You are on page 1of 1

Batang lider

Ni Princess Jhebel M. Anicete

“ Bago ka maging isang lider, ang tagumpay ay tungkol sa paglaki ng iyong sarili. Kapag naging
lider ka, ang tagumpay ay tungkol sa pagpapalago ng iba.”- Jack Welch
Musmos man ako kung tawagin o maliit man sa paningin ng marami, kinakaya kong
itayo ang aking sarili sa pamamagitan ng lakas ng loob at dalangin. Batid ko na ako ay bata pa
lamang. Marami pa akong kinakailangan matutunan mula sa aking mga guro, magulang at sa
mga nakatatanda.
Gayunpaman, malaking pasasalamat ang aking hatid sapagkat ako’y pinagkatiwalaan
upang mamuno sa paaralan. SPG President, ito ang pinakamataas na pamumuno na aking
ginagampanan. Lahat ng mga aktibidades ay aking pinangungunahan kasama ang aking mga
kapwa opisyales. Hindi lamang karunungan ang kailangan upang maging isang lider. Naroon
dapat ang puso upang maging balanse ang lahat at makakamit ang tiyak na tagumpay .
Oo, ako ay “batang lider”. Hinubog ng aking munting karanasan.

You might also like