito ay nasa isla ng Enkanomiya kung saan ang islang ito ay
napapalibutan ng karagatan na puno ng mababangis na halimaw. Sila ay nagplano na
magpunta sa islang yun ngayong araw rin mismo at nagtanong-tanong na rin sa
pantalan ng kanilang masasakyang bangka ngunit ni isa sa napagtanongan nilang
bangkero ang gustong ihatid sila sa isla ng Enkanomiya dahil nasabi ng mga
bangkerong ito na may mga sirenang bumubutas ng mga bangka upang patayin at
kainin ang mga nakasakay sa mga bangka at barko.

Nakuwento rin ng mga kapitan ng mga barko na kahit gawa sa bakal ang
kanilang gamit na barko ay napapalubog at nasisira pa rin ito ng mga sirena dahil sa
kakayahan nilang akitin gamit ang kanilang ganda at kanilang boses na kahit ang mga
diyos ay naaakit sa kanilang nakakamatay na boses. Pero ng marining ng isang babae
kapitan ay agad niyang nilapitan si Kiana upang magpakilala at alukin ng sakay sila
Kiana. Ako si Kapitan Yelan handa akong isakay kayo papunta sa Enkanomiya. Sa
pagtahak nila sa karagatan ng Liyue at nagulat sila ng may mga nakita silang mga
sirena na lumalangoy sa tabi ng kanilang barko at nagulat rin sila sa ginawa ni Yelan
dahil siya ay gumawa ng isang malaking bula na gawa sa tubig upang hindi nila
marinig at maprotektahan nila ang kanilang barko sa matalim na mga kuko ng mga
sirena at ang kanilang mga magagandang boses.

Nagtataka si Seele kung paano nagawa ni Yelan na gumawa ng isang malaking


bula na gawa sa tubig kahit isa lang siyang pangkaraniwang tao. Ako ay hindi lamang
isang pangkaraniwang tao ako si Yelan ang diwata ng karagatan. At sila nga ay
nakararting na sa isla ng Enkanomiya at namangha sila sa ganda nito at nagulat sila ng
makita ang mga lumulutang na isla ng Ixtal at nasabi ni Kiana na mayroong tatlong
isla ang Ixtal. Ito ang Inazuma, Dragonspine at Enkanomiya ang pinakamalaking isla
at nagsisilibing pundasyon. Nakakita sila ng mga kitsune at mga dragon na pagala-
gala lang sa isla. At sa pagpasok nila ng kagubatan ay nakita nila ang bulaklak ng
Pale Flame ang bulaklak na ito ay may kakayahang magbigay ilaw o init tuwing
nakakaranas ng pag-ulan ng niyebe ang isla
Sumunod na bulaklak na kanilang nakita ay ang Vermillion Lily kung saan ito
ang mahika nito ay ang kakayahan nitong makapagpalabas ng mga kidlat at malalakas
na ulan. At nakita nila ang Crimson Witch of Flames kung saan ito ay may
kapangyarihang makapagpagaling ng kahit ano mang sugat sa pamamagatan ng mga
crimson flames. Sa dulo ay nakita na nilang apat ang tirahan ng diyosang si Aponia
ang tagapangalaga ng isla ng Enkanomiya, Siya ang Diyosa ng Pag-ibig at Poot.
Nakaharap nila si Aponia dahil siya ang bantay ng tarangkahan papuntang Inazuma at
nagulat sila ng lumabas ang isang diwata na nagngangalang Eden ang diwata ng
musika at kaniyang pinatulog si Aponia gamit ang kaniyang mahiwagang biyolin.

Sila ay nakapasok na sa tarangkahan ng Inazuma at nakita nila ang mga


nagsisigandahang puno at naisipan nilang magpahinga sa isang maganda at makulay
na puno sa gitna ng hardin ng Inazuma ngunit pagkagising nila ay may isang
malaking sphinx ang nakatabi sa kanila at may dala itong mga prutas at isa prutas na
dala nito ang Nymph’s Dream na kung saan makakatulong sa kanila upang makuha
kay La Signora ang bulaklak ng Flower of Paradise Lost ngunit ayaw ibigay ng
sphinx ang prutas ng Nymph’s Dream at binigyan ng isang kondisyon ng sphinx sila
Eula na dapat matalo nila ang nagbabantay ng tarangkahan papuntang Dragonspine
dahil ang tarangkahan ay hinaharangan ng diyos na si Apep ang primordial na diyosa
ng kadiliman at tinaong ni Eula kung bakit pinagagawa ng sphinx ang trabahaong ito
sa kanila.

