You are on page 1of 5

Kabanata III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong

ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos. Ipinakita rin sa kabanatang ito ang mga

kwestyoner o talatanungan na aming ginawa para sa aming sarbey.

Disenyo ng Paglalahad

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik na ito ay Descriptive Research Design dahil

inaaangkop ito sa mga negatibong epekto ng video games sa pag-uugali ng kabataan. Marami

itong negatibong epekto sa mentalidad, kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao.

Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin, kaisipan at

pananaw ng mga tao sa mga maaaring maging negatibong epekto ng video games sa pag-

uugali ng kabataan. Nais rin ng pananaliksik na masuportahan ang mga naunang pahayag ng

mga nag-aral tungkol sa mga epekto ng nasabing usapin. Ang pag-aaral ay isasagawa sa

siyudad ng Masbate. Ang mga taong ipapanayam ay mga piling kabataan mula sa siyudad ng

Masbate na nasa kaedarang 10 at pataas. Ang mga datos na makukuha ng pananaliksik na ito

ay mga impormasyon na magmumula sa mga mag-aaral mula ikalimang baiting sa

elementarya hanggang senior high school. Sa tatlumpo’t isang (31) barangay sa siyudad ng

Masbate ay kukuha ng sampung kabataan sa bawat barangay upang maging respondente.

Bilang kabuuan, magkakaroon ng tatlong daan at sampu (310) na bilang ng respondente sa

napiling pag-aaral. Kasabay nito ang paggamit ng purposive sampling kung saan

magkakaroon ng espisipikong pamimili ng mga magiging respondente upang maisigurado na

ang mga respondenteng makukuha ay may mga karanasan sa paglalaro ng iba’t ibang video

games.
25

Populasyon ng Pag-aaral

Ang mga kalahok na maaring sumagot sa aming talatanungan ay mga kabataang nag

lalaro ng video games sa siyudad ng Masbate. Ang kabuuang bilang ng mga kabataan sa

Siyudad ng Masbate ay 22,468.

Respondente

Sa 22,468 na bilang ng mga batang maaring maging kalahok ay kukuha lamang kami

ng 310 na kalahok na bibigyan ng talatanungan kung saan ay hahatiin sa 31 na barangay na

magbibigay saamin ng 10 batang naglalaro ng video games bawat barangay. (PhilAtlas,

2015)

Instrumento

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o talatanungan na

ibinigay sa 310 na kabataang naglalaro ng video games sa siyudad ng Masbate. Ang

talatanungan ay binubuo ng 5 na katanungan at ipinasagutan sa mga respondente. Ang unang

klase ng tanong na ginawa ay maramihang pagpipilian (multiple choice) upang mas makilala

at makakuha kami ng tiyak na sagot na umaangkop sa ginawang pananaliksik. Ang

pangalawang klase ng tanong na ginawa ay dikotomiya (dichotomous) upang mas maging

malalim at mas makuha naming ang wastong kasagutan na hinahanap upang mas mapadali

ang pagtatapos ng paggawa ng pananaliksik na ito.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sinasagot ng mga kalahok ang aming talatanungan sa pamamgitan ng pagpili ng titik

ng kanilang napiling sagot, pag tsek ng mga sagot na kanilang napili, at pag sasalaysay ng
25

kaninalang sariling sagot sa aming ginawang katanungan na nasa talatanungan. Sa kabuuan,

ang instrumentasyong ginamit ang siyang nagbigay daan upang makakuha ng mga datos na

maaaring makasuporta sa aming tesis.

Prosidyur sa Pangangalap ng Datos

Ginaawa ang mga tanong noong ika 31 ng Enero 2023

Nagawa ang tanong na naka tuon sa espisipikong tanong na ginawa

pagsasaayos ng mga instrumento upang maitama ang


pagkakasunud-sunod ng mga tanong at upang matiyak ang
kaangkupan ng mga tanong sa mga suliraning nais lutasin ng
mga mananaliksik.

paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok. Personal na


pinamahalaan ng mga mananaliksik ang pangangasiwa ng mga
talatanungan sa bawat kalahok at nagbigay ng tamang mga
tagubilin sa sagot upang makuha ang angkop na tugon. Ang mga
instrumento ay kinolekta at ang mga sagot ng bawat kalahok ay
inihambing at pinagsama-sama.
25

Pigura 3

Istatistikal na Tritment ng Datos

Ang istatistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay pagkuha ng porsyento o

bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Ang paraan o ang proseso ng

pagkuha ng posryento.

Pormula:

Tp - Kabuuang bilang ng Ropulasyon

Tr – Kabuuang bilang ng Respondente

P – Porsyento

Tr
P=( ) 100
Pp
25

Sanggunian

PhilAtlas, 2015. 17-Jan-2023. halaw mula sa.https://www.philatlas.com/luzon/r05/

masbate/masbate-city.html

You might also like