Dahil si Apep ay nagdudulot ng matinding takot at pagkawasak ng paraiso at


ang punong kanilang nakita sa hardin ng Inazuma ay ang natatanging punong hindi
kayang lasunin ng kadilimang pinapakalat ni Apep. Sa pagkukwento ng sphinx ay
nakarating sila sa tarangkahan kung saan nakaupo ang primordial na diyosa ng
kadiliman na si Apep at hinamon siya ni Eden ngunit siya ay iniangat sa hangin at
biglang binato siya bigla sa isang malaking bato at nagkaroon ng isang sugat at
nagamit naman nila an Crimson Witch of Flames upang mapagaling si Eden. Ngunit
bago mapatay ni Apep ay biglang sumulpot ang diwata ng liwanag na si Lumine, at
pinatay si Apep gamit ang isang espada na may kapangyarihan na magpalabas ng
liwanag at ginamit niya ang mga sinag ng liwanag, at kaniya namang napatay si Apep.
Sila ay nakarating na at pinasalamatan ng sphinx sila Eula sa pagtulong sa
kanilang puksain at sirain si Apep at ibinigay na ng sphinx ang prutas ng Nymph’s
Dream sa kanila at sila ay nagpatuloy maglakbay. Sila ay nakarating na sa
tarangkahan ng pangatlong isla ng Ixtal at sila ay namangha sa ganda nito dahil sila ay
napapalibutan ng mga puno at bulaklak na gawa sa yelo at diyamante. Ngunit sa pag-
iikot nila sa buong isla ay nakasalubong nila ang grupo ng mga Abyss Magus na
kung saan ay alagad sila ng Diyosa ng yelo at apoy na si La Signora kung saan
inutusan sila na bantayan ng mabuti ang buong isla dahil sa tatlong isla ay ang tanging
Dragonspine ang natatangi at espesyal na isla dahil dito lang tanging namumulaklak
ang Flower of Paradise Lost, at maraming gustong kumuha ng bulaklak dahil upang
makapunta sa mundo ng mga tao..

Sila ay nahuli ng mga Abyss Magus at kinulong silang apat sa isang kulungang
gawa sa yelo pero nakatakas si Lumine at siya ay patuloy sa paghahanap ng maaaring
solusyon upang maligtas silang apat sa pagkakabihag ni La Signora at sa pag-iikot at
paghahanap ni Lumine ay nakasalubong niya si Nahida isa sa diyosa na
nangangalaga sa isla ng Dragonspine, at si Columbina ang Diyosa ng Kaayusan at
Kaguluhan. Ako ang orihinal na taga-pangalaga ng isla ng Dragonspine ngunit ako ay
pinagtaksilan ni La Signora at ako ay kanyang pinaalis sa kastilyo. Kaya tutulungan
kitang maligtas ang iyong mga kaibigan mula sa pagkakabihag ni La Signora

Sa paglalakbay nila papunta sa kastilyo ni La Signora ay marami silang


nakaharap na mga Abyss Magus at nagulat na lang sila Lumine na may lumitaw na
isang mandirigma na nagngangalang Kaeya sa mga Abyss Magus at nagtanong
silang dalawa kung bakit sila niligtas nito dahil napansin ni Kaeya na kayo lang ang
magpapalaya sa lugar na ito mula sa malupit na reynang yan. Sila ay nakapasok na sa
palasyo sa gitna ng Dragonspine, at nakita nila si La Signora nakaupo sa isang trono
na gawa sa yelo at apoy. At nang makita ni Columbina si La Signora ay hinamon niya
ito sa isang laban kung saan ang matatalo ay isusuko ang trono at ang korona.

Si Kaeya at Lumine naman ay mabilis na tumakbo upang kunin ang susi at iligtas
sila Eula at Eden sa kulungan, at ligtas naman nilang napalaya silang apat at pumunta
na sila sa trono kung saan ay nagkakaroon ng labanan ng dalawang diyosa at nakita
nilang nahihirapan si Columbina kaya naisipan nilang tulungan ito at ipinakain ni
Yelan ang prutas na Nymph’s Dream at ito ang nakatulong upang mapakalma si La
Signora at ibinigay naman ni Columbina ang Flower of Paradise Lost kila Eula at
itinuro niya na sa pinakatuktok ng Palasyo ay dapat nilang itusok ang bulaklak upang
magpakita ang isang hagdanan papuntang lagusan ng mundo ng tao at sila nga ay nasa
tuktok na ng palasyo. Sila ay nagpaalam na kay Eula at sinabihan nilang lima na
magkikita silang anim muli. Si Eula ay nakabalik na sa mundo ng mga tao kung saan
ay nakita na siya ng hari at reyna na nakangiti at nagagalak na makita ang magulang.
Si Haring Barbatos at Reyna Regina ay nagagalak makita na ligtas ang kanilang anak
at walang kahit anong kapahamakang nangyari sa kaniya.

You might also like